Chapter 30
CHAPTER 30
"WELCOME back, Senyorito at Senyorita!"
Nakangiting mga mukha ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa foyer ng mansyon. Ngumiti lang ako nang tipid saka humalik kay Nanay Sol.
"May pasalubong ba kami?" untag ni Susana. Tumango lang ako at inginuso si Ismael na kasunod naming pumasok. Siya ang nagbuhat mula sa kotse ng mga pasalubong galing sa Iloilo. Pumunta kasi kahapon si Mama sa Biscocho Haus para may madala akong pasalubong ngayong araw.
"Oh? Kumusta naman ang biyahe ninyo?" tanong ni Nanay Sol. Maging siya ay nakangiti rin. Tila inabangan talaga nila ang pag-uwi namin galing Iloilo ngayong araw.
"Wow! Galing Biscocho Haus!" galak na tili ni Milagros. Bahagya ko lang silang sinulyapan nang mag-unahan sila sa pagkuha ng mga pasalubong sa kamay ni Ismael. Muli akong bumaling kay Nay Sol.
"Ayos lang ho, Nay. Sige ho, magpapahinga na muna ako."
Nawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Sabay-sabay silang napangiwi nang mapansin nilang wala talaga akong balak magkuwento. Ngunit hindi ko na inalala ang kanilang mga reaksyon.
"Love, would you want to-"
Hindi na ako lumingon pa kahit na kinakausap ako ng lalaking kanina pa nakabuntot sa akin mula pagkababa ko pa lang ng kotse. Dumiretso ako sa pagtunton ng hagdan papanhik sa kuwarto sa itaas.
"Love, wait up!"
Inignora ko ang kanyang pagtawag saka dire-diretsong pumasok ng kuwarto. I locked the door when I entered.
"Love?" dinig kong sunod-sunod niyang katok.
I grimaced. Bahala siyang kumatok maghapon.
Pinagulong ko papuntang tapat ng closet ang trolley na bitbit ko kanina saka lumabas ng veranda. Sumandal ako sa railings saka dinukot ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon.
Unang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Oh, anak? Nakarating na kayo diyan sa Negros?"
"Yes, Ma. Kararating lang namin dito. Salamat po pala ulit sa ipinadala ninyong pasalubong. Mukhang natuwa at nagustuhan ng mga kasamahan ko rito."
"Walang anuman, anak. Pera mo naman ang ginamit kong pambili ng mga iyon. Siya nga pala, bakit naman tumawag ka kaagad? Sana nagpahinga ka muna."
"Ayos lang, Ma. Magpapahinga naman ako kaagad pagkatapos nito. Tumawag lang ako para ipaalam na nandito na kami. Pakisabi po kina Zabelle at Zac ang bilin ko sa kanila huwag nilang kaliligtaan."
Natawa si Mama si sinabi ko.
"Ikaw naman, anak, masyado kang estrikta sa mga kapatid mo. Huwag kang mag-alala, kahit may kanya-kanya nang selpon ang dalawang 'yan tinitiyak ko sa 'yong hindi nila pababayaan ang kanilang pag-aaral."
I let out a sigh. Iyon ang ikinasasama ko ng loob kay Timothy Hugh. Binilhan niya rin kasi ng cellphone si Zac kahit hindi naman kailangan. Nababahala lang ako na baka dahil doon ay makakaligtaan nila ang pag-aaral kaka-cellphone. Isa pa, pakiramdam ko'y napakawalang kuwenta kong Ate sa mga kapatid ko sapagkat ni cellphone ay hindi ko sila mabilhan. Nakapanliliit ng pagkatao. Ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan ng mga Bustamante.
"Nga pala, anak. Nagkausap ba kayo ng kaibigan mo bago ka umalis?" biglang tanong ni Mama.
"Si Divina ho?"
"Aba'y, oo. May kaibigan ka pa bang iba bukod sa kanya? 'Di ba wala naman?"
Nasapo ko ang aking noo. "Iyon nga, Ma. Nakalimutan ko nang dumaan sa kanila kasi kahapon pa siya hindi nag-re-reply, eh. Bakit mo naman natanong, Ma? Pumunta ba siya diyan?"
"Hindi naman, 'nak. Nakita ko lang siya kanina habang pauwi ako mula sa pier. Eh, nagtataka lang ako. Parang lumaki kasi ang balakang niya kumpara sa huli kong kita sa kanya. Buntis ba 'yon?"
Napasinghap ako sa itinanong ni Mama. "Mama talaga, baka nananaba lang 'yong tao kasi siyempre wala nang masyadong stress sa pag-aaral. At saka, sexy naman si Divina, Ma."
"Hindi ko naman sinasabing hindi siya sexy. Napansin ko lang kasi medyo lumaki ang balakang niya kumpara noong huling kita ko sa kanya. 'Di ba nga pareho kayong payat no'n?"
