Chapter 38: Culprit
Halos hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Nakatingin lang ako sa Tyrants habang hinihintay ang desisyon nila.
Alam na ng Triad kung nasaan ang katawan ni Captain Mary. Pero... paano nila nalaman ang tungkol dito? It was a classified information within the king of Northend and the members of Tyrants! Imposibleng malaman ng ibang taga-Azinbar ang tungkol dito!
"Treyton," tawag pansin ko sa asawa na siyang mabilis na ikinabaling naman niya sa akin. "Paano nila nalaman ang tungkol sa katawan ni Captain Mary?" tanong ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang nito.
"It was Scarlette," aniya na siyang ikinatigil kong muli. Si Scarlette ang nagsabi sa kanila? That's impossible. She only cared about how to get revenge to their king, king of this realm. She won't dare to mess with another realm! Napakurap ako at noong akmang magsasalita na sanang muli ay siya namang pagpapatuloy ni Treyton sa pagsasalita. "Nahanap nila ang lugar kung saan palaging namamalagi si Scarlette noon." I froze. "It was not detailed though, kaya naman ay nais nila itong makuha. Ngunit... bago pa man magsimula ang lahat nang kaguluhang mayroon ngayon sa realm na ito, isang Seer ang lumapit sa Triad. Humihingi ito nang tulong at kapalit nang tulong na iyon, ginamit nila ang ability nitong makita ang matagal na nilang hinahanap."
A Seer. Of course, isang Seer pa rin ang makakapagbigay ng impormasyong nais nila!
"Sinong Seer ang tinutukoy mo?" mariing tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang titig dito.
"I don't remember well her name... but she was the same age as the owner of that body, Yana." Natigilan ako sa isinagot ni Treyton sa akin.
Same age? Sino naman iyon? Maraming Seer ang ka-batch nitong si Scarlette sa Oracle.
"Is it-"
"Oh, I remembered," biglang sambit nito na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo sa harapan niya. "Isobelle... iyon ang pangalan niya. May kasama itong lalaki noong nagtungo ito sa headquarter ng Triad."
Muli akong natigilan. Napakurap ako sa harapan ng asawa at pilit na iniintindi lahat ng mga impormasiyong binibitawan ni Treyton sa akin. "Isobelle," mahinang banggit ko sa pangalan nito. "You mean, the Isobelle I know... Scarlette's sister."
"Kapatid niya ito? Wait," saad ni Treyton at hinarap ako nang maayos. "Sigurado ka ba? Kapatid ni Scarlette ang babaeng iyon?"
"How about you, Trey? Sigurado ka bang si Isobelle iyong nagtungo sa headquarter ng Triad? Because that was impossible. Hindi ito lumalabas ng Oracle."
"I'm a hundred percent sure, Yana," mariing sambit ng asawa sa akin. "Okay, let's finalize everything first before making a move. You saw a precognition, right?" Tumango ako at nakinig na lamang sa kanya. "The Oracle was burning, fire everywhere, and the Head Seer was hurt."
"Right."
"Nasabi ko na ba kung anong tulong ang nais ni Isobelle sa Triad?" tanong ni Treyton na siyang ikinakunot ng noo ko. "Nagpunta siya sa Triad sa ibang dahilan, Yana. Hindi para iligtas ang mga Seer mula sa kung anong nakita mo sa hinaharap. It was not about saving their home."
"Treyton, just say it," matamang utos ko sa kanya. Damn it!
"It was about killing the Head Seer," anito na siyang ikinaawang ng labi ko.
That's it!
Iyon ang isa sa prinoprotektahan ni Scarlette laban sa akin!
Alam kong may kakaiba sa ibang precognition na nakita ko noon, noong bago pa lamang ako sa katawan niya. She kept me showing things, trying to divert my attention towards someone else! Kagaya na lamang noong kay Miss Leigh at sa ibang high rank Seers. It was really odd that time. Hindi ko na lamang ito binigyan pansin dahil alam kong wala pa akong dapat na pagkatiwalaan sa lugar na ito. But now I get it! Maliban sa hindi nito nakumbinse ang ama tungkol sa mga plano niya sa hari ng Evraren, prinoprotektahan niya rin ang kapatid laban sa akin. Alam niyang hindi ko papalagpasin kung magtratraydor ito sa mga Seer at sa Oracle. She was protecting her after all!
It was them. Scarlette and Isobelle.
