Chapter 16
El Amor De Bustamante Series Book 1: THE INDECENT OBSESSION
Available on my profile.
...
CHAPTER 16
"AYOS ka na ba?"
Nangunot sa sabay-sabay na tanong nina Dionesa at Susana pagkababa ko ng kusina. Ngayong magtatanghali lang kasi ako nakababa dahil ilang oras akong nagkulong at nagtago sa kuwarto.
"Ayos naman. Bakit?"
Naabutan ko silang naghahanda ng mga ingredients sa kanilang iluluto. Kumuha ako ng tubig sa water dispenser para uminom. Ang totoo'y kanina ko pa pinapakiramdaman ang labas ng kuwarto ko.
"Mabuti naman. Pinabilhan ka kasi ni Nanay Sol ng pain reliever kay Ismael. Mayamaya ay narito na 'yon," untag ni Susana.
Lalo akong nangunot.
"Pain reliever?"
Nangunot din silang dalawa saka sabay na sumagot. "Para sa dysmenorrhea mo."
"Dysmenorrhea? Hindi pa ako dinadatnan ngayong buwan, ah."
Nagkatinginan silang dalawa dahil sa itinugon ko. Napatigil sa paghihiwa ng carrots si Susana. Si Dionesa naman ay napatigil sa pagsalang ng iluluto sa kalan.
"Sabi kasi kanina ni Senyorito Gaston bago siya umalis huwag ka raw istorbohin sa itaas dahil may dysmenorrhea ka kaya kailangan mong magpahinga. Kaya ayon umalis muna mag-isa si Milagros. Babalik din iyon kaagad. May bibilhin lang daw siya sa Bacolod."
Natigilan ako. Bumalik sa aking isip ang pangyayari kanina sa itaas. Ang usapan nila ng kanyang kapatid. Kanina pagkababa ko'y halos gumapang ako para lang hindi niya ako makita. Gusto ko kasi siyang iwasan muna.
"Ibig mo bang sabihin nagsinungaling sa amin si Sneyorito Gaston?" untag ni Dionesa.
Namilog ang kanilang mga mata. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.
"Teka nga! Parang may dapat kang sabihin sa amin, Zia Lynn. Ano ba ang nangyayari? Una, pinalipat ka ni Senyorito Timothy sa itaas. Tapos hindi na siya natuloy sa pag-alis. May hindi ba kami nalalaman?" patay-malisya nilang tanong. Nag-iwas ako ng tingin.
Iniligay ko ang baso sa lababo.
"W—wala, ah."
"Sus, wala raw. Magtapat ka nga sa amin. Nililigawan ka ba ni Senyorito Timothy? Kasi obvious na obvious, e."
Pinandilatan ko si Dionesa.
"Pinagsasabi n'yo diyang dalawa?"
"Sus, deny ka pa. Akala mo hindi namin napansin? Lagi ka niyang tinititigan nang hindi mo namamalayan. Grabe! Kabog talaga ang beauty mo, girl! Akalain mo 'yon! Nabihag mo si Senyorito!" tili ni Susana.
"Tumahimik nga kayong dalawa. Baka may makarinig sa inyo at baka kung ano pa ang iisipin."
"Sus, kahit pumusta pa kami, tiyak na tama ang hinala namin. Hindi pa kailan nagkamali ang instinct ko, 'no!" bulalas ni Dionesa. Napangiwi ako.
"Ano bang klaseng mukha 'yan? Dapat masaya ka kasi nagkakagusto sa 'yo si Senyorito. Ang sarap niya sigurong magmahal," Susana exclaimed dreamily.
Inginuso ko ang hinihiwa niya. "Sa kaka-daydream mo riyan baka pati daliri mo mahiwa mo. Tigilan n'yo akong dalawa. Walang katotohanan 'yang mga iniisip ninyo."
Nag-high five lang silang dalawa saka ngumisi nang nakaloloko.
"Sandali, ngayon ko lang napansin. Bakit naka-uniporme ka? Off mo ngayon, 'di ba?"
Natigilan ako sa pag-walkout. Wala sa sariling napatingin ako sa aking kabuuan. Sinadya ko talagang magpalit ng suot bago bumaba para hindi makita ang aking ibabang bahagi ng aking leeg. Mabuti na lang at mataas ang neckline ng uniporme namin. Wala pa naman akong concealer na panlagay sa mga markang iniwan ni—
"Uhm, wala naman. Komportable kasi siyang isuot."
Patay-malisya nila akong tiningnan.
"Alam mo, hindi bagay sa 'yo ang uniporme natin."
"Tumpak!" pag-sang-ayon naman ni Susana.
"Mas bagay sa 'yo ang titulong Senyorita Zia Lynn Acosta-Bustamante!" Kumumpas pa siya sa ere. Agad ko siyang nilapitan saka tinakpan sa bibig.
