Chapter 26

CHAPTER 26

"MAGTATAMPO ang mga kapatid mo kung hindi ka makakauwi sa Pasko. Umaasa pa naman sila na makakasama ka namin ngayon."

Tila may bumara sa aking lalamunan pagkatapos kong marinig iyon mula kay Mama. Hindi agad ako nakasagot. Tinawagan ko kasi siya. Nasa eskuwelahan sa sina Zabelle at Zac kaya si Mama ang nakasagot ng tawag ko.

"Anak, alam mo naman kung gaano kahalaga sa atin na makumpleto sa bawat okasyon, 'di ba?"

Napangiti ako nang mapait. Gusto ko rin naman silang makasama.

"Sa totoo lang nami-miss ko na kayo, Ma. Si Papa nga po pala?"

"Nasa labas, nagpapatuka ng mga manok."

"Alam na ho ba niya, Ma?"

Rinig ang pagbuntonghininga ni Mama sa kabilang linya. "Oo, pero alam mo naman ang Papa mo. Basta siguraduhin mo lang na ligtas ka diyan at walang anumang sakit."

"Oo naman, Ma. Ayos lang ako rito."

"Oh, siya sige. Mag-aayos na ako ng mga paninda, kaaalis lang ng mga kapatid mo. Mag-iingat ka parati diyan, Zia Lynn."

"Yes, Ma. Mag-iingat din po kayo. Bye, Ma."

Napatitig ako sa keypad ng cellphone pagkatapos kong maibaba ang tawag. I was tempted to call Divina as well, then confront her about the setup scheme she did. Pero napagdesisyunan kong kausapin na lamang siya kapag nakauwi na ako sa amin.

Pagkatapos kong isalansan ang kama ko at maligo ay lumabas na muna ako ng kuwarto. Mag-a-alas otso na ng umaga. Tiyak na abala na ang mga tao sa ibaba.

Napatitig ako sa pinto ng kuwartong katabi ng kuwarto ko. Napakatahimik. Parang walang bakas ng may-ari nito.

Pagkatapos kong sabihin sa kanya kahapon na gusto kong umuwi sa Iloilo ay hindi siya sa sumagot. He walked out. Hanggang sa hapunan ay hindi siya sumabay sa amin sa pagkain.

Napatigil ako sa paglalakad pababa nang hagdan saka napatitig sa Christmas tree sa paanan nito. It's still lit up with Christmas lights. Buhay na buhay ang Pasko rito sa mansyon. Marami ring mga regaling nakalagay sa ilalim nito. Hindi pa nga ako nakalalagay dahil hindi pa ako nakapamili. Ilang araw na lang ay Pasko na.

Nasaan kaya ang magaling naming amo?

Baka maaga na naman naglibot sa hacienda.

Dumiretso ako sa kusina at doon ay naabutan ko silang nasa harap ng hapag pero walang umiimik. Puro seryoso ng mukha.

Si Milagros ay nakatulala habang nag-si-stir ng kape sa mug niya.

Sina Susana at Dionesa naman ay parang namatayan habang kumakain ng pandesal. Mukha silang nalugi sa sugalan. Higit sa lahat, si Nanay Sol, tahimik siyang kumakain din pero hindi niya man lang ako inalok kumain. Tinapunan niya lang ako ng tingin saglit bago bumalik sa pagkain.

Everyone's acting weird.

"Anong—"

Napatigil ako nang biglang pumasok sa exit door ng kusina ang aming amo. He's on his usual attire kapag naglilibot sa hacienda.

"Good morning!" I greeted with all smile.

Kahit na tanggap ko nang kami na ulit ay hindi naman ibig sabihin na titigil na ako sa pagtatrabaho bilang kawaksi rito. Kahit na ilang beses na akong pinagsabihan nina Nanay Sol. My relationship status has nothing to do with my job.

Napangiwi ako nang hindi rin ako pinansin ni Timothy Hugh. Blangko rin ang kanyang mukha. Mukha siyang galit na hindi ko maintindihan.

Nasundan ko siya ng tingin nang kumuha lang siya ng tubig sa dispenser saka uminom.

"Kumain ka na ba? Ipaghahain kita."

"I'm full," malamig niyang tugon. Ni hindi man lang niya ako tiningnan.

"Gano'n ba? Sige, ipagtitimpla na lang kita ng kape—"

"I already had one a while ago," he said cutting me off. Natameme ako.

Nahigit ko ang aking hininga. I just watched his movements when he put the glass on the sink then turned his back. Nahiya ang yelo sa sobrang lamig niya.