Natawa ako kay Mama. Nakapatsismosa rin minsan. "Mama talaga. Iyong mga ganyang bagay hindi ninyo dapat iniisip masyado. Hayaan n'yo ho tatawagan ko naman talaga mamaya si Divina."
"Sige, anak. Pasensya na. Sige na, magpahinga ka na diyan."
Nagpasalamat muna ako kay Mama bago ibinaba ang tawag. Napatingin ako sa ibaba. Nakita kong may dalawang guwardiyang nag-uusap sa gazebo. Pinahigpitan talaga ni Timothy Hugh ang security noong umalis kami.
Sumandal ako sa railings paharap sa kuwarto ko saka tinawagan ang numero ni Divina ngunit hindi siya sumasagot. Nalukot ang aking noo, dati naman wala pang sampung segundo nasasagot na niya agad ang tawag ko.
Muli akong nag-dial ngunit inabot na ng limang beses wala pa ring sagot mula sa kanya. Naisipan ko na lamang na magpadala ng text message.
Uy, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?
Baka nga busy talaga siya lalo na at nagpapa-ranking na siya sa DepEd. Tatawagan ko na lamang siya ulit bukas.
Ibinulsa ko na lamang ang cellphone ko't muling pumasok sa kuwarto. Ngunit gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nakaupo na sa kama ko ang lalaking iniiwasan ko kanina pa.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" asik ko. Sumandal ako sa pader saka humalikipkip.
He smirked at me. Itinaas niya ang duplicate keys kaya napasimangot ako. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya't sobrang lapit ng aming mga mukha.
He trapped me by his both hands.
"I'm sorry. Please talk to me."
Umiwas ako ng tingin. "Nag-uusap na tayo."
"But you're still mad at me. I'm sorry. Please forgive me, Love?" Lumamlam ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Layo ka nga! Layo!" I pushed him hard which made him move a little. Pumaling ang kanyang ulo't napahawak sa kanyang baba. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha na siyang ikinatigil ko.
"Look, I just want us to talk. Iyong hindi ka galit," malumanay niyang saad. Napahilamos siya ng kanyang mukha.
"Ikaw kasi pinapangunahan mo ako sa pamilya ko. 'Di ba ang sabi ko huwag mo nang bilhan ng cellphone si Zac, pero binilhan mo pa rin. At akala mo naman hindi ko alam na nag-abot ka ng pera kay Mama?"
"So what? They're your family, Zia Lynn. Hindi sila iba sa akin." He ruffled his hair with his fingers. Tila nagtitimpi. Siya pa ngayon ang galit.
"Hindi pa ba sapat na in-enroll mo ako sa Review Center?"
"That was a scholarship," he countered.
"Shut up, Timothy Hugh! Alam natin pareho na hindi iyon scholarship. Ginawa mo iyon dahil naaawa ka sa akin. Ginawa mo iyon dahil girlfriend mo ako. Puwes, pagtatrabahuhan ko ang lahat ng iyon."
Nalaglag ang kanyang panga at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya.
"I don't get what you are trying to tell me, Love. I just wanted to help you reach your dreams. What's wrong with that?"
"What's wrong? Naririnig mo ba ang sarili mo, Timothy? Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ng mga tao sa pamilya ko? Na jackpot kami sa 'yo dahil mayaman ka. Nakabingwit daw ako ng malaking isda sa dagat! Wow! Ang suwerte-suwerte ko raw kasi maiaangat ko na ang pamilya ko sa hirap. Alam mo ba ang pakiramdam na masabihan nang gano'n? Hindi mo kasi nararamdaman ang nararamdaman ko!"
Nahilot ko ang aking sentido nang biglang sumakit ang ulo ko. I pressed my eyes to stop my tears from falling, but I failed. He closed the distance between us.
"I'm sorry, Love. I didn't mean to make you feel that way," pag-aalo niya sa akin.
Umiling ako saka niyakap siya pabalik. "Nakapanliliit lang kasi ng pagkatao."
"Please stop listening to what other people say. Kasi hindi naman gano'n ang tingin ko sa 'yo. I just want to take care of you. And part of is doing everything I can do to help you. Wala akong pakialam kung maubos man ang kayamanan ko. Ang mahalaga kasama kita at mahal mo ako."
Tinampal ko siya dibdib. Iyon yata ang pinakamahaba niyang sinabi.
"Pero hahayaan mo pa rin akong magtrabaho. Para mabayaran ko ang lahat ng inutang ng pamilya ko sa 'yo. At para-"
"Aish, fine! If that will give you a peace of mind, feel free. Just don't load yourself with so much work para hindi ka mahirapan," putol niya sa sasabihin ko. Kinurot ko siya kaya napakislot siya nang bahagya.
"Basta katulong mo pa rin ako. Tapos ang usapan."
