Chapter VIII - My Knight

"Aaack!"

Halos lahat yata ng kinain ko mula kagabi ay naiduwal ko. Natitikman ko pa ang mapait na likido mula sa sikmura ko nang halos lahat ay maisuka ko.

Nakakaramdam pa ako ng pagkahilo. Naghuhuramentado pa rin ang tiyan ko ngunit wala na talaga akong maisuka.

"Ecka? Okay ka lang ba? Eto ang Vicks oh."

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa likod ko na sinundan pa ng paghagod doon.

Para bang sandaling nawala ang sama ng pakiramdam ko. Doon ko unti-unting napagtatanto ang lahat.

Napatingin ako sa supot ng pagkain na hawak-hawak ko pa rin. Nabalot na sa suka ang sa wari ko ay hotdog, siopao at Chuckie na aalmusalin yata ni Nicky.

Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahan kong tinagpo ang mga mata ni Nicky. Kita ko roon ang pag-aalala sa sitwasyon ko ngayon. Ni hindi man lang niya yata naalala na sinukahan ko ang binili niya.

"N-Nicky. P-Pasensya ka na. P-Papalitan ko na la—"

"Shhhhh.." Binilisan niya nang konti ang paghagod sa likod ko. "Wag mo akong intindihin. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Iniiwas ko na ang tingin ko kay Nicky sa pagkakataong iyon. Bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon e nagkakatagpo kami sa tuwing may nakakahiyang nangyari sa akin? Hustisya naman, oh.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinahid ko ang bibig ko. Lihim ko pang sinulyapan kung may tumalsik bang something sa damit ni Nicky. Mabuti naman at wala. Nakakahiya kasi kung meron.

"Okay lang ako, Nicky." Ihhhh. Gusto kong kiligin pero mas nangingibabaw talaga 'yung hiya. Kainis kasi. "Teka, bababa na ako. Bibili lang ako ng pagkain na ipapalit sa... sa... ahh.. Ahm, alam kong nagugutom ka na. Wait lang ha?"

Tumalikod na ako at akmang bababa nang tawagin niya ang atensiyon ko.

"No. Sit down here. Ako na ang bibili ng pagkain natin."

Natin? Big word! Ihhhhh.. Enebe, Nicky. Naiinlab ako lalo tuloy.

Inihawak ko ang kamay ko sa sintido ko. Actually okay na ako nang konti. Umaarte lang kasi nandyan si Nicky e. Gusto ko lang ulit makita kung paano siya mag-care. Hihi.

Ang landi mo, Ecka! Haha.

"See? I told you." Nakalapit na agad si Nicky at inalalayan niya akong makaupo sa upuan ko. "Dito ka lang. Bibili lang ako nang mabilis."

Tumango-tango ako at nang masiguro kong nakababa na siya ay doon ko na inilabas ang lahat ng pinipigilan kong kilig.

Ihhhhhhhhh!

Siyempre medyo pigil pa rin. Baka kasi may makakita sa akin e sabihan pa akong naluluwagan na ako ng turnilyo. Haha.

Sampung minuto ang nakalipas ay nakita kong umakyat na ang bestfriend kong si Gecel. Kabuntot niya ang apat na tropa ni Nicky.

"Oh, Bestie. Pinapaabot ng prince charming mo." Sinundan iyon ng malakas na tudyo ng magtotropa.

Sinuklian ko sila ng isang tipid na ngiti. Yung ngiting hindi abot sa mata. In short, fake smile. Kinuha ko na ang supot na iniabot ni Gecel. May laman 'yung isang supot ng pancake, one cup of hot chocolate at tatlong tuna pie sandwich. Napangiti ako at nakaramdam ng kuryenteng nagmula sa puso ko na dumadaloy sa ugat sa buong katawan ko. Kakilig, promise!

Umupo na ang magtotropa sa dati nilang upuan. Ganoon din naman si Gecel sa tabi ko na agad kinuha ang headset. Mukhang magpapatugtog yata.

Iniangat ko ang tingin ko. Wala si Nicky? Hindi nila kasama pag-akyat? Bakit hindi siya ang nag-abot nu'ng food?

"Naku, Bestie. Wag mo nang hanapin si Nicky. Busy. Katawagan yata 'yung Kaitlyn."