I blew a deep breath when he's out my sight. Muli kong binalingan ang mga kasamahan kong kawaksi. Gano'n pa rin ang mga mukha nila, parang galit sa mundo na hindi maintindihan. Mana-mana sa amo, gano'n?

"Anong nangyayari sa inyo? Mukha kayong namatayan," untag ko.

Wala pa rin reaksyon. Si Nanay Sol ay tumayo na saka dinala sa lababo ang kanyang plato matapos kumain. Weird. Madalas naman ay hinihintay ang lahat na matapos sa pagkain bago dalhin ang mga plato sa lababo para hugasan.

"Uy, nandito ako. Anong nangyayari sa inyo?"

Hindi na ako nakatiis kaya't tinapik ko sa balikat si Milagros. Doon lang siya natauhan. Napakurap siya at napatigil sa paghalo ng kanyang kape sa tasa.

"Oh? Nandiyan ka na pala, Senyorita," walang gana niyang tugon. Iminostra niya ang katabing upuan para makaupo ako. Inirapan ko siya sa kanyang itinawag sa akin.

Sa tuwing nandirito ang aming amo ay madalas sa komedor kumakain ang lahat nang sabay-sabay, ngunit himalang nandito sa sa lamesang nasa kusina.

"Kanina pa ako nandito, ngayon mo lang napansin?"

"Sorry." Napakamot siya sa ulo. Sumimsim siya sa kanyang kape.

"Susana? Dionesa? Nag-e-enjoy ba kayo sa kinakain ninyo?" untag ko sa dalawa. Tango lang ang itinugon nila sa akin. Walang kabuhay-buhay.

Kung Si Timothy Hugh ang pag-uusapan, alam ko kung bakit gano'n siya umasta. Tiyak na nagtatampo siya sa akin. Balak ko naman talaga siya kausapin pero mamaya na. Nagtataka lang akong pati ang mga kawaksi rito ay parang walang buhay kung magsalita.

Nakita kong lumabas ng kusina si Nanay Sol.

"Ano ba talagang nangyayari sa inyo? Bakit sambakol ang mga mukha n'yo?"

Lumabi si Milagros. "Si Senyorito kasi hindi pa pini-pirmahan ang cheque ng bonus natin. Hindi tuloy mare-release. Ilang araw na lang Pasko na."

I huffed and covered my mouth. "Balak sana namin tanungin kanina e mukhang bad trip pa rin siya. Actually, kagabi pa siya bad trip. Kaya nga nabasag ang TV sa sala. Nakainom yata siya. Tapos naihagis niya ang cellphone niya noong may kaaway yata sa tawag."

Ako naman ngayon ang napalabi. Akala ko kaya malamig ang pakikitungo no'n sa akin ay dahil sa sinabi ko kahapon. Iyon pala dahil sa kausap niya sa cellphone.

"Pero 'di ba kabibigay lang din ng 13th month pay natin?"

Natuwa nga ako dahil mayroon din ako kahit bago pa lang ako.

"Ubos na," sabay na tugon nina Susana at Dionesa.

Paanong hindi mauubos e ang dami nilang pinamili. At siguro nagpadala rin sa kani-kaniyang pamilya.

"Akala ko kasi 13th month pay lang ang ibibigay nila, hindi ko alam na may bonus pa pala," komento ko.

"Meron nga, kasasabi lang noong nakaraan ni Senyorito Timothy." Si Susana ang sumagot. Ang mukha niya parang babaeng pinaasa ng prince charming niya tapos na-hopia.

"Hayaan n'yo, susubukan kong mag-follow up sa kanya mamaya?" untag ko.

"Talaga? Gagawin mo 'yon?" Parang ilaw na biglang nagliwanag ang kanilang mga mukha.

I nodded my head and gave them a warm smile. Though I am not sure how am I gonna do it.

"Pero teka, bakit pati si Nanay Sol mukhang masama ang loob? 'Di ba dapat siya ang nakakaalam kung mabibigyan tayo ng bonus?"

"Hindi naman iyon ang ikinakasama ng loob niya, eh."

Nangunot ako. "Eh, ano?"

"Hindi niya napanood kagabi ang finale ng teleserye na inaabangan niya araw-araw. Nabasag kasi ang TV." Si Milagros ang sumagot.

"Sa madaling salita, si Senyorito Timothy ang salarin."

Nasapo ko ang aking noo. Ang laki ng problema nila.

May iba pa namang TV rito sa mansyon pero nasa master's bedroom, at sa mga silid ng magkakapatid.

"Oh, siya. Sige maiwan ko muna kayo."

Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Nagmartsa ako papasok ng komedor at nagdire-diretso sa sala para hanapin ang aming amo. Wala siya roon, malamang nasa kuwarto niya o 'di kaya ay nasa library. Sumilip muna ako sa opisina niya rito sa baba para makasigurado bago ako pumanhik sa hagdan.

Dumiretso ako sa library, wala siya roon kaya't agad ko ring isinara ang pinto. Ibig sabihin ay nasa kuwarto niya lang siya.

Bumalik ako sa pasilyo papuntang kuwarto niya. Doon ko lang napagtanto na hindi ko rin pala alam kung paano ko sisimulan ang pagkausap sa kanya.

What should I say to him?

"Senyorito, asan na bonus namin?"

I laughed inwardly. That was crazy of a question.

I inhaled deeply. I gathered all the courage I have before knocking the door twice.

Napakatahimik talaga rito sa taas.Naghintay ako ng dalawang minuto para bumukas ang pinto ngunit walang nangyari.

I knocked again. Twice.

Wala pa rin. Pinihit ko ang pinto ngunit naka-lock.

Baka tulog?

Hindi naman siguro. Umagang-umaga matutulog siya ulit?

I knocked again for the third time. That's when the door opened, revealing a freshly bathe Timothy Hugh. Naka-navy blue board shorts siya na pinaresan ng puting sando.

Agad na nanuot sa ilong ko ang kanyang amoy. Kinailangan ko pang pigilin ang aking sarili na mapapikit. I always love his smell. I gulped hard when my eyes landed on his chest. It's tempting me to touch it.

Bakit pakiramdam ko lalong tumigas ang kanyang dibdib kahit na hindi ko hawakan? Noon pa man ay mabato na iyon dahil sa kabubuhat niya ng semento. Ngunit sa paglipas ng panahon ay lalo siyang naging makisig sa paningin ko.

"It's not the right time to fantasize about me, woman."

Napakurap ako nang bigla siyang nagsalita. Wala sa sariling nagpahid ako ng gilid ng aking mga labi. Pakiramdam ko kasi'y bigla akong naglaway.

"Uhm... Good morning! He-he."

Awkward akong tumawa at lumayo nang kaunti. Hindi ko napansing nakaharang na pala ako sa dadaanan niya.

I looked away but I noticed in my peripheral vision that he was staring at me. More like glaring at me.

Masama talaga ang loob niya.

"Uhm, puwede ba kitang makausap?" nakayukong tanong ko. Ramdam kong tila pinapakiramdaman niya ako.

"We are already talking. What do you want?" he asked coldly. I heard the door clicked when he locked it behind him.

Napalabi ako.

Ang sungit naman!

"Ano kasi, 'yong tungkol sa pag-uwi ko—"

"You can go home whenever you want. Ipahahatid kita kay Ismael," he said cutting me off, more like dismissing me.

"Hindi na ako matutuloy sa pag-uwi," sansala ko. Inaasar ko lang naman siya kahapon. Hindi naman totoong uuwi ako, kahit na gusto ko sanang makasama sina Mama.

He lifted his chin and looked at me. "Nagpaalam na ako kay Mama na dito na ako magpa-Pasko. Pumayag siya."

Hindi siya umimik. Nag-iwas siya ng tingin saka namulsa. Tila sinasabi niyang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

"If you're doing that because you feel pity about me, just don't. You don't have to choose between me and your family."

That made me look at him. "Hindi gano'n 'yon. I'll stay because I wanted to spend the Christmas with you."

Pumaling ang kanyang ulo. He smirked at me. "Try harder, woman."

Halos mapapadyak ako sa inis. Bakit ayaw niyang maniwala? Gusto ko rin naman talaga siyang makasama. Gusto kong bumawi sa mga taon na nagkulang ako sa kanya. Kahit ngayon lang, gusto kong maramdaman niya ang diwa ng Pasko.

"E, anong gusto mong gawin ko? Bakit ba ayaw mong maniwala? Ano ba'ng masama sa sinabi ko? I'm sorry sa sinabi ko kahapon, inaasar lang naman kita, e. Ang sungit-sungit mo! Naiinis na ako, ah!"

Nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Nakakapikon na kasi siya. Parang hindi pa siya natutuwa na dito ako magpa-Pasko. Siguro dahil—napasinghap ako nang may mapagtanto ako.

"Ano? Dahil ba mas gusto mong makasama ang kababata mo? E 'di magsama kayo ng Raquel mo! Uuwi na lang ako!" I almost shouted before walking out. Ngunit hindi ko nagawa nang hinuli niya ang aking baywang.

"Easy..." I heard him say.

Sumandal siya sa pinto saka hinapit ako paharap sa kanya. Nakapulupot pa rin ang kanyang kamay sa aking baywang. Pumaling ako para iwasan ang kanyang titig.

