Chapter 42: Over

Noong mawala sa paningin ko si Eldred, maingat akong umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang kapatid ni Scarlette. Nakatayo lang din ito, hindi gumagalaw sa puwesto niya at tila wala sa sariling nakatingin sa kawalan.

Wala na nga talaga ito sa sarili niya. She lost. Nilamon na ito nang tuluyan ng itim na kapangyarihang mayroon siya.

"Scarlette," tawag pansin sa akin ng Head Seer na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Please, stop Isobelle. Save her. Kahit siya na lang. Kailangan niyong makalabas sa barrier na ito bago pa man makompleto ang magic spell nila."

"Magic spell?" mahinang tanong ko at nagsimula nang kumilos papalapit sa puwesto nila.

"Huwag kang lumapit sa amin, Scarlette," mariing sambit niya na siyang ikinatigil kong muli. "They casted a magic circle. Look," dagdag pa niya. Wala sa sarili naman akong napayuko at napaawang na lamang ang labi noong mamataan ang magic circle na tinutukoy nito.

Si Isobelle ba gumawa nito? Maliban sa dark magic barrier, nagawa pa niya talagang gumawa ng isang makapangyarihang magic circle? Oh my God! Gaano kalakas ba itong kapatid ni Scarlette? Habang tumatagal ay talagang namamangha ako sa kakayanan nito. She's just like Scarlette. Her magic and ability to use this kind of spell is far beyond a normal Seer.

"Paano ko mapipigilan si Isobelle kung hindi ako lalapit sa inyo?" Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinagmasdan nang mabuti ang magic circle 'di kalayuan sa puwesto ko. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong may napansin akong kakaiba sa magic circle. May iilang espasyo pa akong nakita sa loob nito kaya naman ay napatingin akong muli sa Head Seer. "Who casted this spell? Hindi pa ito kompleto!"

"A member from Triad," sagot nito na siyang ikinatigil ko. "Kahit hindi pa ito kompleto ay maaring ikapamahak mo pa rin ang pagpasok dito, Scarlette."

"Hindi natin malalaman kung totoong maaapektuhan ako kung hindi ako tatapak sa magic circle na ito," mahinang turan ko at napagdesisyunan nang kumilos muli. Hindi ko na pinansin pa ang pagtutol ng Head Seer sa binabalak at noong tuluyan nang lumapat ang kanang paa sa magic circle, mabilis akong natigilan. Napalunok ako at marahang inangat ang kaliwang kamay. "It's... absorbing my magic," turan ko at napatingin sa dalawa. "Kailangan kong pakawalan kayong dalawa bago pa maubos ang kapangyarihan sa katawang ito."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Dali-dali kong nilapitan ang Head Seer at tiningnan ang itim na kapangyarihang gumagapos sa kanya. Mabilis kong inactivate ang Eve's Eye ni Scarlette at dinispel ang kapangyarihang iyon. Damn! Using this ability is exhausting!

"Go and leave this magic circle," utos ko sa Head Seer at humugot ng isang malalim na hininga.

"You magic will be drained soon. Umalis ka na rin dito, Scarlette," anito na siyang mabilis na ikinailing ko.

"May natitirang lakas pa ako, Head Seer. I... I still need to save my sister," nahihirapang sambit ko at binalingan na si Isobelle. "Go. Ako na ang bahala sa kanya."

Tumango na lamang ang Head Seer sa akin at maingat na kumilos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na iginalaw ang nanghihina kong mga paa. Damn it! Kinakapos na naman ako nang hininga!

"Isobelle," tawag ko sa tulalang kapatid ni Scarlette. Hindi ito kumilos sa kinatatayuan niya kaya naman ay mabilis kong inilapat ang kanang kamay sa balikat niya. Kusang umawang ang mga labi ko noong maramdaman ang matinding sakit sa kamay ko. Napapikit ako at tiniis ang matinding sakit na ngayon ay halos ikawala ko na rin nang malay. Damn it! "Isobelle! Can you hear me? Isobelle!"

