Chapter 32: Hostage
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.
Tahimik namang nakatitig sa akin si Eldred at noong makaramdam ako ng prensiya sa labas ng silid, natigilan ako at mabilis na napatingin sa nakasarang pinto.
"May paparating," mahinang turan ko at binalingan si Eldred. "Ano na ang gagawin natin? Kailangang ma-dispel na itong dark magic sa katawan ng Head Seer!"
"Calm down, Rhianna Dione. You're panicking."
"Panicking? Of course I'm panicking. Ilang linggo na ako sa mundong ito! I wasted my time trying to help the Seers and Oracle! Dapat ay itinuon ko na lamang kay Scarlette ang buong atensiyon ko! Dapat ay tapos na rin sana ako sa misyon ko!"
"Parte ng Oracle si Scarlette. Wala kang sinayang na panahon sa lugar na ito," ani Eldred at nilapitan na ako. "Come on. Lumabas na tayo rito at hanapin ang taong may gawa sa dark spell na ginamit nila Leigh kay Matilda."
"No," mariing sambit ko na siyang ikinatigil naman ni Eldred. "Kakausapin ko muna si Miss Leigh." Hindi nagsalita si Eldred at matamang tiningnan niya lang ako. "Isa sa high rank Seer ng Oracle na may alam sa totoong kondisyon ng Head Seer ang sisira sa lugar na ito. Miss Leigh needs to know my precognition. Kung may makakatulong man sa aking pigilan ang Seer na iyon, si Miss Leigh ang dapat kong lapitan. Pareho na sila ni Miss M ng awtoridad sa lugar na ito. Kailangan niyang pigilan ang Seer na sisira sa buong Oracle."
Magsasalita na sana si Eldred noong biglang bumukas ang pinto ng silid. Umayos ako nang pagkakatayo at inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari. Namataan ko ang pagkibit-balikat ni Eldred sa akin at nagsimulang maglakad patungo sa gilid na bahagi ng silid. Right. Hindi pala ito nakikita ng ibang Seer dito sa Oracle! Ako lang ang nakakakita sa presensiya nito!
"Scarlette?" Dahan-dahan akong bumaling sa mga bagong dating at matamang tiningnan ang mga ito. "What the hell are you doing here?" tanong pa nito sa akin.
"I came here to visit the Head Seer. Hindi ko nga lang inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko ito madaratnan," malamig na turan ko at pinagmasdan silang tatlong nakatayo sa may pintuan ng silid. "Anong ginawa niyo sa kanya, Miss Leigh? Bakit naging ganito ang kondisyon niya?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman ang totoong rason nito. I need to know if I can fully trust her. I need to hear her side. Dahil pagkatapos ko rito, dederetso na ako sa Triad at hahanapin ko na kung sino ba talaga ang gumawa ng dark spell na ginamit nila!
"Hindi ka na dapat nagpunta rito, Scarlette," mariing turan niya at mabilis na naglakad palapit sa kinatatayuan ko. Noong nasa harapan ko na ito, agad niya akong hinawakan sa braso ko at pilit na hinila. I stay still, hindi nagpatinag sa puwersahang paghila niya sa akin. Nagmatigas ako sa kanya hanggang sa binitawan niya ang braso ko. "Please, Scarlette. Lumabas ka na sa silid na ito!"
"You used dark spell on her. Alam niyo ba ang kaparusahan sa ginawa niyo?" galit na tanong ko at masamang tiningnan ito. "Akala ko ba nag-aalala ka sa kaligtasan nito? She was your friend before she became the Head Seer of this place! Bakit mo nagawa ito sa kanya?"
"I'm just protecting her and Oracle!"
"Protecting her? Oh come on, Miss Leigh. Sa kalagayan niya ngayon, malayo iyan sa kung anong nais mong gawin para sa kanya! You ruined her! At kung hindi pa ma-di-dispel ang dark magic na iyan, mamamatay ito! Iyon ba ang gusto mong mangyari? Ang matulad ito sa dating Head Seer? Ang matulad ito sa kapatid niya?"
"No... hindi siya mamamatay, Scarlette." Umiling ito sa akin at matamang tiningnan ako. "Someone can dispel that magic."
"Of course, someone can really dispel that dark magic. The one who created and gave the spell to you! And let me guess, ako ang kapalit sa pagpawalang bisa sa spell na iyan, tama ba?"
Namataan kong natigilan si Miss Leigh at gulat na nakatingin sa akin. Napailing ako sa kanya at humakbang ng isang beses palapit sa kanya.
"Wala kang ibang gagawin, Miss Leigh, kung hindi ang bantayan ang katawan ng Head Seer. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong paghihigpit sa silid na ito at siguraduhin mong walang ibang makakalapit sa katawan niya," mariing sambit ko na siyang ikinalunok nito. Hindi ito nagsalita at nanatili ang gulat na ekspresiyon nito sa mukha. "I already saw the future of this place, Miss Leigh. Simula noong nagising akong muli mula noong aksidenteng kinasangkutan ko, alam ko nang mangyayari ito. Someone will burn this place. Ang gusaling ito mismo ang susunugin. Ang gusali kung saan nakatago ang katawan ng Head Seer," dagdag ko pa at tiningnan ang dalawang Seer na kasama nito. "And I hope wala sa inyo rito ang may balak na gawin iyon."
