Chapter ♠ 2
THE REBEL
EZEKIEL AL Steele.
After 4 long years, he's now standing in front me. He still looks the same. Kung meron mang nagbago sa kanya, iyon ay mas lalo siyang gumuwapo at tumangkad.
He's got muscles that weren't there before. I can see the trace of the hard ridges and hollows of his abs and the expanse of his muscled chest in his blue shirt made in the finest silk. His tailored white chinos hugged his powerful thighs emphasizing his strong built and height. He was bigger now, taller, and heart-stoppingly handsome.
He always had a striking look, kahit pa noon. Para siyang modelo na madalas makita sa isang magazine. I often see him in gossip columns, but those pictures didn't do him justice.
Raven-dark hair that was carelessly swept back from his face, coal black eyes that seemed to bore through your soul, perfectly thick-set of eyebrows, sexy lips, strong jaw that was shadowed with growing beard giving him a rugged look. He looked more mature, rough and harsh. His autocratic features was hardened through time.
But with Zeke Steele, it was not just about the looks. He had always possessed a powerful magnetism demanding attention. Maliban sa pagiging bully niya noon, kinakatakutan siya dahil sa aurang bumabalot sa kanya. He always had that cloak of invincibility and superiority surrounding him. Darkness followed him. And it suited him well.
But as I stared at the man standing in front of me, I couldn't see the boy I once admired. No doubt the man he has become now was very impossible to ignore, especially with his supreme confidence and, according to the article I read, his devastating sex-appeal and river of money.
Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan niya. It was there lurking behind his eyes. His guilt and his grief. Nakikita ko iyon.
I know it has been four years. At kung nandito pa si kuya, kung buhay pa siya, alam kong gusto niyang patawarin ko siya. He was that kind.
But that's him. And I am me. I am not kind and forgiving like my brother—I never was.
"Long time no see, Victoria." The curl of his tongue as he said my name pulled me out from my thoughts.
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya. My smile was tight against my face, trying to hide how his deep molten voice made my heart skip a beat. Holding his hand again evoked memories I had of him—the day I first met him, the first heartbeat, the first smile...
"Bigatin ka na pala ngayon," biro ko, at pinilit na pakalmahin ang sariling tibok ng puso ko. I opted for civility and politeness, kahit na ang gustong gusto ko talagang gawin ay ang tumalikod at umalis. Only my sense of professionalism was stopping me from doing it.
"And you're a car racer." Hindi nakalusot sa akin ang pagtalim ng paningin niya. Pero mabilis iyong nawala.
I know he was as surprised to see me as I was. At siguro mas nagulat siyang malamang isa akong car racing driver—katulad ni kuya. It was ironic—I hated the world that took my brother's life, but it's the same world I know where I can find him again.
Kapag ipinagtabuyan ko ang mundng minahal ng kuya ko, para ko na rin siyang kinalimutan at ang mga pangarap na binuo namin noon.
"Surprising isn't it?" Ngumiti ako. "Nakakapaghinayang lang dahil hindi na kita mahahamon sa karera. Nagretire ka na, 'di ba? Gusto pa naman kitang talunin."
"That's interesting!" Jack jumped. Noon ko lang naalalang kasama pala namin siya. I grimaced at the realization that Zeke Steele always rob me of my attention. "Hinihintay ko ring makita 'tong si Zeke na matalo eh," excited na sabi ni Jack habang tinatapik ang balikat ni Zeke.
Zeke pulled a face. "Hardly..." he said dully.
Alam kong wala pang nakakatalo sa kanya, but my brother did. Pero walang ibang taong may alam no'n maliban sa akin at sa mga kaibigan nila. Pero para sa karamihan, walang makakatalo sa katulad niya. He's the king of the road. Undefeated and unbeatable.
Pero hindi sa'kin. Dahil tatalunin ko siya.
Biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me," he said curtly and snapped his phone. "Stacey."
Stacey? Girlfriend niya ba iyon? Kaibigan? Kakilala?
