Epilogue
Tahimik kong ibinaba ang mga kamay noong matapos na ako sa ginawang protection magic para sa buong Oracle. Humugot ako ng isang malalim na hininga at binalingan ang mga kasamang kanina pa nakamasid sa ginagawa ko. Ngumiti ako at dahan-dahan nang lumipat sa puwesto nila.
"It's done," wika ko at tiningnan ang mga Seer na kanina pa nagpapasalamat sa akin. "No one can harm you now. Magiging ligtas na kayong lahat mula sa mga taong nais sumira sa tahanan niyo."
"Maraming salamat, Captain Mary." Napatingin ako kay Isobelle noong magsalita ito. Tinanguhan ko lang ito at noong mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako, napangiti na lamang ako. "Thank you so much, Rhianna Dione," bulong niya at humiwalay na mula sa pagkakayap sa akin. I smiled again.
"You're a dark magic user, Isobelle, but you don't need to worry. As long as you use your magic to protect, hindi ka maaapektuhan ng spell na ginawa ko. Use your gift well, Isobelle. Protect the Seer, your sister and Oracle."
"I will do that, Captain. Thank you."
"Captain." Natigilan akong muli noong marinig ang pagtawag ni Alessia sa akin. Binalingan ko ito at namataan ang marahang pagtango niya sa akin. "It's time. They're waiting for you. Let's go."
Hindi na ako nagsalita pa at nagpaalam na sa mga Seer na nasa open field ngayon ng Oracle. Nagsimula na akong maglakad at tinahak ang daan patungo sa chamber kung nasaan si Treyton at ang hari ng Northend. Tahimik lang akong naglalakad at noong mamataan ko si Scarlette at Atlas na nakatayo sa labas ng chamber kung saan ako dapat patungo, napailing na lamang ako.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa dalawa noong tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Ngumiti lang si Scarlette sa akin at maingat na niyakap ako. "Scarlette, what are you doing?" Mahina akong tumawa sa pagyakap nito. Just like her sister, they really both have a gentle heart. I can feel it. I know their good now and I can leave them without worrying a single thing.
"I'm hugging you, Captain Mary," anito na siyang nagpatawa sa aking muli. "And I'm saying my goodbye to you, Rhianna Dione," bulong pa niya para hindi marinig ni Atlas ang pagtawag nito sa totoong pangalan ko. I sighed and hugged her too. "Thank you so much for everything. Thank you for saving us. I really owe you big time, Captain."
Napatango na lamang ako kay Scarlette at humiwalay na sa yakap niya. Nginitian ko ito at binalingan naman si Atlas na tahimik lang na nakamasid sa amin. "You did great here, Atlas. Thank you for helping us too. And please tell this to Grandmaster Walter, one day... we will meet again. I will see him soon."
"Consider it done, Captain," ani Atlas at bahagyang yumukod sa akin. Tinanguhan ko na lamang ito at umayos na nang pagkakatayo. Muli kong binalingan si Scarlette at marahang hinawakan ang kamay nito.
"Goodbye, Scarlette," wika ko at binitawan na rin ang kamay niya. Hindi na muling nagsalita ito at marahang yumukod na rin sa harapan ko. I just nodded my head and took a deep breathe. At noong pinagbukasan na ako ni Owen ng pinto, hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa chamber kung saan naghihintay ang asawa ko at ang hari ng Northend.
"Yana," tawag sa akin ni Treyton kaya naman ay mabilis ko itong nilapitan. Nakahiga ito ngayon sa isang kama at halos hindi na rin maigalaw ang katawan dahil sa panghihina. Pinagmasdan ko ang kalagayan nito at noong makita ang pamumutla ng buong mukha nito, mabilis akong napabaling sa hari.
"Kailangan ko na siyang maibalik sa mundo namin," wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. "You can do it, right? Maibabalik mo kaming dalawa sa totoong mundo namin."
"Maibabalik kita sa totoong mundo mo, Rhianna Dione, ngunit si Treyton... depende kung kakayanin ng katawan niya ang pagpasok sa isang dimensiyon," wika ng hari na siyang mabilis na ikinabaling kong muli sa asawa. "I can't guarantee you that he can make it, Rhianna Dione."
"It's a risk, Captain. Kapag nasa loob na kayong dalawa sa isang dimensiyon, hindi natin alam kung pareho kayong makakalabas mula roon." It was Jaycee. "So... I suggest, you both stay for a while and let him heal his wound first before returning to your own world."
"She can't do that," sambit naman ni Alessia na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "Her mission is over. Hindi magtatagal ay kusang aalis na rin ito sa katawan ni Captain Mary. Baka mapahamak pa si Rhianna Dione kung magtatagal pa ito sa katawan na iyan."