"Hoy, baka may makarinig sa 'yo!"
Humagikhik silang dalawa nang binitawan ko na si Susana. Gano'n pa man ay kakaiba ang ritmo ng tibok ng aking puso.
"Uy, namumula ka. Ano? May something nga si Senyorito Timothy sa 'yo, 'no? Ayaw mo pa kasing aminin. Hindi namin ipagsasabi sa iba. Sa atin-atin lang," pangungulit pa ni Dionesa. Pinandilatan ko lang silang dalawa.
"Wala nga. Ang kulit ninyong dalawa. Maiwan ko na nga kayo."
Rinig ko ang kanilang tawanan pagkatapos ko silang talikuran. Parang kailan lang. Nalaisang linggo na pala ako rito. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang pakikitungo sa akin ni Hugh. Hindi ko siya kasi maintindihan. Sa harap ng iba ay parang wala naman siyang pakialam sa akin. Ngunit kapag kami lang dalawa ay nagiging ibang tao siya.
Sa totoo lang ay hindi gano'n ang pagkakakilala ko kay Hugh noon. He used to be gentle in every way. Hindi siya basta-basta nanghahalik na lang. Liban na lang kung may tampuhan kaming dalawa. At sa loob ng mahigit dalawang taon naming relasyon noon ay bilang lang sa aking daliri na nagkatampuhan kami. Madalas kasi ay kinukulit niya ako kapag hindi ko siya pinapansin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kanyang dahilan kung bakit nagawa niyang maglihim tungkol sa totoo niyang pagkatao noon. Wala pa kaming closure tungkol sa nangyari sa nakaraan.
Paano kasi sa tuwing magkaharap kaming dalawa, nauunahan ako ng tensyon kaysa sa ang komprontahin siya. Iyon bang kapag hindi ko siya kaharap ang dami kong naiisip na sasabihin at itatanong sa kanya, pero kapag kaharap ko na siya ay nakalilimutan ko lahat.
Nauuna kasing mag-react ang puso ko sa presensya niya.
Napabuntonghininga ako saka tinunton ang hagdan paakyat sa taas. Siguro'y mas mabuti pang tawagan ko na lang ulit sina Mama sa Iloilo. Kakamustahin ko ang kanilang kalagayan. Sa susunod na linggo ay may sahod na ako kaya makapagpapadala na ako sa kanila.
"Zia Lynn?"
Natigilan ako sa paghakbang sa unang baitang ng hagdan saka napalingon.
"Oh? Nandito ka pala, Raquel."
Humarap ako nang tuluyan sa kanya.
"Oo, kanina pa ako nandito. Sinamahan ko kasi si Timothy maglibot sa hacienda," aniya. Mababanaag ang kasiyahan sa kanyang mukha. Pero may kakaiba sa kanya ngayon.
Kaya pala nawala ang lalaking iyon kanina sa taas. Umalis pala siya. Hindi niya ako pinayagang lumabas ng mansyon tapos siya pala ang umalis kasama ang kanyang kababata. Ayaw ba niyang makita ko sila? Hindi ko naman sila pakikialaman. Gusto ko lang din naman kasi talaga malibot ang hacienda para kung sakaling lumabas akong mag-isa ay alam ko na kung saan ako dadaan pauwi.
"Gano'n ba? Mabuti naman at nagkasarilinan kayong dalawa. Sige, ha? Akyat na ako. May gagawin pa kasi ako."
Hindi ko naitago ang pait sa aking boses.
Nasaan na kaya ang magaling na senyoritong iyon? Kung tratuhin niya ako parang may relasyon pa kaming dalawa gayong nakikipagmabutihan naman pala siya sa kababata niya. Hindi ko siya maintindihan talaga. Nakakapanggigil.
Mabibigat ang aking mga hakbang paakyat ng hagdan. Wala na akong pakialam kung magtaka man si Raquel sa inaasta ko.
Pagkarating ko sa kuwarto ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa drawer saka tinawagan sina Mama ngunit nakatatlong dial na ako ay walang sumasagot. Siguro'y abala sila lalo na at Sabado ngayon.
Tumihaya ako sa kama saka napatitig sa puting kisame.
Nang may maalala ako'y agad akong bumangon saka binuksan ang sliding door patungo sa terrace ng kuwarto. I dialled Divina's number. Gaya ng dati ay alerto siya sa pagsagot ng tawag ko.
"Oh? Tatawag-tawag ka na naman tapos bababaan mo ako mamaya," bungad niya sa akin. Sumandal ako sa bakal ng terrace.
"Pasensya na noong nakaraan."
"Whatever! So, ano na ang balita? Nagkabalikan na ba kayo ni Hugh?"
I sighed. "Malabo na yata mangyayari iyon."
