Chapter 18
CHAPTER 18
IT took me several ticks on the clock before I realized what was happening. He just knelt in front of me while he keeps on chanting—sorry! Mabuti na lamang at nakasandal ako sa likod ng pinto, kung hindi ay nabuwal na ako sa aking kinatatayuan.
"Hindi ako Diyos para luhuran mo. Nakikiusap ho ako, gusto ko nang magpahinga."
I checked the clock. It's almost half past 12 in the midnight.
Ang alam ko'y naka-lock ang pinto kanina bago ako natulog. Paano siya nakapasok?
Sinadya ba niyang kunin ang duplicate?
"No. I'm not gonna stand up until you forgive me," he chanted pleadingly.
Naghuhurumintado na naman ang puso ko. I didn't see this coming. Ang buong akala ko ay napupoot siya sa akin.
"Nakikiusap ho ako. Hatinggabi na. Dapat ay nagpapahinga na kayo."
Hinawakan ko siya sa balikat saka sinubukan kumawala sa kanyang pagkakayapos sa aking mga tuhod ngunit lalo lamang niyang hinigpitan.
Nanlaki ang aking mga mata nang pinaulanan niya ng halik ang ibabaw ng aking mga tuhod. Manipis lang ang suot kong pajama kaya't ramdam ko ang init ng kanyang hininga roon.
"Hugh, ano ba?"
Nataranta ako't sinubukan ulit na kumawala.
"Lasing ka ba? Bakit ka nagkakaganyan?"
Absurd. Alam kong hindi siya lasing dahil wala akong naamoy na anumang espiritu ng alak mula sa kanya. Kaya nakakasiguro akong hindi siya lasing.
"I'm sorry, Love. I didn't mean to say those words. I was just damn jealous," he exclaimed hoarsely.
Napamaang ako. Selos? Saan? Kanino?
"Hindi kita maintindihan, S—senyorito. Baka ho pagod lang kayo. Magpahinga na kayo. Kung anuman man ang nangyari kaninang umaga ay tapos na iyon. Pinapatawad na kita. Wala na iyon sa akin." Atleast my voice didn't break.
I tried to pull him up, but he remained on his bended knees. Ang lakas na ng kalabog ng puso ko kaya't batid kong kaunti na lang ay bibigay na ako. Gusto ko nang pag-isipan ang bawat hakbang ko ngayon. Gusto ko nang unahin ang aking sarili at ang pamilya ko.
Ngunit ko napaghandaan ang bigla niyang pagtingala sa akin habang nakaluhod. Namumula ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
"I know that kneeling in front of you is not enough. You didn't deserve everything that I've said. It hurts me knowing that I've hurt you. But you know what's more painful than that?" he trailed off.
"It's when you serve me with your coldest forgiveness."
Pain crossed his beautiful pair of eyes. And it was too late for me to stop the drop of tear that escaped from my eye.
Tumingala ako sa kisame para iwasan ang kanyang mga titig.
"But I guess I deserve this because I was one hell of an asshole."
Hindi ako umimik. Hinayaan ko siyang magsalita. Sunod-sunod na paglunok lamang ang aking nagawa dahil sa biglang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan. At batid kong mababasag lamang ang aking boses.
Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay tumayo na siya. Siguro ay nakaramdam siya ng pangangalay. Buti naman dahil nangangalay na rin ang marurupok kong mga tuhod.
"You know what? You're the strongest woman I've ever met in my life," he uttered, lifting my chin. Iniwas ko pa rin ang aking mga mata sa kanyang mukha.
"You know why?" he whispered, almost fanning my face. He massaged my right cheek using his thumb.
"Because you can completely ignore me like I do not exist in your world at all."
He chuckled painfully. "Ako kasi hindi ko kayang tiisin ka. Dahil kahit saan ko ibaling ang paningin ko, ikaw lang ang nakikita ko."
I remained silent. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi. I was completely stunned by his sudden outburst.
"See? Life's never been fair to me ever since I met you, Love. Kasi habang nasa taas ka, na masaya kang wala ako sa tabi mo, lubog na lubog ako. At sa tuwing nasasaktan ka, triple ang sakit dito." Itinuro niya ang kanyang dibdib.
Love. Ngayon ko lang din napagtanto ang itinawag niya sa 'kin. He used to call me that way. At nasanay na yata akong gano'n ang tawag niya sa akin noon pa man kaya ang dating sa akin ay pangalan ko na iyon.
"I'm s...sorry," I stuttered. I'm not even sure if he heard me.
I froze when he cupped my face before I felt his soft lips on my forehead. It stayed for a couple of seconds.
"You don't have to apologize. It's not your fault that I'm so in love with you this much."
Humakbang ako pabalik sa kama nang magkaroon ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa.
