Chapter 14
CHAPTER 14
NAMILOG ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat. Iniharang niya ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ko. Sinakop ng kanyang pabango ang aking pang-amoy.
He teased my lips like he wanted me to respond. So, I obliged. Kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata ay siya ring pagtugon ko sa kanyang halik.
Napatukod ako sa kanyang matigas na dibdib. Tila hinihigop niya ang aking lakas sa bawat paghagod ng kanyang malambot na labi sa akin. I couldn't contain the overflowing emotion in my heart.
Hipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko nagugustuhan ang kanyang halik. Tila hindi iyon makakasapat sa pangungulilang tiniis ko sa mahigit isang taon na hindi ko siya nakita.
Sa una ay dahan-dahan ang kanyang halik na tila tinutukso ako ngunit habang palalim nang palalim ay tila nagiging mapagparusa iyon. Nakakalasing at nakakapanlambot. Namalayan ko na lang ang mga kamay kong nakakapit sa kanyang leeg habang ang isa niyang kamay ay nakapulupot na sa aking baywang. Napapikit na rin ako at sinalubong ang bawat halik na iginagawad niya sa akin.
Ramdam ko ang unti-unting pagkabuo ng init mula sa aking loob. I missed him so much that I'm willing to submit myself when I can't take it anymore.
Our kisses created an erotic sound inside his room. Ramdam ko na ang pagkakbay ng kanyang kanang kamay pataas. Napaliyad ako sa sensasyong dulot ng kanyang bawat paghagod sa aking mga labi. His lips started to awaken the old flame inside my heart. Ngunit bago pa man ako tuluyang malunod ay pinutol niya na ang aming paghahalikan.
Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Halos maduling ako sa lapit ng aming mga mukha. At tila ba nabuhusan ako ako ng isang balde ng malamig na tubig nang matauhan ako.
Mabilis kong tinanggal ang aking mga kamay na nakakapit sa kanyang leeg. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.
Diyos ko! Anong nagawa ko?
"S...enyorito." I stuttered. Hindi ko alam kung saan ibaling ang aking paningin.
Napayuko ako. Nakaharang na ulit ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko habang nakasandal ako sa pinto ng banyo. Blangko ang kanyang mukhang nakatitig sa akin, na tila binabasa niya ang laman ng aking isip.
Malaki na ang kanyang ipinagbago. Lalong nadepina ang hugis ng kanyang panga at dibdib. Ang ilong niya na tila nililok ng iskultor ay agaw-pansin pa rin. He has grown stubbles in his jawline which made him look rugged and masculine.
Napalunok ako nang mapadako ang aking tingin sa kanyang mapupulang labi. I can't believe I've tasted those delectable lips. Ngunit ang hindi ko nakayanan ay ang malalim niyang mga titig. Napaiwas ako ng tingin.
"Uhm, t—tapos na ho akong maglinis. Tawagin n'yo na lang ho ako kapag may iuutos pa kayo, Senyorito."
Nangangatog ang aking mga tuhod. Batid kong pulang-pula na rin ang aking mga pisngi ngayon kahit na hindi ko na tingnan ang aking sarili sa salamin.
Umigting ang kanyang panga. Nasundan ko ng tingin ang paggalaw ng kanyang lalamunan nang lumunok siya.
"Simula ngayon, ako lang ang pagsisilbihan mo. Naiintindihan mo?" maawtoridad na untag niya habang nakatitig pa rin sa akin.
Wala sa sariling napatango ako. Nalulunod ako malalim niyang mga titig.
"Masusunod ho, Senyorito."
His lips formed a lopsided smile as if he's satisfied by what he just heard.
"Good."
He stepped aside to give way. Agad kong kinuha ang pagkakataong iyon para makaalis. Halos takbuhin ko ang pinto palabas. Narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto sa banyo bago ako tuluyang nakalabas sa pinto ng kanyang kuwarto.
Napasandal ako sa dingding. I held my chest while catching my breath. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang nangyari.
God! We just kissed! Naghalikan kami na parang walang nangyaring hiwalayan noong nakaraang taon.
"You okay, Zia Lynn?"
Napabaling ako sa kanan ko. Nanlaki ang aking mga mata saka napatayo nang maayos.
"Senyorito Gaston, kayo ho pala. Magandang umaga ho."
