Chapter 4: Ability

"It's okay, Scarlette. Mapagkakatiwalaan natin itong si Enzo."

Seryoso kong tiningnan si Isobelle at ang kasama nitong si Enzo at ipinilig ang ulo pakanan.

"I know him since birth. He can keep this secret," dagdag pa ni Isobelle na siyang ikinataas ko ng kilay. Itinuon ko ang atensiyon kay Enzo at noong makitang bigla itong napaayos nang pagkakatayo, napangiwi ako.

"I don't bite," simpleng sambit ko dito at binalingan ang paligid. Mapayapa ang panahon ngayon. Ramdam ko ang init mula sa sinag ng araw ngunit dahil nakasilong kami sa isang malaking puno, hindi ko masyadong nararamdaman ang init ng panahon.

"So, you're not the real Scarlette?" Tanong ni Enzo na siyang tipid na ikinatango ko.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero kailangan ko ang tulong ng dalawang ito. Wala ako masyadong alam sa realm na ito. Hindi ko alam kung paano ako kikilos mag-isa dito. A little help from this two will be great. Kahit man lang ang pagtakpan ang totoong katauhan ko ay isang malaking tulong na sa akin.

"Rhianna Dione," mariing sambit ko at tiningnan nang mabuti ang dalawa. "That's my real name."

"Rhianna Dione..." tila bulong na sambit ni Isobelle.

"And I was here before," pagpapatuloy ko at tiningnan ang ilang Seer na naglalakad 'di kalayuan sa puwesto namin ngayon. "Hindi nga lang sa realm na ito."

"You mentioned about Northend earlier, doon ba?" Isobelle asked. "Doon ka napunta and you entered someone's body, too?"

Natigilan ako sa naging tanong nito at maingat na inisip ang maaring sabihin sa kanya. Dahan-dahan akong tumango at hindi na kumibo pa.

I don't think it's a good idea if I told them it was the Tyrant's Captain Mary's body. Kaunti lang ang may alam sa totoong kakayahan ng katawan ni Captain Mary. Baka magkagulo pa kung lumabas ang lihim na iyon. Captain Mary's body is one of the top secret of Northend. Mabuti na ang nag-iingat. I can't mess this one lalo na kung nasa ibang katawan ako ngayon.

For now, iyon na lang muna siguro ang sasabihin ko sa kanila. I'll trust them but I won't let my guard down.

"Paano ka napunta sa katawan ng kapatid ko?" Narinig kong tanong muli ni Isobelle na siyang ikinabaling ko sa kanya.

"I don't have an idea," simpleng sagot ko at natigilan noong may naalala ako.

Bago ako mapunta sa katawan ni Captain Mary noon, nasa kalagitnaan ito nang labanan at natamaan ito ng kalaban. She died for a second and when she was revived, ako na ang nasa katawan nito.

Wait... Hindi kaya ganoon din ang nangyari kay Scarlette? With her injury, posibleng katulad sa nangyari kay Captain Mary ang kinahinatnan ng katawang ito!

"Tell me," wika ko at matamang tiningnan ang dalawa. "What happened to Scarlette? Paano ito nabaril?"

"Nabaril?" Takang tanong ni Enzo sa akin. Agad din namang ipinaliwanag ni Isobelle ang tungkol dito at noong makuha niya ito, nagsimula na itong ikuwento sa akin ang nangyari. "Mahilig lumabas nang palihim sa Oracle si Scarlette. Pinagbabawal kasing lumabas dito, lalo na kung walang pahintulot mula sa Head Seer."

"Pinagbabawal? Bakit naman?" Tanong ko na siyang mabilis na ikinayuko ng dalawa.

"Kumpara sa ibang naninirahan dito sa Evraren, hindi kayang makipaglaban ang mga Seer. Hindi tayo magaling sa bagay na iyan," ani Isobelle na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "To protect the life of a Seer, he or she will stay here."

So, a Seer can't fight. In a battle field, unang matatalo ito sa labanan. Now I get it. This is the reason why they were asking for help. In my precognition, the Seers were desperate, crying and asking for someone's help. Madali silang nasakop at natalo dahil hindi nila kayang lumaban at ipagtanggol ang mga sarili nila.

"Scarlette can fight, Enzo," singit ni Isobelle na siyang ikinatigil ko. "Kaya malakas ang loob nitong lumabas dito sa Oracle dahil alam niyang kahit papaano ay kaya niyang protektahan ang sarili niya."

"Kaya ba duguan at halos hindi na ito humihinga noong makita ito sa main gate ng Oracle? Isobelle, masiyadong mataas ang tingin mo sa kapatid mo. Masiyado kang nagtiwala kaya naman ay napahamak ito."

"I believed in her abilities, Enzo. Hindi isang simpleng Seer lang ang kapatid ko!"

