0000001-Piraso

Year 2050

"We see from here on the screen projector. The steel, cast iron, and aluminum used as the base and bones of the Human Robot we created by Dr. Elvira."

Nag-flash ang mga nakakasilaw na lente ng mga camera, at mabilisang kinukunan ng mga media ang larawan na nagmumula sa screen projector. At sa pagkumpas nang kaliwang kamay ng matandang lalaki sa screen projector, kusa itong lumipat sa ibang pahina.

Hindi dahil may mahika ito, o kaya ang kanyang kaliwang kamay. K'undi may suot na itim na gloves ang matandang lalaki na may button sa gitna.

May babaeng reporter ang nag-taas ng kanyang kamay, at agad ng tumayo.

"Marami ang na-k-curious. Kung bakit at paano nabuhay ang isang Human Robot? It's been 7 or 8 years since naging mainit ang bali-balitang lumabas na hindi rin confirm na may bago kayong experiment ni Dr. Elvira, at marami ang hindi kumbinsido na naging totoong tao o nabuhay ang nasabing Human Robot," walang patumpik-tumpik na tanong ng babaeng reporter at mas tumuwid ang kanyang pagkakatayo na parang naghahamon ng debate.

"The main reason why the human robot we created survived, was because we successfully performed surgery on internal organs that came from confidential donors. We only have 1% to successfully perform this study and experiment, go through in-depth research and a lot of repetition before we have perfected the Human Robot experiment. The Human Robot we created has become a real human being, she can feel the love, pity, fear, apprehension and emotions that we humans feel. But she still doesn't feel any physical pain, because she's still metal with internal organs," gumuhit sa labi ng matandang lalaki ang malawak na ngiti, ng napataas nalang ng kilay at napa-upo nalang bigla ang babaeng reporter ng maramdaman ang mga tutok na mga mata ng mga kilalang tao na naroon, at ayaw na niyang makitunggali sa tinaguriang AI (Artificial Intelligence) Scientist.

May naglakas loob muling nag-taas ng kanyang kamay at tumayo. Isang lalaking nasa trenta y anyos na.

"Dr. Mistovich. Bakit ninyo inilihim ito sa publiko 8 years ago?"

***

Sometimes there are people coming into our lives that we will soon be with, and there are people we already love that we will want to be with for the rest of our lives.

What if the person we want to be with for life is also the first person to disappear or leave our lives.

"Pabagsakin ang Mistovich AI Robotics, tinatanggalan tayo ng karapatan magtrabaho at kumita. Sila ang kumukuha ng ating mga trabaho. Mga AI sirain, Dr. Mistovich ipakulong ninanakaw ang kaban ng bayan at napupunta lang sa mga walang kwenta niyang AI's," sambit ng lalaking nangunguna sa nagaganap na rally, hinaharangan naman sila ng mga pulis at mga awtoridad para pigilang manggulo sa nagaganap na press conference.

Napalingon sa direksyon ng mga nag-rarally ang isang dalaga, na may hawak-hawak na kape na maya't-maya rin niyang iniinom.

"Kung naghanap na kayo ng trabaho, kaysa mag-rally ng ganyan. Sinisisi pa mga AI's," sambit ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad

Habang naglalakad siya, hindi maiwasan ng mga tao na hindi mapatingin sa kanya, na parang may shooting sa isang action movies at isa siya sa mga lead actress. Dahil sa suot niyang itim na high knee boots, leather trousers, brallete top at samahan mo pa ng curly dark brown with high ponytail hair.

Nang maubos ang iniinom niyang kape, tinapon niya ang paper coffee cup sa malapit na machine trash can na sa taon na ito ay sinesegrate na ng machine trash can ang nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Habang papalapit sa conference hall, may tunog bubuyog siyang narinig sa suot niyang earpiece sa magkabila niyang tainga. Ibig sabihin may nakiki-connect na signal sa earpice na suot niya. She knows, that this is part of her life. To save others, than herself.

Kaysa pumasok sa conference hall, mas pinili nalang niyang maghanap ng tagong lugar na walang tao. Napili niyang magtago sa isang makipot na daan, na malapit din sa daanan palabas ng convention hall.

"Manila Police Station Headquarters, this is Inspector Bear. Mission organ trafficking trade, you need to check the background of a witness," sambit ng isang baritonong boses sa likod ng earpiece na suot ng dalaga.

"Wait, a witness? Inspector, alam mo naman ang protocol-" pabulong na tugon ng dalaga at naguguluhan sa utos ng kausap.

Binalewala lang ng Inspector ang tanong ng dalaga, at nagpatuloy sa ibang topic.

"Special agent, where are you? Nakakarinig ako ng ingay, this is a secret mission! Nasa labas ka ba?" pabulyaw ng Inspector ng marinig ang tawanan ng mga babaeng dumadaan sa harapan ng dalaga.

"Sikip-sikip na nga, dadaanan pa. Mga itchusera, 2050 na mga teh. Uso rin pagbabago," pabulong ng dalaga ng mainis sa sermon ng Inspector, sabay irap sa mga dumadaan na mga babae.

"What did you say? Be careful, sa mga binibitawan mong mga salita. Special agent Lucky," sermon nanaman ng Inspector at mas yumuko ang dalaga ng may dumaan nanaman sa kanyang harapan. Umaarte na normal lang na may kausap sa kanyang cellphone.

"Wala, saglit. Give me 10 minutes, magrere-connect ako. Babalik ako sa headquarters," ayaw ng makipagtalo ni Lucky sa Inspector, dahil alam niyang siya rin ang matatalo sa huli.