"Good night," mahinang untag ko. Sapat lang upang marinig niya.
Inayos ko ang unan saka pumailalim sa comforter saka tumalikod sa kanyang direskyon. Rinig ko ang mabigat niyang pagbuntonghininga. Kahit nakatalikod ako sa kanya'y ramdam ko ang nag-aalab niyang mga titig.
"Yeah, good night... Love."
That was the last thing he said before I heard the door opened and closed.
Doon lang bumuhos ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Ang akala ko noon ay kalaban namin ang buong mundo sa aming relasyon. Parang kailan lang ay halos hindi ko kinaya ang aming paghihiwalay, ngunit napagtanto kong marami pa palang mga bagay ang mas mahalaga kaysa sa ugnayan namin noon. Nakalimutan ko nang pahalagahan ang mga pangarap ko para sa aking sarili.
Tama si Mama, may tamang panahon ang lahat. Dahil kahit alam kong may pagkakataon na akong ipaglaban ang kung anuman ang meron kami noon, palagay mali pa rin kung itutuloy ko siya.
I need to breathe. Kailangan ko munang isantabi ang pag-ibig at pagtuunan ang sarili ko para kung sakaling dumating ang oras na handa na ako ay makakaya kong harapin ang mga pagsubok.
Pero tama bang pigilan ko ang aking sarili gayong tumitigil ang pag-ikot ng mundo sa tuwing kaharap ko siya. Dahil gano'n pa rin ang epekto ng presensya niya sa akin. O mas tamang sabihing lalong sumidhi ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa loob ng aking silid. Nakalimutan ko kasing isara ang kurtina ng terasa kagabi. Napahawak ako sa aking ulo, sobrang sakit nito.
Halos madaling araw na akong natulog dahil sa kaiisip ng nangyari kagabi.
Ngunit namilog ang aking mga mata nang makita ko ang oras sa oras. Mag-a-alas nueve na ng umaga!
Taranta akong bumaba ng kama saka inayos ang pagkakasalansan ng mga unan at kobre kama. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.
Himalang wala man lang kina Milagros ang umakyat para gisingin ako gayong magtatanghali na. Hindi ba sila nagtaka na hindi pa rin ako bumababa?
Natutop ko ang bibig nang maalalang ngayon din pala ang schedule ng paglilinis ko sa silid ni Senyorito Timothy.
Pumailalim ako sa shower saka minadali ko ang pagligo at ang pagbihis. Ni hindi na ako nag-abalang maglagay ng pulbo o ng kung ano sa aking mukha.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Milagros na nagluluto. Nangunot ang aking noo. Tanghali na rin siya nagising?
"O? Andyan ka na pala," aniya.
"Nasaan sila?" kaswal kong tanong.
"Malamang tulog pa, 'di ba off ngayon ng dalawa? Si Nanay Sol nasa labas kausap sina Mang Ramon. Kararating lang namin galing simbahan kaya ngayon lang ako nakapagluto. First mass kasi ang dinaluhan namin. Si Senyorito Timothy naman maagang umalis. Nasa rancho yata, kaya hindi pa 'yon nakapag-almusal," mahabang salaysay ni Milagros habang nagbabaliktad ng kanyang piniprito.
"Sayang, hindi ako nakasama sa inyo ni Nay Sol," mahinang sambit ko.
Kumuha ako ng tubig saka uminom. Tamang pagkakataon na ito para makapaglinis ako sa itaas habang wala si Sneyorito sa kanyang kuwarto.
"Eh sabi kasi nina Dionesa isasama ka nila mamayang hapon sa Carmelite church. Nakalimutan mo na ba? Sinabihan ka niya kahapon, ah."
"Eh, hindi pa ako nakapagpaalam kay Sneyorito," sansala ko. Ang sabi kasi ni Nanay Sol ay kailangan kong magpaalam. Hindi bale na, isasama ko mamaya sina Dionesa na magpaalam para hindi ako maasiwa.
"Ang alam ko nasabi n ani Nanay Sol kay Senyorito kaya pumayag na 'yon. Wala naman halos gagawin ngayong araw. Ikaw, may gagawin ka ba?"
Tumango ako.
"Sige, maglilinis na muna ako sa itaas."
"O siya, pagkatapos mong maglinis bumaba ka kaagad para sabay-sabay na tayong kumain. Gigisingin ko na sila Dionesa kapag tapos na akong magluto. Baka darating na rin si Senyorito mayamaya."
Bumilis ang tibok ng puso ko. "S—sige, akyat na muna ako."
Mabuti na lamang at hindi nakatingin sa akin si Milagros kaya't hindi niya nakita ang reaksyon ko nang banggitin niya ang tungkol sa aming amo.
