Chapter 36: Captain
"Keep them alive? Sabihin mo nga sa akin, Scarlette. Ano ang dahilan kung bakit hindi pa natin hahatulan ang mga rebeldeng ito?" mariing tanong ni Atlas sa akin noong makalayo kami sa puwesto nila Alessia at ng mga bihag na miyembro ng Triad.
Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at matamang tiningnan ito. "Because we need them to find the one who can dispel the dark magic used against the Head Seer," seryosong sagot ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Maraming Triad members ang nakatakas ngayon. Possibleng isa na roon ang dark magic user na hinahanap namin."
"Kung isang dark magic user lang din naman ang hinahanap niyo, we have Tanner. He's a high rank dark magic user. Paniguradong makakatulong ito sa kung anong kailangan niyong gawin sa Oracle."
"Ang kailangan namin ngayon ay ang gumawa ng dark spell na ginamit sa Head Seer, Atlas. Tanner can't dispel it. Kahit gaano pa ito kalakas, wala itong maitutulong sa amin!" Hindi nagsalita si Atlas at napabuntonghininga na lamang. Umiling ito at binalingang muli sila Alessia na abala sa pagbabantay sa bihag namin. "Kapag mahanap na natin ang dark magic user na iyon, bahala na kayo sa gagawin sa kanila. Basta huwag lang muna ngayon, Atlas. We still need them."
"They're the rebels-"
"I know that. Kaya nga nakikiusap ako sa'yo ngayon. Kahit ngayon lang, Atlas... pagbigyan mo na ako."
"Pinagbigyan na kita noong isang araw, Scarlette. Ginawa kang bihag at sinaktan ng dalawang miyembro ng Triad. Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon," malamig na turan nito na siyang ikinangiwi ko na lamang. Paano ko ba kukumbinsehin ang isang ito? Mukhang sarado na ang utak ni Atlas tungkol sa bagay na ito. Galit na galit ito sa miyembro ng Triad. At kung idadagdag ko pa ang nangyayari ngayon sa lugar na pinanggalingan namin, bilang leader ng Phoenix Knight, may karapatan talaga itong hatulan na agad ang limang miyembro ng Triad na nahuli nila!
"Atlas-"
"Scarlette, that's enough." Halos sabay kaming napatingin kay Eldred noong magsalita ito. Nakasandal ito sa isang puno 'di kalayuan sa puwesto namin ni Atlas. Umayos ito nang pagkakatayo at nagsimula nang maglakad papalapit sa amin. "Let the Phoenix Knight do his job. Tayo na lang ang maghahanap sa dark magic user na kailangan natin."
"But-"
"Hindi aalis sa realm na ito ang Triad. Maghahanap lang sila ng ibang lugar na maaaring gawing bagong headquarter nila. Just give up those Triad members they captured."
"Eldred, alam mong hindi ko puwedeng gawin iyon," matamang sambit ko rito at binalingang muli si Atlas. "I'm sorry pero hindi ko hahayaang gawin mo iyon sa kanila."
Hindi nagsalita si Atlas at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Mayamaya lang ay kumilos ito at nagsimula nang maglakad pabalik sa puwesto nila Alessia. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sinundan ito. Bago ko pa man ito mapigilan, mabilis na itinutok ni Atlas ang hawak na espada sa isa sa limang bihag at noong akmang tatawagin ko na sana ito, agad niyang ikinumpas ang espada at segundo lang, unti-unting bumagsak ang katawan ng lalaki sa lupa.
Natigilan ako sa pagkilos samantalang gulat na napatingin sila Alessia sa kanya. Mayamaya pa'y kumilos na rin sila Owen at pumuwesto sa tabi ni Treyton. Ganoon din ang ginawa ni Alessia at tahimik na pinagmasdan si Atlas na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang miyembro ng Triad na inatake niya.
"What the hell are you doing, Phoenix Knight?" malamig na tanong ni Jaycee sa kanya. "Hindi na nila kayang lumaban pa. Sumuko na sila kaya naman bakit kailangang gawin mo pa ito?"
"Jaycee, check him. If he's still alive, heal his wound," mabilis na utos naman ni Alessia kay Jaycee habang hindi pa rin inaalis kay Atlas ang paningin. Sumunod naman si Jaycee sa inutos nito at tiningnan ang kalagayan ng lalaking sinaktan ni Atlas.
"He's alive," imporma ni Jaycee na siyang ikinatango na lamang ni Alessia.
"Kahit kailan talaga ay hindi tayo magkakasundo, Phoenix Knight. Masyado kayong agresibo, dahas ang palaging solusiyon sa lahat ng bagay. Can't you see? They can't fight anymore. Kahit na iwan pa natin sila rito sa gubat, hindi na sila makakatakas pa. We got them under control. No need for your bloody shits!"
