Chapter 44: Last

Umabot ng ilang minuto bago mawala iyong dark magic barrier na ginawa kanina ng Triad. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at masamang nakatingin lamang sa tila takot at hindi makagalaw na si Romero. He's done. Kahit anong gawin pa nito ngayon ay natitiyak kong ni isa rito ay hindi na gagana. Lalo na't nasa katawan na ako ni Captain Mary.

Noong tuluyang nawala na ang dark magic barrier na nakapalibot sa amin, muli kong hinawakan ang handle ng Excalibur at itinutok ito kay Romero na ngayon ay halos maligo na rin sa sariling dugo niya. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong marinig ko ang pagtawag ng Tyrants sa akin, mabilis akong napangiwi at mapabuntonghininga na lamang.

"Kami na ang bahala sa kanya, Captain," rinig kong sambit ni Owen at mabilis na pinatayo si Romero. Wala sa sarili ko itong tiningnang inilalayo sa akin ni Owen at noong dumako ang paningin ko sa mga knight na kanina pa naka-puwesto at nag-aabang sa amin sa labas ng barrier kanina, marahan akong napatango na lamang sa kanila.

"Jaycee! Come here! Tulungan mo ako kay Treyton!"

"Damn it! What happened to him?"

"Stop asking and heal him already!" bulalas ni Alessia na siyang ikinaawang ng mga labi ko.

Tila ba binuhusan ako ng isang malamig na tubig noong maalala ko ang kalagayan ng asawa. Mabilis na bumalik sa akin ang mga nangyari kanina at agad na napabaling sa puwesto nito. Namataan kong mabilis itong dinaluhan ni Jaycee at tiningnan ang natamong sugat nito sa katawan.

"He's bleeding too much," ani Jaycee at inilapat ang isang kamay sa ibabaw ng sugat ng araw.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan. Nakatingin lang ako sa kanila at noong binalingan ako ni Jaycee, naalarma ako.

"What's the problem, Jaycee? Bakit hindi pa rin gumagaling ang sugat ni Treyton?" tanong ni Alessia at mabilis na tiningnan ang sugat nito. Mayamaya lang ay amataan kong natigilan ito. "What the hell is this?"

"It's a magic bullet," sagot ni Jaycee na siyang ikinakabog ng dibdib ko. Pinilit kong ihakbang ang mga paa at noong nagawa ko iyon, mabilis akong tumakbo patungo sa puwesto nila. "Ibang bala ang ginamit ni Romero sa kanya. Hindi ko basta-bastang mapapagaling ang sugat na ito."

"Let me see his wound," mariing sambit ko at lumuhod na rin sa tabi nila. Inayos ko ang pagkakahiga ni Treyton at noong makita kung saan tumama ang bala ng baril kanina ni Romero, napakuyom na lamang ang kamao ko. "He almost hit his heart," turan ko pa at maingat na sinuri ang sugat ng asawa.

"Try to use your magic, Captain. Mas advance ang healing magic mo kaysa sa akin," ani Jaycee na siyang mabilis na ginawa ko. Itinapat ko ang kamay sa sugat ni Treyton at sinubukang pagalingin ito. Tahimik kong pinagmamasdana ng sugat niya at noong mapansing hindi ito naghihilom, agad kong tinigil ang ginagawa.

"We need to transfer him. Kailangang maalis sa katawan niya ang bala para matigil na rin ang pagdurugo ng sugat niya," mabilis na wika ko at binalingan ang Head Seer ng Oracle. "I need your help," sambit ko sa kanya at marahang tumango ito bilang sagot sa akin.

"We don't have healers here in Oracle, but we have the equipment you need to remove that bullet," ani Head Seer na siyang ikinahugot ko ng isang malalim na hininga. Muli kong tiningnan ang asawa at tinulungan na si Jaycee sa pagbubuhat sa katawan nito.

"Help Isobelle," utos ko kay Alessia noong mapansing siya ang umaalalay sa walang malay na si Scarlette. Natigilan naman si Alessia sa sinabi ko at noong akmang aalis na ito sa tabi ko, napaarko ang isang kilay niya at bumaling muli sa akin.

"She doesn't need my help, Captain. The stubborn Phoenix Knight is here. Siya na ang bahala sa katawan ni Scarlette," anito at nagsimula na kaming maglakad habang buhat-buhat ang katawan ni Treyton.

Hindi ko na pinansin pa ang presensiya ng ibang tao sa paligid namin. Mabilis ang kilos namin nila Alessia at Jaycee hanggang sa makarating kami sa isang chamber kung saan naroon ang mga gamit na tinutukoy kanina ng Head Seer. Inihiga namin sa isang bakanteng kama si Treyton at mabilis kong inutusan si Jaycee na hawakan ang sugat nito.

"Put some pressure on it. Kapag hindi matigil ang pagduro ng sugat niya, ikamamatay ito ni Treyton."

