Chapter 46: Decision

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at noong nawala na ang dalawang lalaki sa paningin ko, mariin kong hinawakan ang Excalibur na hanggang ngayon ay nasa kanang kamay ko pa rin. Mayamaya lang ay napatingin ako kay Scarlette noong tawagin nito ang pangalan ko. Umayos ako nang pagkakatayo at nilapitan itong muli.

"We need to find the man who casted this barrier," anito noong makatayo na rin ito. Mukhang nakabawi na ito sa nangyari sa kanya kanina. Napabuntonghininga na lamang ako at tinanguhan ito.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kung saan namin nararamdaman ang mahinang presensiya at noong makita namin kung sino ito, mabilis kaming nagkatinginan ni Scarlette. Namataan ko ang gulat sa mukha nito at muling tiningnan ang lalaking nakasandal ang katawan ng isang malaking puno 'di kalayuan sa main gate ng Oracle, nanghihina at halos hindi na rin makagalaw sa puwesto niya.

"That's my father, Rhianna Dione," ani Scarlette at dahan-dahang inihakbang muli ang mga paa. Tahimik akong kumilos at pinagmasdan ang mag-ama. Maingat na lumapit si Scarlette sa ama nito at noong nasa tapat na siya ni Willmark, lumuhod ito at tiningnan ang kalagayan ng ama. "He's merely breathing," anito at binalingan ako. "At this rate, he will die."

"Like you've said earlier, he used his life force too. Hindi basta-basta ang barrier na ito, Scarlette. Kahit sino ang gumawa nito, ganyan ang kakahinatnan."

Napahugot na lamang ng isang malalim na hininga si Scarlette at muling binalingan ang ama. Namataan ko ang marahang paghawak nito sa kamay at mayamaya lang ay nagsalita itong muli. "Bakit mo ito ginawa? Akala ko ba tapos ka na sa paghihiganti mo?"

"I... I'm sorry, Scarlette," nahihirapang sambit ni Willmark at mapait na ngumiti sa anak. "I was weak. Hindi ko... sila napigilang gamitin ang kapangyarihan ko."

"Sila?" halos sabay na tanong namin ni Scarlette. Lumapit na rin ako sa puwesto ng dalawa at naging alerto sa paligid habang nasa kanila ang paningin. Mukhang may iba pang kalaban na narito ngayon sa paligid ng Oracle. "Sino ang tinutukoy mo?" tanong ko pa na siyang ikinayuko ng ama ni Scarlette.

"Please, tell us what you know. Kailangan namin silang mapigilan bago pa nila tuluyang masira ang Oracle, or worst, ang buong Azinbar," wika ni Scarlette habang hindi pa rin binibitiwan ang kamay ng ama. "Please, daddy. Tell us."

"I.... ah!" Hindi na natuloy pa ni Willmark ang dapat na sasabihin noong biglang sumigaw ito. May namataan akong kakaiba sa katawan niya kaya naman ay mabilis kong inilayo si Scarlette sa kanyang ama. What the hell?

"Anong nangyayari sa kanya?" takot na tanong ni Scarlette habang nakatingin sa tila nahihirapang ama. "Stop it, please! He's suffering!" sigaw ni Scarlette at nagpalinga-linga sa paligid! "Tigilan niyo na siya! Tama na!"

Akmang kikilos na sana si Scarlette noong mabilis kong itong ipinirmi sa kinatatayuan niya. Nagpumiglas ito sa hawak ko ngunit hindi ko ito binigyan nang pagkakataong makalapit muli sa ama. Tahimik ko namang tinignan ang barrier na nakapalibot ngayon sa Oracle at noong mapansin kong mas lalong tumitindi ang itim na kapangyarihang naroon, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

This is not good. We need to stop Willmark now, or else, mapapahamak lahat ng nasa loob ng barrier na ginawa nito kanina!

"Dad!" sigaw ni Scarlette at muling sumubok na kumawala sa akin. Napailing na lamang ako sa ginawa nito at mabilis na pinaharap sa akin. "He's in pain, Rhianna Dione. Let me help him!"