Halos takbuhin ko ang hagdan paakyat bitbit ang duplicate ng kanyang kuwarto. Parang ninja akong pumasok sa kanyang silid. Napailing ako nang mapansing hindi naman iyon naka-lock.
Agad kong naamoy ang kanyang pabango nang makapasok ako sa loob ng kanyang kuwarto. Paanong hindi ako kakabahan e pati ang natural niyang amoy naiiwan dito sa kanyang kuwarto. Nagulat ako nang makitang magulo pa ang kama. Parang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko iyong magulo. Nakabukas na ang mga kurtina kaya't kalat ang liwanag sa loob ng kuwarto kahit hindi na ako magbukas ng ilaw.
Agad kong inayos ang kobre kama pati ang pagkakasalansan ng mga unan. Tiniyak kong walang gusot.
Pagkatapos kong magwalis ay tinungo ko naman ang banyo para linisin iyon.
Nagulat ako nang mapansing pati ang banyo ay magulo. Nasa sahig pa ang bote ng body wash na gamit niya. Maging ang shower hose ay hindi nakasabit nang maayos. Parang nagmamadali siya kanina nang gumamit siya ng banyo.
Wala akong sinayang na oras, nang masigurado kong malinis at maayos na ang lahat ay pinalitan ko na rin ang freshener sa loob ng banyo.
Nagulat ako nang makitang kalahating oras na ang lumipas. Natapos ko nang gano'n kabilis.
Nanakbo ako sa pinto para lumabas. Parang sinisilaban ang aking puwet sa kamamadali.
Nakahinga ako nang maluwag nang malabas na ako. Dumaan muna ako sa guest room na ginagamit ko para ayusin ang aking sarili.
Napangiwi ako nang tumunog ang aking tiyan. Nagugutom na kasi ako.
Nang makuntento na ako sa ayos ko'y bumaba na ako. Sa huling baitang pa lang ay naririnig ko na ang tumatawang boses ni Milagros at ni Susana. Nasa komedor sila. Agad naman akong nagtungo roon.
"Tamang-tama nandito ka na, aakyat pa sana ako para tawagin ka," ani Dionesa nang makasalubong ko siya sa bungad ng komedor.
"Katatapos ko lang kasing maglinis," tugon ko't naupo sa dati kong puwesto sa tuwing kumakain kami.
"Zia Lynn, mamayang hapon, ha? Huwag mong kalilimutan. Magsisimba tayo," paalala ni Susana.
"Sige, papaalam ako kay Senyorito," maikling tugon ko.
"Ano ka ba? Ipinagpaalam ka na namin. Pumayag na siya. 'Di ba, Senyorito?" untag ni Dionesa saka lumingon sa bagong dating.
Napugto yata ang aking hininga nang dumaan siya sa aking likod bago pumunta ng kabisera ng lamesa saka naghila ang upuan para sa kanyang sarili.
Nakita ko ang kanyang pagtango bilang pagsang-ayon kay Dionesa. Umiwas ako ng tingin nang mapansin ko ang bahagya niyang pagtitig sa akin. Ngunit napangiwi ako nang maramdaman ko rin ang titig ng babae sa kanyang tabi na ngayon ay parang lulusawin na ako gamit ang laser ng kanyang mga mata.
"Ano, Timothy? Anong oras tayo aalis mamayang hapon? 'Di ba pumayag ka nang samahan akong mangabayo sa rancho n'yo?" ani Raquel, sabay kawit ng kanyang kamay sa braso ng aming amo. Ngumiti rin siya ng pagkalapad-lapad sa akin na parang ipinaparating niyang pagmamay-ari niya na ito.
"I never agreed yet, Raquel. I'll think about it," maikling tugon ng aming amo. Sinipa ako ni Milagros sa aking paa kaya't napabaling ako sa kanya. She smiled at me naughtily.
"Ano? Akala ko ba pumapayag ka nang turuan akong mangabayo?" maktol ni Raquel.
Ang sabi ni Nanay Sol ay madalas talagang nandito ang babaeng ito sa tuwing nandirito ang mga amo. Lalo na kung si Senyorito Timothy. At dito siya madalas kumakain.
"Alam mo, Raquel, marami namang marunong mangabayo rito sa hacienda. Magpaturo ka na lang sa iba, busy si Senyorito," pasimpleng puna ni Milagros bago ako tiningnan nang makahulugan.
Kita ko ang pasimpleng pag-irap ni Raquel.
"Eh hindi ako komportableng magpaturo sa iba. Mas gusto kong ikaw ang magturo sa akin, Timothy..." paawa niya.
Umirap ang tatlong babeng kasama ko. Napayuko na lamang ako't naglagay ng pagkain sa aking plato. Bahala silang mag-irapan diyan basta nagugutom ako.