"At bakit malabo? 'Di ba nga hinalikan ka niya? Hoy, huwag mo akong lokohin, Zia Lynn! Hindi ikaw 'yan. Hindi basta-bastang nagpapahalik ang Zia Lynn na bestfriend ko. Gaga ka! Ano 'yon? Tikiman lang? Walang label?"
I rolled my eyes. Ipinamukha pa talaga niya sa akin.
"Hindi ko alam, e."
"Ano'ng hindi mo alam? Umayos ka, Zia Lynn. Kahit bet ko 'yong lalaking iyon para sa 'yo naku, susugurin ko talaga siya sa oras na paiyakin ka niya! Alam naman niyang napakarami mo nang pinagdaanang sakit pagkatapos ninyong maghiwalay tapos dadagdag pa siya."
"Ha?" Nangunot ako.
"Ah, ang ibig kong sabihin, besh, alam naman niyang ang dami mong pinagdaanan noon sa Papa mo at sa relasyon ninyo bibigyan ka pa niya ng heartache. Aba, hindi ako makakapayag, 'no!"
May kung anong kumurot sa aking puso nang saglit na bumalik sa isip ko ang lahat.
"Hindi kaya galit siya sa 'kin? Kaya niya ito ginagawa?"
"Naku, imposibleng magagalit 'yon sa 'yo, besh Patay na patay 'yon sa 'yo, 'di ba? Unless nagkukunwari lang siya noon."
Sabagay. Siguro nga'y dapat ko na siyang kausapin tungkol sa aming nakaraan. Once and for all, I wanted to clear everything between us. Ayaw ko ng ganito.
"Pero, nagbabago naman talaga ang tao, 'di ba? Lalo na kapag nasaktan. Batid kong nasaktan ko siya noon. Kaya baka nga galit talaga siya," katwiran ko.
"Kausapin mo kasi siya, besh. Tanungin mo siya kung ano ba talaga ang score ninyong dalawa. Huwag kang pumayag na ganyan ang set-up ninyo. Ako ang makakalaban niya!"
Napangiti ako. Sayang lang at hindi ko kasama ngayon si Divina. Mabuti na lang at sinasagot niya ang mga tawag ko palagi.
"Salamat, besh. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka."
"Gaga! Ang drama mo. Siyempre bff kita, 'no. Mahal na mahal kaya kita. Humanda talaga sa akin ang Bustamante na 'yan kapag pinaiyak ka niya. Paiiyakin ko rin siya ng sampal at suntok!"
I laughed a little. "Sige na, tatawagan na lang kita ulit. Tatawagan ko muna ulit sina Mama. Hindi kasi nila sinasagot kanina."
"O siya. May gagawin din ako. Text mo ako kaagad kapag may kailangan ko. I love you, besh!"
"I love you, too! Bye!"
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib pagkatapos kong maibaba ang tawag. Atleast nabawasan ang dinadala ko sa aking loob.
Napatingala ako sa asul na kalangitan. Makulimlim pero hindi naman maitim ang mga ulap.
Akmang magda-dial ako ng numero ni Mama nang maramdaman kong tila may nakatingin sa akin kaya't napabaling ako sa aking kanan at kaliwa.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang aming paningin ni Hugh. Kanina pa kaya siya sa kabilang terrace? Narinig niya kaya ang usapan namin ni Divina?
Wala sa sariling itinago ko ang aking cellphone sa loob g aking bulsa. I looked away to avoid his scrutinizing stares. Kahit wala siyang sinasabi ay parang nanghuhusga ang kanyang tingin. Hindi ko rin maintindihan kung saan nanggagaling ang emosyong iyon.
Tumalikod ako't bumalik sa kuwarto nang walang imik.
Napasandal ako sa salamin na pinto nang makapasok na muli ako sa aking silid. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang bilis ng pagtibok nito.
Pagkatapos ng pangyayari kanina kasi ay lumabas siya ng kuwarto at iniwan akong nakatulala.
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto. I didn't know what came to my mind, but I ran towards it and locked it.
Pero hindi ako puwedeng magkulong lang dito sa kuwarto tuwing rest day ko. Napahawak ako sa pendant ng kuwintas na suot ko. Kanina'y hinubad ko ito. Ngunit ngayong natatakpan na ng uniporme ay muli ko itong isinuot.
Kung ibalik ko kaya sa kanya ang kuwintas at singsing na ito?
Tama.
I blew a deep breath.
Muli akong napatingin sa pinto. Pikit-mata ko itong binuksan para lamang magulat sa pigurang bumulaga sa akin.
Napasinghap ako nang muntik na kaming magkauntugan.
"Senyorito?"
Nataranta ako kaya't bigla kong naisara ang pinto. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay may pumigil na sa aking mga kamay.
