Chapter 37: Reason
Napabuntonghininga na lamang ako noong namayani ang katahimikan sa mga kasama ko. Palihim akong tumingin kay Eldred at noong makita ang marahang pagtango nito sa akin, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.
"What the hell are you talking about?" naguguluhang tanong ni Atlas at binalingan ang tahimik at seryosong miyembro ng Tyrants. "Totoo ba ang sinasabi ni Scarlette? Nasa katawan nito si Captain Mary." Wala sumagot sa Tyrants kaya naman ay lumapit na sa kanila si Atlas. Hindi nito inalis ang seryosong ekspresiyon sa mukha at noong ilang pulgada na lamang ang layo nito sa kinatatayuan nila Alessia, muli itong nagsalita. "Just tell me the truth."
"She's now telling you the truth. Bakit hindi ka naniniwala?" malamig na tanong ni Alessia at humugot ng isang malalim na hininga. "She's our captain, okay. Happy now?"
"Kaya kayo pumunta sa Oracle para sa kanya..." he trailed off. "Pero, paano ang totoong Scarlette. Kung siya ngayon si Captain Mary, paano ang totoong kaibigan ko?"
"Technically, she's still your friend, Phoenix Knight. Mas malakas lang ang kapangyarihan ni Captain Mary kaysa sa kanya kaya naman siya ang kayang kumontrol ngayon sa katawan na iyan. She's still there, alive somewhere inside that body. Sleeping, maybe, but still, buhay pa rin ito," muling wika ni Alessia sa kanya.
Napalunok ako noong bumaling sa kinatatayuan ko si Atlas. Hindi ko mabasa ang kung anong tumatakbo ngayon sa utak niya. Mayamaya pa'y may kung anong emosiyon akong nakita sa mga mata niya at noong magsasalita na sana ako, mabilis itong nag-iwas nang tingin sa akin.
"Anong kailangan kong gawin para maibalik sa normal si Scarlette?" tanong niya habang nasa kawalan ang tingin. "Kahit ano, gagawin ko. Just tell me what to do."
Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Napatingin ako kay Alessia at noong makita ko ang pagtango nito sa akin, napatango na lang din ako.
"For me to leave this body, I need to finish my mission first," sambit ko na siyang ikinatingin ni Atlas muli sa akin. "Kailangan kong mapigilan ang pagkasira ng Oracle. Mailayo sa kapahamakan ang mga Seer at ang Head Seer," dagdag ko pa na siyang tahimik na ikinatango naman ni Atlas. "I also need to rescue my hus... I mean, Rhianna Dione's husband. She's a friend of mine and I need to help them too while I'm here in this realm." Namataan ko ang pagkunot ng noo ni Atlas ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. "And lastly, I need to find my body, Captain Mary's real body, using Scarlette's ability. At kapag magawa ko na ang mga iyon, babalik na ako sa totoong katawan ko."
"We already made a deal with her. Uunahin muna namin ang protektahan at iligtas ang Oracle," ani Alessia na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Helping Rhianna Dione, rescuing her husband, and finding the captain's real body can be done at the same time. Kaya naman mas dapat pagtuonan nang pansin ang pagtulong sa mga Seer."
"The dark magic user," ani Atlas na siyang ikinatango ko sa kanya. "We need to find him first."
"Finally, nakasabay ka rin sa amin." Ngumisi si Alessia at napailing na lamang sa kanya. "And if you badly want your friend back, make sure na hindi magpapadalos-dalos sa mga desisyon mo. Hindi natin alam kung anong mangyayari kapag matapos na ang misyon ni captain sa realm na ito."
"After my mission, I will immediately leave this body, Atlas. Don't worry about it. You have my words. Babalik sa dati ang lahat pagkatapos ng misyong ito."
"Wait," singit naman ni Tanner sa usapan na siyang ikinabaling namin sa kanya. "I'm sorry to interrupt but... who's Rhianna Dione again? Kilala ba namin ito?"
Napaawang ang labi ko sa naging tanong niya. Walang nagsalita sa amin kaya naman noong kumilos si Eldred sa kinatatayuan niya at lumapit sa akin, napahugot ako ng isang malalim na hininga. "Natural ba sa inyong mga Phoenix Knight ang magtanong nang magtanong? Come on. Marami na tayong nasayang na oras sa pag-uusap na ito. Kailangan na nating kumilos para matapos na ang misyon ni Scarlette... I mean, misyon ni Captain Mary."
"Eldred is right. Tsaka ko na sasagutin ang ibang katanungan niyo. Kailangan na nating mahanap ang dark magic user ng Triad. Malala na ang kondisyon ng Head Seer ngayon. I'm sorry pero kailangan kong unahin ito kaysa sa sagutin ang mga katanungang mayroon kayo."
"We understand," ani Tanner at binalingan si Atlas. "Let it go, Atlas. Let's focus on helping them first. May panahon para sa mga kasagutang nais mo." Tumango na lamang si Atlas sa kanya at hindi na nagsalita pa.
