Chapter 41: Free
Hindi ko alam kung kaya ko pang gamitin ang Eve's Eye ni Scarlette. Mukhang tama nga si Treyton kanina. I already used it for a couple times now. Sooner, bibigay ang katawang ni Scarlette dahil dito. Kahit na gaano pa siya kalakas, may limitasyon din ang lahat. And I'm afraid that I need to fight Isobelle with whatever magic left inside this body.
Napalunok ako noong nasa tapat na ako ng chamber ng Head Seer. Kahit na nasa labas pa ako, ramdam ko ang matinding itim na kapangyarihang bumabalot sa buong silid na ito. Mayamaya lang ay napangiwi ako at tiningnan ang kalagayan ng kanang kamay. Maingat ko itong ginalaw at napamura na lamang noong nanuot na naman ang matinding sakit mula rito.
I sighed and let my hand rest. Kahit na halos masira na ito dahil sa paggamit ko kanina ng isang high level magic, nagagawa ko pa rin itong pagalawin kahit papaano. Maaari pa itong maisalba. Maybe Jaycee can help me with Scarlette's hand! For sure, kaya nitong pagalingan ang kamay nito.
Napailing na lamang ako at nagsimula na sa gagawin. I will use Scarlette's ability to pass through this close door. At kapag makapasok na ako, tsaka ko na lamang iisipin ang susunod na gagawin ko. Napalunok akong muli at sabay na inangat ang dalawang kamay. Inilapat ko ang mga ito sa pinto at noong maramdaman kong lumusot na ang mga ito, hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa chamber ng Head Seer.
Nakagapos na mga high rank Seer ang unang bumungad sa akin noong tuluyan na akong nakapasok sa loob ng chamber. Umayos ako nang pagkakatayo at marahang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid.
Negative. Isobelle's not here. Now, where the hell is she?
"Scarlette," tawag sa akin ni Miss Leigh at pilit na iginalaw ang katawan. Segundo lang ay namataan ko ang pagngiwi nito at tila may iniinda na kung ano. "Hindi namin ito napigilan. She took the Head Seer's body."
What?
"Where's my sister?" tanong ko at nagsimulang maglakad patungo sa puwesto nila. Tatlong high rank Seer ang narito at isa sa kanila ay walang malay. Nakagapos ang mga ito at tila hindi makagalaw sa kinauupuan nila. Mayamaya lang ay ipinilig ko ang ulo pakanan noong makita ang totoong kalagayan nila. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napabuntonghininga na lamang. "This is also a high-level dark magic," mahinang turan ko at tiningnan ang itim na kapangyarihang gumagapos ngayon sa katawan ng tatlong high rank Seer. "With my current condition, it'll be a risk for me to dispel it," dagdag ko pa at ipinakita sa kanila ang kalagayan ng kamay.
"Huwag mo na kaming alalahanin pa, Scarlette. Go and find your sister. She's... going to kill Matilda. Sa open field ng Oracle... kung saan makikita ng lahat."
Damn it!
"Please save Matilda, Scarlette. Kung kinakailangan mong mamili sa kanilang dalawa, sa kapatid mo o sa Head Seer ng Oracle, please... save our Head Seer." Naiiyak na turan nito na siyang ikinatigil ko. "Si Isobelle... wala na ito sa sarili. Nababalot na ang puso nito ng itim na kapangyarihan. Hindi na natin ito maisasalba pa ngunit si Matilda... we still need her. Oracle needs her."
"Scarlette needs her sister," mahinang turan ko na siyang ikinatigil ni Miss Leigh sa pagsasalita. "Wala akong pipiliin sa kanilang dalawa."
"Scarlette-"
"Mas magiging ligtas kayo rito sa loob ng silid," wika ko at umayos muli nang pagkakatayo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at marahang ikinumpas ang ang sugatang kanang kamay. Mayamaya lang ay nawala ang itim na kapangyarihang gumagapos sa kanila at segundo lang din ang lumipas noong nanuot na naman sa akin ang matinding sakit. Damn it! Endure, Rhianna Dione. Just fvcking endure the pain! "Magulo ngayon ang lugar na ito. Mas makakabuting manatili kayo rito hanggang sa matapos ang kaguluhan sa buong Oracle. I need your help once this chaos is over." I sighed at let my hand rest again. "I will stop my sister... and I will save the Head Seer. I will save them both. Kahit na ikapahamak ko pa ito, ililigtas ko silang dalawa."
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Miss Leigh. Mabilis ko itong tinalikuran at lumabas na sa silid. Kagaya kanina, ginamit ko ang special ability ni Scarlette na makalusot sa kahit anong konkreto. Walang kahirap-hirap akong tumagos sa nakasarang pinto at noong nasa may hallway na muli ako, dali-dali kong inihakbang ang mga paa. Bumalik ako sa may main-entrance ng building at napakagat na lamang ng labi noong hindi ko na naabutan pa sila Everlee roon.
"Rhianna Dione!" It was Scarlette! "We're late! I... can't feel my sister's presence anymore!"
Natigilan ako sa narinig ako at napakurap na lamang. "What do you mean by that, Scarlette?"
