Chapter 8: Visitor
Tahimik akong nakatayo sa harapan ng salamin sa loob ng silid ni Scarlette.
Hindi ko inalis ang paningin sa repleksiyon ko at marahang inangat ang kamay at hinawakan ang pulang buhok nito. Napabuntong-hininga na lamang ako at wala sa sariling napatingin sa kabuuan ng silid.
"Anong klaseng pamumuhay ang mayroon ka sa lugar na ito, Scarlette? This place... mas malala pa yata ang sitwasyon dito kaysa sa Northend." Napailing na lamang ako at muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin. "You need to help me, Scarlette. Kailangan ko ang mga alaala mo. Kailangan ko ito para matulungan ko ang pamilya mo dito sa Oracle."
Muli akong napabuntong-hininga at umalis na sa harapan ng salamin. Bumalik ako sa kama at marahang naupo sa gilid nito. Tumingin ako sa kawalan habang binabalikan lahat ng impormasyong mayroon ako ngayon.
Scarlette's mother, Demetria, was the former Head Seer of Oracle. Patay na ito ngayon at ang kapatid nito ang sumunod na namuno sa buong Oracle. Matilda Rose o mas kilala bilang Miss M, siya ang kasalukuyang Head Seer na kung tama ako, hindi ganoon kalakas ang awtoridad dito kaysa sa kapatid niya. I can't say that she's being controlled by someone else, someone more powerful than her, but with the precognition I saw earlier, looks like some high rank Seers are attacking her using the death of Scarlette's mother.
"Demetria," mahinang sambit ko sa pangalan ng ina ni Scarlette. "What really happened to her? Bakit nakita ko itong kasama ng hari ng Evraren? Did she really betrayed her own kind? Did she really betrayed Oracle?"
Come on! Kulang na kulang ang impormasyong mayroon ako ngayon! Hindi ako maaring maghintay na lamang sa susunod na precognition na makikita ko tungkol sa mga nangyari sa lugar na ito! I need to do something here! I need more information to solve this puzzle!
Napatampal na lamang ako sa noo ko at akmang ibabagsak ko na sana ang katawan sa kamang kinauupuan noong bigla akong natigilan sa pagkilos. Napaawang ang mga labi ko at napakurap na lamang noong maramdaman ko ang isang malakas na enerhiya sa paligid.
What the hell?
Mabilis akong napatayo at naglakad patungo sa bintana ng silid. Agad kong hinawi ang kurtinang naroon at pinagmasdan ang paligid sa labas ng gusaling kinaroroonan.
"This power... Kilala ko ang nagmamay-ari ng kapangyarihang ito!" bulalas ko at mabilis na umatras palayo sa bintana. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na ikinilos ang mga paa. Dali-dali akong nagtungo sa pinto ng silid at binuksan ito.
"Scarlette!"
Hindi ko pa naisasara ang pinto ng silid ko noong marinig ko ang boses ni Enzo. Napabaling ako sa gawi nito at namataan ang pagtakbo nito papalapit sa puwesto ko.
"You feel it, too?" tanong niya na siyang ikinataas ng isang kilay ko. "That power." Huminga muna ito bago pinagpatuloy ang pagsasalita sa harapan ko. "Someone's here at sa kanya nanggagaling ang kapangyarihang bumabalot sa buong Oracle ngayon."
"Kaninong kapangyarihan ito?" tanong ko at nagsimula na akong maglakad palayo sa silid ko. Mabilis namang sumunod sa akin si Enzo at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Someone from Northend is here," mabilis na sambit ni Enzo na siyang ikinatigil ko sa paghakbang ng mga paa. Gulat kong binalingan si Enzo at namataan ang pagtango nito sa akin. Damn, I was right! I knew it! Kilala ko ang nagmamay-ari sa kapangyarihang ito! "Ang sabi mo noon ay nanggaling ka sa Northend. Please, help us. We don't know how to deal with them! We're just Seers here, Scarlette. Anong laban namin sa isang elite group ng mga mandirigma mula sa ibang realm ng Azinbar?"
"Sino ang narito sa Oracle, Enzo?" matamang tanong ko sa tila takot na si Enzo. Kita ko ang pagpahid nito ng pawis sa noo at umayos nang pagkakatayo. Akmang magsasalita na sanang muli ito noong biglang dumating naman si Isobelle at mabilis na nilapitan kaming dalawa ng kaibigan nito.
"Scarlette, Enzo! Bakit nandito pa kayo? Pumunta na tayo sa building 3! Nandoon na halos lahat ng estudyante dito sa Oracle!"
Building 3? Ano naman iyon?
"Hindi tayo pupunta roon, Isobelle!" ani Enzo at hinarap ito. "Kailangan nating pumunta sa kung nasaan ang Head Seer natin!"
"Enzo, alam kong nag-aalala ka kay Miss M pero wala tayong maitutulong sa sitwasyong ito," seryosong saad ni Isobelle at binalingan ako. "Let's go, Scarlette. Sa building 3 tayo."
"Anong mayroon sa building 3?" takang tanong ko dito at umayos nang pagkakatayo.
"It's a place here inside the Oracle that we only use in case of emergency," sagot ni Isobelle sa naging tanong ko at hinawakan na ang kamay ko. "Kaya naman ay pumunta na tayo roon. Let's move!"
"You said that we only use it in case of emergency. What's the emergency now, Isobelle?"