Ngumiti ako, pilit itinago ang kabang bumabayo sa aking dibdib. Mukhang maglilibot siya sa hacienda sa klase ng kasuotan niya.
"Yeah, good morning. You look exhausted. Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Agad akong umiling nang sunod-sunod. "Ayos lang ho ako. Nakainom na ako ng gamot."
"Good. Pero kung masama ang pakiramdam mo, magsabi ka kaagad para maipakonsulta ka sa doktor kung saka-sakali."
"Naku, hindi na ho. Ayos na ho ako. Maraming salamat po sa pag-aalala ninyo," mariing tanggi ko.
Hinagod niya ako ng tingin.
"You sure you're really okay? Namumula ka. Baka may lagnat ka."
Agad akong lumayo nang akma niya akong salatin sa noo.
"Ayos lang ho talaga ako, Senyorito. Katatapos ko lang kasi maglinis sa kuwarto ni Senyorito Timothy, kaya medyo napagod lang. Sige ho. Mauuna na ho ako."
Alanganing tumango siya. Tila hindi kumbinsido sa aking mga sinabi. Pero hidni ko na kayang magtagal sa kanyang harapan. Baka biglang bumukas ang kuwarto ni Hugh at lumabas siya.
Halos takbuhin ko ang hagdan paibaba. Narinig kong pinaalalahanan pa niya akong magdahan-dahan.
Nagdire-diretso ako sa labas. Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili.
I occupied the gazebo in the middle of the garden. Agad akong nagpakawala ng malalim na hininga pagkarating ko roon.
Wala sa sariling dinama ko ang aking mga labi gamit ang aking daliri. Lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso. Hanggang ngayon tila ramdam ko pa rin ang kanyang halik.
Ibig bang sabihin no'n e na-miss niya rin ako? Ibig bang sabihin no'n e mahal niya pa rin ako?
Hindi ako mapakali kaya't kinuha ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng aking uniporme para tawagan si Divina. Sa unang ring pa lang ay agad niyang sinagot ang tawag.
"Besh! Buti tumawag ka, tatawagan na sana kita kasi hindi ka nagpaparamdam sa akin, e. Naunahan mo lang ako sa pag-dial," bungad niya sa akin.
"Pasensya na, Divina. Abala lang kasi ako."
Umupo ako sa sementong upuan. Pilit pinapakalma ang aking puso. Ramdam ko pa rin ang bilis ng pagtibok nito.
"Sus, sabi ni Tiyang Sol hindi naman kayo gano'n ka-busy. Kumusta ka na diyan?"
"O—okay naman."
"So, ano nga? Ba't ka napatawag? Huwag mong sabihing mangangamusta ka lang? Kilala kita."
Huminga ako nang malalim.
"Divina, ano kasi. Nagkita na kami ni Hugh," mabilis kong sabi.
"Ano? Seryoso?"
Napapikit ako sa lakas ng kanyang tili. Sandali ko ring nailayo ang cellphone mula sa aking tainga.
"So, anong nangyari? Nakausap mo ba siya? Nagbalikan ba kayo? Ano?"
Napairap ako sa sunod-sunod niyang tanong. Napagpasyahan kong huwag na lang muna sabihin sa kanya na si Hugh nga ang mismong amo ko rito. Baka lumuwas siya nang wala sa oras dito sa Negros. Buti na lang pala hindi rin nakikuwento sa kanya ni Nanay Sol.
"Kumalma ka kaya muna para maikuwento ko sa 'yo?" untag ko. Agad naman siyang kumalma.
"Pasensya na, nagulat lang. Ano na? Kuwento ka na," aniya.
Inilibot ko muna ang aking paningin. Mabuti't walang tao rito sa hardin. Hindi rin nila ako basta-bastang makikita dahil sa nagtataasang mga halaman at bulaklak.
"Hindi kami nagkabalikan. Hindi gano'n kadali iyon, Divina. Ni hindi ko nga alam kung may... may nararamdaman pa siya para sa 'kin."
Bumuntonghininga kami nang sabay.
"Pero..." I trailed off.
"Pero ano?"
Nasapo ko ang aking noo. Sasabihin ko ba kay Divina? Pero hindi kasi ako mapakali. Parang sasabog ang puso ko sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y malapit na akong mabaliw.
"Hoy! Natahamik ka, Zia Lynn? Pabitin ka naman magkuwento. Kaasar!" reklamo ni Divina.
I blew a deep breath. "Hinalikan niya ako, Divina."