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko. Haaay, nagseselos na ako. Wow ha? Grabeng makapagselos. Kayo 'te? Kayo 'te?

"Oy, oy, oy. Anong drama 'yan?" Sinundot-sundot ni Gecel ang tagiliran ko.

Tinabig ko siya gamit ang siko ko. Yumuko ako papunta sa kanya saka ko siya binulungan.

"Alam mo, ang lakas ng bunganga mo. Takpan mo nga 'yan." Sinubuan ng isang buong tuna pie.

Dali-dali niyang tinanggal ang tuna pie sa bibig niya. Huli ko nang nalaman na medyo mainit-init pa nga pala 'yun dahil kabibili lang. Napahagikhik ako kasi nakakatawa naman talaga 'yung reaksiyon niya haha. Ang kyot kyot.

Mayamaya pa ay nagsipag-akyatan na ang mga estudyante at kabilang na roon si Nicky.

Muli kong naalala ang tagpo kanina kaya unti-unting lumawig ang ngiti sa labi ko. Ihhh. Pwede na akong mamatay ngayon din. Nagka-moment na kami ni crush e. Yieeeh.

Nang nasa tapat na namin si Nicky ay sumulyap siya sa akin. Itinaas niya ang hinlalaki niya kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay niya. Tinatanong niya ako kung okay na ako.

Tumango-tango ako at nginitian ko siya nang matipid. Kunwari pabebe. Charot.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at agad na siyang pumunta sa nakatalagang upuan niya.

Umayos na kami ng upo at muli na namang nag-headcount si Ms. Aguillon. Nang makumpleto na ay umandar nang muli ang bus. Ilang oras pa ang lalakbayin namin papunta sa una naming destinasyon.

Ang National Museum.

----

Sa pagbaba namin ng bus ay hinanap namin ang section namin. Sa bus lang kami napahiwalay pero sa klase pa rin namin kami sasama.

Sumulyap muna ako kay Nicky bago ako humiwalay sa klase nila. Ngingitian ko sana bilang pagpapasalamat ngunit abalang-abala siya sa pakikipag-usap sa mga katropa niya.

Hayy.. Napaka-angelic talaga ng mukha niya.

"Huy!"

"Ay palaka ka ng kabayo!"

"HAHAHAHAHA!"

"Lintek ka, Gecel. Pag ako namatay sa sakit ng puso, mumultuhin talaga kita!"

"Eh 'di multuhin mo," sabi niya with a mocking face. "Tulala ka na naman kay Nicky. Pag nahuli ka niyan, maki-creepyhan na 'yan sa 'yo. Gusto mo yern?"

Inismiran ko siya at pinamilugan ng mata. "Ang KJ naman! Parang 'di ka rin naman ganyan kay Mark!"

"O-oyy! A-Anong si Mark? B-Bakit nadamay siya?!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Oh? Tatanggi pa. Kahit di mo aminin, alam ko ang likaw ng bituka mo. Pati kulay ng panty na suo—"

Tinakpan ni Gecel ang bibig ko kaya 'di ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Masyado ka ng madaldal. Tara na, nagpapangkat-pangkat na sila pagpasok. Maiiwan na naman tayo." At kinaladkad na niya ako papuntang entrance. Oo, literal na kinaladkad. Kaloka talaga 'tong kaibigan ko!

----

Una naming nakita ang Tree of Life Foyer na isang bakal na istruktura na inspired from human DNA.

Marami pang sinasabi si Ma'am Requiro na nagsisilbi na rin naming tour guide. Marami kasi siyang alam sa History.

Nakatutok ang atensiyon nila kay Ma'am samantalang ako e panakaw na lumilingon-lingon. Alam niyo na siguro kung sino ang hinahanap ko. Hehe.

Kaso, ang ending. Di ko rin sila nakita. Baka nasa ibang floor na.

Haaay.

Next naming pinuntahan ay ang kalansay ni Lolong. Ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa Pilipinas. Grabe, ang laki nga! Nangilabot akong bigla. Paano kung makakita ako ng ganito kalaking buwaya tapos nilamon ako? I kennat! Di ko ma-imagine. Hayy.

Marami pa kaming tiningnan sa Museum at nang mapuntahan namin lahat ng palapag ay Intramuros naman ang pinuntahan namin. Kinahapunan ay sa Rizal Park naman ang aming destinasyon.