Mayamaya'y narinig ko ang mahina niyang tawa.

Napakunot ako at tiningala siya para samaan ng tingin. Natutuwa pa siyang napipikon ako sa kanya!

"Ano'ng nakakatawa?" I glared at him.

Yumuyugyog pa ang kanyang balikat sa katatawa. Lalo akong nainis kaya hinampas ko siya sa braso.

"You. You're so funny," nangingiting usual niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakakatawa 'yon para sa 'yo?"

He gave me a smack on the lips before I could even realize it. Namilog ang mga mata ko.

"I can't help it. You're too cute," he uttered while grinning from ear to ear. Ang bilis mag-switch ng mood niya. Kanina lang parang galit na galit siya sa buong mundo, pero ngayon parang nalutang siya sa mga ulap. Wagas kung makangiti.

I felt his other hand at my back, while the other was still wrapped around my waist. He pulled me even closer to his body. Pinagdikit niya ang aming mga noo. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"I love you..." he whispered.

Parang kinikiliti ang kaibuturan ko. "Uhm, m—mahal din kita. Mahal na mahal."

He held his eyes closed as if he's feeling the words I just said. I then felt his luscious lips against my forehead.

"You're making me crazy thinking about what's going on with this pretty little head of yours everytime, but yes, let's spend this Christmas together—with your family."

Napasinghap ako't napatingala sa kanya. Bagama't hindi na siya nakangiti'y ay nakikita ko naman sa mga mata niya na masaya siya.

"W—what do you mean?" Nautal ako.

"Uwi tayo sa inyo. I don't want to steal this chance from you to be with your family. Kaya sasamahan kita."

"T—tayo? Sasama ka?"

Sinalakay ako ng kaba. Pero paano kung—

"Chill. Kung palalayasin ako ng tatay mo, e 'di sa hotel ako matutulog," natatawang sabi niya.

Hindi ko napigilang mapaluha kaya hinampas ko siya sa dibdib. Nataranta siya.

"What's wrong, Love?" alo niya sa 'kin.

"Ikaw kasi, pinapaiyak mo ako! Hindi ko lang akalain na sasama ka talaga sa Iloilo."

Pakiramdam ko'y basang-basa niya ang totoong saloobin ko. Oo nga't gusto ko siyang makasama sa Pasko. Pero gusto ko ring makasama ang pamilya ko. I decided to be with him this time, but I didn't expect he would allow me to be with both.

"God knows how much I wanted to own you all by myself, but I don't want to compete with your family when it comes to your priorities. I will work hard for their trust until they'll realize that I'm the right one for you. Hmm?" he uttered giving me a quick kiss again.

"Salamat, ah?" I uttered. Tumingkayad ako para bigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

He slightly stunned for a few seconds, until his lips formed a lopsided smile. He smirked.

"You're learning..." nakangising untag niya.

Napakapit ako sa kanyang dibdib nang muli niya akong hinapit. Sobrang lapit ng aming mukha. His gaze lowered down my lips. Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan niya.

Alam ko kung ano'ng nais niyang iparating kaya't ipinikit ko ang aking mga mata para salubungin ang kanyang mga labi. Ngunit mabilis akong humiwalay sa kanya nang makarinig kami ng malakas na pagtikhim.

"Ay, he-he-he."

Ang tatlong Maria nasa pasilyo malapit sa hagdan at pinapanood kami! Narinig ko ang paglagatok ng mga buto. Nang tingnan ko si Timothy Hugh ay nakabusangot na naman ang mukha. Lihim akong natawa. Magkasalubong kasi ang makakapal niyang kilay.

"Bakit kayo narito?" senyas ko kina Milagros.

"Ang tagal mo kasi, e. Ano na?"

I cleared my throat. Binalingan ko si Timothy Hugh saka kinalabit. "Uy, bonus daw nila," mahinang untag ko.

He groaned. "I changed my mind. No more cash bonus for these three. Mga istorbo," seryosong untag niya. Agad naman nag-react ang tatlo.

"Senyorito naman! Sorry na po." Para silang mga tuta. Natawa ako.

Timothy Hugh creased his forehead. "Okay, just this once. In one condition..."

Taimtim naman na nakikinig ang tatlo.

Ang sumunod na nangyari ay nagsipag-unahan sila sa pagpasok sa aking kuwarto pala mag-impake ng gamit ko.

Mga baliw talaga. Napailing ako.

Mayamaya'y natagpuan ko na lang ang sariling nasa loob na ng kuwarto ni Timothy Hugh. We were panting while clinging to each other. He snaked his arm around my waist while kissing me senselessly.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top