"He will not die, Captain Mary," ani Alessia at ibinigay nito kay Jaycee ang isang puting tela. Agad itong tinanggap ni Jaycee at inilagay sa sugat ni Treyton. "Hindi natin ito hahayaang mamatay sa mundong ito. He saved me. Siya ang sumalo sa bala na dapat sa akin kaya naman dapat gawin ko ang lahat para makabawi rito."

Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tumango kay Alessia. Mayamaya lang ay mabilis ko silang tinalikuran at nagtungo sa isang mesang puno ng mga kagamitan na siyang pamilyar sa akin.

What the hell? Saang nanggaling ang mga ito? Bakit mayroong ganito rito sa Oracle? Paanong nagkaroon ng mga medical equipment ang lugar na ito?

"Captain, we're losing him! We need to remove the bullet inside his chest now!" sigaw ni Jaycee na siyang ikinataranta ko. I immediately picked a scalpel, a scissor, some gauzes, and a bottle of freaking disinfectant! The hell with this! Gusto ko mang tanungin ang Head Seer kung paano nagkaroon ng ganitong mga gamit ang Oracle ngunit wala na akong panahon para gawin iyon. Nag-aagaw buhay na ang asawa ko kaya naman ay dapat nasa kanya ang buong atensiyon ko! Damn it!

"Move," utos ko sa dalawa noong nakabalik na ako sa kama. Inilapag ko sa ibabaw ng kama ang mga dalang gamit at pinagmasdan nang mabuti ang kalagayan ng asawa.

Wala itong malay ngayon kaya naman ay tiyak kong hindi nito mararamdaman ang sakit nang gagawin ko sa kanya. I just hope na hindi ito magising habang inaalis ko ang bala sa katawan niya! Damn it!

Mabilis kong dinampot muli ang gunting at agad na ginupit ang suot nitong damit. Mayamaya lang ay napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi noong makita ko ang tama nito sa dibdib. I sighed and tried to calm my nerves down. Seconds later, I open the bottle of the disinfectant solution and poured it in my hands. Ganoon din ang ginawa ko sa may dibdib ng asawa, at noong matapos na ako, tiningnan ko ang dalawang kasama. "Once I cut him open, he will bleed out. Here, take this," wika ko at inabot ang gauze sa kanila. "Gamitin niyo ito mamaya at kapag makuha ko na ang bala, we will put some pressure again on his wound."

"Hindi ba gagana ang healing magic natin kapag maalis mo na ang bala sa katawan niya?" tanong ni Jaycee na siyang ikinabutonghininga ko na lamang.

"Hindi ko rin alam pero gagawin pa rin natin ang lahat para mailigtas ito," sambit ko at muling tiningnan ang asawa. "Okay, let's start."

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Kinuha ko ang scalpel at marahang sinugat ang parte ng dibdib ng asawa kung saan tumama ang bala. Maingat ang bawat galaw ko at noong makuha ko na ang tamang haba at laki ng sugat nito, inilapag ko na ang scalpel at muling tiningnan ang mukha nito. "I will save you no matter what, Treyton," mahinang turan ako at ipinasok na ang daliri sa may sugat nito.

Umabot ng ilang minuto bago ko tuluyang maalis sa katawan ni Treyton ang balang tumama sa kanya. Noong inalis ko na ang kamay sa may dibdib nito, mabilis na kumilos sila Jaycee at sinunod ang naging utos ko sa kanila kanina. Pinigilan nila ang pagdurugo ng sugat ni Treyton at noong sinubukang gamitin muli ni Jaycee ang healing magic niya, bigo itong napabuntonghininga noong hindi ito gumana. Damn it! Walang epekto ang healing magic namin sa sugat niya!

Anong klaseng magic bullet ba itong ginamit ni Romero sa kanya?

Bakit iba ang epekto nito kay Treyton? Hindi ba natamaan din naman si Isobelle kanina ng bala niya? And I healed her! Walang kahirap-hirap ko itong napagaling kanina!

Ilang beses kong ginamit ang healing magic ko kay Treyton. Hind ko na mabilang kung ilang ulit ko nang ginawa iyon pero kagaya ng mga resulta kanina ay hindi pa rin naghihilom ang sugat nito sa dibdib.

Napabuntonghininga na lamang ako at naupo sa isang bakanteng upuan sa loob ng silid. Mariin kong hinawakan ang balang nakuha sa katawan ng asawa at matamang tiningnan. Sinuri ko ito nang mabuti at noong wala akong makita kakaiba rito, napamura na lamang ako.

"Damn it!" I cursed again.

"Captain," tawag pansin sa akin ni Alessia at naupo sa katabing upuan ko. Hindi ko ito kinibo at nasa bala pa rin ang buong atensiyon. "Kausapin natin si Romero. We can interrogate him about this magic bullet. Maaaring makakuha tayo ng impormasiyon sa kanya kung paano maililigtas ang buhay ni Treyton."

"Kung pupuntahan natin ito ngayon, hindi ko maipapangakong hindi ko aalisin ang ulo nito sa katawan niya, Alessia," mapanganib na wika ko na siyang ikinatigil niya sa tabi ko. "I'm beyond mad right now."