"Stop!" Pigil ko sa dalawang nagkakasagutan na ngayon sa harapan ko. Napahawak ako sa may baba ko at pilit na inaalisa ang mga kuwento nila. "Kung tama ang pagkakatanda ko, nirerespeto ng mga taga-Evraren ang mga Seer, lalo na ang royal family ng realm na ito. Kaya nga ginawa nila ang Oracle para sa inyo, hindi ba? Para maprotektahan kayo."

Tahimik at sabay na tumango si Isobelle at Enzo sa akin.

"No one will dare to hurt a Seer, lalo na kung nasa teritoryo ito ng Evraren," seryosong sambit ko pa na siyang ikinagulat ni Isobelle.

"Don't tell me hindi taga-Evraren ang nanakit sa kapatid ko?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Maybe yes, maybe no," turan ko at umayos nang pagkakatayo. Binalingan ko ang building kung saan naroon ang opisina ng Head Seer at humugot ng isang malalim na hininga. "I need to talk to the Head Seer now."

"Scar... I mean Rhianna Dione, hindi mo basta-bastang makakausap ang Head Seer. Abala ito ngayon." Ani Enzo na siyang ikinabaling kong muli sa kanila. "May pagtitipon sa palasyo ng hari sa makalawa. Lahat ng high level Seers ay abala ngayon para sa okasyong iyon."

"Okasyon sa palasyo ng hari?" Mahinang tanong ko sa kanila.

"Tuwing may pagtitipon doon, tinitiyak ng mga Seer na walang mangyayaring masama sa araw na iyon." Seryosong saad ni Isobelle na ikinakunot ng noo ko. "Kayang makita ng isang high level Seer ang eksaktong magaganap sa araw na iyon."

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig. Well, I can do that too. I'm a hundred percent sure about my
precognition. Hindi ako maaring magkamali sa mga nakikita sa hinaharap.

"Paano kung may mangyari ngang hindi maganda sa araw nang pagtitipon na iyon? Ano ang gagawin nila?" Mahinahong tanong ko kay Isobelle.

"They will report it to the royal family and prevent it to happen." Seryosong sagot nito na siyang ikinatango ko.

"That's... that's nice." Wala sa sariling sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi. No. Something's off here. May hindi tugma sa mga pinagsasabi ng dalawang ito.

"Sinu-sino ang dadalo sa pagtitipon na iyon?" Muli kong tanong na siyang ikinatigil muli nila.

"Uhm, hindi namin alam," ani Enzo at napabuntong-hininga. "Tanging ang mga Seer na imbitado sa araw na iyon lang ang nakakaalam kung sino ang naroon sa okasiyong iyon."

Napatangong muli ako sa narinig at muling binalingan ang building kung nasaan ang Head Seer. If I can't talk to her right now, then, all I need to do is wait. Pero, hanggang kailan ako maghihintay? Hindi ko alam kung kailan mangyayari iyong precognation na nakita ko noon. Maaring mangyari iyon ngayon o bukas o sa... sa makalawa.

"This is not good," mahinang sambit ko at mabilis na iginalaw ang mga paa. May hindi pa ako naiintindihan sa mga nangyayari ngunit kailangan ko na ring kumilos ngayon. I can't just stay still. I can't just wait here. I need to do something!

"Rhianna..."

"Don't," sambit ko at binalingan si Isobelle. Tumigil
ako sa paghakbang at inilingan ito. "Don't call me that name, Isobelle. I can't use my real name here in your world. Tawagin mo ako sa pangalan ng kapatid mo. I'm inside her so basically, I'm her." Dagdag ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Fine," rinig kong sambit ni Isobelle at nagpatuloy na rin sa pagsunod sa akin. "Tell me, where are you going? Pupuntahan mo pa rin ang Head Seer kahit na alam mong malabo mo itong makausap ngayon?"

"Yes," sagot ko dito at tumigil muli sa paglalakad. Binalingan ko si Isobelle at matamang tiningnan ito. "I have this bad feeling, Isobelle. May hindi magandang mangyayari sa araw nang pagtitipon sa palasyo ng hari."

"What?"

"Please, don't say that, Scarlette," mariing wika ni Enzo at nilapitan ako. "You're a Seer. Alam mo dapat ang magiging epekto ng mga salitang lalabas diyan sa bibig mo."

"You're a Seer, too, Enzo. Alam mo kung ano ang magiging resulta kung pababayaan at hindi bibigyan pansin ang masamang kutob na mayroon ako ngayon." Seryosong saad ko na siyang ikinatigil nito. "Scarlette is not a high level Seer. I get it, okay. Wala itong kakayahang makita ang eksaktong mangyayari sa hinaharap. Ngunit dahil nasa katawan niya ako," maingat na turan ko at hinawi ang mahabang buhok at inilagay ito sa kanang balikat ko. I tilted my head and show them my emblem. "I can use my ability to help you and the rest of the Seer."