Nang naroon na kami ay naghiwa-hiwalay na muna kami. Okay lang naman daw sabi ni Ms. Requiro basta huwag lang daw kaming lalayo.

Naggala na kami ni Gecel. Sino pa nga ba ang magiging mag-buddy kung hindi kami rin kahit sawang-sawa na kami sa mukha ng isa't-isa. Haha.

"So confirmed na talaga na crush mo si Mark?" out of nowhere ay natanong ko si Gecel.

Napasubsob ang gaga sa ice cream na kinakain niya. Obvious na obvious ang lukaret.

"E 'di totoo nga."

"Gago, hindi." Bumuntong-hininga si Gecel. "He's courting me."

"Huwhaaaaat?!"

Agad tinakpan ni Gecel ang bibig ko. Nang kumalma ako ay inalis na niya ang kamay niya roon.

"Kahit kailan talaga, ang OA mo, Bestie."

"Gaga, kailan pa?" usisa ko.

"Nu'ng practice namin ng banda." Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad. Hinayaan ko lang siyang magkuwento.

"Napapansin ko nang panay ang pagsulyap niya sa akin. Andaming pumapasok sa isip ko at di nagtagal ay napatunayan kong tama ang hinala ko."

"Isang araw, matapos ang praktis namin ng banda, nagpaiwan siya sa barkada niya na ikinataka ko. Shemay grabe ang kabog ng dibdib ko!"

"At doon, sa school gym. Doon niya ipinagtapat ang damdamin niya. Noon din nagsimula ang panliligaw niya. Hihi." Ang landi ng babaitang ito, grabe! Kinikilig pa. Kaloka.

"Grabe, ang bitin mo namang magkuwento. Pag ako ang nagkukuwento e detalyadong-detalyado. Pag ikaw, summary?" reklamo ko.

"E kasi naman oh. Look who's coming?" Inginuso niya ang labi niya papunta sa kaliwa. At doon namin nakita ang limang magkakatropang sina Kian, Mark, Shane, Brian at ang lalaking tinitibok ng lungs, balun-balunan, spleen, hypothalamus at puso ko... ang nag-iisang Nicky ko! Char. Maka-'ko' naman, wagas. Haha.

"Hey girls. Wala kayong kasama? Why won't you join us?" si Brian ang nagtanong.

"Ah eh.. ano keshe eh." Grabeng kaibigan ko ito. Ang pabebe porke nandyan si Mark e. Talapirin ko kaya ito nang matumba sa harap ni Mark? Chos. Baka matuwa pa siya e.

"Girl's time," sumagot na ako. Nagkatinginan kami ni Kian at nginitian niya ako. Sinuklian ko naman siya ng isang kindat.

Samantala, nakita ko naman si Nicky na naka-headphones pa rin sa isang tabi. Introvert yata siya ngayon? Chos.

Gusto ko pa sana siyang titigan nang matagal kaso naalala ko 'yung sabi ni Gecel na baka ma-creepyhan si Nicky kaya iniiwas ko rin ang tingin ko.

"By the way, Gecel, Ecka. Makikisuyo sana kami sa inyo kung pwedeng picturan niyo kaming lima sa harap ng istatwa ni Rizal? Remembrance lang," request ni Shane.

Agad naman kaming pumayag at mayamaya nga ay tinahak na namin ang papunta roon. Magdidilim na rin at malapit na kaming bumalik sa bus.

Nakailang kuha kami ng litrato sa kanila at ganoon din sila sa amin. Pabalik na sana kami sa bus nang...

"Bang! Bang!"

Naghiyawan ang mga tao nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok. Kung saan iyon tumama ay wala akong alam.

Agad nagpulasan ang mga tao. Kanya-kanya ang takbo sa magkakaibang direksiyon. Kaming pito ay nagkahiwa-hiwalay na rin. Maging si Gecel ay 'di ko na makita.

"Hostage! May nangho-hostage!"

Lalong nagkagulo ang mga tao. Samantalang ako ay natuod sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Mas pinapangunahan ako ng takot ko.

"Shit! Ecka!"

Narinig ko ang isang pagalit na tinig at nakita ko na lang ang sarili kong buhat-buhat ng isang napakaguwapong nilalang.

"Nicky..." at nawalan ako ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top