"Hindi mangyayari iyon, Scarlette... Walang-"
"Our precognition is accurate. Alam mo iyan. Mangyayari ito pero... we can still do something to prevent it." Hindi na nagsalitang muli si Miss Leigh kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Aalis ako ngayon sa Oracle. Pupuntahan ko ang taong gumawa ng dark spell na iyan. Ako mismo ang magdadala sa kanya rito sa Oracle."
"Y-you can't do that, Scalette! He's a dangerous man!" bulalas nito na siyang ikinailing ko. Lumayo na ako kay Miss Leigh at palihim na tiningnan ang tahimik na si Eldred. Namataan ko ang pagtayo nito nang maayos at inihanda ang sarili sa pag-alis naming dalawa.
"Dangerous? I've encountered a lot more dangerous man in this world, Miss Leigh. And if he's really a dangerous man, so am I," mariing sambit ko na siyang ikinatigil muli ni Miss Leigh sa harapan ko. "I'm done wasting my time here, Miss Leigh. Kailangan nang matapos ang kaguluhang ito. Kailangan nang maibalik ang kapayapaan sa Oracle."
"You can't leave this place unguard, Scarlette. Mas lalong gugulo ang mundong ito kapag makuha ka nila!"
"No one can have me," matamang sambit ko at umayos na rin sa pagkakatayo. "Stay here with the Head Seer and keep her body safe. Promise me, Miss Leigh. You will keep her body safe."
Hindi agad ito nagsalita ngunit pagkalipas ng ilang segundo, tumango ito sa akin. "I will do that... so please, come back home safe too, Scarlette."
Tumango na lamang din ako kay Miss Leigh at nagsimula nang maglakad palabas ng silid. Ngunit bago pa man ako makarating sa may pintuan, maingat akong tumigil sa paglalakad at tiningnan ang dalawang high rank Seer na ngayon ko lang din nakasalamuha sa loob ng Oracle. Tiningnan ko silang dalawa ang binigyan ng makahulugang mga titig. Hindi sila umimik hanggang sa napagdesisyonan ko nang maglakad muli.
Napabuntonghininga ako noong tuluyan nang makalabas sa silid ng Head Seer. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binalingan ang tahimik na si Eldred sa tabi ko.
"Sa tingin mo, magagawa kayang protektahan ni Miss Leigh ang katawan ng Head Seer?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.I sighed again. Base kasi sa naging precognition ko, nasa labas ito noong nangyari ang sunog!
"Magtiwala ka sa kanya, Rhianna Dione," anito na siyang ikinatango ko na lamang.
Nagsimula na kaming maglakad ni Eldred palayo sa silid ng Head Seer. Tahimik kaming pareho hanggang sa makarating kami sa main door ng gusali kung saan ako pumasok kanina. Taka kong pinagmasdan ang dalawang bagong Evraren Knight na naroon at palihim na hinanap ang presensiya ni Isobelle at noong isang high rank Seer na tumulong sa amin kanina. Where are they? Nasaan na rin ang dalawang knight na inatake ko kanina?
"Keep walking," ani Eldred sa tabi ko na siyang mabilis na sinunod. Hindi ko na binigyan pansin pa ang mga bagong bantay ng gusali hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa kanila. "Maghanda ka na, Rhianna Dione. Change your clothes and get your weapons. Sa labas ako ng Oracle maghihintay sa'yo," sambit nito na siyang ikinatigil ko.
"I think we need their help," saad ko na siyang ikinatigil din ni Eldred. "The Tyrants and Atlas... the Phoenix Knights. Kuta ng kalaban ang pupuntahan natin kaya naman ay dapat lang na kasama natin sila. They can fight better than me. Matutulungan tayo nila."
"Bumalik sa Northend ang Tyrants na kaibigan mo samantalang nasa palasyo naman ang mga miyembro ng Phoenix Knights. Matatagalan tayo kung hihintayin pa natin sila."
"You can send them a message, right?" tanong ko na siyang ikinakunot ng noo nito sa harapan. "Send them a message. Give them our exact coordinates. Kahit sumunod na lang sila sa atin." Hindi nagsalita si Eldred at matamang tiningnan lang ako. "Please. I need them. Kailangan ko ang presensiya nila sa labang ito."
"Fine," wika ni Eldred na siyang ikinatango ko na lamang. Mabilis akong nagpaalam sa kanya at tinakbo na ang daan patungo sa gusali kung saan naroon ang silid ni Scarlette.
Malalaki ang hakbang na ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa pinto ng silid ni Scarlette. Mabilis kong hinawakan ang door handle nito at bahagyang natigilan noong makaramdam ng presensiya sa loob ng silid. At noong binuksan ko na ito, mabilis akong natigilan.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at matamang tiningnan ang kapatid. Umiiyak ito ngayon habang may isang lalaking nasa likuran niya. Napatingin ako sa may leeg nito at napamura na lamang sa isipan noong makita ang nakalapat na patalim doon.