"Oh, my God!'
Muli ko na namang nailayo sa tainga ko ang cellphone nang tumili nang pagkalakas-lakas si Divina mula sa kabilang linya. Napailing ako. Marahil kung magkaharap kami ngayon ay nagtatalon na siya.
Hinintay ko munang kumalma siya bago nagpatuloy.
"Seryoso? Naghalikan talaga kayo? Pero teka, 'di ba ang sabi mo hindi pa kayo nagkabalikan? Paanong naghalikan kayo?"
Para akong sinampal ng sampung kamay nang mapagtanto ko ang ibig sabihin ni Divina. Dumaan ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. Hindi agad ako nakapagsalita.
The stern looks on his face flashed in my mind.
"Simula ngayon, ako lang ang pagsisilbihan mo. Naiintindihan mo?"
Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa isip ko ang sinabi niya kanina. Nang dahil sa halik na iyon ay saglit kong nakalimutan na napakataas na pala ng pagitan namin ngayon. Langit siya at 'di hamak na lupa ako. Matayog siya at napakaimposible nang abutin.
"Hoy, Zia Lynn! Ano na, besh? Ba't natahimik ka? Ang siste nagpahalik ka nang wala kayong label? Ano 'yon makeup kiss lang dahil matagal kayong hindi nagkita, gano'n?"
Nanubig ang aking mga mata.
"Hindi ko alam, Divina. Pero nag-iba na siya. Ibang-iba. Kaya malabong magkabalikan kami."
"Ano? Ang labo mo naman kausap. Naghalikan kayo pero hindi naman kayo magbabalikan. Maloloka na ako sa 'yo, Zia Lynn! Umayos ka kaya!"
Bumikig ang aking lalamunan.
"Uhm, sa susunod na lang tayo ulit mag-usap, Divina. May gagawin pa kasi ako. Sige, ha? Mag-iingat ka riyan. Bye."
"Ha? Teka, hel—"
Pinatay ko na ang tawag saka ibinalik ang cellphone sa loob ng aking bulsa. Nanghihinang napasandal ako sa poste ng gazebo. Muli akong napahawak sa aking mga labi.
Tama si Divina. Napakatanga ko para magpaalipin sa halik ng lalaking iyon gayong wala namang namamagitan sa amin. Hindi dapat nangyari ang halik na iyon.
Pero nagpaubaya ka rin naman. Kontra ng kabilang bahagi ng aking isip.
Nagtatalo ang aking loob. Kahit alam kong mali ang nangyari pero bakit nakaramdam ako ng tuwa?
Dahil mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.
Napangiti ako nang mapait. Siguro naman panahon na para malaman niya ang totoong nararamdaman ko. Na kaya ko lang naman siya nagawang itaboy dahil ayaw kong masaktan siya. Inaamin kong mahina ako noong mga panahong iyon. Pero iyon ang alam kong pinakatamang gawin. Mahal ko ang mga magulang ko. Mahal ko rin si Hugh. Kaya kung kinakailangang isakripisyo ko ang sariling kaligayahan, nakahanda akong gawin.
"Zia Lynn?"
Agad kong pinahid ang aking luha nang marinig ko ang pamilyar na boses. Bumuga ako nang hangin bago siya nilingon.
"Oh, Raquel?"
I plastered a sincere smile on my face. Umakyat siya sa tatlong baitang na hagdan ng gazebo.
"Napasyal ka ulit?" untag ko. Kahapon kasi ay nandito rin siya.
"Oo, hinihintay kong bumaba si Timothy. Yayayain ko kasi siyang maglibot sa hacienda. Nagdala na rin ako ng kakanin. Ibinigay ko kay Nanay Sol. Mayroon ulit na para sa 'yo siyempre."
Napatango-tango ako. "Nag-abala ka pa talaga. Maraming salamat, Raquel."
Naupo siya katapat kong kabisera ng gazebo.
"Siyempre, 'di ba magkaibigan na tayo? Hindi ko kasi feel ang ibang mga katulong dito sa mansyon, ang susungit."
Lihim akong napangiwi. Fresh na fresh si Raquel ngayon. Mukhang bagong ligo siya nang pumunta rito.
Nakasuot siya ng dilaw na spaghetti blouse na pinaresan ng itim na leggings. Bumabakat ang kurba ng kanyang katawan.
"Siyempre naman," nakangiting tugon ko.