Narinig kong may kinukuwento si Jack sa'kin kaya nakipag-usap na lang ako sa kanya. I ignored the churning sensation in the pit of my stomach and focused on Jack's joke. Pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang buong pandinig ko nasa isang lalaking nakikipag-usap sa cellphone niya.
"Pasensya na." Pareaho kaming tumingin kay Zeke. "Kailangan ko ng umalis." Napansin kong hindi niya ako tinitingnan.
"Aalis ka na? Paano iyong usapan natin?" ani Jack. "At iyong kontrata ninyo?"
"I'll speak to Stacey to draw up a contract. Tatawagan kita mamaya para sa business proposal mo," sagot pa rin niya na hindi tumitingin sa'kin.
"Hindi ka na pupunta sa reunion mamaya?" tanong pa ulit ni Jack.
Zeke shrugged nonchalantly. "I'm tied up."
Bumuntong hininga si Jack. "Sayang naman." Pero mabilis din siyang ngumiti at tinapik ng malakas ang likod ko. "Buti na lang pupunta 'tong si V."
Pinigilan kong suntukin sa mukha si Jack. Anong akala niya sa likod ko, bakal? Ngumiti na lang ako ng mapakla sa kanya.
"Enjoy then," Zeke said, he's looking at me. Pero mabilis din siyang tumingin kay Jack at tinapik ito sa dibdib bago umalis.
"Sino si Stacey?" tanong ko kay Jack habang nakatingin sa likuran ni Zeke.
"Secretary niya."
"Ah.." Tiningnan ko si Jack. "Saan ba'ng malapit na kainan dito? Nagugutom na kasi ako," tanong ko na lang imbis na pagtuonan ng pansin ang pagluwag ng dibdib ko sa sagot niya. It was not a safe ground to snoop into. At ayokong analisahin kung bakit ako nakaramdam ng bigat sa dibdib nang maisip kong baka may ibang tao na ang nag-aalaga kay Zeke.
Wala na siguro ang Zeke na nakilala ko noon, but I can feel that behind that hard grim façade, was the lonely boy my brother found.
THE CLUB was a pack of crowd when I arrived. The roar of music was banging loud and bouncing everywhere inside the walls as the neon lights spun around.
For a second, I contemplated on turning my feet around and leave. Mas gugutsuhin ko pang magbasa ng paborito kong suspense novel, uminom ng hot choco at magtalukbong ng kumot, suot ang pajamas ko. That's what I call life. Hindi ito.
What the heck... It's just one night, Vee. Babalik ka naman sa apartment mo. Minsan lang 'to, tudyo ng isang bahagi ng utak ko.
Oh well. I shrugged and stepped inside. I'm twenty-six now. At hindi masamang mag-enjoy paminsan-minsan.
"Vee!" I turned and saw Jack grinning widely as he walked his way to me. "There you are! Kadarating mo lang?"
I smiled too and nodded, obliterating any thoughts of leaving right away.
"Tara, nando'n iyong iba. Gusto ka nilang makita," yaya niya habang inaakay niya ako papunta sa isang grupo ng mga taong pamilyar na sa'kin. They were my brother's friends, and second family. Nandoon sila nang ilibing si kuya. Ando'n sila nang mawala siya.
Flashes of pitiful smiles with eyes full of sorrow was thrown at me. And right there and then, I regretted my sense of impulsiveness.
Few minutes later and I extricated myself with a pathetic excuse of the loo. Because seeing those faces made me think about that day my brother left me forever.
Nagmukmok ako sa loob ng isang cubicle sa CR. I should have never come here, I thought. Alam kong walang maidudulot na maganda kung makikita ko sila. I was better off somewhere, driving the fast lane.
Pero bumalik pa rin ako dahil ang buong akala ko makakalimutan ko lahat at kaya ko ng harapin ang nakaraan.
