Chapter 9: Help

"It's a red-haired Seer. Red as scarlet, Head Seer Matilda. Iyon ang tanging mayroon kami tungkol sa Seer na hinahanap namin."

Natigilan ako sa pagkilos noong marinig iyon.

Red-haired Seer. Red as scarlet.

That's me!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko at umayos nang pagkakatayo. Nasa likod na nila ako ngayon kaya naman ay alam kong ramdam na nila ang presensiya ko. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalita.

"Anong kailangan niyo sa akin, Tyrants?" tanong ko at halos sabay na bumaling sa gawi ko ang tatlo.

Jaycee. Owen. Alessia. The Northend elite Knights, the Tyrants! Oh my God! I can't believe this! Nandito nga sila!

"Scarlette, stop it," rinig kong sambit ni Isobelle sa likuran ko at mabilis na hinawakan ang kanang braso ko. "Nag-uusap pa sila. Huwag ka nang makisali pa dito."

Umiling ako kay Isobelle at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Mataman kong tiningnan ang tatlong nakamasid lamang sa akin.

"Ang kailangan ng Tyrants sa isang Seer na katulad ko?" muling tanong ko sa kanila.

"Scarlette, that's enough," suway sa akin ng Head Seer na siyang ikinapilig ko ng ulo. Mabilis ko itong tiningnan at napangiwi na lamang noong makita ang mapanganib na titig nito sa akin.

"Everyone is scared right now, Head Seer. Kung ako ang kailangan nila, maari namin itong pag-usapan sa labas ng Oracle," matamang sambit ko na siyang lalong ikinasama nang tingin nito sa akin. "Hindi niyo naman siguro ako sasaktan, hindi ba? Mukhang may kailangan kayo sa akin kaya naman ay kayo mismo ang pumunta dito kahit na kaya naman itong gawin ng kahit sinong Northend Knight."

"Scarlette!" sigaw ni Isobelle at muling hinawakan ako. "What are you doing?"

"You heard me, Isobelle. Kakausapin ko sila sa labas ng Oracle," marahang sagot ko dito.

"No! Hindi ka lalabas dito sa Oracle!"

"Scarlette, Isobelle, stop it you two," malamig na turan ng Head Seer na siyang ikinabaling ko sa gawi nito. "Tyrants, sa opisina tayo. Sumama ka na rin sa amin, Scarlette."

"Head Seer-"

"Pumunta na kayo sa building 3, Enzo, Isobelle. Kami na ang bahala sa mga panauhin natin," dagdag pa nito na siyang ikinatigil ni Isobelle sa tabi ko. Binalingan ko ito kaya naman ay marahan kong inalis ang kamay nito sa akin.

"Don't worry. Walang mangyayaring masama sa kapatid mo," mahinang wika ko at tinanguhan ito. "Enzo, ikaw na ang bahala kay Isobelle."

Hindi na nagsalita si Enzo at mabilis na nilapitan kami. Agad niyang hinila si Isobelle palayo sa akin at nagsimula nang maglakad pabalik sa daang tinahak namin kanina.

Muli kong itinuon ang atensiyon sa Tyrants at hindi nagpatinig sa mapagmatiyag na mga titig nito. Tumalikod na ang Head Seer sa amin at nagsimula nang maglakad papasok sa gusali kung saan naroon ang opisina nito.

Gusto kong batiin ang tatlong miyembro ng Tyrants ngunit pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Tumango na lamang ako sa kanila at nagsimula nang maglakad. Nilagpasan ko ang mga ito at sinundan na ang Head Seer.

Bago ko sabihin sa kanila ang totoong katauhan ko, nais kong malaman muna ang dahilan kung bakit nila hinahanap at kailangan si Scarlette. Totoo ang tinuran nila kanina na may mga Seer sa Northend kaya naman isang palaisipan sa akin ang dahilan nila sa pagpunta dito sa Oracle. Oo nga't natuwa ako sa presensiya nila pero alam kong hindi basta-bastang kikilos ang Tyrants kung hindi talaga kailangan. At isa pa, kayang gawin ni Captain Mary ang kakayahan ng kahit anong rank ng isang Seer. Hindi na nila kailangan ang presensya ni Scarlette kung kaya naman iyon gawin ng Captain nila.

Captain...

Captain Mary.

Wait a minute. Hindi kaya may nangyari sa katawan nito?

Tahimik akong nakamasid lamang sa tatlong miyembro ng Tyrants na nasa harapan ko. Nakaupo na ngayon ang Head Seer sa upuan niya samantalang nasa tabi nito ang dalawa pang high rank Seer ng Oracle.