"Scarlette-"
"I told you already, Scarlette. May mga taga-Northend ngayon dito sa Oracle," seryosong saad ni Enzo na siyang ikinabaling ni Isobelle dito.
"Stop ito, Enzo!"
"Isobelle, hindi maganda ang pakiramdam ng Head Seer ngayon! Ilang beses ko na itong nakikitang nahihirapan sa pagkilos niya! Wala ang ibang high rank Seer ngayon dito sa Oracle. She can't face them alone!"
"Nasaan ang ibang high rank Seer?" tanong kong muli na siyang ikinabaling ng dalawa sa akin.
"Royal palace," sagot naman ni Isobelle at humugot ng isang malalim na hininga. "This is against our rules, Enzo. The Head Seer sent a message earlier. We need to follow it!"
Napakunot ang noo ko at tiningnan lamang ang dalawang nagtatalo sa harapan ko.
"Alam natin kung gaano kalakas ang isang Knight mula sa Northend. Malay natin kung anong kailangan nila ngayon dito sa Oracle!"
"Exactly my point, Enzo! Kaya nga sundin na natin ang inutos ng Head Seer. We will go to building 3 and lock our asses there!"
"We can't just do that, Isobelle!"
"We can, Enzo!"
"Tama na yan." Pigil ko sa dalawa at ipinilig na lamang ang ulo pakanan. "Oo, malakas ang isang Northend Knight ngunit hindi sila gagawa ng kahit anong makakasakit sa realm na ito. They only used their strength and magic power inside the battlefield."
"Really?" halos sabay na tanong ng dalawa sa akin. Napatango ako at napailing na lamang sa reaksiyon nila.
Seers. Wala silang alam sa pakikipaglaban kaya naman kung may isang Knight o kahit sino mula sa ibang realm ng Azinbar na pumupunta sa Oracle ay lumalayo sila dito.
"Let's go. Nais ko ring malaman kung sinong Northend Knight ang narito ngayon sa Oracle," yaya ko sa dalawa at nagsimula ng muli maglakad.
"Scarlette!" tawag ni Isobelle sa akin at sinundan na ako. "We can't do this!"
"Tama na, Isobelle," ani ko at mabilis na binalingan ito. "Wala tayong mapapala kung magtatago lang tayo sa building 3 na sinasabi mo."
"Pero-"
"Maaring kilala ko ang Northend Knight na ito," matamang sambit ko pa na siyang ikinatigil ni Isobelle sa pagsasalita. "At kung magkataong kilala ko nga ito, maari tayong humingi ng tulong dito."
"Scarlette, we really can't do this," mahinang turan ni Isobelle na siyang ikinatigil ko sa paglalakad. Hinarap ko ito at maingat na hinawakan ang balikat nito.
"Stop worrying, okay? Ako na ang bahala dito. We're running out of time too, Isobelle. Kailangan na rin nating gumawa ng hakbang para hindi matuloy ang nakita ko sa hinaharap.This might be our first step, so, stop worrying. Ako ang bahala kung sakaling magalit ang Head Seer sa pagsuway sa utos nito."
Napakagat na lamang ng pang-ibabang labi si Isobelle at tinanguhan ako. Tipid ko itong nginitian at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Ang sabi ni Enzo kanina sa amin ay patungo sa opisina ng Head Seer ang mga panauhin ng Oracle ngunit sa may labas pa lamang ng main building ay may namataan na ako. Napaawang ang labi ko at mas binilisan ang paghakbang ng mga paa.
May tatlong nakatalikod na knight akong nakikita at kaharap nito ngayon ang Head Seer at dalawa pang Seer na tahimik lang sa gilid nito. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at mariing kinagat ang pang-ibabang labi noong makilala ang suot nilang armor suit.
High rank Northend Knight!
Mas binilisan ko ang paglalakad at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanila, natigilan ako at matamang pinakinggan ang usapan nila. Napansin ng isang Seer ang presensiya naming tatlo at masamang tiningnan kami. Napangiwi na lamang ako at kunot-noong nakikinig sa mga salitang binibitawan ng Northend Knight.
"Sigurado ba kayong nasa Oracle ang hinahanap niyo?" tanong ng Head Seer at pasimpleng napatingin na rin sa gawi namin. Napaayos ako nang pagkakatayo at narinig ang mahinang pagsinghap ni Enzo at Isobelle sa likuran ko.
"Yes, Head Seer Matilda. Sigurado kami sa bagay na ito. You see, may ilang Seer rin kami sa Northend. Hindi man kasing galing ng mga nandito sa Oracle, still, alam namin tama ang mga nakikita nito."
Napaawang ang labi ko sa narinig.
Oh my God! I freaking know that voice!
"May pangalan ba kayo ng hinanap niyong Seer dito sa Oracle?" matamang tanong muli ng Head Seer at itinuon ang paningin sa tatlong Northend Knight sa harapan niya.
"We don't know her name, Head Seer, but we know what she looks like," sambit ng isa pang Knight na siyang ikinahakbang kong muli ng mga paa ko.
"Scarlette, what are you doing?" mahina ngunit mariing tanong ni Isobelle sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa tuluyang makalapit na ako sa kanila.
"It's a red-haired Seer. Red as scarlet, Head Seer Matilda. Iyon ang tanging mayroon kami tungkol sa Seer na hinahanap namin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top