Chapter 7: Complicated

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng opisina ng Head Seer ng Oracle. Maingat kong hinawakan ang door handle sa harapan ko at tuluyan nang binuksan ang pinto ng silid.

Isang silid na pinalilibutan ng mga libro ang bumungad sa mga mata ko. Umayos ako nang pagkakatayo at hinanap ang Head Seer sa loob ng silid.

"Ano ang ginawa mo dito, Scarlette?" Mabilis akong napabaling sa gawing kanan ko at namataan doon ang Head Seer na may hawak-hawak na libro at takang nakatingin sa akin. "May problema ba? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" pahabol na tanong nito sa akin at isinara na ang hawak na libro.

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at tiningnan lang bawat kilos nito.

Ibinalik nito ang librong hawak-hawak sa isang shelf at muling binalingan ako sa puwesto ko. Itinuro niya ang upuan sa harapan ng mesa nito at nagsimula nang maglakad. Hindi pa rin ako kumibo hanggang sa makaupo na ito.

"Come on. Tell me what you want," seryosong wika nito na siyang ikinahugot ko na lamang ng isang malalim na hininga. Inihakbang ko na ang mga paa at naglakad na palapit sa puwesto nito.

Tahimik akong nakatayo sa may harapan nito at pinakiramdam ng mabuti ang babaeng nasa harapan.

She's the Head Seer of this place, of this realm. She's powerful, I can feel that. But one thing is bothering me here. Kung makapangyarihan ito kagaya nang nararamdaman ko sa kanya, paanong naging ganoon ang hinaharap ng Oracle? Fire and screams. Hindi niya ba nakita ito gamit ang kapangyarihan niya? I know she can do that too!

"Scarlette."

Napakurap ako at napaayos nang pagkakatayo noong marinig ko ang boses nito. Kita ko ang pagkunot ng noo nito sa akin at umayos na rin nang pagkakaupo.

"Tell me, what's wrong with you?"

"Everything is wrong about me," saad ko na siyang ikinatigil muli nito. "First, I'm not Scarlette, Head Seer. I'm someone from another world who entered in this body."

"What?" takang tanong nito at lalong kumunot ang noo niya sa akin. "You're talking nonsense, Scarlette. Epekto ba ito nang aksidenteng kinasangkutan mo?"

"No," agarang sagot ko at humugot ng isang hininga. "It's true. I'm not your niece. I'm not Scarlette."

"Stop it already, Scarlette."

Napangiwi ako sa tono ng boses nito. Mukhang malabong maniwala ito sa mga sinasabi ko. Damn!

"Kung ginagawa mo ito para makaalis kang muli dito sa Oracle, then, you better stop. Hindi kita papayagang makalabas dito. Mapanganib pa rin, Scarlette. Baka sa susunod ay hindi ka na makabalik ng buhay dito sa Oracle!"

"My name is Rhianna Dione," wika ko na siyang ikinakunot ng noo nitong muli. "Minsan na akong napunta sa mundong ito. Northend. I lived there once. Believe me, please. Hindi ako ang pamangkin mo."

"Scar-"

"I'm here, inside this body, for a reason. And I'm here to help you, the Oracle and the Seers."

Hindi nagsalita ang Head Seer at nakatingin lamang sa akin. I equaled her stares and continue talking. Mukhang patapos na ang oras na ibinigay sa akin nila Enzo. Kailangan ko nang masabi dito ang pakay ko!

"I already saw what will happened to this place, Head Seer. Before I entered Scarlette's body, I saw it. I felt it. Fire. Screams. Help."

"You better stop, Scarlette!" mariing sambit nito at napatayo na sa kinatatayuan niya. "Alam mo kung ano ang kayang gawin ng mga salitang binibitawan ng isang Seer! You better stop talking right now!"

"Oo, alam ko ang tungkol sa bagay na iyan kaya nga sinasabi ko na ito sa'yo ngayon. This place will soon be burned, Head Seer, and I need to do something to stop that from happening!"

"Scarlette!"

"Please, maniwala ka sa akin!" ganti kong sigaw dito. "I'm doing this to help you and the rest of the Seers. I need to do this para makabalik na rin ako sa totoong katawan at mundo ko!"

Masama lang akong tiningnan ng Head Seer at hindi na nagsalita pa.

