Chapter II - The Project
Ecka's POV
Sa wakas ay nakauwi na rin ako. Nagbihis muna ako ng pambahay at pagkatapos noon ay lumabas muna ako para bumili ng Piattos at Coke sa kapitbahay naming may tindahan.
Nang makabili ako ay umakyat akong muli sa aking kuwarto. Ini-on ko ang aking cellphone at dagli kong binuksan ang aking Facebook.
Nicholas Bernard James Adam Byrne, Jr.
*click*
Bumungad sa akin ang account ng aking super crush na si Nicky.
Hindi niya hilig ang pagpo-post sa kanyang FB account. Kung magpo-post man siya ay minsan lang sa isang linggo at ang content pa ng post niya ay tungkol sa DoTA 2 na madalas nilang laruin.
Kung hindi ko nga kilala si Nicky e mapagkakamalan ko siyang bulakbol e.
Paano, ang nakalagay na profile picture niya ay isang karakter sa paborito niyang laro. Ang nakalagay rin sa description niya ay 'works at Dota 2'.
See?
Kung i-i-stalk mo siya, parang ordinaryong binatilyo lang siya na babad sa computer games ngunit ang totoo ay namamayagpag siya sa larangan ng akademiya.
Ika nga nila, don't judge a person based on what he or she posts in social media dahil maaaring cover up lang ito ng tunay nilang pagkatao.
At sa sitwasyon ni Nicky e masasabi kong totoo 'yun.
Napangiti ako at dinako ko na lang ang YouTube. Makikinig na lang ako ng kanta.
You brighten my day
Showing me my direction
You're coming to me
And giving me inspiration
How can I ask for more
From you, my dear?
Maybe just a smile in your heart
Sinasaliwan ko pa ang pag-awit habang nakatingin sa litrato ni Nicky na pina-print ko sa computer shop noong isang linggo. Iba pa rin kasi 'pag hard copy 'yung picture na meron ka kaysa 'yung naka-save lang sa cellphone.
Crush ko si Nicky pero wala akong lakas ng loob para i-move to the next level ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang naman talaga ay makita siya araw-araw, masaya na ako roon. Bata pa rin naman ako para isipin ang pakikipagrelasyon.
Tumunog ang notification ng group chat ng aming klase.
Class, don't forget that tomorrow is the deadline of the submission of your models. Failure to submit on time will get automatic zero.
Chat iyan ng aming Chemistry teacher na si Ms. Leonor.
Para bang pumutok ang ugat ko sa sintido. Wala pa kasi akong nasisimulan. Glucose molecule model pa naman ang naiatas sa akin ni Ma'am.
Nicky pa more.
Hayy, hindi ko dapat sinisisi si Nicky. This is entirely my fault.
Nagsimula na akong mag-panic. Ni gamit e wala pa ako. Dalawang linggo ang ibinigay sa aming oras pero wala pa akong nagagawa ni isa.
Wala akong sinayang na oras. Kinuha ko ang wallet ko at pumara ako ng tricycle para makapunta sa tindahan ng school supplies. I made sure na wala na akong makakalimutang bilhin kaya medyo natagalan ako sa store.
Alas siyete na nang makabalik ako sa bahay.
"Rochene, kumain ka na," tawag sa akin ni Ate Karen na naghahain sa lamesa. She always likes to call me by my second name. No'ng una kinainisan ko pa pero kinatagalan e hinayaan ko na. I just always roll my eyes to her para ipakita na 'di ko pa rin bet na matawag sa ikalawa kong pangalan.
"Ate, mamaya na. May project pa akong gagawin."
"Kailan ba ang pasahan niyan at parang nagmamadali ka?" Dahan-dahan niyang inilalabas ang nilutong manok mula sa oven.
"Bukas na ate."
Napalingon siya sa akin na may pag-aalala sa mukha.
"Bukas? Agad-agad?"
Tumango ako.
Ipinatong niya ang manok sa lamesa at pinahid ang kamay sa suot niyang apron.
"Rochene, mag-usap nga tayo." Lumapit sa akin si ate. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa pinakamalapit na sofa.
Umupo na rin siya at seryoso akong hinarap.
"Neng, ano'ng nangyayari sa'yo? Lately, napapansin ko, parang hindi mo na natututukan ang pag-aaral mo. Dati naman, 'pag may projects e ginagawa mo na agad pagkasabi sa inyo kahit matagal pa ang deadline. And even your top, bumaba rin." Ate held my hand. "May pinagdaraanan ka ba?"
Yumuko ako at tumingin sa sahig pagkatapos. To be honest, I don't know how to answer her.
Basta ang alam ko, masaya ako pag nakikita ko si Nicky.
"Hindi ko pa nasasabi kina Dad and Mom 'yung pagbaba mo sa top. 'Pag nalaman nila, for sure magagalit 'yung mga 'yun."
"Okay lang naman 'te kung sasabihin mo. Sanay naman ako na lagi nilang napapagalitan." Naramdaman kong may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon.
Bata pa lamang ako ay hiwalay na sina Mom and Dad. Noong nagsasama pa sila ay kami ni Ate Karen ang bunga. But things didn't go well between the two of them kaya naghiwalay sila noong sampung taong gulang pa lamang ako. 20 years old naman na si ate na noon ay kaga-graduate lamang sa kolehiyo. Hindi naman sila kasal kaya madali lang ang naging paghihiwalay nila.
