Chapter 24

CHAPTER 24

"Senyorito—"

Nataranta ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Paano kasi nakapulupot na ang kanyang kabilang braso sa aking baywang habang yakap-yakap ako. Ni hindi niya man lang alintana na may nanunuod sa amin!

He's hugging me like it's a normal thing for him to do after a very tiring day!

"Uhm, Senyorito, ano kasi—"

"I'm sorry, Love. Tiniis kong hindi ka tawagan nang limang araw. I was just trying to focus on the things I needed to do. I might have come home early if I happen to hear your voice over the phone."

Hindi ko rin alam kung bakit siya nagpapaliwanag gayong hindi naman ako nagtatanong kung bakit ngayon lang siya umuwi at kung bakit hindi man lang siya tumawag.

I felt his lips on the top of my head. I tried to get off his grip, but he just hugged me even tighter.

Diyos ko! Parang gusto ko na lang lamunin ng sahig ngayon. Kung makayakap kasi ang amo namin para niya akong asawa. Ang malala pa ay may nanunuod sa amin.

"Senyorito, mawalang-galang na ho..." Pasimple ko siyang itinulak ngunit humirit pa siya ng isang halik sa noo. Ang manhid talaga!

"Ehem!"

Isang malakas na tikhim mula kay Nanay Sol ang nagpatigil sa kanya at sa lahat ng mga nakatulala sa amin. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin, ngunit hindi niya ako tuluyang pinakawalan. Hinapit niya ako sa baywang saka humarap sa mga kasamahan namin sa bahay na ngayon ay malalapad na ang ngisi—maliban kay Raquel na mukhang nangingitim na ulap ang mukha. She's in the verge of crying!

"Ginulat mo na naman kami, hijo. Hindi namin alam na ngayon ka pala uuwi. Akala ko nga e sa Maynila ka na magpapasko," komento ni Nanay Sol, ngunit may halong panunukso ang kanyang ngiti.

"I've been trying to convince David to go home but he refused. Hindi naman puwedeng doon ako magpapasko. I wanted to spend the holidays with Zia Lynn," he announced in a casual tone.

Everyone's eyes grew bigger including mine. Nagkatinginan sina Milagros, Susana, at Dionesa saka sabay na tumili.

"Teka lang, hindi ko kinakaya 'to! Totoo ba itong nakikita at naririnig ko?" nalolokang bulalas ni Milagros. Nasa amin ang kanilang mga mata.

Batid kong pulang-pula na ang aking mukha ngayon pagkat ramdam ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Sinubukan kong kalasin ang kamay ni Senyorito na nakalingkis sa aking baywang ngunit lalo lang niya akong hinapit papalapit sa kanya. Dikit na dikit ang kanyang katawan sa akin.

"Teka lang din. Maloloka na ako! Totoo ba ito o nananaginip lang ako?" Eksaheradang sinampal-sampal ni Susana ang kanyang sarili.

"Sira! Totoo ito, hindi ka nanaginip! Pero maloloka na rin yata ako. Teka lang, titili lang ako." Si Dionesa.

Napatakip kaming lahat ng kanya-kanyang tainga nang bigla siyang tumili nang napakatinis.

"Iiiiiiiiihhhh—Aray!"

"Gaga ka, mababasag ang eardrums ko!" singhal ni Milagros sa kanya pagkatapos niya itong batukan. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng aming amo sapagkat hindi ko nakikita ang kanyang mukha. Hanggang baba niya lang ako kaya't kailangan ko pa siyang tingalain para makita ko siya, na siyang ayaw kong gawin.

"Kasi naman, eh! Maloloka na ako sa nakikita ko! Oh my God, talaga!" bulalas ni Dionesa sabay tingin sa akin nang mapanukso.

Yumuko ako para iwasan ang kanilang mga tingin. Umayos ng tayo ang aming amo sabay halik sa aking ulo na siyang lalong nagpahurumintado ng aking puso. Tumikhim siya bago nagsalita.

"Yeah, sorry for the late announcement but—yes, Zia Lynn and I have a thing."

Hindi ko alam na may mas ilalaki pa pala ang mga mata ko. Tila nabingi ako sa kanyang sinabi. Napaawang lang ako at biglang napabaling kina Milagros na ngayon ay pawing nakatakip ng kani-kanilang mga bibig.

