Chapter 35: Alive

Kagaya nang nais kong mangyari, inilayo namin ang bata sa sentro ng nayon.

Kaliwa't kanang sigawan at pagsabog ang namayani sa paligid na siyang lalong nagpaiyak sa batang babaeng tinulungan namin. Sa parte ng gubat kung saan kami nagtago kanina ni Eldred, doon kami nagtungo at noong tuluyan na kaming nakarating sa parte na iyon, naabutan namin ang iilang taga-nayon, takot at kagaya ng batang kasama namin, umiiyak. Nagkatinginan kami ni Eldred at mabilis na ibinigay sa kanila ang batang babaeng hawak-hawak ko.

"Please, help our village," sambit ng isang matandang babae sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at tahimik na pinagmasdan ito. "Hindi namin kagustuhang maipit sa gulo nila. Ang Triad... minsan na nila kaming niligtas kaya naman ay malaki ang utang na loob namin sa kanila."

"Gusto lang namin mamuhay nang payapa sa nayong ito," sambit pa ng isang babae na ngayon ay yakap-yakap ang batang iniligtas namin kanina. "Hindi namin gustong masali sa kung anong alitan nila at ng hari ng realm na ito."

"Isa kang Seer, hindi ba?" tanong pa ng matanda at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Our ancestors were once a loyal follower of your kind. Pakiusap, kahit sa pagkakataong ito lamang, iligtas niyo ang tahanan namin," dagdag pa nito at bumaling kay Eldred. "Iligtas niyo kami."

"Scarlette, let's go," yaya ni Eldred sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. Hindi na ako nagsalita pa at maingat na inalis ang kamay ng matanda sa akin. Bahagya akong yumukod sa kanya at mabilis na tinalikuran ito.

Nagsimula na kaming maglakad muli ni Eldred at bumalik sa nasusunog na nayon.

My heart is aching for this village. Sirang-sira na ito ngayon! Damn it!

"This place is beyond saving. Halos matupok na lahat ng bahay na narito!" turan ni Eldred na siyang ikinailing ko na lamang. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may iilang Evraren Knight kaming nakaharap. Natigilan kaming dalawa sa pagkilos at matamang tiningnan ang mga Evraren.

"Anong ginagawa ninyo sa lugar na ito?" Natigilan ako sa narinig na pamilyar na boses. Nasa may likuran ito ng iilang kawal kaya naman ay hindi ko pa ito nakikita. Ngunit kahit hindi ko pa ito naaaninag nang maayos, kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. It was Scarlette's father! Willmark, the king's royal knight! "Answer me, Scarlette," sambit niyang muli at sa pagkakataong ito, namataan ko na ang ama ni Scarlette. He was fully equipped! Mula sa suot na body armor, hanggang sa mga sandatang dala! Talagang pinaghandaan nila ang pagsalakay sa lugar na ito!

"Bakit niyo sinalakay ang nayon na ito?" malamig na tanong ko na siyang ikinatigil ng ama. "Alam ninyong hindi lang Triad ang naninirahan sa lugar na ito! May iba pang residente rito! Bakit kailangan niyo pang sirain at sunugin ang tahanan ng mga naninirahan sa lugar na ito?"

"That was the king's order," malamig na sagot ng ama na siyang mapait na ikinatawa ko sa harapan niya.

"Your king's order... kasama rin ba sa utos niya ang sirain ang kinabukasan ng mga taong nais lang mamuhay nang payapa sa nayon na ito? Dahil kung oo, dapat lang talagang mapatalsik siya sa trono niya!"

"Scarlette!"

"What?" sigaw ko at masamang tiningnan ang ama. "Ano? Magbubulag-bulagan na naman ba tayo rito, huh, ama?"

"Scarlette," mahinang suway ni Eldred sa akin. "Your emotion. Control it and don't let it overpower you."