Tawa lang ang kanyang itinugon.
We hugged each other for a couple of minutes before we let go.
Tatlong araw na lamang at magpapalit na ng taon. Apat na araw rin kasi kaming namalagi sa Iloilo. Timothy has already enrolled me in a private review center. Pero sa Abril pa talaga bago ang simula ng review. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawan ng paraan.
"Binuksan na nina Milagros ang mga regalo noong Pasko. Hindi na sila makapaghintay ng bagong taon," kuwento ni Nanay Sol kinaumagahan. Naabutan ko siyang nagkakape sa kusina, kausap sina Kuya Ramon at Ismael.
Napansin ko ngang kaunti na lamang ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. Iyon siguro ang para sa amin ni Timothy.
"Si Senyorito Gaston ho? Hindi umuwi rito?" tanong ko.
"Ay naku, ewan ko sa batang iyon. Tumawag lang para bumati. Nagpadala naman siya ng cash bonus para sa ating lahat. Iyong para sa 'yo nasa kuwarto ko. Kukunin ko mamaya para maibigay ko sa 'yo."
"Ho?"
Naibaba ko ang hawak ko ang mug ng kapeng iniinom ko.
"Bakit naman ho nagbigay pa si Senyorito Gaston? 'Di ba may ibinigay naman sa atin si Timothy?"
"Naku, masanay ka na. Si Gaston kasi napakaabala ng batang iyon. Wala na raw siyang panahon magpabili ng regalo kaya cash bonus muna ngayong taon. Babawi raw siya sa susunod."
Napailing ako. Mabuti na lamang pala at sumama sa akin sa Iloilo si Timothy. Atleast naranasan niyang mag-Noche Buena kahit nalasing siya ng lambanog.
"Tulog pa ho ba ang tatlong Maria?"
Lumingon ako sa bungad ng dining area. Wala pang pumapasok na anino ng tatlo rito sa kusina. Malamang tulog pa nga ang mga iyon.
"Mayamaya andito na ang mga iyon."
Hindi nga nagkamali si Nanay Sol sapagkat biglang sumulpot si Milagros na bagong ligo. Kasunod niya sina Dionesa at Susana.
"Good morning, Senyorita!" bungad nilang tatlong sa akin. Inikutan ko sila ng aking mga mata. Hindi ko alam kung seryoso ba sila sa pagtawag sa akin nang gano'n o sadyang tinutukso lang nila ako.
"Good morning, Nanay Sol."
"Buti naman gising na kayo. Sabi ni Senyorito kanina palitan n'yo raw ang mga kurtina sa buong mansyon. At ikaw, Susana, pakilinis ulit ng swimming pool kasi may lumipad na namang mga tuyong dahon doon."
"Oho, Nay."
"Ay, ako na ho ang maglilinis, Nay. Wala naman na akong gagawin dahil tapos na akong maglinis sa itaas," untag ko. Pagkagising ko kasi kanina ay inuna ko nang linisin ang dalawang silid sa itaas kahit malinis naman na talaga.
"Ang aga mo namang nagtatrabaho kasi, hija. O siya, sige. Susana, tulungan mo na lang si Dionesa sa pagpapalit ng mga kurtina. Kami na ang magluluto ni Milagros. Mayamaya babalik na rito si Senyorito Timothy mula sa rancho."
Tumango kami at nagpatiuna na. Kung maaga akong nagigising, mas maaga naman ang lalaking iyon. Hindi ko na nga siya naabutan. Napakasipag niya talagang magtrabaho.
Pagkatapos kong hugasan ang mug na ginamit ko'y lumabas na ako para linisin ang pool. Tinunton ko ang hardin para sa sana tumungo roon ngunit iba ang aking nakita sa gilid ng pool.
Si Raquel pilit hinuhuli ang mga labi ni Timothy!
"Raquel, stop it!" untag ni Timothy at pilit inilalayo sa kanyang sarili ang babae.
"Mahal kita, Timothy! Handa akong ibigay sa 'yo pati ang pagkababae ko!" ani Raquel sabay yapos kay Timothy.
Nanindig ang balahibo ko't napasinghap ako. Nakuha ko marahil ang kanilang atensyon dahil sabay silang bumaling sa aking direksyon.
"Love?"
Mabilis niyang itinulak si Raquel saka inilang hakbang ang aking kinaruruonan. Napaatras ako't napatakip ng aking bibig.
"Love, it's not what you think it is. Let me explain." Horror was evident on his face.
Nilagpasan ko siya ng aking tingin saka itinuon ang aking atensyon kay Raquel na ngayon ay nakangisi sa akin. She grinned at me mischievously.
"Love, mali iyong nakita mo. Wala akong ginawa, okay?" Timothy tried holding my hand. Tinulak ko siya nang bahagya saka tinakbo ang kinaruruonan ni Raquel.