"She's gone... her magic is gone."
"You mean the dark magic she's currently using?"
"No," she paused. "Her real magic. I can't feel it, Rhianna Dione." Napamura na lamang ako sa isipan at nagpatuloy na sa paglalakad. "No... Hindi puwedeng mangyari ito sa kapatid ko."
"Stop it, Scarlette. We can still save her!" mariing sambit ko at mas binilisan ang pagtakbo patungo sa open field ng Oracle. Hindi ko na pinansin pa ang nagkakagulong Evraren Knights at iilang miyembro ng Triad sa paligid. Sa daan ko lang itinuon ang buong atensiyon at noong halos matanaw ko na ang open field ng Oracle, napaawang na lamang ang mga labi ko.
"I told you... we're late," wika ni Scarlette habang bumabagal ang pagtakbo ko. "Hindi ko na alam pa ang gagawin ko, Rhianna Dione. Isobelle... my dear little sister. Siguro ay tama lang na sumuko na tayo. Wala na tayong maililigtas sa kanila. My sister is gone. Paniguradong ganoon din ang sasapitin ng Head Seer ng Oracle."
Napailing ako at muling inihakbang ang mga paa. Dahan-dahan akong lumapit sa dark magic barrier na ngayon ay bumabalot sa buong open field sa harapan ko. Mayamaya lang ay napakurap ako at tiningnan ang mga taong nasa loob ng barrier.
"Isobelle," mahinang tawag ko sa pangalan nito at binalingan ang nakagapos na Head Seer ng Oracle. Gising na ito ngayon at seryosong nakatingin lamang sa gawi ko. So, Isobelle already dispelled the dak magic used against her. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling inihakbang ang mga paa.
"Isobelle!" Natigilan ako sa pagkilos at mabilis na napabaling kay Enzo noong tawagin nito ang pangalan ng kapatid. He's here. At mukhang maayos na ang kalagayan nito. "Itigil mo na ito, Isobelle. Nakikiusap ako sa'yo. Tama na!"
"She can't hear you." It was Everlee. Napatingin ako sa kanya at namataang dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinatatayuan ko. "Hindi ko alam kung ilang minuto na itong nandito ngunit noong dumaan kami kanina sa open field ay wala pa siya rito. Mukhang kakalabas niya lang sa chamber ng Head Seer at nagkasalisihan kayong dalawa."
"Isobelle!" sigaw muli ni Enzo na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang.
"Kanina pa namin tinatawag ang pangalan nito. Mukhang wala na ito sa sarili. She can't even control her dark magic properly," sambit muli ni Everlee at noong babalingan ko na sanang muli ang puwesto ng kapatid, mabilis kaming natigilan noong bahagyang yumanig ang lupang kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata ko at bago pa man makakilos ang katawan ko, may biglang humatak sa akin at mabilis na napaupo na lamang.
"Owen!" bulalas ko noong mapagtanto kung sino ang bagong dating.
"Stay still," anito at tiningnan ang dark magic barrier 'di kalayuan sa puwesto namin. "Hindi tayo maaaring lumapit sa barrier na iyan," dagdag pa niya at inangat ang kamay. Napaawang ang labi ko. "It was just a few second contact, and it already burned my hand. Masyadong malakas ito para sa atin."
"Even a member of the great Tyrants can't come close to that barrier?" Hindi makapaniwalang tanong ni Everlee na siyang ikinapilig ng ulo ni Owen. Mabilis namang humingi nang paumanhin si Everlee at nag-iwas na lamang nang tingin kay Owen.
"The barrier is releasing an extreme dark magic. Hindi kakayanin ng katawan natin ang ma-exposed sa ganitong klaseng dark magic," ani Owen na siyang ikinatingin kong muli sa may barrier. "Where's Treyton? Siya lang ang tanging nasa isip kong makakatulong sa ating makapasok sa loob ng barrier ng walang kahirap-hirap."
"I don't know," mahinang sagot ko na siyang ikinatingin ni Owen sa akin. "Sinubukang alisin kanina ni Alessia ang isa pang barrier sa gusali kung saan naroon ang chamber ng Head Seer. It was harming her kaya naman ay pinigilan ito ni Treyton. At noong nawala ang barrier kanina, nawala rin silang dalawa. Ang hinala ko ay dinala ni Treyton ang mga sarili nila sa ibang dimensiyon. To save their bodies, they need to leave."
"Mukhang mas mahihirapan tayo ngayon," saad muli ni Owen na siyang ikinatango ko na lamang. "I can dispel the barrier, but I can't risk it. Kapag inalis ko ito nang sapilitan, paniguradong kakalat ang dark magic nito at maaapektuhan ang ibang mga taong narito ngayon sa Oracle. Mapapahamak ang mga taong pilit na prinoprotektahan mo."
"At para hindi mangyari iyon, dapat unahin natin si Isobelle. Siya ang ang gumawa ng barrier," mahinang turan ko at natigilan na lamang noong makaramdaman ng presensiya sa gawing kanan ko. Mabilis akong bumaling sa puwesto nito at napakurap na lamang noong mamataan ang seryosong itsura ni Eldred habang nakatingin na rin sa barrier na ginawa ni Isobelle.