This is useless! She can't hear me! Napailing na lamang ako at muling tiningnan ang kapatid. "Please... I need you... to hear me. Isobelle... it's me. Your sister! Come back, please!" mariing turan ko at inilapat na rin sa kabilang balikat niya ang isa pang kamay. "Isobelle!" sigaw ko at ginamit ang natitirang kapangyarihang mayroon ako ngayon. Tahimik akong dumaing dahil sa tindi ng sakit na bumabalot ngayon sa buong katawan at noong mamataan ko ang pagbabago sa reaksiyon sa mukha ni Isobelle, pinagpatuloy ko ang pagkontra sa itim na kapangyarihan niya. "Isobelle, please. Wake up. Come back to me," matamang sambit kong muli at mayamaya lang ay napaluhod na dahil sa panghihina.

That's it. Iyon na lamang ang natitirang kapangyarihan ni Scarlette sa katawan niya.

Napapikit na lamang ako at noong naramdaman ko ang pagkilos ni Isobelle, mabilis na napaawang ang labi ko.

"Scarlette?" mahinang boses na wika nito na siyang nagpatingala sa akin sa kanya. She's awake now. She's back to her old self. "What... what's happening here?" tanong niya at mabilis na dinaluhan ako. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang kalagayan mo?"

"You're b-back," nahihirapang wika ko na siyang ikinakunot ng noo nito habang nakatingin sa akin.

"Back?"

"I drained almost half of the dark magic inside your body. Iyon na lang kasi ang kayang gawin ng natitirang kapangyarihan ni Scarlette sa katawang ito. And looking at you right now, mukhang kaya mo nang ulit kontrolin ang katawan at kapangyarihan mo. Sapat na iyon para sa akin."

"Isobelle! Scarlette!" rinig kong tawag sa amin ng Head Seer. "You need to dispel the magic circle! Kapag mabuo na ito, lahat ng Seer at Knights na narito ngayon sa Oracle ay mawawalan ng kapangyarihan! Destroy it!"

"What? What magic circle... damn!" bulalas ni Isobelle at tiningnan ang magic circle na inaapakan namin. "Who made this?"

"You," mahinang turan ko at tuluyan nang napaupo. Dinaluhan naman agad akong muli ni Isobelle at takang napatitig sa akin. "The Triad used you to create this magic circle and the dark magic barrier," dagdag ko pa at itinuro ang barrier na bumabalot sa amin ngayon dito sa open field ng Oracle. "And I know you already knew who can dispel it, Isobelle."

"I-"

"Do it," mariing sambit ko sa kanya. "Wala na akong sapat na lakas para kumilos pa. I already used Scarlette's ability a couple times now. Ni hindi ko na kayang mag-cast ng kahit anong spell ngayon." Hindi kumibo si Isobelle at nakatulala lamang sa harapan ko. "Do it, Isobelle! Forget about your revenge and save your home!"

"Revenge... I don't want revenge, Rhianna Dione. I never wanted it in the first place!"

"I know, Isobelle. It was the dark magic who controlled you. Hindi sapat ang lakas mo noon kaya naman ay nanaig sa'yo ang kapangyarihang itim na iyon! But now... you can control it perfectly. Ikaw lang ang makakagawa nito, Isobelle. Ikaw lang ang may kakayahang ipagsawalang bisa ang itim na kapangyarihang unti-unting sumisira sa tahanan niyo ng kapatid mo. Do it, Isobelle. Do it for your family."

Marahang tumango si Isobelle sa akin at tumayo na nang maayos. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang pinagmamasdan ang magic circle na ginawa nito kanina.

"I just need to dispel it with my dark magic," mahinang wika nito at sabay na inangat ang dalawang kamay. Ipinikit nito ang mga mata at noong unti-unting umilaw ang magic circle, naalarma ako.

"You can do it, Isobelle," sambit ko sa kapatid at noong unti-unti kong naramdaman na bumabalik ang lakas na hinigop ng magic circle sa akin kanina, napatango na lamang ako. It's working! Isobelle's magic is working against the magic circle! At noong tuluyan nang mawala ang magic circle sa paanan namin, maingat akong tumayo at dinaluhan ito. "You did great, Isobelle."