Nagkarerahan na naman ang mga kabayo sa loob ng aking dibdib. Sabi ko na nga ba. May sumpa talaga ang pinto sa akin. Sa tuwing bubuksan ko kasi iyon ay napapahamak ako.
Halos mapugto ang aking hininga nang marinig ko ang pa-click ng lock.
Namulsa siya at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. I stepped back. Nasa gitna na ako ng kuwarto.
"Uhm, ano pong kailangan ninyo, Senyorito?" Umiwas ako ng tingin.
He was staring at me intently. Particularly to my chest.
Wait. My chest?
Namilog ang aking mga mata. Huli na para maitago ko ang kuwintas at ang singsing na nakasabit dito. His eyes speak so much pain. Napaiwas ako ng tingin.
"Sinong kausap mo kanina?"
His baritone voice made me shiver. Napamaang lamang ako sa kanya.
"B...akit po?"
His jaw clenched. Kamuntikan na akong matumba nang inisang hakbang niya ako't hinawakan sa braso.
"Just answer me, Zia Lynn."
May pagbabanta sa kanyang boses na siyang hindi ko maintindihan. Pati ba naman iyon ay pakikialaman niya?
"Bestfriend ko ho," maikling tugon ko.
Hindi ko nakikita ang kanyang mukha sapagkat halos nasa balikat niya lamang ako. He's towering me with his height.
"Bestfriend, huh?" May bahid ng sarkastiko ang kanyang boses.
"Hindi ko kayo maintindihan. Hindi ko ho alam na obligasyon ko palang sabihin sa inyo kung sinong kausap ko sa telepono."
"Now you're talking back," he huffed. I can sense the anger in his voice.
"P...pasensya na ho. Pero mawalang-galang na po, Senyorito. Ang alam ko ho kasi rest day ko ngayon kaya wala naman ho kayong ipag-uutos sa akin, 'di ba? At saka wala na ho ba akong karapatan makipag-usap sa telepono?"
Gusto kong palakpakan ang aking sarili. Saan ko kaya nakuha ang tapang na iyon? Kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko.
"Do I need to remind you, my love?" he uttered—almost biting my earlobe.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan.
"I own you. So, I have all the right to know everything about you. Including everyone who talks to you."
I gasped. Buong puwersa ko siyang itinulak. Pumaling ang kanyang ulo. Atleast we have a distance now.
"Baka ho nakalilimutan ninyo. Katulong n'yo ho ako. Hindi ninyo ako nobya o asawa. Kaya walang dahilan para alamin ninyo ang mga bagay na hindi na sakop ng trabaho ko."
My breathing hitched when he closed the distance between us.
"I own you, my love. Since then," he whispered.
Nanindig ang aking mga balahibo nang bahagya niyang sinipsip ang aking balat sa gilid ng leeg. Halos hindi ako makahinga.
"This cold metal hanging on your neck is enough to prove my ownership," he continued.
"Uhm..."
He cupped my face and made me look up to him. Nag-aapoy ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
"Mawalang-galang na. Pero hindi magandang pakitunguhan mo ako nang ganito. Matagal na tayong tapos, Senyorito." Diniinan ko ang huling salita.
I wasn't able to hide the bitterness in my voice.
"May I remind you, Love. It wasn't a mutual decision. You decided it alone because you thought I was not capable of supporting your needs, right?"
Bumalatay ang galit at pang-uuyam sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya.
"Wow! Ikaw pa ngayon ang may ganang manumbat. Sino ba ang naglihim ng pagkatao niya? Sino ba sa atin ang hindi naging totoo?"
"Why? Would you fight for me then, when you just knew that I was capable of giving you the luxury of life you've been dreaming?"
Napaawang ako't sunod-sunod na umiling.
"Hindi gano'n iyon, Hugh! Alam mong mahal ko ang pamilya ko. Alam mong wala akong pamimilian."
"But you still chose that Patrick over me!"
Dumagundong ang kanyang boses na tila kulog sa loob ng kuwarto. Napaatras ako ngunit nahuli niya ang aking braso.
"Tell me, how much do I need to pay for you to stay?" he uttered.
Nanlaki ang aking mga mata.
"E—xcuse me?" hamon ko sa kanya. Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata. Mababanaag ang pang-uuyam doon.
"Name your price, love. I will pay for your time. I will pay for your attention. I will pay for you to choose me this time. Magkano ka ba?"
Before I could even think of it, my hand landed on his face. My knees trembled.
Pumaling ang kanyang ulo at napahawak siya sa kanyang pisngi.
"How dare you!"
Bumalong ang mga luha sa aking mga mata.
"Sa 'yo na 'yong pera mo. Sa 'yo na 'yong kayamanan mo. Isaksak mo sa baga mo!" I shouted right to his face before running past by him, slamming the door behind me.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top