"I think I can get in there," anito na siyang ikinatigil ko. "My attribute can pass through her dark magic barrier," dagdag pa niya at binalingan ako.
"Can you save her?" tanong ko na siyang ikinabuntonghininga ni Eldred. Mayamaya lang ay umiling ito sa akin.
"Tanging si Isobelle lamang ang makakapagligtas sa sarili niya," anito at muling binalingan ang puwesto ng kapatid. "You can come with me, Scarlette. Kaya mo pa namang gamitin ng isang beses ang Eve's Eye, hindi ba?"
"Mukhang kaya ko pa naman gamitin ang-"
"Good," putol nito sa dapat na sasabihin ko at maingat na hinawakan ako sa may braso. Itinayo niya ako at matamang tiningnan sa mga mata. "Once we managed to pass through the barrier, use your Eve's Eye. Natatandaan mo pa naman ang kapangyarihang ginamit mo noong makuha mo ang kapangyarihan ng Great Guardian Phoenix?" Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. "Use it. Kayang gayahin ito ni Scarlette. You already used it once; you can use it again. You need to use it to free your sister from her own dark magic. Use it to eliminate the dark magic within her."
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang sugatang kanang kamay. Hindi na maganda ang kalagayan nito. Kung gagamitin ko na naman ang Eve's Eye, paniguradong hindi lang sugat at pagkasunog ang matatamo ng kamay na ito.
Pero... mahalaga pa ba ang kung anong mangyayari sa kamay ko? Buhay ni Isobelle at Head Seer ang nakasalalay dito. It's now or never for us. Kung hindi ko ito gagamitin, mas lalong mawawala sa sarili si Isobelle at kung mangyari iyon, katapusan na rin ng Head Seer, katapusan na ng Oracle.
"Alright," matamang sambit ko at tinanguhan si Eldred. "Let's do this."
"Owen," tawag pansin nito sa katabi kong miyembro ng Tyrants. "Ikaw na ang bahala sa kanila. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa dark magic barrier kapag mahawakan na ni Scarlette si Isobelle. Protect the Seer within the area."
"Consider it done," ani Owen at binalingan ako. "Mag-iingat ka. Kailangang maging ligtas ka. You still need to return to your own world. Kung sa tingin mo'y ikakapahamak mo na ito, you need to stop and forget about your mission."
"Nasa harapan ko na ang misyon ko sa realm na ito, Owen. Hindi ko kayang tumalikod na lamang at hayaang tuluyang masira ang lugar na ito. I will finish this and free them from darkness."
Hindi na nagsalita pa si Owen. Tumango na lamang ito sa akin at umayos na rin nang pagkakatayo. Napahugot akong muli ng isang malalim na hininga at binalingan ang dark magic barrier sa harapan. Mayamaya lang ay hinawakan n ani Eldred ang kamay ko. Segundo lang din ay naramdaman ko ang kapangyarihan nito at sa isang pagkurap ko, mabilis na kumilos ng kusa ang katawan ko. It's Eldred lightning attribute! Napaawang na lamang ang mga labi ko at wala sa sariling napatingin sa katawan. Mangha kong pinagmasdan ang kapangyarihan nitong nakabalot ngayon sa katawan ni Scarlette at noong tuluyan kaming nakalapit sa dark magic barrier, isang matinding enerhiya ang naramdaman ko na siyang nagpadaing sa akin.
Damn, dark magic! Hindi talaga biro ang kapangyarihang ito!
"This will be painful for us," rinig kong sambit ni Eldred at nagpatuloy na kami sa paglapit sa dark magic barrier. Mayamaya lang ay panibagong matinding sakit ang naramdaman ko sa buong katawan at noong tumagos na kami sa barrier ay halos hindi na ako makahinga! Damn it!
"Scarlette!" It was the Head Seer voice! Napapikit ako at pilit na hinahabol ang sariling hininga. Damn! That magic was toxic! Halos mawalan ako ng malay dahil sa pagdaan sa barrier na iyon!
"Breathe, Scarlette," mahinahong sambit ni Eldred na siyang ikinatingin ko sa kanya. Segundo lang ay natigilan ako noong makita ang nangyayari sa katawan niya. No way. He's slowly disappearing in front of me! "Looks like my time here is up," simpleng sambit nito at nginitian ako. "I've already reached my limit, Scarlette." He sighed. "Nasa loob na tayo ng barrier. Ikaw na ang bahala rito. Alam kong kaya mong pigilan at iligtas ang kapatid mo."
"Paano ka? Ano na ang mangyayari sa'yo?" tanong ko at umayos nang pagkakatayo.
"Babalik na lang muna ako sa Afterworld. Halos maubos ko ang kapangyarihang mayroon ako ngayon. I need to stay there for the meantime. Kung nais kong makabalik dito, kailangan kong magpahinga para mabawi lahat ng kapangyarihang nawala sa akin."
"Eldred-"
"Don't worry about me. Focus on your mission, Rhianna Dione. Free them. Free them from this cruel and dangerous magic. Ikaw lang ang makakagawa nito. Ikaw lang at wala ng iba pa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top