Intruder! Damn it!
"Close the door, Scarlette," utos nito sa akin at ngumisi. Hindi pa rin ako kumibo sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lamang ito. He's part of the Triad. Sa itsura pa lang nito, alam ko na miyembro ito ng grupong iyon. What the hell is he doing here? At talaga si Isobelle pa ang ginawang hostage nito! The nerve! "Kung ayaw mong mapahamak itong kapatid mo, sundin mo na ang inutos ko. Close the fvcking door, Seer."
Napalunok ako at maingat na kumilos. Isinara ko ang pinto sa likuran kagaya nang nais niya at noong humarap akong muli sa kanila, namataan ko ang pagngisi muli nito sa akin.
"Let her go," I calmly said as I watched them intently. I need to do something here. Kailangan makalabas ng silid na ito si Isobelle. She can't fight. She need to get the hell out of here! "Ako lang naman ang kailagan mo, hindi ba? Bitawan mo na ang kapatid ko at ako ang gawin mong hostage."
"You're brave, just like they told me," anito at mabilis na itinulak si Isobelle patungo sa akin. Mabilis naman akong kumilos at hinawakan ang kapatid. Agad ko itong hinila patungo sa likuran ko at masamang tiningnan ang lalaking nasa harapan. "Can you fight too? Come on. Show me what you can do, Seer. Bago kita dalhin sa Triad, paglalaruan muna kita."
"Triad?" mahinang bulalas ni Isobelle sa likuran ko. "Paanong nakapasok ang isang ito rito sa Oracle?"
"Don't mind him," wika ko at mabilisang tiningnan ito. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Umiling si Isobelle kaya naman ay bahagya akong napanatag sa kalagayan nito. "Stay here and don't move. Ako na ang bahala sa kanya"
"Pero-"
"Isobelle, please," dagdag ko pa na siyang ikinatango na lamang nito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at muling hinarap ang lalaki. Matamang tiningnan ko ito at pinagmasdan ang bawat galaw nito. Nakatitig lang din ito sa puwesto namin habang pinaglalaruan sa kamay ang hawak na patalim.
Right! Weapon! I need some weapon to fight against this Triad man!
Napalunok ako at palihim na tiningnan ang kabinet ni Scarlette kung saan naroon ang mga patalim nito. Kung magkakaroon ako nang pagkakataong makalayo sa lalaking ito, dapat may makakuha ako ng kahit isang panlaban man lang sa kanya!
"Ang sabi sa amin ay dalhin ka ng buhay sa Triad. Mukhang madali lang naman iyon," anito at muling ngumisi sa harapan ko. "Pero walang sinabi na hindi ka namin puwedeng saktan bago gawing bihag!" bulalas niya at mabilis na sumugod sa kinatatayuan ko.
Agad ko namang tinulak si Isobelle palayo sa akin at buong lakas na sinangga ang atake ng lalaki. Isang suntok pa ang ginawa nito kaya naman ay mabilis ko itong iniwasan. Panibagong atake ang ginawa niya at sa pagkakataong ito ay nakatutok na sa akin ang hawak na patalim. Napangiwi na lamang ako at mabilis na lumayo sa lalaki.
Napaatras ako habang masamang nakatingin sa lalaki. Patuloy itong umaatake sa akin samantalang panay ang iwas ko naman dito. Natigil naman ako sa pagkilos noong bumangga ang katawan ko sa mesa sa pinakadulong parte ng silid ni Scarlette. Napatingin ako sa flower vase na naroon at hindi na nagdalawang-isip pang damputin ito. At saktong nasa ere na ang hawak na vase, iyon naman ang pagkumpas nito ng kamay na may hawak na patalim.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinampas sa kamay nito ang hawak na vase.
Damn! That was close!
Masama kong tiningnan ang lalaki at muling hinampas ang kamay nito. Sa sakit marahil nang paghampas ko, malakas na sumigaw ang lalaki at lumayo sa akin. Hahakbang pa sana ito ng isang beses palayo sa kinatatayuan ko noong bigla itong natigilan at unti-unti natumba sa harapan ko. Napaarko ang isang kilay ko at tiningnan si Isobelle na may hawak na isang vase rin. Hinampas niya ang lalaki sa may ulo kaya naman ngayon ay nawalan ito nang malay.
Muling hahampasin pa sana ito ni Isobelle noong mabilis ko itong pinigilan. "That's enough," mariing turan ko at inagaw na sa kanya ang hawak-hawak na vase. "He's out. Matatagalan pa iyan bago magkamalay muli."
Hindi nagsalita si Isobelle at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay tumakbo ito sa banyo ng silid ni Scarlette at narinig kong sumusuka ito.
Looks like hindi sanay sa ganitong bagay si Isobelle. Malayong-malayo talaga ang agwat at kaibahan nito sa kapatid niya.
I sighed and looked at the man lying on the floor. She hit him hard. Really hard.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top