"An emblem? Paanong..."

"I've got this emblem when I was a member of the Tyrants." Turan ko at hindi na pinatapos si Isobelle sa dapat na sasabihin nito. Inayos kong muli ang buhok ko at itinagong muli ang emblem at umayos na nang pagkakatayo.

"Tyrants?" Halos sabay na wika ng dalawa. Napa-arko ang isang kilay ko sa naging reaksiyon nila. I sighed.

"Yes, the Tyrants. I know how to fight, too. At kung kayang gawin din iyon ni Scarlette, then, I can combine both our abilities."

"You can do that?" Gulat pa ring tanong ni Isobelle sa akin.

"I wish I can do more pero sa kasalukuyang lebel ng kakayahan ni Scarlette, limitado lang ang magagawa ko. Sa ngayon, priority ko ang matulungan kayo dito sa Oracle. And after that, itutuloy ko na ang naunang plinano ko. I'll leave this place and visit Northend."

"Northend."

Natigilan ako noong magsalitang muli si Enzo. Binalingan ko ito at noong makitang nag-iba ang ekspresiyon sa mukha nito, napakunot ang noo.

"Right!" Ani Enzo at matamang tiningnan ako. "I think I've heard them talking about Northend. Maaring isa sila sa mga panauhin sa pagtitipon sa palasyo!"

"You sure about that Enzo?" Tanong ni Isobelle at binalingan ang kaibigan nito.

"Narinig ko lang iyon pero malaki ang posibilidad na nadadalo sila!"

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan at tahimik na pinagmasdan lamang ang dalawa. Kung may taga-Northend na bibisita dito sa Evraren, then, this is my chance to see and talk to them. Posible ang hari ang pupunta dito, at kung susuwertehin ako, isa sa Tyrants ang makikita at makakausap ko sa araw nang pagtitipon!

"Ano na ang balak mo, Scarlette?"

Napakurap ako noong marinig ang tanong ni Isobelle. Akmang sasagutin ko na sana ito noong bigla akong nakaramdam nang pagkahilo.

"Damn," mahinang bulalas ko at mariing ipinikit ang mga mata.

Here we go again. A precognition!

"Scarlette! What's happening?" Rinig kong tanong ni Isobelle ngunit hindi ko na ito binigyan pansin.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagkirot ng emblem sa leeg ko at noong buksan ko ang mga mata ko, natigilan ako noong makitang nasa ibang lugar na ako.

No, alam kong nasa labas pa rin ako ngayon at kasama ang dalawa. And this? This is part of my precognition. I'm pretty sure of it!

"Your Majesty."

Natigilan ako noong may narinig akong nagsalita. Mabilis kong inilibot ang paningin at noong mapagtanto ko kung nasaan ako ngayon, ikinuyom ko nang mabuti ang mga kamao.

Nasa loob ng palasyo ako ngayon!

"Demetria," wika ng hari na siyang ikinakunot ng noo ko. Pinagmasdan ko ito nang mabuti at noong may nakita akong kakaiba sa likuran ng hari, napaawang ang labi ko.

Is that a dark spell?

"The war is about to start, Your Majesty."

"What about the Head Seer? Nakausap mo ba ito? Anong planong naisip nila para manalo tayo sa labang ito?"

"We don't need her, Your Majesty. The royals don't need them now. We can win this war without their stupid precognition."

"But Demetria..."

"We'll eliminate them, Your Majesty. All of them."

"Rhianna Dione!"

Napaawang ang labi ko at mabilis na hinabol ang sariling hininga. Wala sa sarili akong napaluhod at mariing hinaplos ang sintido ko. Damn it! That was one of a hella disturbing precognition!

"You okay, Rhianna Dione?" Nag-aalalang tanong ni Isobelle at marahang hinaplos ang likuran ko. "Calm down and just breathe." Tumango ako dito at pilit na kinalma ang sarili.

Mayamaya lang ay naging normal na ulit ang paghinga ko at ngayon ay kalmado na rin ang sarili. Maingat akong tumayo mula sa pagkakaluhod at mabilis na binalingan si Isobelle.

"Who's Demetria?" Wala sa sariling tanong ko dito na siyang ikinagulat nito. "Is she a Seer? A part of the royal family?"

"Rhianna..."

"Tell me, who is she?" Kalmadong tanong kong muli kay Isobelle. Hindi agad sumagot si Isobelle sa naging tanong ko. Malungkot lang itong nakatingin sa akin at noong magsalita na ito, natigilan ako.

"She's our mother, Rhianna Dione. Siya ang ina namin ni Scarlette. And... She's also the younger sister of the Head Seer of Oracle."

What?

"And she's dead."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top