"Ginagawa ko lang ang kung anong tama," ani Atlas at binalingan ako. Napalunok na lamang ako at tahimik na pinagmasdan ang bawat galaw nito. "If you want to protect your home, your family, you need to defeat your enemy. This is war, Scarlette. Walang puwang ang awa sa sitwasyong ito."
"Paano kung ang sarili ko ang kaaway ko?" malamig na tanong ko at nagawang humakbang muli. Hindi nagsalita si Atlas at hinayaan lang akong tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya. "Kailangan ko bang kalabanin ang sarili ko para lang maprotektahan ang tahanan at pamilya ko?" dagdag ko pa at mabilis na umiling sa kanya. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at binalingan ni Alessia. "I can't trust him right now. Maaari ko ba kayong hingan muli ng isang pabor."
"Scarlette-"
"Shut it, Atlas!" sigaw ko at tiningnan itong muli. "Hindi ko alam kung anong problema mo pero manipis na rin ang pasensiya ko sa'yo! I'm just being kind here because you are Scarlette's friend! Pero dahil sa ginawa mo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo!" Hindi nagsalita si Atlas at matamang nakatingin lamang sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip nito ngayon. Damn it! I slipped! Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil sa ginawa niya! "Alessia," sambit ko sa pangalan niya at binalingan muli ang kaibigan. "Can you escort them? Mukhang mas magiging ligtas pa ang mga ito kung ibibigay natin sila sa Evraren Knights."
"Alright," simpleng sambit nito at tiningnan muli si Atlas. "Kami na ang sasama sa inyong hanapin ang dark magic user na kailangan niyo sa Oracle. No need to invite unwanted knights."
"Alessia," mariing sambit kong muli sa pangalan niya na siyang ikinailing na lamang ito. "That's enough. Please."
"Right... Captain," dagdag pa nito at binalingan sila Owen at Jaycee. "Let's go," yaya niya sa dalawa na siyang tahimik na sinunod nila. Pinatayo na ni Owen ang mga bihag samantalang inaalalayan ni Jaycee iyong isang ginamot niya.
Tahimik ko silang pinagmasdan at noong bumaling sa puwesto ko si Treyton, namataan ko ang pagtataka sa mga mata nito.
"Captain," mahinang usal niya na siyang ikinatigil ko. "You're-"
"Go," sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "Don't do something stupid. You need to stay alive in this realm until I came back. Naiintindihan mo ba?"
Hindi na muling nagsalita si Treyton at kumilos na lamang noong nagsalitang muli si Alessia. Napalunok ako at hindi inalis ang paningin sa palayong mga bulto nila. At noong nawala na sila sa paningin ko, mabilis kong hinarap muli si Atlas at masamang tiningnan ito.
"She called you captain. Anong ibig sabihin no'n, Scarlette?" mariing tanong niya na siyang ikinailing ko na lamang.
"I told you before, hindi lang si Scarlette ang may-ari ng katawang ito," malamig na sagot ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Kaibigan ka niya kaya naman ni-re-respeto kita. Pero kung gagawin mo ulit iyong ginawa mo kanina, I'm sorry pero gagawin ko ang lahat para pigilan ka. Masyado nang magulo ang realm na ito, Atlas. Violence can't solve anything here. Iyon na nga ang ginagawa ng kasalukuyan hari, sana naman ay hindi na dumagdag pa ang isang Phoenix Knight na kagaya mo. At isa pa, alam kong hindi ito ang nais na gawin ng Grand Master ninyo. They sent you here to help, not to complicate things! Kaya naman sana'y huwag mo nang uulitin iyon."
"I can't promise you that," aniya habang matamang nakatitig pa rin sa akin. Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "Kung totoo nga ang sinabi mo kanina.... Na may ibang nagmamay-ari sa katawan ni Scarlette, then... who are you? Paniguradong hindi ikaw ang kaibigan ko."
Natigilan ako sa naging tanong ni Atlas. Napakuyom ako ng kamao at wala sa sariling napatingin kay Eldred na kanina pa tahimik na nakamasid lang sa amin. Hindi ako nakapagsalita at noong humakbang ng isang beses si Atlas papalapit sa akin, kumilos na rin si Eldred at tumabi sa kinatatayuan ko.
"Who are you?" muling tanong ni Atlas sa akin.
"Hindi mo na kailangan pang malaman, Atlas. Temporary lang din naman ang pananatili ko sa mundo ninyo. Pagkatapos ng misyon ko, aalis na rin ako sa katawan ni Scarlette."
"Scarlette... where is she now?"
Inangat ko ang kamay at inilapat iyon sa may ng dibdib ko. "She's in here," sambit ko umayos nang pagkakatayo. "Hindi ito kayang makipaglaban ngayon kaya naman ay nandito ako. I'm here for her. I'm here to save her."