Napailing ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. It's not my emotion, okay. It was Scarlette! Ramdam na ramdam ko na naman ang poot nito sa sariling ama! Napabuntonghininga ako at masama pa rin ang tingin ko sa ama ni Scarlette. At noong makarinig kami ng isang malakas na sigaw, naging alerto kaming lahat.

"Seize them all!" utos ng ama sa ibang Evraren Knights. "Lahat ng miyembro ng Triad, huliin niyo sila at kung magmamatigas pa, kill them."

What? Kill them? Really? Is that also part of the king's order?

Gaano na ba ito katakot na makuha ng Triad ang trono niya? Talagang ipapapatay niya ang kung sino mang lumaban sa kanya!

Napailing na lamang ako at yumuko. Namataan ko ang isang espada 'di kalayuan sa kinatatayuan ko kaya naman ay maingat ko itong dinampot at muling tinignan ang ama. "Gawin ninyo ang dapat niyong gawin sa lugar na ito. I will not stop you. But... if you mess with my mission, hindi rin ako magdadalawang isip na lumaban sa inyo."

"Mission?" tanong ng ama ni Scarlette at takang tiningnan ako. "Anong pinagsasabi mo, Scarlette? Anong misyon iyang tinutukoy mo?"

Hindi ako kumibo at nanatili ang masamang titig dito. Wala akong planong sabihin sa kanya ang mga plano ko. She once betrayed Scarlette. Hindi ko na hahayaang gawin niya iyon sa pangalawang pagkakataon.

"We're here for a particular Triad member," ani Eldred at pumagitna na sa aming dalawa. Natigilan ako sa ginawa nito at mabilis na tiningnan ito. What the hell is he doing? Bakit niya sinasabi ang mga ito sa ama ni Scarlette? "You're capturing them, right?"

"Eldred, what the hell? Don't fvcking tell him."

"This is our only chance now, Scarlette. Huwag na tayong makipag-matigasan pa sa ama mo," sambit nito at binalingan ako. Napansin ko ang kakaibang titig nito sa akin kaya naman ay napabuntonghininga na lamang ako. Alam ni Eldred na mahihirapan kaming hanapin ang pakay namin sa lugar na ito. And for him to use my father's authority, it was really a nice move. But... I have a bad feeling about this. Hindi basta-bastang Triad member lang ang hinahanap namin. That member can use dark magic. Mahihirapan din marahil ang kahit sinong Evraren Knight na kaharapin ito.

"We need him alive," muling sambit ni Eldred.

Hindi nagsalita ang ama ni Scarlette at binalingan lamang ako. "Totoo ba ang tinuran nitong kasama mo, Scarlette? Sa anong dahilan? Bakit kailangan niyo ang Triad na iyon?"

"The Head Seer," wikang muli ni Eldred at siya na mismo ang kumausap sa ama. "We need that Triad member to help the Head Seer."

"May nangyaring masama kay Matilda?" gulat na tanong nito at mabilis na inihakbang ang mga paa palapit sa kinatatayuan ko. "Tell me, Scarlette, what happened to her?"

"I won't tell you." Pagmamatigas ko pa rin sa ama. No. Wala siyang makukuhang impormasyon sa akin. Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at natigilan na lamang noong may nakitang mga imahe sa isipan. Napakurap ako at umayos nang pagkakatayo sa puwesto ko.

A precognition... no. Hindi ito isang precognition. Base sa mga imaheng nakikita, nasa nayon ito ngayon. It's happening right now! The eastern part of the village! Nandoon sila!

"What is it, Scarlette?" mahinang tanong ni Eldred na siyang ikinakurap kong muli. "Anong-"

"Let's go." Hindi ko na pinatapos ang dapat na itatanong nito sa akin at mabilis na inihakbang ang mga paa. Walang ingay namang sumunod si Eldred ngunit hindi pa kami tuluyang nakakalayo ay muling nagsalita ang ama ni Scarlette.

"I'm doing this for your own safety, Scarlette," anito na siyang ikinairap ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Own safety? No. Wala itong ginawa para sa pamilya niya. It was always about him. Nothing more, nothing less.