Akmang magsasalita na sana akong muli noong biglang bumukas ang pinto ng opisina nito. Halos sabay kaming bumaling sa may pintuan at natigilan na lamang noong namataan ang isang seryosong babaeng nakatingin sa gawi namin. Pasimple kong tiningnan sila Isobelle at Enzo sa likuran nito at napakunot na lamang ng noo noong makita ang paggalaw ng kamay ni Isobelle.

'Let's go.' Isobelle mouthed at me.

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at binalingang muli ang bagong dating.

"I told you to rest, Matilda," seryosong saad ng babae at tiningnan ako. "Ikaw rin, Scarlette. Hindi ba kagagaling mo lang isa isang aksidente sa labas ng Oracle?"

"I'm fine," simpleng saad ko na siyang ikinangiwi nila Isobelle sa likod nito. Napakagat na lamang ng pang-ibabang labi at muling binalingan ang Head Seer. "Please, paniwalaan mo ang mga sinabi ko. We're running out of time."

"What do you mean by that, Scarlette?" tanong ng babae na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. Hindi ko na ito pinansin pa at nagpaalam na sa Head Seer. Bahagya akong yumukod dito at tinalikuran na ito. Tahimik kong inihakbang ang mga paa ko at nagtungo na sa may pintuan ng silid. At noong lalagpasan ko na sana ang babaeng nang istorbo sa usapan namin ng Head Seer, natigilan ako sa pagkilos at napaawang na lamang ang mga labi.

"We can use Matilda against them. She's powerful just like her sister. Magagamit natin ito para pabagsakin ang royal family."

"Seer ruled this realm. Dapat lang na mawala na ang mga walang kuwenta dito sa Evraren."

"Matilda will surely disagree with this, Leigh. Their family is a loyal servant of the royal family. Mahihirapan tayong makuha ang suporta nito!"

"She will definitely agree with us, Shenna. Lalo na kung malalaman nito na ang hari ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal na kapatid nito. They killed Demetria, remember? You saw that before the accident."

"Leigh..."

"It's final. We will use her to destroy the royal family."

"Scarlette!" Nakakurap ako at wala sa sariling napatingin kay Isobelle. Kita ko ang pag-aalala nito at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Let's go," sambit muli nito at hinila na ako palabas sa opisina ng Head Seer.

Wala sa sarili akong napatingin sa babaeng nakatayo sa may pintuan at mariing kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Leigh," mahinang turan ko na siyang ikinatigil ni Isobelle sa paghila sa akin. "That's your name, right?" tanong ko sa babae.

"Scarlette, ano ba! Tama na yan!" mariing sambit ni Isobelle at muling hinila na ako. Ganoon din ang ginawa ni Enzo sa akin at inilayo na ako sa opisina ng Head Seer. Hindi na ako naka-angal pa at nagpahila na lamang sa dalawa.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tipid na napangiwi. Pilit kong iniintindi ang mga nangyayari at mga nakita ko dito sa Oracle. Napaupo ako sa upuan sa may harapan ko at seryosong tumingin sa kawalan.

"Sa dinami-raming pupunta sa opisina ng Miss M, si Miss Leigh pa talaga!" bulalas ni Enzo na siyang ikinabaling ko sa gawi nito.

"Leigh... Who is she? Anong koneksiyon ang mayroon ito dito sa Oracle?" seryosong tanong ko na siyang ikinatigil ng dalawa sa harapan ko.

"She's a high rank Seer, Scarlette. First rank. At halos ka-lebel nito ang Head Seer sa pamamalakad sa buong Oracle," wika ni Isobelle na siyang ikina-arko ng isang kilay.

"At siya rin ang nagsabi sa akin na hindi muna tatanggap ng kahit sinong bisita ang Head Seer! Nako! Mukhang papagalitan ako nito!" nag-aalalang sambit ni Enzo at marahang napatampal sa noo nito.

"Scarlette," tawag pansin sa akin ni Isobelle na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Kanina, may nakita ka na naman ba? A precognition?"

Hindi ako nagsalita at tahimik na umiling na lamang kay Isobelle. No. It was not a precognition. It was a scene from the past.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na ikinokonekta ang lahat ng mga nalalaman ngayon.

Now, it's getting more complicated.

Hindi lang basta-bastang masusunog ang Oracle sa hinaharap.

Power.

Authority.

Betrayal.

Damn!

This mission is more than just saving the whole Oracle and the Seers!

This is all about the Evraren and its people!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top