"If you do that, you will harm the Seers and the rest of the knights inside the Oracle! Iyon ba ang gusto mong mangyari?" mariing tanong ko na siyang ikinatigil ni Scarlette. "Look," dagdag ko pa at itinuro sa kanya ang nangyayari sa dark magic barrier. "Yes, he's in pain. Alam mo ba kung bakit?"

"Oh my God," bulong ni Scarlette at napailing na lamang. "Mas pinapalakas nito ang barrier. His... life force. It's almost burnout. My father... is going to die."

"Yes," marahang sambit ko at pinaharap itong muli sa akin. "And you can help him to stop the pain... to stop his suffering." Namataan kong natigilan si Scarlette at marahang napatingin sa akin. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin sa mga katagang iyon, Scarlette. Ikaw lang ang makakagawa nito. Stop his pain... and save Oracle."

"You want me to kill my own father?" nanghihinang sambit nito sa akin at napatingin sa amang halos wala na ring lakas para sumigaw sa sakit na nararamdaman ngayon. "He's my father, Rhianna Dione. Kahit na hindi maganda ang naging relasyon namin noon, pamilya ko pa rin ito, ama ko pa rin siya! Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya!"

"Scarlette, listen to me," wika ko at kinuha ang atensiyon nito. "He's dying. His life force is burnout. Even Captain Mary's ability to heal someone can't replenished that. He's dying, Scarlette, and all you need to do is end his suffering."

"You're heartless," wika nito na siyang ikinatigil ko. Mabilis na humakbang palayo sa akin si Scarlette at mariing napailing sa harapan ko. "I can't believe I'm hearing this from you, Rhianna Dione."

"We're running out of time and options here, Scarlette. Kailangan na nating magdesisyon," saad ko na siyang mahinang ikinatawa nito.

"Killing my father is not part of the options, Rhianna Dione," mariing sambit niya at umayos nang pagkakatayo. "But if you insist, go and do what you need to do. But if you try to touch him, I will not stay still. I will stop you no matter what."

Damn it!

"We don't have time for this, Scarlette!" bulalas ko at masamang tiningnan ito. "Hindi na sapat ang kapangyarihan ng mga taong nasa loob ng Oracle! Kahit ang Tyrants ay hindi na kakayanin pang manatili sa loob ng tahanan niyong mga Seer! They're running out of time, too!"

"I will not kill my father," ulit nito na siyang mabilis na ikinailing ko. Damn it! She's being stubborn now! "Just let him die. Just... don't kill him. I can't take that, Rhianna Dione. Hindi na rin naman ito magtatagal."

"At hindi na rin magtatagal ang mga Seer at knights sa loob ng Oracle!" sigaw ko at mabilis na lumapit sa puwesto ni Scarlette. Mabilis kong hinawakan ang kamay nito at hinila palayo sa puwesto ng ama niya. Ngunit bago ko pa ito tuluyang mailayo roon, mabilis din itong kumilos. Hinawakan niya ang kamay ko at hinala kaya naman pareho kaming napirmi sa kanitatayuan. Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak niya sa kamay ko at noong akmang kikilos na sana akong muli, mabilis nitong inilapat ang isang kamay sa balikat ko. Napailing na lamang ako sa binabalak niya.

She's going to use her Eve's Eye against me!

"Don't you dare hurt him," mariing sambit nito at nagsimula ng mamula ang kanang mata nito. "He's still my father, Captain."

"Stop being weak, Scarlette," turan ko at inalaban ang ginawa ng Eve's Eye niya sa akin. She's absorbing my power. Trying to make me weak. Too bad for her, hindi basta-bastang mauubos ang kapangyarihan ni Captain Mary. Mauubos na lamang ang lakas ng katawan niya, nakatayo at malakas pa rin ang katawang ito. "Akala ko ba tapos ka ng maging mahina? Na sa pagkakataong ito, gagawin mo ang lahat para sa Oracle? Na ililigtas mo ang mga taong hindi mo nagawang protektahan noon?"