'Yun ay para sa kanila. Pero sa amin ni Ate Karen, nahirapan kaming matanggap ang lahat.
As kids, we don't want our parents to separate their ways. Sino ba namang anak ang gusto na hiwalay ang kanilang mga magulang? Kung meron man e kokonti lang siguro.
Limang taon na rin ang nakalipas at may kani-kaniya na silang pamilya ngayon. Kami nalang ni Ate Karen ang magkasama at magkatuwang ngayon sa buhay.
"No, hindi ko sasabihin sa kanila." Lumapit sa akin si ate para itaas ang aking baba. "Makakabawi ka pa naman 'di ba?" Nginitian niya ako pagkatapos noon.
Ngumiti ako at tumango na ikinatuwa ng aking kapatid.
"Oh siya, kumain na muna tayo. Tutulungan kita sa proyekto mo."
Inakbayan ako ni Ate patungo sa lamesa at masaya ko naman siyang sinamahan.
Kinabukasan,
Masaya akong pumasok habang hawak ang proyekto ko na pinagtulungan naming tapusin ng ate ko. Mga alas dos na rin kami natapos dahil medyo mabusisi ang paggawa ng model na natoka sa akin.
Malapit na ako sa room at madaraanan ko ang classroom ni Nicky. Bahagya kong inayos ang aking uniporme at ang aking buhok na nakatirintas at may pulang laso.
Dahan-dahan akong naglakad at pasimpleng sumilip sa bintana. Dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko.
Heto na.
And voila,
Nakita ko si Nicky.
Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko.
Naramdaman ko ang pagsikdo ng puso ko.
Makita lang siya, ayos na ako.
Buo na ang araw ko.
Hayy, Nicky. You complete me.
Hindi ko namalayan ay ngiting-ngiti na pala ako. Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad nang bigla akong matapilok sa paso ng halaman sa tapat ng room nina Nicky.
Pumlakda ako pero bago iyon ay nakita ko si Nicky na nasaksihan ang pagkakasubsob ko.
Shet.
Nakakahiya.
Sa lahat ng pagkakataon,
Bakit sa ganito pang sitwasyon niya ako mapapansin?
Pero ang isa pa sa mga inaalala ko..
Ay ang project ko.
Agad ko itong hinanap at tiningnan kung saan ito tumilapon.
Labis ang aking panlulumo nang makita ko na nahati ito sa dalawa at natapakan pa ng isang estudyanteng dumaan.
Shit!
"Ecka, ayos ka lang?" Isang lalaking may pag-aalala sa tono ang lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo. Si Kian pala ito, ang kabarkada ni Nicky.
"O-Okay lang ako. Pero 'yung project ko, hindi okay." Naluluha na ako habang nakatingin sa molecular model na nasa sahig. Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang umiyak. Umupo ako sa bench sa tapat ng classroom nila at sumubsob ako sa aking palad.
I can't afford to have a failing grade. I promised ate na magbabawi ako ngayong grading. Na babawiin ko 'yung top ko. Nilapitan naman ako ni Kian at inalo ako.
"I can fix this for you, Ecka." Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang tinig na iyon. Tiningala ko ang pinagmulan niyon at nakaramdam ako ng pagtahip ng dibdib ko.
"N-Nicky?"
"Just stay there, I'm going to fix this in just five minutes."
Pumasok siya ng kanilang classroom samantalang kami naman ni Kian ay naiwan sa bench.
Mayamaya pa ay lumabas na siya at hawak na niya ang project ko. Good as new na parang hindi nakaranas ng kalunos-lunos na trahedya kanina.
Trahedya talaga?
Nagpalit-palit lang ang tingin ko kay Nicky at sa project ko kasi natuliro na naman ako.
"Beshie, what the fu—" Nagulat si Gecel na aking bestfriend sa kanyang nasaksihan. Tinakpan niya ang sariling bibig para mapigilan ang sarili sa sasabihing hindi magandang salita.
"I just helped her to fix her project." Nagpaliwanag si Nicky sa aking bestfriend. Bumaling naman siya sa akin at tuluyan na niyang iniabot ang aking project. "Here you go. It's almost time. Take care next time, Ecka." Bago siya pumasok sa classroom ay binigyan niya ako ng isang pagkatamis-tamis na ngiti. Ngiting bumuo hindi lang ng araw ko kung di pati na rin ng buong taon ko!
My internal organs are celebrating in triumph na hindi nahahalata dahil sa aking poker face.
Hindi ko namalayan ang paligid dahil nanatili pa rin akong nakatulala sa pinasukang pinto ni Nicky.
I even forgot that Kian is beside me.
Geez.
"Ecka, I have to go inside. Sa susunod, mag-iingat ka ha?" Lumuhod siya sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.
Kinuha niya ang panyo niya at ipinagpag sa palda ko na puro alikabok.
Hala, pati itsura ko nalimutan ko na dahil kay Nicky.
I just can't.. I kennat!
"Beshie, tara na at pumasok. Time na oh." I looked at my wristwatch at tama nga ang kaibigan ko.
I bid goodbye to Kian as we parted our ways.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top