"I don't understand... Paanong nangyari ito? Paanong-"
"She almost died last time," ani Eldred na siyang ikinatigil ni Atlas. "Noong inatake ito at nabaril, muntik na itong mamatay. Kung hindi siya pumasok sa katawan ni Scarlette, paniguradong hindi mo na ito makikitang nakatayo ngayon sa harapan mo. She's saving her. Lahat ng hindi kayang gawin noon ni Scarlette, she's doing it. No need to question her. Kung nais mong makita at makasama muli ang totoong Scarlette, suportahan mo na lamang ito, Phoenix Knight. Dahil iyon din naman ang nais ko, ang nais nating lahat... ang makabalik nang tuluyan si Scarlette sa katawan niya."
"May iba pang nakakaalam nito?" tanong muli ni Atlas na siyang palihim na ikinairap ko. Hindi talaga ito titigil!
"Isobelle and her friend... Enzo," sagot ko at umayos nang pagkakatayo. He's curious, okay. Alam ko rin ang naging relasiyon ng dalawa bago pa man umalis dito sa Evraren si Atlas at sumali sa Phoenix Knights. They were close. Nag-aalala lang ito kaya naman ay sandamakmak ang tanong nito sa akin. But he needs to stop! May tamang panahon para sagutin ko ang lahat ng katanungan nito sa akin. Definitely not now! We still have a mission to accomplish!
Hindi na muling nagsalita si Atlas. Nanatili itong tahimik sa kinatatayuan niya hanggang sa bumalik na sila Alessia at dalawa pang miyembro ng Tyrants.
"Mukhang kalmado ka na, Phoenix Knight," ani Alessia at tumayo na sa tabi ko. "Anong ginawa mo? Paano mo napakalma ang isang iyan?" bulong nito sa akin. Napailing na lamang ako sa naging tanong ni Alessia at hindi na nag-abala pang sagutin ito. Umayos na lamang ako nang pagkakatayo at inihakbang ang mga paa ng dalawang beses. Kinagat ko namang muli ang pang-ibabang labi at hinarap ang mga kasama.
"Nasa panganib ngayon ang buong Oracle," imporma ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Kailangan ng Head Seer nang tulong natin. They casted a dark spell on her and the only way to cure her is to dispel it."
"Kaya hinahanap niyo ang dark magic user ng Triad," ani Tanner na siyang ikinatango ko. "Nakita mo na ba ang kalagayan ng Head Seer? Baka naman kayang mawala ito ng simpleng healing magic lang."
"You're a dark magic user too, Tanner. Alam mong hindi pare-pareho ang epekto nito sa katawan ng tao. Sa sitwasyon ng Head Seer, ang mismong gumawa ng spell ang kayang magpawalang bisa rito." I sighed and looked at the Tyrants. "Of course, Captain Mary can dispel it too."
"Paanong napasok sa usapang ito si Captain Mary?" takang tanong naman ni Tanner sa akin.
"Because our captain can dispel any kind of spells, Tanner," ani Jaycee at nagtaas ng isang kilay dito. "Hindi ba obvious iyon?"
"Kung ganoon, hindi ba dapat siya ang nandito?" It was Atlas again. "Bakit kailangan pahirapan pa natin ang mga sarili natin? Kung kaya naman pala ni Captain Mary, bakit kailangang maghabol pa tayo sa isang rebelde?"
"Captain Mary is not here," ani Alessia na siyang ikinatigil ko. Gulat ko itong tiningnan at pinagmasdan ito nang mabuti. "Kung nandito lang ito ngayon, hindi na kami mag-aaksaya ng panahon para tulungan si Scarlette."
"Bakit? Nasaan ba ang captain ng Tyrants?" takang tanong muli ni Tanner na siyang ikinatigil naman ni Alessia. "She's missing?" Napangiwi ako sa naging tanong nito. We can't tell them about Captain Mary's body. Isa ito sa sekreto ng Northend na kahit ang isang Phoenix Knights na kagaya nila ay hindi malaman.
"Tell us Tyrants. Nasaan ang captain ninyo?" matamang tanong ni Atlas na siyang ikinailing ko na lamang.
Mas nagiging komplikado na ang lahat. Ngayong alam na ni Atlas ang tungkol sa kondisiyon ko, natitiyak kong hindi na ito titigil kakatanong. We can't keep a secret now. Paniguradong babantayan din nito ang bawat galaw namin ngayon!
We need to do something and make him stop doubting us.
"I'm here," turan ko na siyang ikinatigil ng lahat. Halos sabay-sabay silang napabaling sa kinatatayuan ko, gulat at hindi agad nakapagsalita. Namataan ko ang pagtaas ng isang kilay ni Alessia samantalang umiling lang sila Owen at Jaycee sa akin. I'm sorry guys, I need to do this. Kailangan nang tumigil itong si Atlas! "If you're looking for their captain, the captain of Tyrants, I'm here... and I'm sharing this body with Scarlette."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top