No. I can't disclose my real identity if these two are here! Kailangan kami lang ng Head Seer at ng Tyrants ang nandito ngayon!

"Head Seer," tawag pansin ko dito at binalingan ito sa puwesto niya. "Maari bang lumabas sila at iwan muna tayo dito sa opisina mo?"

"Scarlette," mariing sambit ng isa at masamang tiningnan ako. "Hindi namin maaring iwan ang Head Seer dito."

"Don't worry, nandito naman ako."

"Hindi pa rin kami lalabas dito," wika naman ng isa.

"We won't harm the Head Seer and this red-haired Seer," ani Jaycee at hinarap sila. "Gusto rin naming kausapin sila nang masinsinan."

"Then go, talk to them. Don't mind us here," sambit muli nito na siyang ikinataas ng isang kilay ko.

"Elaine, Mellie, lumabas na muna kayo," seryosong saad ng Head Seer na siyang ikinagulat ng dalawa.

"Pero Head Seer-"

"Sundin niyo na lamang ang nais ko. Pumunta na rin kayo sa building 3 at tingnan ang mga estudyante natin. Calm them down and tell them that everything's fine."

"Yes, Head Seer," sabay na wika ng dalawa at walang imik na lumabas na ng silid.

Napatango na lamang ako at umayos na muli nang pagkakatayo. Muli kong binalingan ang Tyrants at itinuon na sa kanila ang buong atensiyon.

"Now tell me, anong kailangan niyo sa akin?" agad na tanong ko sa tatlo noong maramdaman kong tuluyang nakalayo na ang dalawang high rank Seer ng Oracle.

"One of our Seer saw your ability, Scarlette," panimula ni Alessia na siyang ikinakunot ng noo ko. Scarlette's ability? Anong ability ang kailangan nila sa katawang ito? "You can see spirits from afterworld, right?"

What? Spirits?

"I really can't explain this to you. Pero... ikaw lang ang nakakakita dito, Scarlette. One of your abilities as a Seer is to see someone that we, a normal Seer, can't even see."

Natigilan ako noong maalala iyong sinabi sa akin ni Isobelle. So, it means, iyong lalaking nakita ko ay isang espiritu mula sa afterworld?

"At bakit niyo naman kailangan ang kakayahang iyan ni Scarlette?" tanong ng Head Seer na siyang ikinabaling ni Alessia dito. "We need her ability to find and talk Captain Mary's spirit."

Now, I get it. It's all because of Captain Mary. Kilala ko ang Tyrants. Alam kong hindi sila basta-bastang aalis sa Northend kung hindi para kay Captain Mary.

"So, really lost the vessel?" matamang tanong ko na siyang ikinagulat ng tatlo.

I can't believe that I forgot about this one!

Kung tama ang pagkakaalala ko, Treyton once told me about the missing body of Captain Mary. At dahil sa kagustuhan kong kalimutan ang tungkol sa mundong ito, talagang nawaglit sa isipan ko ang tungkol dito! I was too focused about how I will find my husband and save this place!

"You know about the vessel?" tanong ni Owen sa akin. Tipid ko itong tinanguhan at binalingan ang Head Seer.

"I need your approval, Head Seer," sambit ko dito at umayos nang pagkakatayo. "I want to help them."

"Help them with what exactly, Scarlette? At anong vessel ang tinutukoy niyo?"

"It's a confidential information, Head Seer. Sorry but we can't disclose it to you," ani Alessia na siyang ikinakunot ng noo ng Head Seer.

"You're asking for my niece help, Tyrants. I'm her guardian, so... you better tell me everything I want to know."

"Head Seer-"

"It's their Captain Mary's body, Head Seer," turan ko at binalingang muli ang Tyrants. "Don't worry. Kung ano man ang mapag-uusapan natin dito, it will stay here."

"But-"

"Tutulungan ko kayo sa nais niyo sa akin pero kailangan niyong pumayag sa nais ko," seryosong saad ko sa tatlo.

"You want us to do a favor for you?" takang tanong ni Jaycee na siyang ikinataas ng isang kilay ko.

"Give and take, Jaycee," wika ko na siyang ikinatigil nito. "You want something from me, I want something from you, too."

"And what is it, Scarlette?" seryosong tanong ni Alessia na siyang ikinatingin ko dito.

"I already saw the future of this place," saad ko na siyang ikinatigil nito. "You need to protect this place and save the Seers."

Hindi nagsalita ang Tyrants kaya naman ay muling umarko ang isang kilay ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at humakbang ng isang beses palapit sa kanila.

"You will help me finish this mission and I will help you to find the vessel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top