The one who will burn Oracle to ashes. The one who will kill the king of Evraren. And for what reason? It was because of the death of their own mother.
"I told you. I'm beyond saving, Rhianne Dione." It was Scarlette's voice again inside my head. Natigilan ako at hinayaan na lamang itong magsalita. "I've done so many bad things before. At lahat ng iyon ay wala ni isa akong pinagsisisihan. I want revenge, yes, but I won't risk my sister's safety. Kahit ako na lamang. Huwag na ang kapatid ko. I will do all the bad things for her." I heard her laugh, bitterly. "I will definitely rot all over again in afterworld."
Ikinalma ko ang sarili at dinama ang sakit na nararamdaman ni Scarlette ngayon. She's really in pain right now. Ni hindi ko nga napansin ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata.
"Isobelle was a good kid. Nasaktan lang ito, kagaya ko."
"I know that, Scarlette. I know that," mahinang sambit ko at napatingala na lamang. "Hindi pa huli ang lahat. We can still make things right here. Kaya pa nating maisalba ang lahat, lalo na ang kapatid mo."
"Kahit si Isobelle na lang, Rhianna Dione. Kahit ang kapatid ko na lamang ang iligtas mo. I love her so much, and I will trade anything to help and protect her. Siya na lamang ang pamilya ko sa mundong ito."
"I will save you both," mahinang sambit ko at inalis ang mga luha sa pisngi. "I will save you both, Scarlette."
"Yana." Napatingin ako kay Treyton noong tawagin niya ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binalingan ang Tyrants na kanina pa pala tapos sa pag-uusap nila. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang mga kaibigan.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanila at umayos nang pagkakatayo. "Maiintindihan ko kung mas nanaisin niyong pumunta ngayon sa palasyo at hanapin ang katawan ni Captain Mary. Kasama ko naman si Eldred at Treyton. Kahit kami na lamang ang babalik sa Oracle."
"But we made a deal, Rhianna Dione. Hindi namin sisirain ang usapan natin," ani Alessia na siyang ikinailing ko.
"It's okay, Alessia. Alam ko kung gaano kahalaga sa inyo at sa Northend ang katawan ni Captain Mary. Ayos lang sa akin. Ako na lamang ang babalik sa Oracle. Tatapusin ko na rin ang misyong ito."
"Rhianna-"
"We will help her. Huwag na kayong mag-alala pa sa kanya," ani Eldred at lumapit sa kinatatayuan ko. "It was my duty to help and protect Scarlette. Hindi ko iyon nagawa noon kaya naman gagawin ko ang lahat para matulungan ito ngayon. Just go, Tyrants. Your captain is waiting for you."
"And she's also our captain," ani Owen na siyang ikinabaling ko sa kanya. "We're coming with you. We will finish your mission, and we'll find Captain Mary's body. Together."
"Owen-"
"No one can control Captain Mary's body except the one she chose. Kahit anong gawin ng Triad sa katawan nito, hinding-hindi nila magagamit o makokontrol man lang ang katawan niya. Yes, it's a powerful vessel, ngunit kahit anong mahika pa ang gamitin nila rito, hindi nila ito magagamit. So, let's go to Oracle and save Scarlette's home," kalmadong turan ni Alessia sa amin na siyang marahang ikinatango. She's right. Hindi basta-bastang magagamit ng Triad ang katawang iyon.
Wala sa sarili akong napatingin kay Eldred at Treyton. Tumango silang dalawa sa akin kaya naman mabilis akong lumapit sa kinatatayuan ni Alessia. Agad ko itong niyakap at napangiti na lamang noong gumanti ito nang yakap sa akin. "Thank you... for everything."
"Anything for you... Captain."
Hindi na kami nagsayang pa ng oras. Agad na kaming naghanda para sa pag-alis at noong hawakan ni Treyton ang kamay ko, wala sa sarili akong napatingin sa kanya. "I caused you trouble again, Yana. I'm sorry," anito na siyang ikinailing ko na lamang sa asawa. "We will finish this one now. And after this, babalik na tayo sa totoong mundo natin."
Tipid akong ngumiti kay Treyton at napapikit na lamang noong makaramdaman ako nang pagkahilo. We're entering another dimension now. Ramdam ko ang kakaibang enerhiya sa paligid kaya naman ay napamulat ako ng mga mata. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at noong makakita ako ng liwanag 'di kalayuan sa puwesto namin, natigilan ako.