"Nga pala, Senyorito, aalis po kami nina Zia Lynn mamayang alas dos para hindi kami ma-late sa misa," untag ni Dionesa.
Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaksyon ng aming amo dahil nagugutom na talaga ako. Kanina pa kasi tumutunog ang aking tiyan.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo kaya't napaubo ako nang malakas nang bigla akong nabilaukan. Lumabas ang kanin sa aking ilong. Rinig ko ang pagtili ng mga babaeng kasalo ko sa lamesa.
Agad kong uminom sa baso ng tubig na nakatunghay sa aking harapan. Kasunod niyon ay ang marahang haplos sa aking likod.
Napahawak ako sa aking dibdib. Biglang tumahimik ang lahat sa lamesa.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng aming amo habang hinahaplos ang aking likod.
Bahagya akong napangiwi sa kanilang lahat nang mapansing nakatuon sa aming dalawa ni Senyorito ang kanilang mga mata. Ang ipinagtataka ko'y paano siya nakarating sa likod ko nang gano'n kabilis? At ngayon ko lang din napagtantong siya pa pala ang may hawak ng baso ng tubig na ininuman ko.
"Uhm, a—ayos lang ho."
Kumalabog ang aking dibdib sa kaba.
"Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo, hija." Rinig kong paalala ni Nay Sol.
"Eh paano kasi wala pang kain 'yan, Nay. Nalipasan na ng gutom. Hindi man lang kasi dumampot ng pandesal kanina sa lamesa. Dumiretso agad sa paglilinis sa itaas," singit ni Milagros.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
"What? Nagpapalipas ka ng gutom?" ani ng amo sa aking likod. May bahid din ng panenermon ang kanyang boses.
I froze on my seat. Nakasablay sa likod ng aking upuan ang kanyang braso.
"Uhm, pasensya na ho." I could barely hear my voice.
"Baka kasi sinusulit lang talaga ni Zia Lynn ang pagkain kasi walang ganyan sa kanila, 'di ba?" singit ni Raquel. Sabay tingin nang matalim sa akin.
"Grabe ka naman makapagsalita kay Zia Lynn, Raquel. Hindi mo ba narinig? Gutom nga iyong tao, 'di ba? Ikaw nga may sarili kang bahay pero dito ka kumakain sa mansyon. Sinusumbatan ka ba namin?" banat ni Milagros. Napasinghap ako.
"Milagros!" Nanay Sol warned. The former just smiled and gestured a peace sign using her fingers.
I felt someone's breathing hitched behind me. Hindi ko nakikita ang kanyang mukha kaya hindi ko alam kung ano ang kanyang reaksyon. Mga ilang segundo ang nakalipas bago siya bumalik sa sariling upuan. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang magtagpo ang aming mga mata ni Raquel. Tila nag-aapoy siya sa galit.
Sinubukan kong magkunwaring walang epekto sa akin sa bahagyang paglapit sa akin ng aming amo. Ngunit trayidor ng puso ko dahil ayaw niyang tumigil sa pagbayo nang malakas.
"Clean my room once you're done eating, Zia Lynn." It was our boss. Seryoso ang kanyang boses na tila may pinaparating. His face draws out a lagot-ka-sa-akin-mamaya look.
"Uhm, malinis na ho iyon, Senyorito. Nalinis ko na ho."
"Linisin mo ulit," walang kaabog-abog niyang tugon.
Napanganga ako. Gano'n din sina Milagros. Si Raquel naman ay parang nag-aapoy na bulkan ang kanyang mga mata.
"Uhm, sige ho." Yumuko ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nauna akong natapos kaya't nagpaalam na ako.
Agad akong umakyat sa itaas para maglinis nang dati nang malinis na kuwrato. Hindi ko naiwasang magmaktol. Siguro'y hindi siya kuntento sa kalinisan ng kuwarto niya. Kahit kapapalit lang ng kurtina noong nakaaraan ay papalitan ko na lang ulit para magmukhang bago. Pati na rin ang kobre kama.
Huminga ako nang malalim saka sumandal sa likod ng pinto nang makapasok ako.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto. May itinatago rin palang kaartehan ang Timothy Hugh na iyon.
I was about to step forward when I felt the door opened behind me. Napalayo ako roon.
Namilog ako nang biglang pumasok ang may-ari ng kuwarto.
Sa taranta ko'y napaatras ako.
Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Humakbang siya papalapit. Umatras ako. Napatingin ako sa aking likod. Pagka talaga may gagawin siya tatakbo ako palabas.
"Senyorito, maglilinis na ho ako..."
Tumalikod ako't dinampot ang mop. Ngunit sa isang iglap ay nakakulong na ako sa kanyang mga bisig.
"You're driving me insane, Zia Lynn..." he whispered while hugging me from behind.
Natulos ako sa aking kinatatayuan.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top