Chapter III - His Smile

"It's almost time. That's it for today. Class dismissed."

Nagsipagtayuan na ang classmates ko pero eto ako, nakaupo pa rin at nakatulala sa blackboard.

"Huy!" Natauhan lamang ako nang may pumitik sa eye level ko. Si Gecel.

"H-Ha?"

"Uwian na oh. Tingnan mo?"

Napalingon ako sa paligid at nakita kong nagsisipag-uwian na ang mga kaklase ko. Bumaling ako ng tingin sa wall clock sa may taas. Kahanay ito ng mga plakard na may nakasulat na "In God We Trust". Doon ay nakumpirma kong uwian na nga.

"Hala, oo nga?!"

"Yan kasi. Uwian na pero 'yung utak mo e nasa flag ceremony 'pa rin." Inirapan ako ng aking bestfriend.

Nang kami na lang ang tao sa loob ng room ay hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko na kaninang-kanina ko pa gustong ilabas.

"Beshie!"

"Uh-oh," nasabi na lang ni Gecel. Hindi na siya nakaiwas sa sunod-sunod kong hampas sa braso niya.

"Aray! Aray!"

"Beshie! Waaaaaaaaaah! Kinikilig ako!" Inalog-alog ko pa ang balikat niya at pinakawalan ang pinakamatinis kong tili. Iyong tili na parang nanggagaling sa kumukulong tubig sa takure.

"Iihhhhhhhhhhhhh!"

Natatawa na lang si Gecel habang napapatakip ng kamay sa tainga.

Nang sa tingin ko ay kalmado na ako ay sumandig ako sa upuan ko at muli kong binalik-balikan ang nakakikilig na engkwentro namin ni Nicky kanina.

Teka,

Si Nicky?

Noon ay napagtanto kong uwian na nga pala. Baka nakalabas na sina Nicky kanina pa.

Hala!

"Uy, si Nicky nga pala?!" Agad kong hinigit si Gecel para makaalis na.

"Bilisan natin!" saad ko habang nakalingon kay Gecel.

Walang ano-ano'y namalayan kong mayroon akong nabunggo. Napahawak ako sa noo ko at kahit mahilo-hilo pa ako ay may ideya na ako na estudyante rin 'yun.

"Ecka.."

Tiningala ko kung sino 'yun. Si Kian pala.

"S-Sorry, Kian."

"Okay lang." Kinindatan niya ako.

Nandito pa si Kian. Panigurado, nandito pa rin si Nicky.

Halos magkandahaba na ang aking leeg kahahanap sa kanya pero hindi ko siya makita.

"Si Nicky ba ang hinahanap mo? Wala, umuwi na." Nginitian ako ni Kian na noo'y nakapamulsa na ng kamay.

Napayuko ako. Hindi ko masagot ang kanyang tanong dahil totoo naman.

"May modeling kasi siyang pupuntahan mamayang alas sais ng gabi kaya dumiretso na siya ng uwi. Do you want to watch?"

Hinarap ko siya habang ang mga mata ko ay nangungusap ngunit walang salita ang namutawi mula sa aking bibig dahil pa rin sa hiya. I don't want to make it sound obvious na head-over-heels ako kay Nicky.

"Beshie, chance mo na para muling masulyapan ang mala-adonis na katawan ni Nicky!" malakas na sabi ni Gecel.

Binigyan ko siya ng matalim na titig na nagbabanta. Paano'y para bang nakalimot siya na kaharap namin si Kian na katropa lang ni Nicky.

"Sige, pupunta ako."

"Sure! Kung gusto mo, daanan na lang kita mamaya. Tutal, isa lang naman 'yung way papunta roon."

Nag-isip ako ng ilang saglit. Siguro mga two seconds lang naman.

"Sige. Hihintayin kita mga bandang 05:45pm."

Tumango si Kian at naghiwalay na kami ng landas. May pupuntahan pa kasi siya kaya hindi kami nagsabay na umuwi.

05:30 pa lamang ng hapon ay nakahanda na ako. Simple lang naman ang suot ko. Leggings na puti, off shoulder na royal blue at saka sneakers. Nagdala rin ako ng body bag kung saan ko nilalagay ang suklay, salamin, pulbo, charger, wallet at cellphone ko.

Ako kasi 'yung tipo ng tao na hindi umaalis sa bahay 'pag walang dalang bag.

Nagpuyod ako ng buhok gamit ang kulay carnation pink na ponytails. Tinatamad ako ngayong mag-braids. Maggagabi na rin kasi.

Mayamaya ay narinig ko ang pagtawag ni ate.

"Rochene! Rochene! Nandito na 'yung manliligaw mo."

Agad akong bumaba at nakita kong nandoon na nga si Kian. Pinuntahan ko muna si ate para simangutan.

"Ate naman, hindi ko naman siya manliligaw. Schoolmates lang kami."

Tumawa si ate na noo'y nagde-defrost ng refrigerator.

"Sabi mo e. Oh, saan ba ang lakad niyo ngayon?"

"Ah, eh.." Hindi ko pa nga pala alam kung saan idadaos 'yung pagmomodel-an ni Nicky.

Lumingon ako kay Kian at nakuha naman niya ang gusto kong malaman.