"May iba pang paraan-"

"Wala na, Scarlette. Kahit anong gawin natin ngayon, wala na tayong ibang magagawa pa. And Willmark, your father, is beyond saving. I know you know that, so please, let me do this for you! Kung hindi mo ito kayang gawin, puwes, ako na ang gagawa. Para sa'yo, para sa ama mo at para na rin sa lahat ng Seer ng Oracle! Let me go, Scarlette, and finish my mission!"

"You're not going to kill him, Yana." Sabay kaming natigilan ni Scarlette noong may nagsalita. Agad akong napatingin sa puwesto nito at noong makitang naroon na sa tabi ni Willmark si Treyton, napaawang ang labi ko. "You know you can't kill someone in this world. Kahit na nasa katawan ka na ni Captain Mary, still... it's a taboo for you."

Napalunok ako noong mamataan ko ang hawak-hawak na espada ni Treyton. It was Alessia's sword! Damn it!

Mabilis kong binitawan si Scarlette at hinarap ang asawa. Akmang lalapitan ko na sana ito noong itinutok niya ang hawak na espada sa ama ni Scarlette. Natigilan ako at matamang tiningnan ito.

"What are you doing here, Treyton? You're not in good shape right now. Dapat ay pinagpahinga mo na lamang ang katawan mo sa chamber kung saan kita iniwan kanina," wika ko at pinagmasdan ang bawat galaw nito. He's enduring the pain. Walang silbi ang healing magic namin sa sugat niya kaya naman ay natitiyak kong sobrang sakit ngayon ang natamo nitong tama sa dibdib niya. "Treyton, put down your sword. Hindi mo sasaktan ang lalaking-"

"They're dying inside," anito na siyang ikinatigil ko. "Wala silang magawa kaya naman ay minabuti ko nang kumilos at lumabas. At mukhang tama lang ang naging desisyon ko. You two... anong ginagawa niyo? Bakit hindi niyo na lang tapusin ang buhay ng lalaking ito para matapos na ang lahat? Mapapahamak silang lahat kapag hindi pa rin mawala ang barrier na iyan!"

"That man is my father," ani Scarlette na siyang ikinatigil naman ni Treyton. Napatingin ito kay Willmark at umayos nang pagkakatayo. "I can't let you kill him."

"He's dying already, Scarlette. Minuto na lamang ay mamamatay na rin ito. And we don't have the luxury to wait for that to happen. Mas makakabuti na ring mawala ito kaysa naman mapahamak lahat ng taong nasa loob ng Oracle," seryosong saad ni Treyton at inangat ang kamay na may hawak ng espada. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at noong walang pag-alinlangan niyang itinarak ang espada sa dibdib ni Willmark, sabay kaming napasigaw ni Scarlette.

"No!" I screamed and immediately run towards my husband. Bumagsak ang katawan ni Treyton sa tabi ni Willmark at noong nasa tabi na niya ako, mabilis kong inilayo ito at maingat na pinaupo gilid ng isa pang puno 'di kalayuan sa puwesto ni Willmark.

"Daddy! No!" rinig kong sigaw ni Scarlette kaya naman ay napabaling ako sa kanya. Namataan kong mabilis nitong inalis ang pagkakatarak ng espada sa dibdib nito at niyakap ang ama. "No... dad, please, no." Scarlette cried.

"It's working," mahinang sambit ni Treyton sa tabi ko na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Namataan kong nakatingin ito sa may barrier kaya naman ay wala sa sariling napatingin na rin ako roon. At kagaya nang sinabi nito kanina, gumana nga ang ginawa nito. Willmark was the source of the dark magic barrier. At ngayon wala na ito, na patay na ito, unti-unting nawawala na ngayon ang itim na kapangyarihang bumabalot sa buong Oracle. "Yana, it's working."

"Yes," mahinang turan ko ang muling tiningnan ang umiiyak na si Scarlette. At sa hindi malamang dahilan, isang pamilyar na sakit ang naramdaman ko sa dibdib. She's in pain. I can feel it. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito ngayon na tila ba nasa loob pa rin ako ng katawan niya. "And you did a horrible decision, Treyton," mariing sambit ko at malungkot na binalingan ang asawa. "Bakit mo ginawa iyon?"

