Chapter 5: Rank

May hindi tugma sa mga nangyayari dito ngayon.

Kung patay na iyong si Demetria, bakit ito nasama sa precognition na nakita ko? Is she still alive in this world? Pero... ang sabi nila ay patay na ito. What is this? Mali ba ang impormasiyong inilalahad nila sa akin ngayon?

"Matagal na bang patay ang ina ninyo?" Matamang tanong ko kay Isobelle na siyang tipid na ikinatango nito.

"It's been two years since the accident happened." Ani Isobelle na siyang ikinakunot ko ng noo.

"Accident?" Takang tanong ko ulit dito.

"It was not an accident, Isobelle," singit ni Enzo sa usapan namin. "It was an ambush. Alam nang lahat na planado ang nangyaring iyon."

"Enzo, please, matagal na iyon." Ani Isobelle at matamang tiningnan ako. "Paano mo nalaman ang tungkol sa ina namin, Rhianna Dione?"

"I just saw her," ani ko at hinawakan ang baba ko. May kung anong bumabagabag sa akin ngayon. May mali talaga dito.

"Ang pagkamatay ni mommy ang naging dahilan kung bakit palaging gusto lumabas ni Scarlette dito sa Oracle." Ani Isobelle na siyang ikinakunot ng noo ko. Hindi ako nagsalita at hinayaang ipagpatuloy ni Isobelle ang pagkukuwento. "Malakas ang kutob ni Scarlette na hindi lang si mommy ang maaring mapahamak. Maaring mapahamak rin ang aming ama."

"At nasaan ngayon ang ama ninyo?" Mabilis na tanong ko.

"He's one of the King's knight, Rhianna Dione."

A knight?

This doesn't make sense to me.

"But a Seer can't leave this place without a permission. Kaya nga palaging tumatakas si Scarlette dito." Wika naman ni Enzo sabay buntong-hininga. "And the last time she left and returned here in Oracle, she was bleeding to death."

"Ambush," mahinang turan ko at hinawakan ang sugat sa tagiliran. Malaki ang posibilidad na may nagbanta rin sa buhay nito. And with this wound, mukhang walang planong buhayin pa nila ito. Luckily, this girl is a fighter! Nakabalik pa ito dito sa Oracle at ngayon ay ginagamit ko na bilang bagong vessel ko dito sa Azinbar.

"Posible bang makausap natin ang ama niyo?" Tanong ko kay Isobelle na siyang ikinatigil nito.

"We can't," aniya at marahang na napailing. "Hindi natin basta-bastang makaka-usap si daddy. Siya ang kapitan ng mga royal knights ng hari ng Evraren. Mas abala pa ito kaysa kay mommy na dating Head Seer ng Oracle."

Napataas ang kilay ko sa narinig. So, this girl, Scarlette and her sister, Isobelle, are the daughters of the former Head Seer.

Think, Rhianna Dione. Malakas ang pakiramdam kong may nakakaligtaan ako dito!

Demetria...  Damn this! Kung totoong patay na ito, bakit ganoon ang nakita ko? They way she spoke to the king, mukhang hindi ito ang Head Seer ng Oracle. Tila ibang tao ito. An impostor? Inside the palace of the King of Evraren?

"Kailangan kong makadalo sa pagtitipong magaganap sa palasyo," mabilis na turan ko na siyang ikinagulat ng dalawa. "Kailangan kong makausap ang ama ninyo ni Scarlette at kung magkakaroon ako nang pagkakataon, kailangan kong makausap ang hari ng Evraren!"

"Bakit mo kailangan makausap ang hari, Scarlette?"

Natigilan kaming tatlo noong may nagsalita sa likuran ko. Agad na napaayos nang pagkakatayo ang dalawa samantalang mabilis akong bumaling sa nagsalita.

The Head Seer of Oracle.

"Head Seer," halos sabay na bati nila Isobelle at Enzo sa bagong dating. Hindi kumibo ang Head Seer at matamang nakatingin lamang sa akin.

"I'm asking you, Scarlette," anito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi. "Bakit nais mong makausap ang hari? Anong pakay mo sa kanya?"

"Head Seer." Singit ni Isobelle at mabilis na tinabihan ako. "Uhm, it was nothing. We just randomly talking about the palace."

"I saw something," saad ko na siyang ikinatigil ni Isobelle. Agad itong humarap sa akin at mabilis na inilingan ako. 

"Don't. Please," mahinang turan nito at muling hinarap ang Head Seer. "I'm sorry, Head Seer. Babalik na po kami sa silid ni Scarlette. She's still suffering from the accident. Kailangan na po niyang magpahinga." Dagdag pa nito at mabilis na hinila ako palayo sa kausap. Nagpaalam na rin si Enzo dito at mabilis na sinundan kami ni Isobelle.

Tahimik kaming tatlo hanggang sa makabalik kami sa silid ko. At noong tuluyang maisara ni Enzo ang pinto ng silid, mabilis na namewang si Isobelle sa harapan ko.

"What do you think you're doing?" Tanong nito habang naka-arko ang isang kilay. "Hindi mo maaaring sabihin sa Head Seer ang nakita mo. Listen, Rhianna Dione. We all know how powerful a Seer's precognation but did we ever mentioned to you about our rank here in Oracle?"

Natigilan ako sa narinig.

"Rank?" Takang tanong ko dito.