"Ang ibig mo bang sabihin, hijo, ay magkarelasyon kayo ni Zia Lynn?" pagkukumpirma ni Nanay Sol na siyang mabilis niyang sinagot.

"Yes, Nanay Sol. We've been together for a long time," he confirmed.

Namilog ako't napatakip ng aking bibig.

Kami na ulit? Kailan pa?

"Uhm, Senyorito, nagkakamali—"

"Hindi! Hindi 'yan totoo!" marahas na deklara ni Raquel. She cut me off by her sudden outburst. Napatingin kaming lahat sa kanya.

Naibaba ko ang aking tingin nang salubungin niya ako ng nanghuhusgang tingin. Sobrang talim ng kanyang mga mata na para bang susugurin niya ako anumang segundo.

Great! Hindi lang siya galit, parang nasusuklam na siya sa akin. At lahat ng iyon ay dahil sa inanunsyo ng aming amo.

"Your eyes are not deceiving you, Raquel. It's true. I love Zia Lynn."

Mahabaging Diyos! Malapit na akong mawalan ng ulirat sa pinagsasabi ng amo ko!

"No! Hindi maaari! Hindi iyan totoo!" singhal ni Raquel bago tumakbo paalis.

What's worst is, I felt her glaring stares before she walked out.

"Raquel!" Nanay Sol called out. Ngunit dire-diretsong tumakbo palabas ng mansyon si Raquel nang walang lingun-lingon.

Mga ilang segundo kaming natahimik lahat. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para kumawala sa pagkakalingkis ni Senyorito ngunit hindi ako nagtagumpay. Daig pa niya ang linta kung makapulupot sa akin!

"Ano'ng nangyari kay Raquel?" naguguluhan tanong ni Nanay Sol. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi. Sumagi sa isip ko ang pinag-usapan namin kanina ni Raquel habang naglilibot sa hacienda.

"Just let her for the meantime, Nay Sol." Si Senyorito. Hindi pa rin niya ako binibitiwan. Hindi tuloy ako makatingin nang diresto kina Milagros.

"Ismael, please buy a new phone for Raquel. Use the card I gave to Nanay Sol," he ordered.

"Sige ho, Senyorito," magalang na sagot ni Ismael.

Gustong-gusto ko na talagang tumakbo rin palayo kagaya ni Raquel, kaya lang natuod na yata ako sa aking kinatatayuan. Isa pa, may mala-ahas na kamay na nakalingkis sa akin.

"Grabe! Nawindang ako sa revelation mo, Senyorito! Parang hindi ako makapaniwala kasi ilang linggo pa lang dito si Zia Lynn. Gano'n kabilis na naging kayo? Ano nga tawag do'n? Winwind romance?" bulalas ni Susana. That earned a chuckle from Señorito himself.

"Gaga, hindi winwind 'yon. Whirlwind romance," pagtatama ni Milagros.

"Siyang tunay, hijo. Hindi naman sa nangingialam ako o sa ayaw ko. Siyempre masaya ako para sa inyong dalawa, pero napakabilis naman yata ng pangyayari. Kasi kakakilala n'yo pa lang dalawa sa isa't isa, 'di ba?" segunda ni Nanay Sol.

Diyos ko! Para silang mga imbestigador kung makatanong!

Tumawa lang ulit si Senyorito. More like a sexy laugh, which is so unusual for him. Hindi kasi siya masyadong nakikipag-usap sa mga kasambahay noong unang dumating siya rito. Hindi kagaya ni Senyorito Gaston.

"Actually, we've been together for more than three years," he declared proudly. Lalong lumaki ang mga bilog sa aking mga mata.

"Three years?!" sabay-sabay na untag nina Milagros, Susana, at Dionesa.

"Tatlong taon?" naguguluhang tanong naman ni Nanay Sol.

Maging ako ay napakunot ng noo. Anong three years ang pinagsasabi niya? Eh two years pa lang kami noong nagkahiwalay.

"Senyorito, anong—"

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang muli siyang nagsalita.

"It's a long story, Nanay Sol. We will tell you guys some other time. I just want to have some privacy with Zia Lynn for now," he responded, dismissing everyone.

Pansin kong kanina pa niya ako pinuputol na magsalita. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magprotesta sa mga pinagsasabi niya. May sarili siyang desisyon sa buhay! Feeling niya naman may relasyon talaga kami. E wala naman kaming usapan na nagkabalikan na kami!

