Chapter 6: Talk
"Kakausapin mo si Miss M?" Gulat na tanong ni Isobelle sa akin habang pinapalitan niya ang benda sa sugat ko.
Bahagya pa akong napangiwi noong makaramdam ng sakit mula sa sugat ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Seryoso ka riyan sa plano mo?"
"Yes," sagot ko at tiningnan ang sugat sa katawan. Naghihilom na ito at hindi magtatagal, magiging maayos na rin ang katawang ito ni Scarlette. "Ang Head Seer lang ang makakatulong sa atin ngayon." Dagdag ko pa.
"Hindi madaling pataasin ang ranggo nating mga Seer, Rhianna Dione. Kakapusin tayo ng oras. Baka tapos na ang pagtitipon sa palasyo ay hindi mo pa mapapataas ang ranggo mo. May proseso tayong dapat sundin para tumaas ang ranggo natin dito sa Oracle."
"I know that," mahinang sambit ko at nagpasalamat dito noong matapos na ito sa pag-asikaso sa sugat ko. "Kaya nga may iba akong paraang naisip para payagan akong lumabas dito sa Oracle."
"Ibang paraan? At ano naman iyon?" Takang tanong ni Isobelle at inalalayan akong isuot nang maayos ang damit ko.
"I will tell her about my real identity." Saad ko na siyang ikinatigil ni Isobelle. Inayos ko ang damit ko at hinawakan ang tagiliran ko. Kaunting sakit na lang ang nararamdaman ko. Mukhang epektibo ang gamot na ibinigay ni Isobelle sa akin kanina.
"You can't be serious, Rhianna Dione! Mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon natin kung sasabihin mo ito kay Miss M!" Anito na siyang ikinatigil ko.
"We don't have any choice here, Isobelle. Kailangan kong makapasok sa palasyo at makausap ang hari ng realm na ito sa lalong madaling panahon. Hindi ako magsasayang ng oras dito sa Oracle. Ito lang ang alternatibong paraan na naiisip ko." Sambit ko dito at marahang naglakad patungo sa may salamin. Tiningnan ko ang repleksiyon ko dito at napabuntong-hininga na lamang. Inayos ko ang pulang buhok ni Scarlette at kinagat ang pang-ibabang labi. "Kailangan kong gawin ito para makabalik na rin si Scarlette sa katawan niya."
"Rhianna..."
"Don't worry about me," sambit kong muli at binalingan si Isobelle. "Ikaw na rin ang nagsabing malakas na Seer si Scarlette. I can use her abilities. Gagawin ko ang makakaya ko upang maibalik siya at mailigtas ang lugar na ito."
Hindi nagsalita si Isobelle at matamang tiningnan lang ako. Ilang segundo ang lumipas at namataan ko itong napabuntong-hininga na lamang. Hindi ako umimik at pinagmasdan na lamang ang bawat kilos nito.
Nagsimulang maglakad si Isobelle patungo sa isa sa kabinet dito sa silid ni Scarlette at noong buksan niya ang pinto nito, napakunot ang noo ko. May kung ano itong kinuha roon at noong hinarap niya akong muli, natigilan ako.
"Pagmamay-ari ito ni Scarlette," aniya at lumapit sa akin. Inilahad niya sa akin ang kinuha sa kabinet at tipid na nginitian ako. It's a silver necklace with a red diamond shape pendant. "Simula noong namatay ang ina namin, hindi na niya ito muling sinuot pa." Dagdag pa ni Isobelle at siya na mismo ang naglagay ng kuwintas sa kamay ko. "Kung lalabas ka ng Oracle, suotin mo ito."
"Anong mayroon sa kuwintas na ito?" Tanong ko at pinagmasdan nang mabuti ang pendat na naroon.
"You'll know once you visit the center of this realm, Rhianna Dione. Iyon ay kung papayagan ka ng Head Seer."
"Papayagan niya ako," kampanteng sambit ko dito at ako na mismo ang nagsuot sa kuwintas sa may leeg ko. "Let's go." Yaya ko dito at nagsimula nang maglakad palabas sa silid ni Scarlette.
Walang ingay kaming dalawa ni Isobelle na naglalakad sa tahimik na hallway palabas ng gusali. Maingat ang bawat hakbang namin at noong tuluyang makalabas na kaming dalawa, mabilis naman naming tinahak ang daan patungo sa opisina ng Head Seer ng Oracle.
Ilang hakbang pa ang layo namin sa main entrance ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer noong sabay kaming natigilan ni Isobelle sa pagkilos. Agad kong hinawakan ang braso nito at hinila ito papalapit sa akin.
"What the hell?" Bulalas ni Isobelle at tiningnan ang patalim na tumusok sa lupa kung saan ito nakatayo kanina.
Maingat kong binitawan sa braso si Isobelle at bumaling sa likuran namin kung saan nanggaling iyong patalim na muntik nang tumama sa kasama ko.
"Oh, sorry. My bad." Sambit ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay Everlee ang pangalan. Nagtawanan naman ang mga kasama nito at nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan namin ni Isobelle. "We're just practicing using some weapons. Sorry at dumulas ito sa kamay ko. Muntik ko pa kayong matamaang dalawa."
"Oh, really?" Galit na tanong ni Isobelle at noong akmang susugod na ito sa grupo, mabilis kong hinawakang muli ang braso nito. "Bitawan mo ako, Scarlette! Talagang papatulan ko na ang mga ito!"