"Yes, Rank, Rhianna Dione." Anito at napabuntong-hininga na lamang. "Kahit anak pa kami ng dating Head Seer, hindi ibig sabihin non ay mataas na agad ang ranggo namin dito sa lugar na ito. We rank at the bottom, Rhianna Dione. Kahit anong sabihin mo sa Head Seer, hindi niya ito bibigyan ng kahulugan. Third rank. Iyon ang lugar natin dito sa Oracle."

"Kaya ba ganoon na lang ang trato ng mga babae kay Scarlette? That's the reason why they bullied her?" Malamig na tanong ko kay Isobelle na siyang dahan-dahang ikinatango nito sa akin.

"Scarlette's powerful, yes, but she didn't bother to improve her rank. Mas gusto pa nitong gawin ang mga pinagbabawal sa lugar na ito," saad muli ni Isobelle at binalingan si Enzo. "Maari ka nang bumalik sa quarter mo, Enzo. Please, kung ano man ang nalaman mo tungkol sa sitwasyong kinaroroonan ng kapatid ko, keep it a secret. Tayo lang dapat ang nakakaalam nito."

"Your secret is safe with me, Scarlette," ani Enzo at tinanguhan ako. Nagpaalam na ito sa amin ni Isobelle at noong dalawa na lang kaming natira sa silid, namataan ko at muling pagbuntong-hininga nito.

"Ano na ang plano mo ngayon? Hindi ka maaring basta na lamang pumunta sa palasyo." Seryosong tanong ni Isobelle sa akin. "I want to help you, Rhianna Dione, but just like you, just like my sister, nasa pangatlong ranggo rin ako. Wala akong sapat na kakayahan para tulungan ka sa nais mo."

Napabuntong-hininga na lamang ako at wala sa sariling naglakad patungo sa salamin na nasa gawing kanan ko. Pinagmasdan ko at repleksiyon ko roon at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Hindi ako maaring magtagal sa katawang ito, Isobelle. Kailangan kong matapos ang dapat kong gawin sa realm na ito bago pa tuluyang mawala si Scarlette."

"Mawala? Anong ibig mong sabihin?" Nag-aalalang tanong ni Isobelle sa akin.

"Hindi natin alam kung nasaan ngayon si Scarlette at kung magtatagal pa ako sa katawang ito, maaring hindi na ito makabalik dito," wika ko at inilapat sa may dibdib ko ang kanang kamay. "I need to do my mission and return to my real world."

"Pero... paano mo gagawin iyon? May ideya ka ba kung paano?"

"I already saw what's the future of this place," mabilis na sambit ko at binalingan si Isobelle. "And my mission is to save the Seers and the whole Oracle. At kung magawa ko iyon, tiyak kong makakabalik ako na ako sa totoong mundo ko."

"You said that you already saw our future. Tell me, anong mangyayari sa lugar na ito?" Natigilan ako at matamang tiningnan ito. Kita ko ang takot sa mga mata nito kaya naman ay napailing na lamang ako.

No. I can't tell her about the future of this place. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung may pagsasabihan ako sa mga nakita ko noon. For now, mas makakabuting ako na lang muna ang nakakaalam hangga't hindi pa ako nakakaisip nang paraan para tulungan ang mga Seer dito sa Oracle.

"I'm sorry but I can't tell you that, Isobelle." Seryosong saad ko at muling tiningnan ang repleksiyon. Scarlette, kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, ano ang gagawin mo? Aalis ka naman ba dito sa Oracle? Iiwas ka sa kung anong nangyayari sa paligid mo? Iyon ba ang gagawin mo, ha, Scarlette? "Rank," bulong ko sa sarili at mariing ikinuyom ang mga kamao. "If I prove myself to them. If I show them how powerful Scarlette is, tataas ba agad ang ranggo ko dito sa Oracle?"

"Uhm, depende pero posibleng tumaas agad ito." Sagot ni Isobelle na siyang ikinangiti ko. Binalingan ko ito at nilapitang muli.

"Tell me, anong maari kong gawin para tumaas ang ranggo ko?"

"What exactly your plan is, Rhianna Dione?" Tila nag-aalangang tanong ni Isobelle sa akin.

"Your rank is a powerful tool here in Oracle. At kung mapapataas ko ang ranggo ni Scarlette, maari akong makalabas dito nang hindi tumatakas sa Head Seer. I can visit the palace and I can talk to your dad to investigate, too."

"Investigate?"

"Lahat nang nangyayari dito ngayon ay konektado, Isobelle. Hindi ako basta-bastang napunta lang sa katawan ng kapatid mo. I was once fought and saved Northend before. Hindi iyon naging madali sa akin kahit nasa panig ko ang Tyrants at iilang Phoenix Knights."

"Oh my God! This is too much for me, Rhianna Dione!" Ani Isobelle at lumayo sa akin.

"Calm down, Isobelle. Makinig ka muna sa akin," turan ko at muling kinagat ang pang-ibabang labi. "Hindi maganda ang hinaharap ng Oracle. Mapapahamak ang lahat."

"No way..."

"And that's the reason why I'm here. Now, tell me, tutulungan mo ba ako?"

"Of... of course! Kung totoo nga ang mga sinasabi mo sa akin ngayon, marapat lang na tulungan kita! This is my home, Rhianna Dione. Dito kami naninirahan ng kapatid ko. At kung masisira ito, paano na lang ang mga Seer na nandito? Paano na lang babalik si Scarlette dito?" Isobelle heavenly sighed and look at me intently. "I'll help you. Whatever it takes, whatever the risk is, I'll help you."

"Good. Now, tell me how I can reach the top rank here in Oracle."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top