Chapter X. Inspired
"Seryoso? Nag-kiss kayo? OMG!"
"Oo, Bestie!"
Napahampas kami ni Gecel sa braso ng isa't isa sa sobrang kilig.
Nandito kami ngayon sa may tabi ng laboratory. Kokonti pa lang ang mga estudyante kasi alas sais pa lang ng umaga. Pumasok talaga kami nang maaga ni Gecel para mai-chika ko sa kanya ang ganap noong field trip.
"Taena. I'm happy for you!" Kunwa'y humagulgol habang nakasabunot sa akin ang gaga.
"Aray! Aray! Potek ka! Sakit sa anit e." Nakasambakol ang mukha ko habang minamasahe ang bahaging sinabunutan ni Gecel.
Niyakap-yakap niya ako at binuhat pa.
"Gaga! Ibaba mo ako haha." Nang makababa ay inayos ko ang manggas ng blouse ko na bahagyang nalukot. "Ay teka, Gecel. May assignment ka na ba sa Araling Panlipunan? Pakopya naman."
Bakas sa mukha ni Gecel ang pag-aalala.
"Excuse me?" Nag-cross arms siya at naglakad palibot sa akin. "Eumerica Rochene Arguelles, ang Top 5 ng klase namin e walang assignment?" Nang muli kaming magharap ay pinawaymangan niya ako. "May promise ka sa Ate Karen mo, 'di ba?"
Napakamot ako sa ulo. "Oo, hindi ko naman nakalimutan 'yun! It's just that.." Inilagay ko ang mga kamay ko sa may pisngi ko. "Buong weekend kong inisip at binalik-balikan 'yung nangyari sa amin ni Nicky." Nag-pretty eyes pa ako habang nakatingin sa langit. Matapos ay sinundan iyon ng pag-irit na parang galing sa kumukulong tubig sa takuri.
Napabuntong-hininga si Gecel sabay kuha sa sukbit niyang bag. May kinuha siya roong notebook. "Oh hayan. Pagbibigyan kita ngayon ha? Para saan pa at naging bestfriend mo ako kung kukunsintihin kita sa kapabayaan mo sa pag-aaral. Very wrong!" Inismiran ako ni Gecel pagkabigay sa akin ng notebook.
"I love you, Bestie!" Niyakap ko siya nang mahigpit pagkatapos noon.
----
Katatapos lang ng flag ceremony namin at nandito na kaming magkaklase sa room. Wala pa si Ms. Requiro kaya pasimple akong pumunta sa may pinto habang tinatanaw ang classroom nina Nicky.
Paniguradong nakapasok na rin ang mga kaklase niya pero madalas siyang huling nakakapasok. Gano'n kasi pag student officer. Sinisiguro muna nilang makakapasok ang lahat ng mag-aaral sa school sa kani-kaniyang classroom at pagkatapos ay sila naman.
Halos dumagundong ang puso ko nang sa wakas ay matanaw ko na siyang naglalakad sa corridor habang kausap si Ms. Aguillon na noo'y hawak-hawak ang wari ko ay class record at chalk board.
Hindi ko alam kung namalik-mata ako pero namawis ako nang malamig. Feeling ko kasi napatingin sa dako ko si Nicky. Nakakahiya!
Tinampal ko ang mukha ko at tinungo ko na ang upuan ko.
Hayyy. Buo na naman ang araw ko!
------
Fifteen minutes bago mag-bell para sa next class ay pinatok ni Ms. Requiro ang kanyang lamesa.
"Class, may announcement ako." Natalima kaming lahat at napatingin sa adviser namin.
"Malapit na ang foundation week ng school natin and from the name itself, isang linggo ang itatagal nito kaya isang linggo ring walang klase. Same drill. Kanya-kanyang booth bawat section kaya mag-usap-usap na kayo ngayon kung ano ang booth ng klaseng ito."
Tumingin si Ms. Requiro kay Ray Filan, ang kapatid ni Shane. "Ms. Ray, come here at the front. Please preside the meeting."