"Pikon na pikon na ako sa 'yo!" malakas kong singhal bago siya itinulak sa pool.
"Aaahhh!"
Napatili siya't nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin matapos niyang lumitaw sa gitna.
"Hayop ka, Zia Lynn!" sigaw niya habang umaahon mula roon.
"Ikaw? Anong klaseng hayop ang tawag mo sa sarili mo, ha? Overqualified ka kasing maging linta! Mas masahol ka pa ro'n!" Dinuro ko siya. Hindi ko alam ngunit nandidilim ang paningin ko sa kanya.
"Love, that is enough. Let's go." Naramdaman kong hinawakan ako ni Timothy sa siko.
"Hindi! Kailangan maintindihan ng babaeng iyan na mali ang ginagawa niya! Sumusobra na siya, Timothy!"
"Ikaw ang sumusobra, Zia Lynn! Nilason mo ang utak ni Timothy kaya nagbago siya ng pakikitungo sa akin!"
At humirit pa talaga ang babaeng ito! Ang sarap niyang budburan ng asin.
"Aba't!"
"You fucking stop, Raquel! Don't you dare point your fingers to Zia Lynn. Leave!"
Dumagundong ang boses ni Timothy kaya't maging ako ay natigilan. Natauhan lang ako nang walang anu-anong binuhat niya ako na parang bagong kasal.
"Uy, teka! Ibaba mo ako!"
Hindi siya nakinig. Dire-diretso siyang pumasok sa pintong nasa opisina niya sa saka lumabas ulit at lumusot sa sala. Nasa kusina pa marahil ang mga kawaksi dahil walang tao sa sala.
"Uy, Bustamante! Ibaba mo ako. Ano ba?" singhal ko sa kanya. Hindi pa kasi ako tapos kay Raquel. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya para matauhan siya na hindi niya maaagaw sa akin si Timothy.
Nakahinga ako nang maluwag nang ibinaba niya na ako sa gitna ng kuwarto pagkapasok niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Napapikit ako nang maalalang muntik nang magdikit ang mga labi nila kanina ni Raquel.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Now, I understand why you've been so grumpy," aniya. Sinundan niya iyon ng ngiti.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Kailangan ko pang kausapin si Raquel!"
I walked past him, but he captured my waist. "Not so fast, Love."
"Ano ba? Bitiwan mo ako! Kakalbuhin ko pa si Raquel!" Nakayakap na siya ngayon sa aking likod.
"I will let you do it, but please go use a sanitary pad. May tagos ka."
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na kumalas sa kanyang pagkakayapos. Humarap ako sa direksyon niya para hindi niya makita ang aking likuran.
"Labas!" singhal ko sa kanya. Itinuro ko ang pinto. Tawa siya nang tawa sabay taas ng kanyang mga kamay tanda ng pagsuko.
Ang loko-loko hindi sinabi kaagad. Buti na lamang at walang ibang lalaki kanina sa ibaba.
Dahil doon ay dalawang araw ko siyang hindi kinakausap nang maayos. Sa tuwing magtatagpo kasi ang aming mga mata'y pakiramdam ko inaasar niya ako. At infairness, tama siya. Mabilis uminit ang ulo ko kapag mayroon ako. Parang nagiging ibang tao kapag may dalaw ako.
"Ang aga n'yo naman hong nagising lahat," puna ko aking mga kasamahan noong isang umaga. December 31 na kaya mamayang gabi ay sasalubong na kami ng bagong taon. Pagkagising ko kanina'y tumawag ako kina Mama pero walang sumasagot. Abala rin siguro sila kakaluto ng handa para mamayang gabi.
I also tried calling Divina. Pero katulad noong nakaraan ay hindi niya sinasagot. Pero nagpadala siya ng isang text message na sa susunod na lang daw kami mag-usap dahil busy siya.
"Gano'n talaga kapag magbabagong taon dito, anak. Isa pa, may party kasi mamayang gabi para sa mga trabahador ng hacienda."
Napatango-tango ako. Kaya siguro bago lahat ng mga kurtina, pati sa mga kuwarto sa itaas ay pinalitan.
"Si Timothy ho ba nakita ninyo?"
Hindi ko kasi siya nakita. Nakasanayan na niya talagang maglibot sa buong hacienda bago pa man ako magising.
"Nasa labas ng mansyon. Tinitingnan ang mga party tent sa lawn kung maayos na."
"Sige ho. Salamat."
Tumalima naman ako para puntahan siya. Nakokonsensya na kasi ako sa pagsusungit ko sa kanya kaya gusto ko siyang kausapin. Iiwan ko na sa taong ito ang lahat ng sama ko ng loob.
Naglakad ako pabalik sa sala para puntahan siya ngunit napatulala ako sa aking nakasalabuong sa foyer.
"Surprise!"
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top