Chapter 34: Burn
Sa lahat ng naging desisyon ko simula noong mapunta ako sa katawan ni Scarlette, ito na yata ang pinakatama sa lahat.
Ang pag-alis ngayon sa Oracle ang pinakamagandang desisyong nagawa ko bilang si Scarlette. Ako ang habol ng mga miyembro ng Triad. Babalik at babalik sila sa lugar na iyon kung mananatili akong nakakulong sa silid ko, nagtatago. They won't stop until they have me. Simula pa lang, si Scarlette talaga ang pakay nila. Kung hindi lang ito nakatakas noon, paniguradong tapos na rin ang hari ng Evraren. Paniguradong ang Triad na ang namumuno sa realm na ito!
"Aabutin tayo ng gabi sa paglalakbay natin sa gubat na ito," ani Eldred noong nagpahinga kami saglit mula sa ilang oras na paglalakad sa isang masukal na gubat. Naupo ako sa isang malaking ugat ng isang puno at humugot ng isang malalim na hininga. "Nasa isang liblib na nayon ang kuta ng Triad. Malayo sa sentro ng Evraren."
Napatango na lamang ako sa tinuran nito at hindi na nagkomento.
Halos lahat ng impormasyong alam ni Scarlette noon ay alam ko na rin. Pinilit kong alamin ang lahat bago kami tumulak sa paglalakbay na ito at kahit na alam kong labag ito sa kanya, wala itong nagawa. Nasa loob ako ng katawan niya. I control her body, her ability to see the past and future, her power. At tama lang talaga ang ginawa ko. This is our battle now. Dapat lang ay may makaalam sa kung anong natuklasan nito noon. Hindi na siya nag-iisang lumalaban ngayon. I'm here now. Gagawin ko ang mga bagay na hindi niya nagawa noon.
Akmang magsasalita na sana ako noong bigla akong natigilan. Wala sa sarili akong napahawak sa may dibdib ko, kung saan naroon ang puso ko, at dinama ang malakas na kabog nito.
"Rhianna Dione... are you alright?" rinig kong tanong ni Eldred na siyang mabilis na ikinaling ko. Napapikit ako at napaawang na lamang ng labi noong halos hindi na ako makahinga. "Rhianna Dione!"
Damn it! What's happening to me?
"You can't save me."
Napamulat ako at mabilis na napahawak sa may tenga ko. That's her! That was Scarlette's voice. What the hell is she doing?
"Just give up and return to your world. No one can save me. Kahit na ikaw pa."
"You... you're my mission," nahihirapang sambit ko at muling ipinikit ang mga mata. Pilit kong hinahabol ang sariling paghinga habang dinadama pa rin ang lakas na kabog ng puso ko sa dibdib. "And I made a promise... ililigtas kita. Sa... kahit anong paraan pa, ibabalik kita sa Oracle."
"Rhianna Dione! What's the hell is happening? Sino ang kausap mo?"
"Just let me go. I... I don't want to become a weapon against my own family. Hayaan mo na akong mawala sa mundong ito." Mariing akong umiling at hindi pinakinggan si Scarlette. No. Hindi ko gagawin ang nais nito. "I'm beyond saving, Rhianna Dione. Just... leave my body and return to your world."
"No!" malakas na sigaw ko at mabilis na natigilan noong naging normal muli ang pagtibok ng puso ko. Unti-unting naging normal din ang paghinga ko kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo sa ugat ng punong kinauupuan ko. "No," mahinang usal kong muli at umiling.
"Rhianna-"
"Scarlette wants me to leave her alone. She wants me out her body," sambit ko at tiningnan si Eldred. "She doesn't want to fight anymore."
Hindi nagsalita si Eldred at napabuntonghininga na lamang sa harapan ko. Umayos ito nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako. "Simula noong namatay ang ina niya, walang ibang ginawa si Scarlette kung hindi ang magplano tungkol sa paghihiganti sa taong nag-utos para tapusin ang buhay nito. She used all her knowledge as a Seer and with her special abilities, mas napadali sa kanya ang lahat. She gathered enough information for her revenge. Hindi man iyon napansin ni Scarlette, pero ako... nasaksihan ko ang lahat na ginawa nito. I saw how her own pain and grave changed her. Nagbago ito dahil sa paghahangad niya nang hustisya sa pagkamatay ng ina. She became someone, that even her, she doesn't recognize at all."
I sighed and tried to calm my own breathing. I know her pain. I acknowledged it. Pero hindi sapat ang lahat ng ito para sumuko na lamang. Malapit nang matapos ang misyong ito. Malapit ko na siyang mailigtas sa sariling magkalugmok! "I was always a fighter, kahit sa mundong pinanggalingan ko. Isang beses lang akong sumuko at hindi lumaban at iyon ang araw noong nahulog ako sa bangin," mahinang turan ko at humugot ng isang malalim na hininga.