"Captain-"

"I'm disappointed with myself," wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. "I have Captain Mary's power now, but... why can't I save him? Anong silbi ng kapangyarihang mayroon ako kung hindi ko man lang matulungan ang asawa ko? Bakit hindi ko man lang magamit ng tama ang kakayahan ng vessel na ito? Bakit?"

"Rhianna Dione!" Natigil ako sa pagsasalita noong tawagin ako ni Alessia sa totoong pangalan. "Calm down, please. Treyton, your husband, is still alive. May pag-asa pa itong mabuhay!"

"How? Ni hindi nga gumagaling ang sugat niya."

"Bring him back to your world," anito na siyang ikinatigil ko. What? "Kung hindi kayang pagalingin ng kahit anong healing spell dito sa Azinbar ang sugat na iyan, maaaring may solusyon sa mundo ninyo, Rhianna Dione."

"But it was a magic bullet," wika ko at ipinakita ang bala kay Alessia. "Walang ganito sa mundo namin, Alessia. This kind of bullet doesn't exist there!"

"A magic bullet, yes, at mukhang ginawa ito para pigilan ang kahit sinong healer sa mundong ito na gamitin ang kapangyarihan niya," wika naman ni Jaycee na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. Nasa tabi pa rin ito ni Treyton at inaayos ang puting tela sa may sugat nito. "My magic and the rest of the healers of Azinbar can't heal him, Captain. We're useless against that magic."

Napabuntonghininga na lamang akong muli at tiningnan ang walang malay na si Treyton. "Paano kami makakaalis dito kung wala itong malay? Siya ang dimension traveler sa aming dalawa. Siya ang may kakahayang magdala sa aming dalawa pauwi sa totoong mundo namin."

"Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa Eve's Eye?" Natigilan kaming tatlo sa pag-uusap noong may nagsalita. Mabilis akong napatingin sa may pintuan at namataan si Scarlette roon. She's awake. "Hello, Captain Mary... Rhianna Dione. It was nice finally meeting you," dagdag pa nito at nagsimula nang maglakad palapit sa puwesto namin.

"Scarlette," wika ko at tiningnan ito nang mabuti. "Maayos na ba ang pakiramdaman mo?"

"I feel good," sagot nito at tumigil na sa paglalakad. "Thanks for healing my wounds." Ngumiti ito sa akin at tiningnan ang mga kasama ko sa silid.

"About what you've said earlier, anong kayang itulong ng Eve's Eye sa sitwasyon nila Rhianna Dione ngayon?" mabilis na tanong ni Alessia na siyang kumuha ng atensiyon ni Scarlette. Hinarap nito ang kaibigan ko at mayamaya lang ay nagsimula na itong kumilos muli at naglakad patungo sa kamang kinahihigaan ni Treyton.

"Eve's Eye is a forbidden magic, same goes with the spell Captain Mary casted in her body," turan ni Scarlette at hinarap akong muli. "You helped us, Rhianna Dione. You saved my sister, my family and my home, and now... it's time for me to return the favor." Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang mga susunod na sasabihin ni Scarlette. "I will give my Eve's Eye to you."

What?

"That's impossible, Scarlette." It was Alessia. "And dangerous. Ikakapahamak mo ang nais mong mangyari, Scarlette. Giving up an ability is like giving up someone's life."

"Hindi lang Eve's Eye ang mayroon ako. Alam ni Rhianna Dione ang tungkol dito. I'm a Seer with multiple magic abilities. Hindi ko ikamamatay kong mawala ang isa sa ability ko." Natahimik si Alessia at binalingan ako. Hindi agad ako nakapagsalita at matamang nakatingin lamang kay Scarlette. "I will give you my Eve's Eye," ulit nito na siyang marahang ikinailing ko na lamang sa kanya.

"No," marahang sambit ko at umayos nang pagkakaupo sa puwesto. "I don't need that, Scarlette. Mas kailangan mo ito. Mas kailangan ito ng Oracle."

"Pero-"

"Captain!" Halos sabay na wika ni Alessia at Jaycee na siyang ikinagulat ni Scarlette. Binalingan ko ang dalawa at seryosong tiningnan ang nakasarang pinto ng silid. Alam kong naramdaman din nila ang malakas na kapangyarihang iyon. A wicked magic. Mukhang mas malala pa ito sa itim na kapangyarihang ginamit ni Romero kanina laban sa amin.

"The war in this realm is not yet over, Scarlette," matamang sambit ko at binalingan itong muli. "You still need your Eve's Eye to protect your home."

"What?" Naguguluhang tanong ni Scarlette at tiningnan na rin ang pinto ng silid. Segundo lang ay namataan ko ang paglaki ng mga mata nito at ang pagbabago ng ekspresiyon nito sa mukha. Now we're on the same page. Naramdaman na rin ni Scarlette ang itim na kapangyarihang unti-unting bumabalot na ngayon sa buong Oracle.

"Let's go, Tyrants. Tapusin na natin ang misyon ko sa realm na ito."

This will be my last battle in this realm, my last battle in Oracle. At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong matatapos ko na talaga ito. I will finish this mission, and I will bring my husband back home.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top