"Pero paano si Treyton?" tanong naman ni Jaycee at binalingan ang asawa. "With his condition, ito ang mas mahihirapan kung ipipilit nating pumasok ito sa isang dimensiyon."
"Tyrants, that's enough," sambit ko sa kanila na siyang mabilis na ikinatigil ng dalawa. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling binalingan ang hari ng Northend. "Your Majesty, what do you suggest? Anong mas mabuting gawin namin ngayon?"
"I will take you home, Rhianna Dione. And about your dimension traveler husband, he will stay here in Azinbar. Dadalhin namin ito sa Northend at doon siya magpapagaling. I will also ask my brother, the Grandmaster of Phoenix, to help us. Kakausapin ko ito at titingnan kung ano ang magagawa namin para ipagsawalang bisa ang naging kasalanan niya bilang dimension traveler sa mundong ito."
I sighed and looked at my husband again. Tahimik lang itong nakikinig sa amin at noong hawakan nito ang kamay ko, malungkot akong napangiti sa kanya. "Ayos lang bang iwan muna kita sa mundong ito, Treyton?" mahinang tanong ko. "I can't stay any longer now inside the captain's body. Kailangan ko nang bumalik sa mundo natin."
"Don't worry about me and just go with His Majesty. Sumama ka na sa kanya at bumalik na sa totoong mundo natin, Yana. Magpapagaling ako at ako mismo ang babalik nang kusa sa'yo," anito na siyang nagpaluha sa akin. Mabilis kong niyakap ang asawa at nagpatuloy sa pag-iyak sa bisig niya. "Babalik ako, Yana. Pangako."
"I'll wait for you then, Treyton," mahinang wika ko at marahang kumilos. Humiwalay ako sa kanya at malungkot na nginitian ito. "I will wait for you. Gaano man katagal, maghihintay ako sa pagbabalik mo," dagdag ko pa at dinampian ng halik ang labi nito. "I love you."
"I love you too. So much," ganti ni Treyton at ngumiti sa akin. "Go, my love. You need to leave now."
Maingat kong inalis ang mga luha sa mukha at binitawan na ang kamay ng asawa. Umayos ako nang pagkakatayo at hinarap muli ang hari at ang Tyrants. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at tumango na sa kanila. Muli kong tiningnan ang asawa at sa paghuling pagkakataon, isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
I'll wait for you, Treyton Duke.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa kinatatayuan ng hari ng Northend. Tumayo ako sa tabi niya at matamang tiningnan ang miyembro ng Tyrants. "I think it's a goodbye again for us, Tyrants," wika ko na siyang ikinatango nilang tatlo sa akin. "I wish Amell and Zahra are here too."
"We will tell them about this, Captain. Don't worry."
"At huwag ka na ring mag-alala sa kalagayan ni Treyton," ani Jaycee at marahang tinanguhan ako. "Hindi ko ito pababayaan hanggang sa maging maayos na muli ang kalagayan nito."
"Thank you so much." Ngumiti ako sa kanila at bahagyang yumukod. Ganoon din ang ginawa ng Tyrants at noong umayos na ako nang pagkakatayo, sabay-sabay nilang inilagay ang kamay sa may dibdib nila bilang pagsaludo sa akin. Napangiti akong muli at binalingan na ang hari. "I'm ready, Your Majesty."
Hindi na nagsalita pa ang hari at hinawakan na ako sa balikat ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata at noong makaramdaman ako ng kakaibang enerhiyang bumabalot ngayon sa katawan ko, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
Goodbye, Scarlette, Head Seer of Oracle. It was really nice meeting you.
Isang malakas na pagkatok sa may pinto ang nagpapitlag sa akin. Napamulat ako ng mga mata at mabilis na napatingin sa silid na kinaroroonan ko.
Kusang umawang naman ang mga labi ko noong mapagtanto kung nasaan ako ngayon.
"Oh my God," mahinang bulalas ko at mabilis napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Agad akong nagtungo sa salamin na naroon sa salas namin at tiningnan ang repleksiyon ko roon. "I'm back," sambit ko at mabilis na sinuri ang suot na damit. "Ito ang suot ko noong araw na napunta ako sa Oracle!" Napamura na lamang ako sa isipan at agad na bumalik sa may sofa namin. Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong petsa at oras na ngayon araw. At noong mapagtanto ko ang nangyayari, napaupo na lamang ako sa gilid ng sofa.
Hindi ganito ang nangyari sa akin noong huli akong napunta sa Azinbar. Isang taon ang lumipas sa mundong ito habang nasa katawan ako ni Captain Mary. Kaya naman bakit naging ganito? Bakit tila hindi gumalaw ang oras ko sa mundong ito habang nasa Azinbar ako?
"Rhianna Dione! Open the door!" Napapitlag akong muli noong marinig ang malakas na kalabog sa pinto ng unit namin. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at halos tumakbo na para makarating na agad sa may pinto.