Maingat na ibinaba ni Isobelle ang mga kamay at binalingan ako. Tipid na ngumiti ito sa akin at mabilis na niyakap ako. "I can control my magic now, Scarlette," anito na siyang ikinatango ko na lamang sa kanya at gumanti na rin nang yakap sa kapatid.

"You did great," ulit ko at humiwalay na sa pagkakayakap dito. "But it's not over yet, Isobelle. Kailangang mawala ang dark magic barrier na ginawa mo rin kanina. We can't force to dispel it. Maaaring ikapahamak ng mga Seer kung basta-basta na lang nating i-dispel ito. We need to be extra careful with this one."

Napakagat na lamang si Isobelle ng pang-ibabang labi at tiningnan ang dark magic barrier na nakapalibot sa amin ngayon. Mayamaya lang ay natigilan ito at napakurap noong mamataan ang Head Seer 'di kalayuan sa puwesto naming dalawa. "I brought her here too?"

"Yes," sagot ko at nagsimula nang maglakad papalapit sa Head Seer. Sumunod naman si Isobelle sa akin at hindi na nagsalita pa. Pinagmasdan ko na lamang ang Head Seer ng Oracle hanggang sa tuluyan na kaming nasa harapan niya. "Ayos ka lang po ba? Naibalik na rin ba sa'yo ang kapangyarihan mo?"

"Maliban sa pagiging isang Seer, wala akong ibang special ability kagaya niyong magkapatid. Huwag niyo na ako alalahanin pa," anito at tiningnan si Isobelle sa likuran ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Isobelle?"

"I'm... fine now, Miss M, and... I'm really sorry. Ako ang puno't dulo ng lahat nang kaguluhang ito."

"Huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Mas kailangan nating pagtuonan nang pansin kung paano natin ma-di-dispel ang barrier na ito nang wala ni isa sa atin ang mapapahamak."

"I can dispel it. Ako ang gumawa niyan kaya naman-"

"Hindi lang ikaw ang gumawa niyan kanina," sambit ng Head Seer na siyang ikinatigil naming dalawa ni Isobelle. "I was here when they created it. Ginamit din nila ang kapangyarihan mo para mas lumakas ito at hindi ma-idispel nang basta-basta ng kahit sino."

Damn it! This is not good. Kung sino ang gumawa ng barrier na ito ay siya lamang ang kayang mag-dispel ng walang kahirap-hirap. At kung tama ang sinabi ng Head Seer, kung may ibang dark magic user maliban kay Isobelle ang gumawa nito, tiyak kong mauubos muna ang kapangyarihan ni Isobelle bago tuluyang mawala ang barrier na ito! Damn!

"Susubukan ko pa rin," mariing sambit ni Isobelle at kumilos na sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ito. Mabilis niyang inilapat ang dalawang kamay sa tapat ng dark magic barrier at bago pa man ito magsimula sa gagawin, isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Kusang napaawang ang labi ko at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Na kay Isobelle ang buong atensiyon ko at noong unti-unting bumagsak ang katawan ng kapatid sa lupa, mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi at pinilit na ikinilos ang mga paa.

"Isobelle!" halos sabay na sigaw namin ng Head Seer at mabilis na dinaluhan ang kapatid. Napaluhod ako at agad na inilapat ang kamay sa tagiliran nito kung saan siya natamaan ng bala ng baril. Damn it! "Hey, look at me. It's okay. I'm here. You'll be fine."

"I'm-"

"Huwag ka nang magsalita pa," pigil ko sa kanya at binalingan ang direksiyon kung saan nanggaling ang balang tumama sa kapatid.

Romero! The leader of the rebel group Triad! Fvck!

"Looks like our little Seer is awake," anito at ngumisi sa akin. "Hello, Scarlette. It's been a while. Kumusta na? Nagawa mo na ba ang paghihiganting inaasam mo para sa namayapang ina mo?"

"Asshole," mariing sambit ko at binalingan ang Head Seer. "Hold her wound," utos ko at iginaya ang kamay nito sa sugat ng kapatid. Mabilis ko ring pinunit ang dulo ng suot na damit at ibinigay ito sa kamay. "Put some pressure on her wound. Wala akong sapat na lakas ngayon para pagalingin siya. Hold it until I managed to dispel this barrier. Paniguradong nag-aabang na sa atin si Jaycee sa labas ng barrier na ito."