Lakad at takbo ang ginawa ng dalaga, na parang may hinahabol na kabayo sa sobrang pagmamadali. Sa sampung minuto, impossibleng makakarating siya agad sa Headquarters. Baka masermonan nanaman siya ng Inspector.

"Itchusera ka talaga Lucky, lipad nalang kaya ako?" sabay tawa niya ng mahina at tingin sa paligid. Baka pagkamalan siyang may saltik kapag nakita siyang tumatawa mag isa.

Dahil sa pagmamatyag niya sa paligid at sa palingon-lingon na ginagawa niya, hindi niya na napansin ang lalaking nasa harapan niya na bigla nalang niyang nakabunggo.

Hindi man lang naramdaman ng dalaga ang presensya ng binata, sa sobrang pagmamadali niya. Hindi man lang niya tinignan o kaya ay nag sorry man lang. Sa mga oras na ito, mas pipiliin niyang maging bastos at walang pake sa lahat. Basta magawa niya ng tama ang mga mission na kailangan niyang tapusin.

Mapapansin naman sa reaksyon ng binata ang pagkabigla, at hindi maipintang mukha. Hindi dahil sa nabangga siya at naging bastos ang dalaga, kun'di para siyang nakakita ng multo na muling nabuhay sa panahon na ito.

"M-moira..." he too stunned to move, he can't even breath properly. Like he's going to collapse in a second.

Ilang segundo pa siyang nanatili ng gan'on, inaaral ang buong bahagi ng mukha, pangangatawan at physical na anyo ng nakabunggo. Parang Nakita niyang muli ang dalagang minsan na niyang hiniling na makasama habang buhay, at isang araw. Nawala nalang bigla ng isang iglap.

May tumigil na itim na kotse sa harap ni Lucky, at agad ding sumakay ang dalaga roon. Na para talagang hindi niya napansin at isang multo ang binatang nakabunggo.

"Sandali, 'wag kang umalis," pasigaw na tugon ng binata at tumatakbo para mahabol pa ang sasakyan na tumangay sa babaeng matagal na niyang hinahanap na inaakala niyang patay na.

Nang tuluyan ng makalayo ang sasakyan, napatigil na sa paghabol ang binata. Napahawak sa kanyang baywang at hinihingal na napatingin sa plate number ng sasakyan, bago kunin ang cellphone niya't tumipa ng numero.

"Rio, pa hanap ng plate number na itetext ko sa number mo," hingal na hingal na tugon ng binata sa kausap.

"Well, first time you called me by my first name. Ginagawa mo," sabay tawa ni Rio na parang may ibang ibig sabihin sa hapong-hapo na boses ng binata.

"B-bro... Hinga muna ako," tugon ng binata at pumunta sa gilid ng highway na may nakalagay na bench, para umupo.

Pagkatapos makahinga ng maayos, iniisip ng binata kung paano niya sasabihin ng maayos ang nakita niya. Kung papaniwalaan ba siya ni Rio o baka namalikmata lang siya. Pero impossible, hinabol pa nga niya 'yong sasakyan.

"Inspector Elvira! Nandyan ka pa ba?" tanong ni Rio ng wala ng nagsasalita sa kabilang linya.

Napabuntong hininga nalang ang binata, at napatingin sa paligid. Nagbabasakaling babalik pa 'yong babae, pero wala.

"Nakita ko si Moira, buhay siya Rio. Hindi pa siya patay, sumakay siya sa itim na sasakyan at 'yong itetext kong plate number, 'yon 'yung sinakyan ng babaeng kamukha niya. Umaasa akong siya 'yon," mapait na tugon ng binata. Na para bang nagsasabi siya ng mga salitang kahit kailan impossibleng maging totoo.

"Patay na siya Jillbert, nakita mo naman na may bangkay. Pina-autopsy pa natin iyong katawan, wala na si Moira. Walong taon na Jillbert, please move on," malamig na tugon ng kanyang kaibigan. Na para bang pinapayuhan na kalimutan nalang ang katiting na pag-asang buhay ang babaeng minamahal, at ang babaeng nakabunggo, at isa lamang itong coincidence.

Napalunok at napabuntong hininga nanaman si Jillbert, hindi niya maiwasang guluhin ang maitim niyang basang buhok. Dahil sa nararamdamang frustration, at inis na sa realidad ay hindi na niya muli pang makakasama ang babaeng pinakamamahal.

"Itetext ko 'yong plate number. Pagbigyan mo ako, kahit ngayon lang. I want to make sure, bro," malamig na tugon ni Jillbert bago tumipa at magpadala ng text kay Rio.

Bro-Rio
HAJ 1104

***

"Patungkol 'yong gagawin kong paghahalungkat sa background ng isang witness?" tanong ni Lucky sa masungit na Inspector.

Walang emosyong makikita sa mukha ng dalaga na parang may malalim na iniisip, at tinititigan ang screen ng kanyang computer. Habang itinitipa ang mga inincode na passwords para mai-track ang bawat information na kailangan niyang makalap para mahalungkat ang background ng taong pinapahanap ng Inspector.

"May pumunta rito na isang lalaki, dating member ng organ trafficking trade ang lumantad na witness. Malakas ang kutob ko na isa itong trap, kaya kailangan natin siya i-profiling. To make sure, na hindi tayo mabulilyaso sa plano. Nakakapanghinala, ganyan ang mga kriminal. Patalikod sila kung manaksak," madiin na tugon ng Inspector na parang sigurado sa kanyang hinala.

"I found somethin' interesting," tugon ni Lucky at nabuhayan naman ang Inspector.

A/N: This story is originally from the story of Majestrimeee, “Hindi Siya Robot.” It conspires the story line to create a more mind-blowing story of Past in the Spotlight and Hindi Siya Robot.

Majestrimeee LORAINEJD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top