"Sa Lakandula Studios po. May panonoorin lang po kaming modeling."

"Malapit lang pala. Oh sige. Huwag lang kayong magpapagabi masyado. Maraming loko riyan sa labas."

"Huwag po kayong mag-alala. Ihahatid ko po si Ecka pag-uwi." Nagpaalam na kami kay ate at binagtas na namin ni Kian ang daan papuntang Lakandula Studios.

Pagdating namin doon ay halos puno na ang upuan sa audience. Pumiwesto kami ni Kian sa may bandang gitna. Sapat lang para makita ang bawat modelong rarampa.

Limang minuto lang ang lumipas mula nang makarating kami ay nagsimula na rin kaagad ang programa.

Ayon kay Kian, wala naman daw itong prize. Kumbaga, ginawa lang ito as a fundraise. Ang mga makukuha sa ticket sales ay direktang mapupunta sa Home for the Aged.

Limampu ang kalahok. Dalawampu't lima ang bilang ng babae at gano'n din naman ang lalaki.

Isa-isa na silang rumampa. Ang suot nila ay mga anghel ang tema.

Ang mga babae ay nakasuot ng puti na mayroong halo. Ang mga lalaki naman ay walang damit pantaas at naka-white slacks lang at saka may nakasabit na pakpak sa likod.

Lahat naman ng lalaki ay may kanya-kanyang angking kaguwapuhan at kakisigan pero nag-iisa lang talaga si Nicky e.

Nang lumabas siya, tanging sa kanya lang nakatuon ang aking atensiyon. Para bang may nakatutok sa kanyang spotlight dahil siya lang ang sinusundan ng aking mga mata.

Nagwawala na naman ang mga paruparo sa aking tiyan. Mas lalo pang nagwala ang mga iyon nang 'di inaasahan ay lumingon sa amin si Nicky. Unti-unti niyang inilawig ang kanyang labi para ipakita ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Hindi ko namalayan na ngumingiti na rin pala ako.

"Gustong-gusto mo talaga siya 'no?"

Napatingin ako kay Kian na nagsabi noon. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko.

Hindi ko alam pero parang may garalgal sa boses ni Kian o baka masyado lang akong nag-iisip.

Itinuloy namin ang panonood na tumagal ng halos isa at kalahating oras.

"Puntahan natin si Nicky," yakag sa akin ni Kian.

Gustuhin ko man pero may parte pa rin sa utak ko na nagsasabing 'huwag' at mas nananaig iyon.

Oo, crush ko si Nicky pero ayoko namang lumapit sa kanya na para bang ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya. Such a desperate move.

Habang malalim akong nag-iisip, I just find myself being softly dragged by Kian. Papunta kami kay Nicky!

"Uy! Kia– 'Wag! Aalis na ak— hala, ayokong lumapit!"

"Pare!"

Huli na dahil nasa tapat na kami ni Nicky na noo'y naka-casual look na.

"Uy, pare!"

Nag-apir ang dalawa bilang pagbati sa isa't isa.

"Ang galing mo! Pero mas magaling pa rin ako. Kaya nga hindi na ako sumali e baka ma-outshine ka. Medyo nakakaawa ka naman kung gano'n." Napatawa ako sa biro ni Kian kay Nicky.

Sinakyan naman agad ni Nicky ang sinabi niya. "Kaya nga p're. Buti na lang hindi ka na sumali. Baka magsipag-back out-an na kami." Narinig ko ang pagtawa niya na sinasaliwan pa ng pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.

Tumingin sa akin si Nicky. Alam niyo na siguro kung ano'ng nararamdaman ko that time.

.00098 millosecond lang na nagtama ang mga mata namin pero iba ang impact no'n sa 'kin.

Parang gusto kong magwala!

Waaaaaah!

Siyempre, internal screaming lang 'yan. Mukha akong timang kung pumalirit ako sa harap ni Nicky.

"You're with Ecka pala?"

Sumulyap sa akin si Kian at muling hinarap si Nicky.

"Ah, oo pare."

"Ligawan stage na ba pare? Bilis ah?" Nakita ko ang mapanudyong ngiti ni Nicky na siniko pa si Kian.

Ligawan what?

Teka— wait.

"Hindi. Hindi ako nagpapaligaw kay Kian. Sumama lang talaga ako sa kanya para panoorin ka.. este manood nitong modeling niyo."

"Akala ko kasi pinopormahan ka na nitong tropa ko." Napatawa lang muli si Nicky. "Parang nagkakagustuhan na kayo e."

"Pero ikaw ang gusto ko e."

Sabay na tiningnan ako nina Kian at Nicky.

"Ha? Pakiulit ng sinabi mo, Ecka?" tanong ni Nicky.

Nagugulumihanan man ay pabalik-balik ko silang tiningnan.

"H-Ha? Ano'ng sinabi?"

Ang alam ko kasi, sinabi ko sa isip ko na gusto ko si Nicky.

Pero..

Pero..

Teka,

Sa isip nga lang ba talaga?

D-Did I shout it loud?

Patay..

Oh my gulay!

Bigla na lang akong nahilo at nawalan ng malay.

Lupa, kainin mo ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top