"They're not worth it," turan ko na siyang ikinatigil nila. "Magsasayang ka lang ng lakas sa kanila, Isobelle."
"Pero muntik na tayong matamaan kanina!"
"I know," seryosong saad ko at binalingan ang patalim na inihagis nila kanina. "Stay still." Utos ko kay Isobelle at binitawan ito. Inihakbang ko ang mga paa at nilapitan ang patalim. Dahan-dahan akong yumukod at dinampot ito. Tahimik kong pinagmasdan ito at pinaglaruan sa kamay ko. "You're playing some dangerous weapon here, girls." Turan ko at binalingang muli ang mga ito. "Sa tingin niyo ba'y matatakot niyo kami sa ginagawa niyo?"
"Tinatakot?" Natatawang tanong ni Everlee atnagsimulang maglakad papalapit sa akin. "You're not worth it, too, Scarlette." Seryosong saad nito na siyang nagpangisi sa akin.
Bago pa man tuluyang makalapit sa akin si Everlee ay mabilis kong inihagis sa gawi nito ang patalim na inihagis niya kanina sa amin. Kita kong natigilan ito sa pagkilos at gulat na nakatingin sa akin. Nginisihan ko ito at tiningnan ang patalim na ngayon ay nasa lupa na rin. Ipinilig ko ang ulo pakanan at itinuon ang paningin sa kanang pisngi nitong napadlisan ng patalim.
"Everlee!"
"What the hell, Scarlette!" Sigaw ng mga kaibigan nito at nilapitan ang babae. "Oh my God! You're bleeding, Everlee!"
"Ops, my bad," paggagaya ko sa sinabi nito kanina. "Sorry not sorry, Everlee, sinadya ko iyon." Wika ko pa at inihakbang ang mga paa papalapit sa kanina. "Ganyan pumuntirya, Everlee. Harap-harapan at hindi kapag nakatalikod ang kalaban." Dagdag ko pa at nilagpasan na ang mga ito. Muli kong nilapitan ni Isobelle at niyaya na itong maglakad muli. Tahimik na tumango ito sa akin at tiningnang muli ang grupo ni Everlee.
"Ayos lang ba iyong ginawa mo?" Mahinang tanong nito at binalingang muli ako.
"That was just a warning, Isobelle. At kung uulitin nila ang ginawa nila kanina, hindi lang daplis ang matatamo nila mula sa akin." Simpleng sambit ko dito at itinuon na ang paningin sa dinaraanan. Hindi ko na narinig pang magsalitang muli si Isobelle at sinabayan na ako sa paglalakad.
Dere-deretso na ang lakad naming dalawa ni Isobelle at noong tuluyang makapasok kami sa gusali kung nasaan ang opisina ng Head Seer, tahimik kong pinagmasdan at pinakiramdaman ang paligid.
Wala namang kakaiba sa paligid maliban na lamang na sobrang tahimik ito.
Kunot-noo akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin ni Isobelle si Enzo.
"Anong ginagawa niyo dito?" Agad na tanong ni Enzo noong tuluyang makalapit ito sa amin.
"Kakausapin niya si Miss M." Sagot ni Isobelle sa kaibigan nito.
"Wrong timing kayo," ani Enzo at hinila kaming dalawa patungo sa isang pasilyo. "Hindi maganda ang pakiramdam ng Head Seer ngayon. Ipagpaliban niyo na lang muna ang pakay niyo dito."
"Kailangang makausap ko na ito ngayon, Enzo," sambit ko at binawi ang kamay dito. Kita ko ang gulat sa ekspresiyon nito at umatras palayo sa akin.
"Enzo, mabilis lang ito. Rhianna Dione is doing this for us, for the whole Oracle. Kailangan niyang makausap ang Head Seer bago pa mahuli ang lahat." Ani Isobelle na siyang ikinatigil ni Enzo.
"What do you mean by that?" Takang tanong nito at tiningnan ako.
"I already saw the future of this place." Walang emosyong sambit ko at umayos nang pagkakatayo. "All I need is her permission to leave Oracle and talk to the King of Evraren. Wala akong ibang gagawin kung hindi ang kausapin lang ito."
Hindi nagsalita si Enzo at tahimik na tiningnan lang ako. Segundo ang lumipas, namataan ko itong humugot ng isang malalim na hininga at bumaling sa daan patungo sa opisina ng Head Seer.
"Kakaalis lang ng ilang high rank Seers sa opisina ni Miss M. Make it quick, Rhianna Dione. Mahigpit na ibinilin nila sa akin na walang ibang papasok muna sa silid ng Head Seer," ani Enzo na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "I'm doing this for Oracle. At kung totoong nakita mo na ang hinaharap ng lugar na ito, wala akong ibang pagpipilian pa kung hindi ang magtiwala sa kakayahan ni Scarlette. She's a powerful Seer and everything she saw... unfortunately happened. Now go. Isobelle and I will guard the room."
Binalingan ko si Isobelle at noong mamataan ko ang pagtango nito sa akin, mabilis kong inihakbang ang mga paa ko.
Head Seer of Oracle.
Ilang beses ko na itong nakita dito sa loob ng Oracle. At sa ilang beses na pagkakataong iyon ay ni hindi ko ito nakausap nang maayos. Ngayon, ito na ang pagkakataon ko. I'll talk to her and will seek her assistance to finish this mission.
Save this place and leave.
Leave and find my husband.
Treyton Duke, just wait for me. Mahahanap din kita!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top