Agad tumayo ang tinawag at dumako na sa unahan.
Kanya-kanyang suhestiyon ang mga kaklase namin pero hindi na kami nakikiumpok ni Gecel. May sarili kaming topic.
"Bestie, paniguradong may jail booth do'n!" Tumingin nang makahulugan sa akin si Gecel. "Alam na this."
"Tingin mo pa lang, gets ko na agad." Ngumisi ako pabalik sa kanya. "At saka ehem. Wedding booth." Siniko-siko ko siya at pagkatapos noon ay nag-high five kami.
---
Ngayon ang unang araw ng Foundation Week. Wala kaming klase pero lahat ng estudyante ay pumasok para um-attend sa activities. At the same time e para na rin magbantay ng booth.
Nakahalumbaba kami ngayon ni Gecel sa may canteen. Kanina pa hindi maipinta ang mukha namin.
"Sayang naman ang pagbabasa ko ng Wattpad kung ano'ng puwedeng gawin habang nakakulong sa jail booth with your crush. Hindi ko rin naman pala maa-apply." Dalawang gabi akong nagpuyat para magbasa ng story na may scenes na 'yung bida ay kinukulong sa jail booth at sine-set up sa wedding booth.
'Yun nga lang, parang nawalan ng saysay e kasi si Nicky 'yung tumatayong pari sa Wedding Booth at si Mark naman ang tumatayong warden sa jail booth kaya hindi sila puwedeng ipahuli. Hanggang huling araw ng foundation e gano'n daw ang role nila.
Napabuga ng hangin si Gecel sabay laylay ng balikat. "So ano'ng ganap?"
"Ewan ko. Maningin-ningin na lang tayo ng ibang b—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong malamig na metal sa palapulsuhan ko.
"Ano'ng—"
Napatingin ako sa naglagay noon. Si Pauline at Jessa, mga kaklase ni Nicky.
"Sumama ka na lang sa 'min." They winked at me.
Naguguluhan man at wala pa akong kaide-ideya kung saan kami pupunta ay sumama na lang ako. Magkatabi ang wedding booth at jail booth kaya hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ng dalawang ito.
It turned out na sa wedding booth pala.
Dinala ako ng dalawa sa may 'entrance' na magsisilbing lakaran ng 'bride' patungo sa 'altar'.
Binigyan ako ng dalawa ng bouquet ng bulaklak at nagsimula nang tumugtog ang wedding march.
Taray! Ang bongga ng pa-effect!
Teka, sino nga pala ang 'groom' ko?
Napatingin ako sa altar at doon ay nakita ko si Nicky na naghihintay sa akin.
Para bang may lumabas na libo-libong paruparo sa tiyan ko habang nakatutok ang paningin ko sa kanya.
Parang nagkokonsiyerto sa tuwa ang mga kalamnan ko sa loob pero ang lalaking nasa may 'altar' ay nanatili lamang on a serious mode ang mukha.
Parang dumilim ang kapaligiran dahil ang tangi ko lang nakikita ay ang aking nilalakaran at ang lugar na kinaroroonan ni Nicky.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya na para bang tunay akong nasa isang kasal. Na parang ang wedding march na tumutunog ay nakikisabay sa ritmo ng aking mga paa.
Everything seems real. Malapit na ako sa 'altar' nang mawala sa paningin ko si Nicky.
Dahil biglang lumitaw ang isang tao.
Si Kian.
At naramdaman ko na lang ang muling pagkalaskas ng metal na bagay na nasa aking kamay.
Dahil ikinakabit pala ni Pauline ang kabiyak noon..
Sa taong ngayon ay nasa harap ko.
---
Muling nagliwanag ang kapaligiran at ang mga tao ay muling kong nakita. Halohalo ang reaksiyon nila. May kinikilig at 'yung iba ay wala lang. Halatang nakikiusyuso lang.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Nicky at inilipat ko rin iyon kay Kian. Nginitian niya ako ngunit hindi ko alam kung ano ang gustong iparating ng ngiti niyang iyon. Para bang kapaitang nakahalo roon.