"Daddy!" sambit ko noong tuluyang mabuksan ko na ang pinto ng unit. Hilaw akong ngumiti sa ama at tiningnan ang tatlong bodyguard na kasama nito ngayon. "What are you doing here?"
"What am I doing here?" tila inis na tanong nito at nagsimula nang maglakad papasok sa unit namin. "I was worried about you! Hindi ako natahimik sa naging pag-uusap natin kanina kaya naman ay tinawagan ko si Treyton!"
"At nakausap mo siya?" nag-aalangang tanong ko sa ama.
"No," mabilis na sagot nito at hinarap ako nang maayos. "What really happened, Rhianna? Nasaan ang asawa mo?"
"I-"
"Did he leave you?"
"No!" bulalas ko at mabilis na nilapitan ang ama. "I... already talked to him, dad. May e-emergency sa kompanya nila kaya umalis ito. Boston... right, he's in Boston right now."
"Boston... hindi ba nandoon ang mommy niya?" takang tanong ni daddy na siyang mabilis na ikinatango. "Kung ganoon ay bakit hindi ka niya isinama?"
"Well, I... I can't leave our company, dad. May sariling trabaho rin ako kaya naman ay hindi na ako sumama sa kanya."
"At bakit mo ito hinanap sa akin kanina kung alam mo pala kung nasaan ito?" kunot-noong tanong ng ama na siyang nagpamura sa akin sa isipan ko.
"Because I... forgot?" nag-aalangang sagot ko at napatawa na lamang. "I'm really sorry, daddy. I didn't mean to disturb you earlier. I got panicked and forgot about the reason why he's not here today. Sorry."
Namataan ko ang pagbuntonghininga ng ama at maingat na hinawakan ang kamay ko. "Alright. Kung iyan talaga ang dahilan kung wala si Treyton ngayon dito, I will believe you, darling. So... what's your plan now? Hindi ka ba malulungkot na mag-isa ka lang dito sa unit niyo? Puwede kang umuwi muna sa mansiyon kung gusto mo."
"I'm good, daddy. Dito na lang po ako," sambit ko at nginitian ang ama. "Bibisita na lamang ako sa mansiyon kapag hindi na ako abala sa opisina. I'll be fine alone here. Don't worry about me."
Tumango na lamang ang ama sa akin at hindi na ako kinulit pa. Mayamaya ay nagpaalam na ito sa akin at muli akong napag-isa sa condo unit namin ng asawa ko.
I sighed.
Maingat kong tiningnan ang kabuuan ng unit at segundo lang, nakaramdaman ako nang pagkahilo. Mabilis akong napapikit at ikinalma ang sarili. Mukhang epekto ito noong pagdaan ko sa isang dimensiyon kanina. Naninibagong muli ang katawan ko sa nangyari kaya naman ay hanggang ngayon ay nakakaramdam ulit ako nang pagkahilo.
Mabilis akong napaupo sa may sofa at noong akmang isasandal ko na sana ang likod sa backrest ng sofa, mabilis na nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo. Tumakbo ako patungo sa may lababo ng kusina at biglang sumuka.
Napamura na lamang ako sa isipan noong halos wala namang lumalabas na kahit ano sa bibig ko pero nasusuka pa rin ako. Nagpatuloy ako sa ginagawa hanggang sa guminhawa na ang pakiramdam ko. Agad kong binuksan ang gripong nasa harapan at nagmumog na. Naghilamos na rin ako at noong maramdaman kong naduduwal na naman ako, mabilis akong natulos sa kinatatayuan ko.
Agad akong nanlamig at mabilis na pinatay ang gripo sa harapan. Mayamaya lang ay kusang umawang ang labi ko at dali-daling naglakad patungo sa silid namin ng asawa ko. Agad kong hinanap ang pakay ko at noong makita ko ito, mabilis akong napaupo sa gilid ng kama ko.
It was positive.
Napakurap ako at napatingin sa pregnancy test na hawak-hawak ko.
I remembered using it last night! At dahil nga sa pagod ko kahapon dahil sa maghapong pagtratrabaho ay hindi ko na hinintay pa ang resulta nito. Nakatulugan ko na rin ito at tuluyan nang nakalimutan kinabukasan dahil sa biglaang pagkawala ng asawa! Damn it!
"Oh my God, Treyton Duke. You better come back home soon or else, babalikan talaga kita riyan sa Azinbar!" inis na wika ko at napatampal na lamang sa noo.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Paniguradong mauubusan ako ng mga dahilan sa magulang ko. They will definitely send someone to check if Treyton's really in Boston or not! Damn, we're screwed!
"Grandmaster Walter of Phoenix... ikaw na lang ang pag-asa ko. Please help him. Please!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top