Chapter I - Stalking Him

Ecka's POV

"Gecel, bilisan mo. Uwian na sina crush oh!"

"Sandali! Nagpupulbo pa e." Sa tingin ko ay mas lalo pang binagalan ng aking bestfriend ang pagkilos.

Napadabog ako dahil sa tagal nito.

Natataranta na ako kasi napakabagal kumilos nitong bestie ko. Parang nananadya lalo e. Napapabilis tuloy ang pagpapaypay ko sa sarili gamit ang folding fan dahil sa tensiyon.

Tumingin ako sa pinto ng katabing classroom namin. Bumilis ang pintig ng puso ko nang lumabas mula roon ang kanina pa ay hinihintay ko.

Ang pinakamamahal kong crush na si Nicky Byrne.

Siya lang naman ang kilalang pambato ng Mathematics ng aming school.

Ewan ko, sobrang na-attract talaga ako sa kanya dahil doon.

Taliwas sa ibang Math wizards e kung titingnan mo si Nicky ay parang normal na estudyante lang siya.

Walang eyeglasses na suot. Walang bitbit na patong-patong na libro na isang tanda ng pagiging studious ng isang mag-aaral.

Pero ganoon pa man, halimaw naman ito pagdating sa mga paligsahan ng utak.

Not to mention, napakagaling din niya sa English subject.

Sabi ng iba, kapag magaling daw ang isang tao sa Math e mahina naman daw ito sa English or vice versa.

Pero iba si Nicky. He excels in both fields which makes me fall in love with him more.

Hindi niyo naitatanong, running for valedictorian siya sa batch nila.

Yes. Batch nila.

Ahead kasi sina Nicky ng isang taon sa akin.

Fourth year highschool na siya, third year naman ako.

Nagsimula ang pagka-crush ko sa kanya nang minsang magkaroon ng quiz bee sa amin at isa siya sa mga kalahok.

Bawat estudyante ay isang subject lang ang puwedeng lahukan at ang napili ni Nicky ay Matematika.

Magkasama kaming nanood ni Gecel noon.

Easy. Average. Lahat ay na-perfect niya.

Nang nasa difficult question na ay binigyan ng isang minuto ang bawat kalahok na makapag-solve. Bawal ang calculator kaya dapat mano-mano ang pagsagot ng bawat kasali.

4,658,379 multiply by 258 is?

Dagling sumulat si Nicky at mayamaya pa ay itinaas niya ang illustration board na hawak.

1, 201, 861, 782 ang kanyang sagot.

Napakunot ako ng noo. Kinuha ko ang cellphone ko para siguruhin kung tama ang sagot ni Nicky.

At tama nga. 1, 201, 861, 782 ang sagot.

Napatulala ako kay Nicky na noo'y kampanteng-kampante lamang sa kanyang puwesto.

Sa puntong iyon ay idineklara ko na magiging crush ko na siya mula sa araw na iyon.

I am officially in crush with him. To my one and only Nicky Byrne.

Natauhan lamang ako nang ako ay hampasin sa braso nitong bestie ko.

"Oy babaita, ngiting-ngiti ka riyan. Daydream pa more. Nakalayo na si Nicky oh!"

"Ay shet! Tara na." Hinigit ko sa braso si Gecel at wala nang sinayang pang oras.

Nakasanayan na naming sundan si Nicky tuwing uwian hanggang makasakay siya sa terminal ng mga tricycle. Creepy man kung iisipin pero wala e, doon ako masaya.

Wala naman akong ginagawang nakakasakit kay Nicky. Makita ko lang siya nang matagal ay okay na ako.

Labintatlong minuto ang average na inaabot ng paglalakad papunta sa terminal ng tricycle. Alam ko kasi noong minsan ay sinubukan kong orasan ang paglalakad namin.

Kasabay niya lagi sa paglalakad ang mga kaklase din niyang sina Mark, Kian, Brian at Shane.

Halos isang kanto rin ang layo namin sa kanila para hindi nila kami mapansin.

Ilang buwan na rin halos ang nakaraan nang simulan namin itong operation namin tuwing uwian.

I wonder kung napapansin na niya kami.

Nicky's POV

Natapos na naman ang isang araw.

Naglalakad na kami ng mga katropa ko patungong sakayan nang sikuhin ako ni Mark.

"Tol, sinusundan na naman tayo ng admirer mo. Tingnan mo."

Kahit hindi ko pa lingunin, alam ko na kung sino ang binabanggit ni Mark.

Si Eumerica Rochene Arguelles o mas kilala bilang Ecka ng mga kaklase niya.

She is a typical bubbly girl, may kaliitan at kilala sa pagsusuot ng iba't ibang ponytails at makukulay na ipit. Araw-araw, iba-iba ang hairstyle niya kaya ang tawag nga sa kanya ay ang Jolina Magdangal ng aming school.

She also excels in her class at palagi siyang kasali sa honor roll being the second or third placer.

Pero kapansin-pansin na nitong nakaraang grading ay bigla siyang bumagsak sa fifth place. Hindi sa pagbubuhat ng sarili ay napansin kong mula nang magkaroon siya ng paghanga sa akin ay nagkaganoon na siya.

Parang napabayaan niya ang acads niya nang dahil sa akin which makes me sad.

Bilang isa sa achievers sa school namin, nakaka-bother 'yung ganito. Yung makakita ka ng isang kapwa mo estudyante na nagpapabaya dahil sa crush niya.

I sighed.

"Di ko na lilingunin, 'tol. Kilala ko naman na kung sino ang tinutukoy niyo e."

"Iba rin! Gwapo mo talaga pare." Niyugyog ni Kian ang balikat ko.

"Pare, alam mo medyo interesado ako diyan kay Ecka. Kung ayaw mo sa kanya e ako na lang ang poporma sa kanya."

Tiningnan ko si Kian.

"Your choice."

"Yun!" Tinapik-tapik ni Kian ang likod ko.

"Mga pre. Mamaya na tayo umuwi. Arat na mag-DoTA," pangyayaya ni Shane.

"G ako riyan!" sagot ko.

Kahit naman seryoso ako sa acads ay hindi ko pinababayaan ang pagdo-DoTA ko. Haha.

Nakasanayan na naming magbabarkada ang mag-DoTA minsan sa isang linggo. Minsan, inaabot kami ng alas nuwebe sa paglalaro. Tinatanggal na lang namin ang polo namin kaya sleeveless na lang ang natitira.

"Ate, open time po sa PC 1 to 5," sigaw ni Brian.

Tumango naman ang bantay at agad nang binuksan ang access ng mga naturang computer.

Mayamaya pa ay nagsimula na kaming maglaro.

Ecka's POV

"Naku, bestie. Hindi pa yata uuwi si Nicky. Pumasok sa computeran e."

"So may balak kang sumunod?"

"Hindi ah. Ang baho kaya roon sa loob. Amoy mandirigma."

"So sinasabi mo, mabaho rin si Nicky?"

"Gagi, hindi. 'Yung iba lang," pagdepensa ko kay Nicky. "Tara nang umuwi, tomorrow is another day naman e. Kumpleto naman na ang araw ko kasi nakita ko siya."

Lumiko na kami ni bestie sa kanto para makauwi na kami sa kanya-kanya naming tirahan.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top