Isang pagtikhim ang nagpanumbalik ng atensiyon ko sa 'seremonya'.
"We gather here.." Hindi na naging malinaw sa akin ang mga sinasabi ni Nicky.
Nakapokus lang ako sa bulaklak na mahigpit kong hinahawakan.
---
Matapos ipapirma sa amin ni Kian ang 'marriage contract' ay saka pa lamang tinanggal ang aming pagkakaposas.
"Ecka, thank y—"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kian dahil tumakbo na ako palayo sa altar.
Ngunit bago 'yun ay isang sulyap ang ipinukol ko kay Nicky.
Parang may gusto siyang sabihin pero hindi ko alam.
Napakabilis ng mga pangyayari dahil tumatakbo na ako ngayon. Hindi ko alam pero parang napahiya ako sa sarili ko.
Akala ko kasi si Nicky..
Akala ko lang pala.
--
Sa pagtakbo ko ay napapunta ako sa likod ng building ng mga freshmen.
Sinapo ko ang mga tuhod ko habang habol-habol ko ang aking paghinga. Sinabayan iyon ng pagdagundong ng puso ko dahil sa pagkapagod.
Natampal ko ang aking noo. "Nakakahiya ka, Ecka. Ngiting-ngiti ka kanina kay Nicky pero issaprank lang pala."
Vini-visualize ko kung paano ako ngumiti kanina na parang isang tunay na bride at kung ano ang reaksiyon ng mga taong nanonood. At kung paano rin sila lihim na tumawa nang magbago ang reaksiyon ko nang salubungin ako ni Kian.
Parang gusto ko nang matunaw sa kinatatayuan ko.
Teka. Si Kian nga pala.
Ni hindi ko inisip ang mararamdaman niya kanina. Siyempre, kung ako ang nasa katayuan niya, mapapahiya rin ako.
Lalo na nang tinakbuhan ko siya.
Nakagat ko ang mga daliri ko. Kailangan kong mag-sorry kay Kian.
"Ecka."
Napalingon ako sa likod at bumungad sa akin si Kian. Nakatukod ang isa niyang kamay sa jalousie-glass window ng isa sa classrooms at evident sa kanya ang sunod-sunod na pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"K-Kian."
Agad ko siyang nilapitan. Tagaktak ang pawis sa mukha niya.
Kinapa-kapa ko ang bulsa ko kaso wala akong makitang panyo na ipapahiram sana sa kanya.
Itinaas niya ang isa niyang kamay. "Okay na, Ecka." Itinaas niya ang laylayan ng suot niyang polo at ginamit iyon na pamunas sa mukha.
"Kian, dapat hindi ka na sumunod."
Pinakalma muna ni Kian ang sarili at humugot ng malalim na paghinga.
"Nag-alala kasi ako sa 'yo e. Na-offend yata kita. S-Sorry. Ako ang may pakana ng lahat." Tumingin siya sa lupa pagkatapos noon.
"H-Hindi, Kian. Hindi naman ikaw ang dahilan e. Ewan." Nilaro-laro ko ang maliliit na bato na aming inaapakan. "Ako dapat ang mag-sorry. Ang rude ng ginawa ko. Nabigla lang naman ako e."
Ginulo niya ang buhok ko. "Sus, wala 'yun! Tara, libre kita ng lunch. Pambawi ko!"
"Well, libre na 'yan. Aayaw pa ba ako?"
Lumawig ang ngiti ko pagkarinig sa magic word na 'libre'.
Paalis na sana kami ni Kian nang may narinig akong kumaluskos sa likod ng puno ng mangga pero binalewala ko na lang. Kung sino mang tsismoso o tsismosa 'yun. Well, mali siya ng inaakala. Wala naman kaming ginagawang himala.
Sumama na ako kay Kian patungo sa canteen ng school.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top