"Looks like we're late," ani Alessia at dali-dali kaming naglakad patungo sa liwanag na nakita ko kanina. At noong makalabas na sa dimensiyon dinaanan, halos manghina ako sa nakikita. Sigawan at iilang pagsabog ang sumalubong sa amin noong makarating kami sa main gate ng Oracle. Napaawang na lamang ang labi ko habang pinagmamasdan ang nagliliyab na trangkahan sa harapan.
Oh my God. They're burning the whole Oracle! Damn it!
"Let's move," ani Owen at nauna nang maglakad sa amin. Ikinuyom ko ang mga kamao at kumilos na rin.
"Jaycee, please help the Seers," mabilis na utos ko na siyang sinunod agad nito. Tumakbo ito sa ibang direksiyon, patungo sa dorm ng mga Seers. Please, help them Jaycee. Please. "Owen, Alessia, help the other Knights. Paniguradong mahihirap silang talunin ang ibang miyembro ng Triad. Some of them were trained by a dark magic user. Kayo lang ang kayang makipagsabayan sa kanila."
"Roger that, Captain," mabilis na tugon ni Owen at nauna na sa amin sa pagtakbo.
"I'll go and check the Head Seer," wika naman ni Eldred na siyang ikinatango ko na lamang sa kanya.
"Hahanapin ko naman si Isobelle," mariing sambit ko at tiningnan ang daan patungo sa building kung saan naroon ang mga silid namin ng kapatid ni Scarlette. Mabilis na nagpaalam sa akin si Eldred at iniwan na kami ni Treyton. "Seers can't fight, Treyton. May iilang marunong pero karamihan sa kanila ay mas hinahasa ang paggamit ng abilities nila bilang isang Seer ng Oracle," imporma ko sa asawa at tinahak na ang daan patungo sa building namin.
"They'll be fine, Yana. May iilang Knights na nakabantay dito sa Oracle bago pa man sumugod ang Triad."
"Sana nga ay maging ligtas sila," mahinang turan ko at mas binilisan ang paghakbang ng mga paa.
Ilang hakbang pa ang layo naming dalawa ni Treyton sa main door ng building noong biglang bumukas ito at may lumabas na dalawang lalaki. They're not part of the Evraren Knights kaya naman paniguradong miyembro ito ng Triad! Nagkatinginan kami ni Treyton at segundo lang, agad kaming inatake ng dalawang lalaki.
Mabilis kaming kumilos ng asawa ko. Sinalubong ko ang isa sa dalawang lalaki at agad na sinangga ang suntok na ibinigay nito sa akin. Wala sa sarili akong napatigin sa espadang nasa tagiliran nito at bago pa man makaatakeng muli sa akin ang lalaki, mabilis kong hinawakan ang hawakan ng espada at hinugot mula sa lagayan nito. Agad namang lumayo sa akin ang lalaki noong itinutok ko sa kanya ang espadang pagmamay-ari niya.
"What the hell, Huntley? Bakit kasama mo ang Seer na iyan?" tanong ng isang lalaki, iyong naging kalaban ni Treyton kanina. "Trinatraydor mo na ba ang Triad?"
"Simula pa lang, alam niyong hindi ko talaga gustong maging miyembro ng grupo niyo," ani Treyton na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Nanatili ang paningin ko sa dalawang miyembro ng Triad habang masamang nakatingin ang mga ito sa puwesto ni Treyton. "Gusto ko lang mabuhay sa mundong ito kaya naman ay naging parte ako sa bawat misyong mayroon kayo. Gusto ko lang mabuhay hanggang sa makauwi ako nang tuluyan sa totoong mundo ko."
"You're talking nonsense again, Huntley! Tama na iyan at sumama ka na sa amin!"
"He's not coming with you," mariing sambit ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa espada. "Mananatili ito rito, kasama ko... kaya naman ay umalis na kayo rito sa Oracle. Cause I swear, kahit na kakilala pa kayo ng asawa ko, hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo."
"Asawa?" tanong ng isang lalaki at umiling sa harapan namin. "Sino ang niloloko mo, Seer? Kami? Come on. Sa lahat nang sinabi mo, alam naming wala ni isa ang totoo! Your words meant nothing to us. Hindi kami kailanman magpapaloko sa isang katulad mo!"
Napailing na lamang ako sa tinuran nito at napabaling kay Treyton. Namataan ko ang seryosong titig nito sa mga dating kasamahan at noong akmang kikilos na ito, mabilis kong tinawag ang pangalan niya.