"The same day you entered Captain Mary's body," sambit ni Eldred na siyang ikinatango ko naman. "You did great saving Northend, Rhianna Dione. At alam ko ring ganoon din ang gagawin mo rito sa Evraren, sa Oracle. Scarlette was a fighter too, just like you. Pero nabulag ito sa sariling galit niya. Mas nangibabaw ang poot nito sa puso at kinalimutan ang lahat ng mahahalagang bagay sa paligid niya."
"And that's the reason why I'm here, why I entered her body. Kung noong nasa Northend ako, si Captain Mary ang kailangan nila para manalo sa labang kinaharap nila, ngayon naman ay si Scarlette ang kailangan ng realm na ito para matapos ang lahat nang gulo. Gulo sa palasyo ng hari, sa Oracle kung saan naninirahan ang mga Seer na katulad niya, at maging sa Triad. This realm needs her. Hindi ko kayang umalis na lamang sa katawang ito ng hindi ko man lang nagagampanan nang maayos ang misyon ko!"
Hindi na muling nagsalita si Eldred. Tahimik lang kaming dalawa habang kinakalma ako ang sarili. At noong naging maayos na ulit ang pakiramdam ko, nagpatuloy na kami ni Eldred sa paglalakbay. Sa pagkakataong ito, mas binilisan naming ang pagkilos. At kagaya nga nang tinuran nito sa akin kanina, gabi na noong marating naming ang maliit na nayon kung saan namamalagi ngayon ang mga rebelde ng Evraren, ang Triad.
Tahimik naming pinagmamasdan ang paligid. May naaninag na akong munting ilaw mula roon at iilang kuwentahan at tawanan mula sa mga taga-nayon.
"Ang Triad lang ba ang nasa lugar na ito?" mahinang tanong ko at inayos ang pagkakasuot ng itim na jacket sa katawan. Dahil gabi na nga, mas malamig na ngayon ang ihip nang hangin.
"May iilang sibilyang nakatira sa nayon na iyan," sagot ni Eldred na siyang ikinatigil ko. "Triad saved this village. Naghahanap ng mga bagong kawal ang iilang Evraren Knights at napapadpad sila sa maliit na nayon na ito. Walang gustong sumama sa kanila kaya naman ay sapilitan isinama ng Evraren Knights ang ilan sa kanila sa palasyo. It was the king's order, of course. Dahil nga sa kumakalat na mga balitang may mga rebelde na ang realm na ito, naging alerto ang hari at nag-utos na kumuha ng mga kalalakihang maaaring maging kawal niya sa palasyo."
"What? Dapat ay lumaban sila-"
"Walang laban ang isang simpleng mamamayan ng nayon na ito sa isang knight, Rhianna Dione. They were trained individual," wika pa ni Eldred na siyang ikinakagat ko na lamang ng pang-ibabang labi. "At bago pa maabos ang mga kalalakihan sa nayon na ito, dumating ang Triad. They helped them fight against those Evraren Knights, at simula noon, hindi na muling bumalik sa nayon na ito ang mga kawal ng palasyo. The Triad made this small village as their headquarter."
Napabuntonghininga ako at umayos nang pagkakatayo. "Paano tayo papasok sa nayon na iyan? At kung magkagulo man, madadamay ang mga sibilyan."
"Hindi ko masasabing talagang sibilyan pa rin ang mga kasama nila sa nayon na iyan. I saw how they trained them. Tutol ang mga tao rito sa pamamalakad ng kasalukuyang hari. Halos lahat ay umanib na rin sa kanila. Siguro ang mga batang walang kakayahang makipaglaban pa, iyon ang natitiyak kong madadamay kung sakaling magkagulo man."
I sighed again and leaned against the tree trunk. Kapag dumating ang Tyrants at sila Atlas, kikilos na kami. Papasukin namin ang nayon at hahanapin kung sino ang pinuno ng Triad. We will try to cease them, all of them, at kapag nakausap ko na kung sino ang namumuno sa grupong ito, tsaka ko naman hahanapin ang taong gumawa ng dark spell na ginamit sa Head Seer.
Dark spell! Damn, I forgot about it!
"Gumagamit din sila ng dark magic, hindi ba?" seryosong tanong ko na siyang ikinatango ni Eldred. "Walang kakayahan si Scarlette na kalabanin ang isang dark spell user. Mas mabuti talagang hintayin natin ang Tyrants. They can use different types of magic and can fight against dark spell user."
"Did I forgot to tell you that Scarlette can use magics too?" tanong nito sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko. "Maliban sa special ability nito na ilang beses mo na ring nagamit, kaya rin gumamit ng ibang mahika si Scarlette."
"What?" Napaayos muli ako nang tayo. "Anong klaseng mahika ang kayang gamitin nito?" tanong ko pa sa kanya.
"Heard about the Eve's Eye?" tanong muli ni Eldred na siyang ikinatulos ko sa kinatatayuan. "She's Seer, Rhianna Dione. Lahat ng kapangyarihan nito ay nagmumula sa mata niya."
"Eve's Eye," mahinang turan ko. "Hindi ko ito narinig noong nasa Northend pa ako. Tell me, Eldred, anong kayang gawin ng mga mata ni Scarlette?"