Tahimik kong pinagmasdan ang mga kasama ko. Noong wala na sa kanilang nagsalita at nagtanong, nagsimula na akong sabihin sa kanila ang kung anong dapat na gawin namin ngayon.
"Ilang oras pa lang ang nakalilipas simula noong umatake ang Evraren Knights sa lugar na ito. Paniguradong hindi pa sila nakakalayo rito," wika ako at marahang inilapat ang kanang kamay sa ulo. "I will use Scarlette's ability to find them."
"Kayang gawin ni Scarlette iyon?" takang tanong ni Jaycee na siyang ikinatango ko.
"Nagawa ko iyon kanina. I saw the members of Triad running this way. Kaya nga ay nagtungo kami ni Eldred dito," wika ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Scarlette is a powerful Seer. Marami itong kayang gawin kumpara sa isang normal na Seer," dagdag ko pa at binalingan si Atlas. "She's special."
"So, let's do this. Hanapin na natin ang mga rebeldeng iyon," ani Alessia na siyang tahimik na kinatango ko na lamang sa kanya.
Humugot muli ako ng isang malalim na hininga bago ipinikit ang mga mata. I clear my mind and concentrate. Hindi ko alam kung paano gagana ito ngayon pero dahil nagawa ko na ito kanina ng walang kahirap-hirap, alam kong magagawa ko ulit ito. I just need to trust Scarlette's ability.
"What are you doing?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Scarlette sa isipan ko. She's awake again! "I already told you to stop helping me! Just leave my body alone, Rhianna Dione!"
"Alam mong hindi ko magagawa iyan, Scarlette," mahinang turan ko habang nakapikit pa rin. "Just let me use your ability. We need to find them."
"You're so stubborn, Rhianna Dione! Hayaan mo na ako!" Napailing na lamang ako sa tinuran nito at hindi na pinansin pa. Nagpatuloy ako sa ginagawa at noong may mga imahe akong nakita sa isipan, napaayos ako nang pagkakatayo. "You're going to regret doing this, Rhianna Dione. Kagaya ko, mabibigo ka lang. I'm beyond saving. Oracle was already doomed even before you entered my body. And this realm... hindi ito Northend. Hindi mo ito kayang iligtas sa nalalapit na pagbagsak nito. This is the end, Rhianna Dione. Hindi mo kayang tapusin ang misyong ito. Hindi mo na ako maililigtas pa kaya naman... tama na. Hayaan mo na lamang ako. Tama na..."
Unti-unting nawala ang boses ni Scarlette. Mayamaya lang ay mabilis akong napamulat ng mga mata noong mawala na sa isipan ko rin ang mga imaheng nakita. Agad naman akong dinaluhan ni Eldred at hinawakan ang kamay ko noong nawalan ako nang balanse. Napabaling ako sa kanya at nagpasalamat.
"She's awake?" mahinang tanong nito na siyang ikinatango ko. "Did you managed to use her ability?"
"Yes," sagot ko at umayos nang pagkakatayo. Tiningnan ko ang mga kasama at kinagat ang pang-ibabang labi. "Alam ko na kung nasaan sila."
"Really?" tanong ni Owen at inihanda ang hawak na espada. "Saang parte ng Evraren sila nagtatago ngayon?"
"They're not hiding," mahinang sambit ko na siyang ikinakunot ng noo nito. "Nasa... nasa palasyo sila ngayon."
"What?" It was Atlas. "Are you sure about that?"
"Maraming Evraren Knights ang narito ngayon sa nayon na ito," sambit naman ni Tanner at napailing na lamang. "Ginamit nila ang pagkakataong ito para salakayin ang palasyo dahil alam nilang nandito halos lahat ng magagaling na kawal ng hari."
"They will destroy the palace... and Oracle," nanghihinang sambit ko at ipinikit ang mga mata. "Sabay nilang aatakihin ang palasyo at ang Oracle."
Damn it!
"This is not good," ani Alessia at matamang tiningnan ako. "We need to split up. Atlas, kayo na ang tumulong sa hari ng realm na ito. Babalik kami sa Oracle para tulungan ang mga Seer."
"Alright," simpleng saad ni Atlas at binalingan ako. "Mag-iingat kayo. Siguraduhin mong hindi masasaktan ang katawan ni Scarlette sa labanang ito."
"This is war, Atlas. Imposible iyang nais mo," singit naman ni Jaycee at naglakad papalapit sa puwesto ko. "But I can help her. I can heal whatever wound she will get tonight."
Tumango na lamang si Atlas sa amin at niyaya na si Tanner. Mabilis na umalis ang dalawang Phoenix Knight samantalang nanatili muna kaming tahimik ng ilang minuto bago magsimulang kumilos.
"Matatagalan tayong makarating sa Oracle kung lalakarin natin ang daan patungo roon," ani Alessia na siyang ikinagat ko ng pang-ibabang labi. She's right. Ilang oras din ang ginugol namin ni Eldred kanina para lang makarating sa nayong ito.