"Don't kill them," mariing sambit ko na siyang ikinatigil nito. "Alam mong hindi tayo makakabalik sa totoong mundo natin kapag may mapatay ka sa mundong ito."
"I already know that, Yana," anito at napabuntonghininga na lamang. Binalingan niya ako at umayos nang pagkakatayo. "Kaya nga hanggang ngayon ay wala akong ginawa, hindi ba?"
Napangiwi na lamang ako at muling itinuon ang paningin sa dalawang miyembro ng Triad. At bago pa man ako makapagsalitang muli, mabilis na umatakeng muli ang mga ito sa amin ni Treyton. Nanlaki ang mga ko sa biglaang atake nila at kahit na anong pigil kong huwag gamitin ang hawak na espada, kusang kumilos ang katawan ko.
Napaawang na lamang ang labi ko at noong naikumpas ko ang espada sa harapan ng lalaki, isang malakas na sigaw ang nagpagising sa diwa ko.
Damn, Scarlette! Siya ang kumontrol kanina sa katawan niya! It was just a few seconds, but heck, she almost killed the man in front of me!
"Yana!" sigaw ni Treyton kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Namataan kong walang kahirap-hirap nitong napatumba iyong isang pang miyembro ng Triad at isang suntok pa ang ginawa nito ay nawalan na ito nang malay. Segundo lang ay mabilis niya akong dinaluhan. "What have you done? Hindi ba ikaw na ang nagsabi sa akin tungkol sa hindi dapat nating gawin sa mundong ito?"
"It wasn't me," ani ko at mabilis na binitawan ang espadang hawak. Agad naman itong sinipa ni Treyton palayo sa amin at tiningnan ang lalaking halos hindi na gumagalaw habang nakahandusay sa sahig. "He's still alive," sambit nitong muli at pinulsuhan ang lalaki. "Barely alive."
"We... I need to heal him," wala sa sariling wika ko at mabilis na lumuhod sa tabi ng nakahandusay na lalaki. Napalunok ako at tiningnan ang sugat nito sa may dibdib. Damn it! Sa lahat ng pagkakataong nais na kontrolin ni Scarlette ang katawang ito, ngayon pa talaga! I can't believe her! Sumusobra na talaga ito! I just want to help her and her family!
"You know some healing spell?" tanong ni Treyton na siyang ikinatango ko na lamang.
Jaycee already used his healing spell on me before. Kaya ko itong kopyahin at gamitin sa lalaking ito! "Eve's eye," mahinang sambit ko at inilagay ang kanang kamay sa mata. Tinakpan ko ito at noong unti-unti akong nakaramdam ng enerhiya sa kanang mata, maingat kong inalis ang kamay mula roon.
"Your eye," ani Treyton habang matamang nakatingin sa akin. "What kind of magic is that, Yana? I... I can feel extreme darkness with it."
"It's Scarlette's ability," paliwanag ko at inilapat ang kamay sa sugat ng lalaki. "I can use different magic using her eve's eye. Basta nakita ko na kung paano ito gawin at gamitin, kayang kopyahin ni Scarlette ito."
"Eve's eye," mahinang turan ni Treyton habang pinapagpatuloy ko ang pagkamot sa miyembro ng Triad. "I think I've heard it before... Eve's eye... Romero!"
Napatingin ako kay Treyton noong banggitin nito ang pangalan ni Romero, iyong lider ng Triad. Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at noong natapos na ako sa paggamot sa lalaki, tumayo na ako at hindi inalis ang tingin sa asawa. "What about him? Anong koneksiyon nito sa eve's eye ni Scarlette?"
"I... don't know, Yana. I just heard him talked about it once. Iyon lang."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at noong akmang magsasalita na sana akong muli, mabilis akong natigilan. Sunod-sunod na pagsabog ang halos nagpayanig sa lupang kinatatayuan ko. Napalunok na lamang ako at tiningnan ang main door ng gusaling nasa harapan. "We need to find Isobelle, Treyton. I have a really bad feeling about this. Mamaya natin pag-usap ang tungkol kay Romero. I need to find Scarlette's sister before it's too late."
Sana nga ay hindi pa huli ang lahat. Sana nga'y hindi pa tuluyang nilalamon ng dilim si Isobelle. Cause it will be a dead end for me, for us, if she's already gone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top