But after seeing Zeke again... I knew I wasn't strong enough to face the demons of my past. And now, its rearing its ugly head raising memories that are long forgotten and they floated inside my head before I had the chance to slam the lid on them.
10 years ago...
"VICKY!"
Nrinig ko ang boses ni kuya kaya nagmamadali akong lumabas sa ilalim ng kotseng minimekaniko ko.
"O, kuya. Dumating ka na pala." Pinagpag ko ang damit ko at natigilan ako nang makita ko siyang may akay na... lalaki?
"Kuya... Sino iyan? Anong nangyari sa kanya?" Natataranta ako sa nakikita ko. Walang malay iyong kasama niya, at duguan.
"Tulungan mo muna kaya ako bago ka mahimatay diyan," nahihirapang sabi ni kuya. Nanginginig na iyong isang binti niya habang sinusubukan niyang patayuin iyong lalaki. Hindi ko pinansin iyong dugo sa damit at mukha niya. Kinuha ko iyong isang kamay niya at tinulungan ko si kuya na papasukin siya sa loob.
"Inaway mo ba 'to, kuya?" tanong ko nang maihiga namin iyong lalaki sa kama sa kuwarto ni kuya. Iyon lang kasi ang kuwartong nasa ibaba. Mas mabuti sana kung sa kuwarto sa atik namin siya dadalhin dahil hindi siya makikita doon ni aunty. Kaya lang hindi namin kakayanin kung iaakyat pa namin siya.
Huminga ng malalim si kuya bago inayos ang paa no'ng lalaking walang malay. Tiningnan niya ako nang nakakunot ng noo. "Dadalhin ko ba siya dito kung ako bumugbog?"
"Oo. Gano'n kasi ang ginawa mo no'ng sinuntok mo si Diego."
Hindi niya ako pinansin. Ganyan talaga kabait si kuya. Sa sobrang bait niya, ginagamot niya ang sugat ng taong binugbog niya. Tss... Pero alam ko namang hindi talaga siya ang bumugbog kay Diego noon. Sinabi niya lang na siya para hindi palayasin ni aunty si Diego na halos hindi na makatayo.
"Sa'n mo ba 'to napulot?" sabi ko na lang.
Napabuga ng malalim na hininga si kuya. "Ang dami mo namang tanong. Kumuha ka na lang ng mainit na tubig do'n."
"Inuutusan mo pa ako, ikaw na nga nag-uwi diyan," reklamo ko pero lumabas pa rin ako para kumuha ng mainit na tubig sa thermos.
"Vicky, iyong maligamgam!"
Kainis!
Bumalik na ako sa kuwarto at halos mabitawan ko iyng bimpo nang makit ko iyong ginagawa ni kuya.
"Kuya! Anong ginagawa mo! Ba't mo siya hinuhubaran!?"
Tiningnan niya iyong lalaki at saka huminga. "Ang ingay mo talaga," naiinis na sabi niya. "Kailangan nating gamutin ang sugat niya." Kinuha niya sa'kin iyong bimpo. Lumapit ako at doon ko nakita iyong sugat sa bandang gilid niya.
Halos lumuwa ang mata ko sa dami ng dugo sa katawan niya at pasa. "Kuya! Kailangan niya ng doctor!"
Umiling si kuya. "Ayaw niya."
"Ano?" Nababaliw ba ang lalaking iyan? "P—pero—"
"Basta. Tumahimik ka na lang diyan," sabi niya habang nililinisan niya iyong sugat.
"Nagpapakamatay yata iyan eh!" Tinuro ko iyong lalaki. Pero hindi ako pinansin ni kuya. Sinong normal n atao ang ayaw pumunta sa doktor sa ganyang kalagayan? Halos hindi na nga makatayo at tantiya ko parang nabalian pa yata ng buto eh. Ano namang ginawa ng lalakin 'to at binugbog siya ng ganyan?
"Hindi malalim ang sugat. Pero kailangang diinan," sabi ni kuya nang malinisan na niya iyong sugat. "Kunin mo iyong first aid box sa banyo."