"Teka, paano ho ang lakad namin? Pupunta po sana kaming apat sa mall," sabat ni Susana.

"Sira, privacy nga raw," bulong ni Milagros sa kanya na sinundan pa ng hagikhik, pero rinig naming lahat. Halos ibaon ko na aking mukha sa kawalan.

"Sige na nga. Tayo na lang muna. Tara na, Dionesa!" malapad ang ngising yaya ni Susana. Pero sigurado akong nakamata sila sa akin. Naghihintay na tingnan ko sila pabalik. Tiyak na uulanin nila ako mamaya ng katanungan.

"Sige na. Umalis na kayo nang makabalik kayo nang maaga," untag ni Nanay Sol.

Nasundan ko na lamang ng tingin ang tatlo habang papalabas. Magkakawit pa ang kanilang mga braso at panay ang tili.

"Hijo, tatawagin na lang kita. Ipaghahanda kita ng makain." Si Nanay Sol.

"Busog pa ako, Nanay. I will eat later."

"Oh, siya. Sige, ikaw ang bahala. Ismael, halika na muna, kukunin ko 'yong credit card sa kuwarto."

Maaliwalas ang mukha ni Nanay Sol bago magpaalam sa amin. Nakababa na rin sa hagdan si Mang Ramon. Naghatid yata ng mga gamit sa taas.

"Let's go, Love?" kaswal niyang yaya sa akin. Sabay halik sa gilid ng aking tainga. Nanindig ang mga balahibo ko. Talagang kakausapin ko siya dahil nais ko siyang komprontahin sa mga pinagsasabi niya kanina!

"Senyorito, makakalakad ako nang maayos kung bibitiwan n'yo ako," asar kong tugon sa kanya.

He huffed.

"Tsk! Nevermind," he uttered before carrying me like a bride. Napatili ako.

"Teka—hoy! Ibaba mo ako!" Hindi ko na napigilang singhalan siya. Ngunit isang halakhak lang ang itinugon niya sa akin bago pumanhik sa hagdan. Napakapit ako sa kanyang balikat sa takot na mahulog. Ang bilis pa naman ng mga hakbang niya. Palibhasa mahahaba ang kanyang biyas.

"Sandali, saan mo ako dadalhin? May sarili akong kuwarto?"

"Oh? You want us to talk inside your room? Okay," he responded before walking his way to my room's door. Walang kahirap-hirap sa kanya ang pinihit ito saka sinipa para bumukas.

Pinamaywangan ko siya matapos niya akong ibaba.

"Ano'ng hong pinagsasabi ninyo sa kanila kanina? Hindi n'yo ba alam na inilagay n'yo ako sa alanganin? God! Tiyak na hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako nagkukuwento."

Nasapo ko ang aking noo.

"Si Raquel. Tiyak na masama rin ang loob niya. Diyos ko naman, Senyorito. Bakit n'yo naman nasabi ang mga 'yon?" I almost went hysterical.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya't binalingan ko siya. Gano'n na lang ang pagkanganga ko nang makitang nakatingin lang siya sa akin na parang tanga.

His lips formed a lopsided smile. There's evidence of amusement in his eyes.

"Ano? Titingin lang ho ba kayo kayo sa 'kin? Are you not going to do something about what just happened?" I shrieked.

Wala pa ring sagot mula sa kanya. Tinititigan niya lang ako habang nagsasalita. Ngunit hindi mawala ang ngiti sa kanya labi. I swear, ang sarap burahin ng ngiti niya! Naaasar ako!

"Ano, Senyorito? Tititigan n'yo lang ba ako buong araw—"

"I love you!"

I was taken aback by what he just said. He loves what?

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ngunit lalo lamang akong kinabahan sa klase ng tingin niya sa akin. Parang may kakaning nakadikit sa kanyang mga mata. Ang lagkit niyang makatitig! Santissima!

Kapag ka may ginawa talagang hindi maganda ang mokong na 'to tatakbo ako palabas!

Humakbang ako paatras patungong pinto. Humakbang din siya papalapit.

"Teka, huwag kang lalapit!" babala ko. Para akong traffic enforcer sa gitna ng kalsada dahil nakaangat ang aking kanang braso para pigilin siyang lumapit.

"Diyan ka lang!" tarantang sabi ko nang maramdaman ko na ang pinto sa aking likod. Agad kong kinapa ang doorknob.