"You will fight him?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako at muling tiningnan ang kinatatayuan ni Romero.

"I don't have a choice here. Isobelle can't fight now. At isa pa, mas mabuting harapin ko na ito para matapos na ang lahat. He's the leader of Triad. Kapag matalo ko ito, matatapos na rin ang panggugulo nila rito sa Oracle at sa buong Evraren."

"Mag-iingat ka, Scarlette. Hindi ko alam kung ano ang binabalak mo kaya naman ay nakikiusap ako, mag-iingat ka sa kalaban mo."

"I will try my best not to die here," mapait na turan ko at tumayo na. Masama kong tiningnan si Romero at inihakbang ang mga paa palayo kay Isobelle at sa Head Seer. Kailangan makalayo ako sa kanila at baka matamaan pa sila ng mga balang paniguradong pakakawalan muli ni Romero. "Bakit kailangan pati Oracle ay idamay niyo sa rebelyon niyo sa hari ng realm na ito?" mariing tanong ko na siyang lalong ikinangisi ni Romero. "Hindi pa ba sapat sa inyo na sirain ang palasyo nito? Pati ba naman ang tahanan ng mga Seer?"

"It was your sister's idea, Scarlette. Siya ang may gustong sunugin ang lugar na ito. She's cruel, you know."

"Hindi masama ang kapatid ko. It was you who poisoned her! Nilason mo ang utak nito at dahil mahina ang kapatid ko, nagawa niyo sa kanya ang hindi niyo kayang gawin sa akin noon! You manipulated my sister and used her to do your dirty works!"

"We just gave her what she really wanted, Scarlette. Nothing more, nothing less. She wanted power, we gave her one. She wanted revenge, we helped her to achieve that. And you... the only person she cared about, ruined everything. You ruined her plan; you destroyed your sister's dream."

"She never wanted all of this," mahinang sambit ko at ikinuyom ang mga kamao. "She just wanted to heal and move on from the pain."

"Look who's talking," wikang muli ni Romero at mahinang tumawa. "Sa inyong dalawa, ikaw ang may kagustuhan ng lahat ng ito. You planned everything, remember?"

"At hindi ko iyon ginawa!"

"Hindi mo ba talaga ginawa o sadyang mahina ka lang para maghiganti sa lahat ng may atraso sa'yo at sa pamilya mo? Scarlette, dear... pareho lang kayo ng kapatid mo. Parehong mahina at hindi kayang panindigan ang mga desisyon niyo. At ngayon, ako na ang tatapos sa lahat nang nasimulan niyo. I will rule this realm. Ako na ang susunod na magiging hari ng Evraren, at ikaw, bilang tagapagmana at susunod na Head Seer ng Oracle, you will be my personal Seer. Ako ang magiging hari mo at gagawin mo ang lahat nang nais ko."

"I think that's not a good idea, Romero." Pareho kaming natigilan ni Romero noong may nagsalita. Mabilis akong bumaling sa gawi nito at napaawang na lamang ang labi noong mamataan siya at si Alessia sa loob ng barrier. Napakurap ako ng isang beses at hindi makapaniwalang nandito sila ngayon, ligtas at mukhang sila pa ang magiging dahilan para matigil na si Romero sa lahat ng kahibangan nito! "She doesn't take order from a random guy like you."

"Huntley," mahinang sambit ni Romero at tiningnan ang mga kasama nito. "Is that Captain Mary's body?" tanong niya at noong akmang kikilos na ito para lapitan sila, mabilis na ikinumpas ni Alessia ang kamay at isang patalim ang bumulusog sa kinatatayuan ni Romero. Napatigil ito sa pagkilos at masamang tiningnan ang patalim na tumarak sa may paanan niya.

"Stay still, Triad," ani Alessia at binalingan ako. "Are you okay?" she asked me while fixing Captain Mary's body on her side. Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanila at tahimik na nagpasalamat sa presensiya nila.

It's over now. A member of Tyrants is here. My husband is here. Wala nang magagawa pa si Romero. And with Captain Mary's body, alam ko na kung paano ko matatapos ang misyon ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top