Sumunod ako. Pagdating ko, may pinupunit nang puting tela si kuya. Seventeen pa lang si kuya pero ang dami na niyang alam. Matalino siya kaya hindi na katakatakang nakakuha siya ng scholarship sa Stanfield university. Hindi tulad ko, kahit simpleng pagluluto, hindi ko magawa. Pero hindi naman ako interesado sa pagluluto. Ay mali. Matalino nga pala ako. Tamad lang akong mag-aral.
Pero si kuya, kahit ano, kaya niyang gawin. Kahit siguro ang pagtatahi ng damit, alam pa niya kesa sa'kin. Isang taon lang ang agwat namin, pero kung ituring niya ako, parang sampung taon ang layo ng edad namin. Siya na nag-alaga sa'kin simula no'ng mamatay ang nanay sa sakit. Pitong taon pa lang ako no'n.
Si tatay... hindi ko na siya nakilala kasi nasa sinapupunan pa lang ako ni nanay no'ng mamatay siya. Sabi ni nanay, seaman daw si tatay. Lumubog daw ang barkong sinasakyan niya. May mga tao siyang nailigtas, pero sa huli, siya iyong namatay.
Si nanay na lang ang nagpalaki sa amin. Pero nagkasakit siya sa sobrang pagod sa trabaho. Kaya si tito Ernie ang kumupkop sa aming magkapatid no'ng malamn niyang may sakit si nanay. Siya na rin nag-alaga kay nanay. Bagong kasal pa siya no'n, kaya gano'n na lang ang inis at galit sa'min ni tita Sally.
Tinitigan ko ng maayos iyong mukha no'ng lalaki. Ano kaya ang gagawin ni aunty kapag nakita niya ito? Naku, baka malagutan na ng hininga iyon.
Hmm...
Parang kaedad lang namin ni kuya iyong lalaki. Magkasingkatawan lang din sila ni kuya. Hindi malaki pero hindi rin payat. Tama lang. Mahaba iyong buhok niya, puwede ng itali, tapos... aba, masa maputi at makinis pa yata ang loko kesa sa kutis ko ah.
Hmp! Guwapo sana... kaso mukhang basagulero naman.
"Vicky, huwag mo siyang paglawayan. Baka bangungutin iyan."
Nalukot ang ilong ko sa sinabi ni kuya. "Ewe! 'Di naman iyan kaguwapuhan eh."
"Guwapo iyan," tumatawang sabi niya.
"Mamaya magnanakaw iyan. O kaya masamang tao?"
Pinitik niya ako sa noo. "Aray! Kuya naman eh. Masakit iyon!"
"Kung anu-anong sinasabi mo diyan. Kilala ko siya."
Tumaas ang kilay ko. "Kaibigan mo?"
"Kaklase ko."
"Naku, kuya. Huwag kang makipagkaibigan diyan. Kita mo nga o."
"Sige na, lumabas ka na. Baka magising 'to sa lakas ng boses mo."
Inirapan ko si kuya bago ako lumabas. Kahit pa sumigaw ako hindi iyon magigising eh. Iniwan ko na lang sila doon at pinagpatuloy ko iyong ginagawa ko kanina. Para naman makatulong ako kay tito Ernie.
Ito ang isa sa mga trabaho ni kuya, ang pagiging isang mekaniko. Tinutulungan din niya si Tito Ernie sa talyer niya at alam ko may pinapasukan din siyang kainan bilang waiter. Hindi ko nga alam kung paano pa niya pinagkakasya ang oras niya sa trabaho at pag-aaral niya.
Alam kong napapagod si kuya kaya ako na lang ang tumutulong kay tito sa mga kotse na inuuwi niya sa bahay para ipaayos kay kuya. Lumaki akong nanonood kay kuya kaya natuto na rin ako sa ginagawa niyang pagkukumpuni ng kotse, makina at kung anu-ano pang sirang gamit na puwedeng aysuin. Electric fan, TV, radio, makenilya... lahat iyon kaya kong ayusin. Kesa naman sa sumama ako kay tita Sally sa debisorya at magbilang ng butiki habang nakikinig sa bunganga niya, mas gutso kong nandito na lang at nagkukumpuni.