Nagkalat na ang Evraren Knight sa buong nayon. May ilan akong namataang miyembro ng Triad at ngayon ay nakagapos na. Mukhang sumuko na ang mga ito at hindi na nanlaban pa sa mga kawal ng palasyo. Nagpatuloy ako sa paghakbang ng mga paa hanggang sa may nakita akong daan palabas ng nayon.

"Anong nakita mo kanina, Scarlette?" tanong ni Eldred at tinabihan ako.

"I saw them leaving. Mga miyembro ng Triad at kasama nila ang asawa ko," sagot ko at itinuon ang paningin sa dinaraanan "Lima silang lahat. At kung hindi ako nagkakamali, I saw someone with dark aura. Siya ang kailangan natin para mailigtas ang Head Seer."

"Alright. Let's run faster. Baka makalayo pa ang mga iyon," mariing sambit ni Eldred na siyang ikinatango ko na lamang.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa kanlurang parte ng nayon, wala sa sarili akong napahawak sa kanang mata ko. Napakunot ang noo ko noong makaramdam ako ng kakaibang init mula rito. Mayamaya lang ay nawala rin naman ito kaya naman ay hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaramdam ako ng iilang presensiya 'di kalayuan sa puwesto namin ni Eldred. Segundo lang ay tumigil kami sa pagtakbo at agad na nagtago sa isa sa malaking puno sa tabi namin.

"Hindi na nila tayo mahahabol dito," wika ng isa na siyang ikinataas ng isang kilay. I recognize that voice! Siya ang kasama ni Treyton sa palasyo! Iyong isa sa miyembro ng Triad na pinatakas ko!

"Damn those Evraren Knights! Ang buong akala ko pa naman ay hindi na sila muling tatapak sa nayon na ito!" sambit ng isa nilang kasama. Napakuyom na lamang ako ng mga kamao ko. "Ngayong wala pa talaga sila Romero!"

Romero? Iyon ba ang pangalan ng lider nila?

"Come on, let's keep moving. Hindi natin alam kung hanggang saan ang gagawing paghahanap ng Evraren Knights sa atin. Baka maabutan pa nila tayo rito." It was Treyton Duke's voice! He's really here!

"Hindi na pupunta sa bahagi ng gubat na ito ang mga royal knight na iyon, Huntley," sambit ng isa kaya naman ay sumilip na ako sa puwesto nila. Ganoon din ang ginawa ni Eldred at tahimik na pinagmasdan ang limang miyembro ng Triad na nag-uusap-usap. "Ligtas na tayo rito."

"Talaga?" Napaawang ang labi ko noong marinig ang boses ni Tanner. Agad kaming napaayos ni Eldred nang pagkakatayo at tiningnan ang bagong dating. Damn, they're here! Atlas and Tanner! The Phoenix Knights!

"Phoenix Knight," turan ng isa at masamang tiningnan sila Atlas.

"Nagkita ulit tayo... Triad," malamig na wika naman ni Atlas at binalingan si Treyton. Damn it!

Akmang aalis na sana ako sa kinatatayuan ko noong mabilis akong pinigilan ni Eldred. Napabaling ako sa puwesto niya at natigilan na lamang noong makita ang seryosong ekspresiyon nito sa mukha. "Tanner is a dark magic user, right?" mahinang tanong nito na siyang ikinatango ko na lamang. "Hindi ka maaaring lumapit sa kanila," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Kapag maglaban si Tanner at ang dark user ng Triad, maaaring makuha mo ang kapangyarihan nila. Hindi iyong magiging maganda para sa'yo, sa katawan ni Scarlette."

What?

"Puwede ko namang hindi makuha o matutunan ang kapangyarihan nila," halos walang tinig na sambit ko sa katabi. Namataan ko ang pag-iling nito habang nakatingin pa rin sa puwesto ng mga miyembro Triad at ng dalawang Phoenix Knight.

"Your Eve's Eye is active right now, Rhianna Dione. Alam kong naramdaman mo ito kanina. We can't risk it. You can copy and have any magic in this world but not this one. Dark magic is not a good match with your eye."