Now what to do? Kailangang makabalik na kami sa Oracle! Paniguradong nandoon na ang ilang miyembro ng Triad at sinisira na ang tahanan ng mga Seer!
"That's why we think for an alternative," sambit muli ni Alessia na siyang ikinabaling ko sa kanya. Nagpatuloy naman ito sa paglalakad hanggang sa makalabas kami sa masukal na gubat. "We will travel through dimensions. Tiyak kong bago pa man masira ng Triad ang Oracle, nandoon na tayo para pigilan sila."
"Travel... through dimensions?" tila naguguluhang tanong ko sa kaibigan. "Paano natin magagawa iyon? We don't have any ability to do that!"
"I know that Rhianna Dione. Kaya nga nandito siya," aniya at tumigil sa pagpaglalakad. May itinuro ito sa gawing kanan namin kaya naman ay napabaling ako roon. At noong makita ko kung sino ang tinuturo nito, napaawang ang labi ko. "He's a dimension traveler, right? We can use his ability para makarating agad sa Oracle."
"Treyton," mahinang sambit ko sa pangalan niya at pinagmasdan ito nang mabuti. "A-akala ko ibinigay niyo ito sa mga Evraren Knight? Paanong-"
"Alam naming magagamit natin ito kaya naman ay iniwan namin siya rito at hindi na isinama sa mga miyembro ng Triad na isinuko sa Evraren Knights," sambit ni Owen at nilapitan si Treyton. Kinalas nito ang pagkakagapos sa magkabilang kamay at paa at inalalayang makatayo nang maayos. "Move," utos pa nito at nagsimula na silang maglakad papalapit sa puwesto namin.
Napalunok ako at hindi inalis ang paningin sa asawa.
"Kung ano man ang kailangan niyo sa akin, hindi ko ito gagawin," mariing sambit ng asawa na siyang ikinailing naman ni Owen sa tabi niya. "Patayin niyo na lang ako."
"We can't do that," ani Owen at tiningnan ako. "Are we going to tell him or not? Dahil mukhang magmamatigas din ang isang ito, Captain."
Napakagat na lamang ako ng mga labi ko at inihakbang ang mga paa palapit kay Treyton. Hindi ko alam kung nawalan ba ito nang alaala o nagpapanggap lang itong walang alam. Alam kong may ideya na ito. He just needs a confirmation, that's all.
"Treyton Duke," sambit ko sa buong pangalan niya na siyang ikinatigil nito. "Ang sabi ko sa'yo noon ay tingnan lang ang kalagayan ng Northend, hindi iyong manirahan ka sa ibang realm at maging parte ng Triad." Namataan ko ang unti-unting paglaki ng mga mata nito habang nakatingin pa rin sa akin. At noong akmang magsasalita na sana ito, mabilis kong inangat ang kamay at malakas na hinampas ang balikat nito. "Pinag-alala mo ako!" sigaw ko sa kanya at masamang tiningnan ito.
"Yana?" halos bulong na sambit ni Treyton na siyang ikinairap ko sa kanya. Damn it! Hindi nawala ang alaala nito! "A-anong ginagawa mo rito? Bakit... bakit nasa katawan ka ng Seer na iyan?"
"Scarlette needs help, kaya naman ay nasa katawan niya ako," sagot ko at hinampas muli ang balikat nito! "And I was worried about you! Kaya marahil kahit na wala akong kakayahang pumasok mag-isa rito sa Azinbar, nagawa kong makapasok sa katawan ni Scarlette."
"Dahil sa akin?" Napakurap ito at umayos nang pagkakatayo. Mayamaya lang ay napaawang ang labi nito at gulat na nakatingin sa akin. "Damn it," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I think it was really because of me. The reason why you entered to this world again, it was because of me, Yana."
What?
"What do you mean by that, Treyton?" mariing tanong ko sa asawa.
"I... I was the one who shot this Seer before," pag-aamin niya na siyang ikinaawang ng labi ko. "Inutusan kami nila Romero na gawing bihag ang Seer na iyan at noong nakatakas ito mula sa amin, sinubukan ko itong habulin at nabaril ko ito."
What?
"Damn it! Kung alam ko lang na madadamay ka sa ginawa ko, dapat ay hinayaan ko na lamang itong makatakas noon. Afterall, hindi na kailangan ng Triad ang kakayahan nito."
"But... I saw a precognition about them still wanting Scarlette's ability, Treyton. Paanong hindi na nila kailangan ito?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Namataan ko naman ang paghugot nito ng isang malalim na hininga at mas sumeryoso ang titig nito sa akin. "Anong nalalaman mo tungkol sa nangyayari sa realm na ito, Treyton Duke? Tell me, anong alam mo?"
"Captain Mary's body," sagot nito na siyang ikinatigil naming lahat. Napatingin ako sa Tyrants at naramdaman bigla ang malakas na tensiyon sa kanilang tatlo. "That was the reason why they already gave up having that Seer on their side. Alam na nila kung nasaan ang katawan ni Captain Mary."
Oh my God!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top