"Teka, bakit pala nandito ka?" aniya.
"Ha? Ah, nagpapahangin lang. Katatapos ko lang kasing maglinis ng mga kuwarto sa taas."
Diyos ko. Napapadalas na ang pagsisinungaling ko. Patawarin mo sana ako.
"Nakita mo ba si Timothy? Ang tagal niya kasing bumaba," reklamo niya. Sinalakay na naman ako ng kaba.
Kumalabog ang puso ko. "Ah, kanina nakasalubong ko siya noong matapos akong maglinis. Mukhang kagagaling lang niyang maglibot sa hacienda."
"Gano'n?" Bigla bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. Bumagsak din ang kanyang balikat.
"Uhm, Raquel, huwag mo sanang mamasamain, ang sabi kasi ni Nanay Sol kababata mo si Senyorito Timothy. Totoo ba 'yon?" pasimpleng tanong ko.
Biglang bumalik ang sigla sa kanyang mukha. "Oo, magkababata kami. Ang mga magulang niya ang tumulong kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral. Sayang nga lang kasi hindi kami sabay na nakapag-aral. Lumipat kasi sila noon sa Maynila."
Napatango-tango ako.
"Pero dati madalas kaming maglaro at mag-ikot dito sa hacienda. Kaya naniniwala akong itinadhana talaga kaming dalawa. Alam mo, hindi 'yon palakaibigan sa mga babae pero kinaibigan niya ako. Kaya tingin ko may pagtingin din siya sa akin."
Bahagya akong napasinghap. Nilukob ng inggit at sakit ang aking puso. Hindi ko mapigilang manliit sa aking sarili.
"Gano'n ba?" mahinang tugon ko.
"Oo, mahal ko siya, Zia Lynn. Tingin mo ba bagay kami ni Timothy?" she asked with so much hope in her eyes.
Napalunok ako. Parang sinasakal ang aking puso.
"Oo naman. Maganda ka, mabait pa." Pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.
Walang halong kaplastikan pero totoo naman kasing mas bagay si Raquel sa kanya. Matagal na silang magkakilala. Magkababata pa. Ibig sabihin mas matibay ang kanilang pinagsamahan. At kilala na nila ang isa't isa. Hindi katulad ko na sumulpot na lang bigla sa buhay ni Hugh.
Namula ang pisngi ni Raquel. Tila kinilig siya sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin.
"Naku, buti ka pa ang bait mo sa 'kin, Zia Lynn. Hindi katulad nina Milagros, lagi akong inaaway at pinaparinggan."
Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Pagpasensyahan mo na sila. Mababait naman ang mga iyon."
Tumayo ako. "Sige, ha? Pasensya ka na, Raquel. Kailangan ko na munang magpaalam sa 'yo. Tutulong pa kasi ako kay Nanay Sol sa loob. Baka hinahanap na ako. Hintayin mo na lang si... Senyorito."
Gusto kong palakpakan ang aking sarili. Ngayon ko lang napagtanto na wala rin palang patutunguhan itong nararamdaman ko. Kaya hangga't maaari, sisikapin kong malabanan ito. Aaralin ko na ring kalimutan siya, kahit na sobrang hirap.
"Gano'n? Sige, dito na lang muna ako. Salamat, Zia Lynn."
Nginitian ko siya. Ayaw kong dumating sa punto na pati si Raquel ay mangingitian ko nang peke gayong wala naman siyang ginagawang masama sa akin.
Dali-dali akong pumasok sa mansyon. Sa kusina na ako dumaan para malapit sa maid's quarters.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay nadatnan ko sina Milagros at Dionesa na inaayos ang aking mga gamit.
"Teka, anong ginagawa ninyo?" sansala ko.
Napatigil sila at napatingin sa akin na kasasara lang ng pinto.
"Hindi mo ba nakikita? Siyempre tinutulungan ka naming ligpitin ang mga gamit mo," Dionesa responded as a matter of fact.
Nangunot ako. Gano'n din sila.
"Saan ka ba kasi galing? Kanina pa iniutos ni Senyorito Timothy na ilipat ang mga gamit mo sa guest room sa taas."
Napasinghap ako't nanlaki ang aking mga mata.
"Ano?!"
Nagkatinginan silang dalawa.
"Oh? Bakit nagulat ka? Hindi mo alam?" nakakunot-noong untag ni Milagros.