Hindi agad nagsalita si Eldred kaya naman ay napalapit na ako sa kanya. Mataman ko itong tiningnan at hinintay ang susunod na sasabihin nito sa akin tungkol sa mata ni Scarlette.
"She can learn magic instantly. Using her eyes, she can possess someone's magic and own it."
What? Can she really do that? Just by looking at someone's magic, she can immediately learn how to use it! Scarlette is really a powerful one! Alam kong makapangyarihan si Captain Mary pero hindi ko rin maitatanggi na kakaiba ang babaeng ito!
Akmang magsasalita na sana akong muli para magtanong tungkol sa Eve's Eye ni Scarlette noong makarinig kami nang sunod-sunod na pagsabog 'di kalayuan sa puwesto namin. Agad akong napatingin muli sa nayon kung saan naroon ang Triad at noong makitang nasusunog ang kanang parte ng nayon, napaawang ang mga labi ko.
"They're under attack," ani Eldred na siyang ikinakuyom ko ng kamao.
"The king's knights. They're here," matamang sambit ko pa. "Let's go, Eldred. Bago pa sila magpatayan, kailangan kong mahanap ang miyembro nilang kayang mag-dispel ng dark magic!"
Mabilis kaming kumilos ni Eldred. Agad kaming nagtungo sa nayon at dahil nga nagkakagulo na ang lahat, hindi na nila naramdaman pa ang presensiya naming dalawa.
"Paniguradong nandito rin ang ama ni Scarlette," rinig kong sambit ni Eldred habang tumatakbo kaming dalawa. Tumango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagtakbo.
May nakasalubong pa kaming dalawang miyembro ng Triad at noong mapagtanto nila kung sino kami, agad silang sumugod sa amin. Hindi na kami nagsayang pa ng oras. Sinalubong namin ang dalawa at mabilis pinatumba ang mga ito. Isang malakas na suntok sa mukha ang ibinigay ko sa kaharap na miyembro ng Triad at sa pangalawang suntok na ibinigay ko sa kanya, nawalan na ito ng malay. Napakunot naman ang noo ko noong mapansin ang kakayahan ng dalawang nakaharap namin. I thought the members of this group were trained to fight. Bakit mabilis lang namin sila napatumba? Ni hindi pa nga kami gumagamit ng kahit anong mahika!
"They're the residents of this village," ani Eldred at binalingan ako. "Don't let your guard down. May mga miyembro ng Triad na mas malakas kumpara sa dalawang ito."
Tumango na lamang ako kay Eldred at umayos na nang pagkakatayo.
Tinangnan ko ang paligid at ang nagkakagulong miyembro ng Triad at Evraren Knights. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng hari at bakit pinag-utos nito ang pagsalakay sa kuta ng Triad. What? Ganti niya ba ito sa ginawang pagsalakay nila sa palasyo? Damn it!
Napailing na lamang ako at akmang hahakbang na sana noong makarinig ng isang iyak ng bata.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa gawing kanan ko. Isang batang babae ang namataan kong umiiyak habang nakaupo sa tapat ng isang pintuan. Nagpalinga-linga ako at noong walang ni isang residente ng nayon ang lumapit para daluhan ito, mabilis kong tinahak ang daan patungo sa kanya.
"Rhianna... damn it, Scarlette! Anong ginagawa mo?" rinig kong tanong ni Eldred sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Dere-deretso akong lumapit sa puwesto ng bata at noong nasa harapan na niya ako ay mabilis akong lumuhod para pantayan ito.
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" magkasunod na tanong ko at maingat namang umiling ang bata sa akin. She's not injured. She's just scared. Hinawakan ko ang kamay nito at tinulungan na ito sa pagtayo. "Let's go. Sumama ka sa amin at dadalhin kita sa isang ligtas na lugar."
"Scarlette, we need to find the man who can dispel the dark magic," sambit ni Eldred sa likuran ko habang nasa bata pa rin ang buong atensiyon. "Kung lalabas pa tayo sa nayon, wala na tayong maaabutan! Maaaring umalis na rin ang ibang miyembro ng Triad sa lugar na ito!"
"We can't leave her here, Eldred!" bulalas ko at hinarap ito. "Nasusunog na ang buong nayon. Sooner, matutupok na ang lahat ng bahay na narito! Hindi natin puwedeng hayaan ang batang ito at masunog na lamang kasama ng nayong naging tahanan niya! She's just a child! Wala itong alam sa nangyayari sa paligid niya!"
"How about your mission? Akala ko ba itutuon mo na ang buong atensiyon mo sa misyong mayroon ka? They're leaving this place, Scarlette. Wala na tayong sapat na oras para ilayo pa ang batang iyan sa lugar na ito!"
"Fvck that mission. Kaya kong gawin iyon pagkatapos nito. Sa ngayon, ililigtas natin ang batang ito, Eldred. And after this, I will surely burn those people who ruined this girl's home! Damn it!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top