"So anong gagawin natin dito? Papanuorin lang sila? No, Eldred. Maliban sa dark user na kailangan natin, kailangan ko ring makausap ang asawa ko. Hindi ako magtatago rito at maghintay na lamang!"

"Rhianna-"

"You got a new friend now, Rhianna Dione." Sabay kaming napatingin ni Eldred sa likuran namin noong may nagsalita. Napaawang ang labi ko noong mamataan si Alessia, kasama si Owen at Jaycee! Nandito na rin ang Tyrants! "So, anong ginagawa niyo rito at bakit nagtatago kayo-" Hindi na natapos ni Alessia ang dapat na sasabihin noong makita ang nangyayari sa may unahan namin. "The cold and short-tempered Phoenix Knight is here too. Let me guess, pinapunta niyo rin sila?"

"We need more knights here," ani Eldred na siyang ikinataas ng kilay ni Alessia.

"Well, sa itsura ng dalawang Phoenix Knight na naroon, natitiyak kong kaya na nila ang mga miyembro ng Triad na iyan. Let's just wait here and let them finish the job," ani Owen at sumandal sa isa sa punong malapit sa puwesto niya. "This will be fun."

Napailing ako at muling tumingin sa puwesto nila Treyton at Atlas. "My husband is one of them. Baka pati ito ay masaktan nila Atlas."

"If he's a member of the Triad, then for sure, masasaktan ito," ani Alessia na siyang ikinabaling ko sa puwesto. "Unless magpakita ka at pigilan ang galit na galit na Phoenix Knight na kaibigan ng may-ari ng katawang gamit mo ngayon."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling bumaling sa puwesto nila Treyton Duke. Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Atlas. He's the leader of the Phoenix Knight. Kumpara sa kanya, lamang na lamang itong si Atlas. Maaaring ikamatay nito kung pipilitin niyang makipaglaban sa kanya!

"I need to stop them," wika ko at mabilis na umalis sa puwesto ko.

Hindi na ako napigilan pa ni Eldred. Huli na noong mahawakan nito ang braso ko. Namataan ko ang halos sabay-sabay na pagbaling nila Atlas sa akin at noong magtagpo ang paningin naming dalawa, agad na nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha.

"Scarlette," anito sa pangalan ko.

"Don't hu... kill them," sambit ko at naramdaman ko ang presensiya nila Eldred at ng Tyrants sa likuran ko. "We need them alive. Kailangan ko rin ang dark magic user na kasama nila."

"Dark magic user?" takang tanong ni Tanner at noong kumilos ang isa sa kasama nila Treyton, naging alerto ang mga kasama ko. Kumilos na rin sila Atlas at pinigilan ang lalaking nagtangkang tumakas sa kanila. "You mean this one?" tanong muli ni Tanner sa akin at inilagay ang isang kamay sa ulo ng lalaki. Segundo lang ay sumigaw ito at pilit na nilalabanan ang kung anong ginagawa ni Tanner sa kanya. "He's a low level-dark magic user, Scarlette. Sigurado ka bang ito ang kailangan niyo?"

Napatingin ako kay Eldred at maingat na tinanong ito. "Siya ba ang tinutukoy mong makakatulong sa atin?"

"If he's a low-level dark magic user, malamang ay hindi siya ang gumawa ng dark spell na iyon. Maling miyembro ang nasa harapan natin ngayon."

Damn it! We got the wrong guy! Just great! Ilang dark magic user ba ang mayroon sa Triad?

Napailing na lamang ako at wala sa sariling napatingin sa kinatatayuan ng asawa. I sighed.

"Seize them but... don't bring them to my father," wika ko at nagsimula nang maglakad papalapit sa puwesto nila. Mataman kong tiningnan ang limang miyembro ng Triad at napabuntonghininga na lamang. "We need them alive," dagdag ko pa at napako ang paningin sa asawa.

I need him alive.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top