Kumalabog ang aking dibdib. Ano'ng gusto niyang mangyari? Bakit niya ito ginagawa? Saglit akong natulala sa dalawang nagliligpit ng aking mga gamit. Nang ma-realize ko kung ano'ng nangyayari ay kaagad kong tinakbo ang cabinet na naglalaman ng aking mga iba pang damit.
"Teka, teka, ako na."
Naalala ko kasing dito ko itinago ang gamot para sa LBM, baka makita nila't tadtarin pa ako ng tanong.
"Tutulungan ka nga namin. Kasi inutos ni Senyorito Timothy. Sabi niya ilipat ka raw doon para madali ka niyang mautusan kung kailangan ka niya," untag ni Milagros.
Diyos ko, kung alam lang nila. Iba ang aking pakiramdam sa gustong mangyari ni Senyorito Timothy.
"S—sige. Ako na ang maglilipit. Kaunti lang naman ang mga damit ko. Ako na ang bahala."
Binuksan ko ang cabinet saka ako na mismo ang kumuha ng mga damit at ipinasok sa bag na nakabukas. Napapantastikuhang tiningnan nila ako.
"Okay, fine. Tinutulungan ka lang naman namin dahil utos ni Senyorito Timothy," untag ni Dionesa.
Natigil naman silang dalawa.
"Pero alam n'yo ba, nagtataka talaga ako," untag ni Milagros. Nakatukod ang kanyang baba sa kanyang hintuturo habang nakahalukipkip ang kaliwang kamay niya.
Sinalakay ako ng kaba. Hindi kaya napansin nila ako kanina na nagmamadaling lumabas sa kuwarto ni Hugh?
Pero imposible, ako lang ang tao kanina sa taas, maliban kina Senyorito Gaston.
"Ako nga rin nagtataka, eh." Segunda naman si Dionesa. Natigilan ako sa paglilipat ng aking mga damit saka tiningnan sila.
"Huwag mong sabihing pareho tayo ng iniisip?" untag ni Milagros.
Lalong kumabog nang malakas ang aking dibdib. Diyos ko! May alam ba sila?
"Bakit? Ano ba ang iniisip mo, Milagros?"ani Dionesa.
Nahigit ko ang aking hininga.
"Para kasing ang weird ng nangyayari. Kasi ang utos ni Senyorito Timothy, ilipat sa itaas si Zia Lynn para madali niyang mautusan. Take note, NIYA raw. Siya lang. Ibig sabihin hindi kasama si Senyorito Gaston. Kasi kung gano'n din ang gustong mangyari ni Senyrito Gaston, e 'di sana iniutos niya na noong isang araw pa. At saka pareho naman nating kilala 'yang si Senyorito Gaston, hindi 'yan palautos. Tayo pa nga ang nahihiya kapag bababa pa siya rito para ipaghanda ang sarili niya ng pagkain. Kaya ibig sabihin si Senyorito Timothy lang ang may gustong ilipat si Zia Lynn sa taas," tila henyong pagpapaliwanag ni Milagros.
Hindi na ako magugulat kung isang araw ay matagpuan ko na lamang ang sarili kong isinusugod sa ospital. Dahil simula nang dumating kahapon si Hugh dito, lagi na lang akong parang hihimatayin sa sobrang kaba.
"Oo nga, 'no?" tugon ni Dionesa.
Nagkunwari akong hindi apektado sa kanilang pinag-uusapan.
"Kaya lang hindi naman iyan ang iniisip ko," Dionesa added.
Nataranta ako kaya't napatigil ako sa paglilipat ng aking mga damit.
"Ano naman?" untag ni Milagros.
I held my breath as I waited for Dionesa's answer. Kinakabahan ako dahil baka nakita nga niya ako kanina na kumakaripas pababa ng hagdan. Nawala na kasi sa isip ko na maaari nila akong makita sa sobrang okupado ng aking utak dahil sa nangyari.
"Eh, kasi 'di ba ang sabi ni Senyorito Timothy kahapon pagkarating niya, dalawang araw lang siya rito. Ibig sabihin ay aalis siya bukas. So, ano pang silbi na palilipatin niya si Zia Lynn sa itaas?"
Napasinghap ako. Hindi ko na naitago ang aking pagngiwi nang sabay nila akong binalingan.
"Hindi kaya?" untag ni Milagros.
May naglalarong ngisi sa kanilang mga labi.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top