"Huwag ka sabing lalapit, eh!"

Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.

"Not so fast, Love..." he uttered. Naaamoy ko na ang kanyang natural na amoy. Higit sa lahat ay nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking noo.

"Lumayo ka nga! Layo!"

I tried to push him away, but he caught me by my hands and pinned both above my head. My eyes went wide. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"Senyorito, anong—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong kinabig saka sinakop ang aking mga labi.

Mulat ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat. Tila nanghina ang aking mga tuhod nang maramdaman ko ang kanyang malalambot na labi. His lips teased mine as if begging it to open up for him. I gasped which he took as an opportunity to conquer my mouth.

He kissed me like his life depended on it. Nawalan na ako ng lakas para itulak siya. Natagpuan ko na lamang ang sariling tumutugon sa kanyang mga halik. Napapikit ako.

Lord, alam kong nakailang last na 'yong sinabi ko noong nakaraan pero last na last na talaga 'to!

Diyos ko! Magkakasala na talaga ako dahil sa temptasyon ng amo ko!

His hand made its way to my nape. I moaned when he deepened the kiss. Napatukod ako sa kanyang dibdib. Ni hindi ko na nararamdaman ang aking mga paa sa sahig. Tila nakalutang na ako.

Habol-habol ko ang aking hininga pagkatapos ng halik. Rinig ko ang mahihina niyang tawag. Batid kong parang kamatis na ngayon ang aking pisngi.

"Now, tell me na hindi tayo magkarelasyon," hamon niya. Iniharang niya ang kanyang mga braso sa kabilang gilid ko kaya't hindi ko magawang pihitin ang pinto para makatakas.

"Firstly, you wore the ring and the necklace without protesting, which means you agreed to the conditions. Secondly, you always respond to my kisses, which means you still love me." He raised his brows while grinning at me. Naisahan ako ng loko!

Napangiwi ako. May punto kasi lahat ng sinabi niya.

"Pero kasi—" I took a deep breath.

"Paano si Raquel?" Nangunot siya.

"Mahal ka niya." I looked away to avoid his gaze.

"Raquel is just a friend, Love."

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ako mapalagay, lalo na at may binitiwan akong salita kanina kay Raquel. Diyos ko, anong kaguluhan itong napasukan ko?

"Pero kasi bakit niyakap mo ako sa harapan nila? Bakit mo sinasabi sa kanila ang—"

"Why wouldn't I? Besides, that was your punishment for taking the necklace off your neck and for almost giving out your number to a random guy. You should be thankful; I only have done something like that. You knew, there's another way for me to punish you, right?" he teased. Nanlaki ang aking mga mata kaya't natampal ko siya sa dibdib.

"Bastos!"

Humalakhak lang siya. Hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako ng kakaibang saya sa tuwing naririnig ko ang kanyang tawa.

I was taken by surprise when he gave me a smack on the lips. Natakpan ko tuloy ang aking bibig.

"Sorry, Love. I can't get enough of you," he uttered seductively. I glared at him. Naaasar pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga tingin nina Milagros kanina. Tiyak na hindi nila ako titigilan mamaya kapag natiyempuhan nila ako.

"May kasalanan ka pa sa akin. Anong three years ang pinagsasabi mo? Dalawang taon pa lang tayo noong naghiwalay," asik ko sa kanya.

"Do I need to remind you that I didn't agree with that breakup? It was only your idea, but I didn't say yes. In other words—"

"Whatever!" I cut him off. He chuckled.

"May pasabi pa siya noong nakaraan na I will be waiting for you until you love me again the way you did before, pero biglang nagpa-jowa reveal ang loko-loko," mahinang bulong ko.

"You were saying something, Love?" he asked while grinning from ear to ear. Nakapalupot na naman sa akin ang kanyang kanang braso habang nakasandal siya sa likod ng pinto.

"Wala!" asar kong tugon.

"Oh, that!" he exclaimed as if there's a light bulb that suddenly appeared on the top of his head.

"Sorry, Love, I lied. I can't wait any longer. I want you to be mine officially, so I can kiss and hug you whenever and wherever I want. So, I didn't need to sneak into your room every night to steal a kiss from your delectable lips," he explained while staring at me intently.

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ni Milagros na— You did what?"

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi.

Walanghiya! Kaya pala minsan ang laswa ng panaginip ko. Iyon pala ay totoong may nanghahalik sa akin!

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top