Ewan ko ba kung bakit siya pinakasalan ni tito Ernie. Tahimik si tito at habulin ng babae. Mabait at ang napakahaba ng pasesnya. 'Di tulad ni aunty.
Mabait naman si tita Sally. Kaya lang, minsan lang iyon, kapag may marami kaming kinita. Pero madalas, galit iyon. Kasi kami ang sinisisi niya kaya daw hindi sila makaahon sa hirap. Pero sa tingin ko, menopausal lang iyon kaya palaging mainit ang ulo.
Minsan, naiispi kong umalis. Sinasabi ko iyon kay kuya at pinipilit ko siyang umalis na lang kami. Pero ayaw niya kasi masyado pa daw akong bata. Gusto niyang masiguradong ligtas ako at maayos na nakakakain, katulad ng pinangako niya kay nanay. Maliban kay tito Ernie, si kuya na lang ang pamilya ko. Kaya nagtiyatiyaga na lang ako rito.
"Vicky, labas muna ako. Kailangan ako ni Tito sa talyer," sabi ni kuya. Napansin kong nakabihis na siya. "Ikaw na muna ang magbantay sa kanya."
Nanlaki ang mata ko. "Ano ka ba kuya! Iiwan mo ako at ang bahay sa lalaking iyon?"
"Ano naman ang gagawin no'n sayo?"
"Aba malay ko. Mamaya magananakaw iyon." O kaya mamamatay tao... o kaya... naku! Kapag hinawakan ako ng lalaking iyon, talagang babalian ko siya ng turon!
Tinawanan lang ako ni kuya. "Hay naku, Vicky. Mas natatakot nga ako na ikaw ang may gawing masama sa kanya. Mas malakas ka pa kesa sa kanya. At saka ano naman ang nanakawin no'n? Mayaman iyon."
"Kahit na!"
Kinuha niya iyong sombrero sa ulo ko at sinuot niya iyon saka niya ginulo ang buhok ko. "Sige na, alis na ako." Pero lumingon ulit siya bago siya lumabas ng gate. "Vicky, magpakabait ka sa kanya."
Tinanguan ko lang siya. Mukha pa rin siyang hindi kumbensido kaya ngumiti ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala kuya. Magpapakabait ako sa kanya." Habang tulog pa siya.
Umalis na si kuya kaya pinagpatuloy ko na ulit ang pamemekaniko ng sasakyan. Nanatili pa ako sa ilalim ng sasakyan ng ilang oras hanggang sa maramdaman ko ang pawis. Nanlalagkit na ako ng pawis at punong-puno na ng grasa ang mukha, kamay at damit ko. Kaya pumasok na ako para maligo. Alas tres na naman, manonod pa ako ng inaabangan kong anime.
Kinuha ko iyong sabon at tuwalya ko sa kuwarto saka bumaba. Iisang banyo lang ang gamit namin kaya kailangan ko pang umakyat at bumaba. Ayos lang iyon. Kesa naman sa wala akong mapagliguan.
Pagkatapos ng ilang minuto ko sa banyo at nang matanggal ko na lahat ng grasa sa katawan ko, lumabas na ako.
"May pagkain ba kayo dito?"
Umangat ang ulo ko at nalaglag ang panga ko nang makita ko iyong lalaking dala ni kuya kanina. Gising na siya. At nakatayo siya sa kusina, hawak ang takip ng kaldero, walang damit at...
Napayuko ako sa tuwalya ko. Walang hiya!
"Aahh!! Manyak!"
_________________________
A/N: Don't forget your votes and your comments po. Thank you! Mwah! ^_^
Add me on Facebook (Yumi Lu) and follow me on twitter @iamAyamiLu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top