"I won't let you kill someone in this world, Yana," anito at marahang inangat ang kamay. Hinawakan nito ang kanang pisngi ko at tipid na nginitian ako. "I'm a dimension traveler. I was born with that ability. At kung may nagawa man akong mali sa mundong ito at mawala ang kakayahan kong iyon, paniguradong may paraan para maibalik sa akin ang ability ko. But you... I can't risk it, my love. Kaya mas mabuting ako na lamang. Ako na lamang ang maiiwan sa mundong ito."

"Paano naman ako? Babalik akong mag-isa sa mundo natin?" mahina ngunit mariing tanong ko sa asawa. "You were the reason why I wanted to be here again, Treyton. Hindi puwedeng bumalik ako sa mundo natin na hindi ka kasama!"

"I'm sorry, Yana."

"I... hate you," mahinang turan ko at niyakap ang asawa. "Why are you doing this to me, Trey? Bakit... ang hirap-hirap na makasama ka nang matiwasay? Bakit kailangang mangyari pa ang lahat ng ito?"

"Yana-"

"Captain!" Natigilan ako noong marinig ang boses ng Tyrants. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Segundo lang ay nasa tabi na namin ni Treyton ang Tyrants kaya naman ay humiwalay na ako sa kanya. Hinarap ko ang mga bagong dating at agad na natigilan noong makita ang ekspresiyon nila sa mukha.

"What happened?" mahinang tanong ko sa kanila at noong marinig ko ang pag-iyak ng mga Seer na lumabas na rin sa Oracle, nanlamig ang buong katawan ko.

"It was the Head Seer, Captain," wika ni Jaycee at napatingala na lamang. "We did everything but... we still lose her. Masyadong malakas ang itim na kapangyarihan kanina kaya naman ay minabuti nang umalis kanina ni Treyton kahit na hindi pa kaya ng katawan niya ang kumilos."

Oh my God!

Wala sa sarili akong napatingins sa puwesto ni Scarlette at malungkot na tiningnan na lamang itong nakikinig sa kapatid. Nasa harapan na niya si Isobelle ngayon at natitiyak kong alam na nito ngayon ang nangyari sa Head Seer ng Oracle.

She died. The Head Seer died.

While we're busy fighting with each other earlier, someone died.

We failed. Both of us failed... big time.

"I received a message earlier, Captain," ani Owen na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Our king, King of Northend, is coming here."

"We can handle this one, Owen. Hindi na dapat siya pumunta rito," mahinang turan ko at muling ibinalik kay Scarlette ang paningin. She's not crying now. But looking at her expression, I know what she's thinking right now. I know her. Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. She's blaming herself... just like me. We both acted reckless earlier. We both failed to protect the Head Seer.

"He's coming for a different reason, Captain," wikang muli ni Owen na siyang ikinatigil ko. "Your... mission is done. Ligtas na ang mga Seer, ang Oracle. Mayamaya lang ay darating na rin ang hari ng Evraren. He will assist too. He will help the Seer to build their home again."

"So... I'm going home?" mahinang tanong ko at tiningnang muli ang asawa. "Hindi ako aalis."

"Yana, please-"

"I will not leave this world without you, Treyton," mariing sambit ko sa asawa at binalingan ang Tyrants. "Kakausapin ko ang hari ng Northend. Baka may magawa pa ito sa sitwasyon ni Treyton."

"Captain, this is-"

"This is my decision," wika ko na siyang ikinatigil nila. "Kahit na gusto ko nang bumalik sa totoong mundo namin, hindi ko iyon gagawin kung hindi ko makakasama sa pagbabalik ang asawa ko. I need him there, Tyrants. He's my strength... my home in our world. Hindi ako mabubuhay nang matiwasay sa mundong wala ito. So please, let me stay and think about a way on how I can bring my husband back with me. Please."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top