Chapter 31: Truth

Masama kong tiningnan ang nakasarang pinto kung saan naroon ang Head Seer ng Oracle. Ilang segundo akong nakatitig dito at noong napagpasyahan ko nang buksan ito, maingat kong inilagay ang kamay sa may pinto.

Inaasahan ko na ito.

Dahil sa nangyari sa Head Seer, hindi lang ang pagbabantay sa silid ang gagawin nila. Maging ang mga pinto ng silid ay nilagyan nila ng mahika kaya naman hindi ito basta-bastang mabubuksan ng kahit sino.

But not me, not Scarlette. Mukhang magagamit ko na naman ang ability nitong tumagos sa kahit anong konkretong bagay na ginamitan ng mahika.

Kagaya nang ginawa ko noon sa trangkahan, inilapat ko lamang ang kamay sa nakasarang pinto. Nakaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan mula roon at segundo lang ay naramdaman ko naman ang pagkapaso ng mga palad ko.

"Damn," mahinang bulalas ako at mariing ipinikit ang mga mata. Ininda ko ang pagkapaso ng mga palad at itinuon na lamang ang atensiyon sa ginagawa. At noong tuluyan na akong nakapasok sa silid, mabilis kong iminulat ang mga mata at tiningnan ang mga kamay.

"Ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Eldred sa akin na siyang ikinailing ko. Ipinikita ko ang mga palad ko at napangiwi na lamang noong maramdaman ko ang hapdi mula roon. "Walang healer dito sa Oracle."

"I think I can handle this," sambit ko at mabilis na tiningnan ang kabuuan ng silid. Looks normal to me. Mayamaya lang ay agad namang dumapo ang paningin ko sa higaan ng Head Seer at noong makita ko itong nakahiga roon, malalaking hakbang ang ginawa ko.

Tahimik kong pinagmasdan ang kalagayan ng Head Seer. Normal lang din ang itsura nito. Parang natutulog lang. Kung isang normal na Seer lamang itong si Scarlette, malamang ay wala itong ibang iisiping masamang nangyari sa kapatid ng kanyang ina. But she's different. Ibang-iba ito sa mga Seer na nakasalamuha ko rito sa Oracle. At ngayon ko lang din napagtanto ang agwat ng kakayahan nito sa kanilang lahat. She can see things that a normal Seer can't do, kagaya na lamang nitont nasa harapan ko.

Mukhang marami pa akong dapat na matuklasan tungkol sa babaeng ito!

Napakurap ako at tiningnang mabuti ang itim na kapangyarihang bumabalot ngayon sa kamang kinahihigaan ng Head Seer. Mula sa kinatatayuan ko, ramdam ko ang panganib ng itim na kapangyarihang ginamit sa kanya.

What the hell, Miss Leigh? Paano niya nagawa ito sa Head Seer ng Oracle?

"Tell me, Eldred, may magagawa ba si Scarlette sa kondisyon ng Head Seer ngayon?" mahinang tanong ko noong mapagtantong hindi na puwedeng patagalin pa ang kondisyon nito. Sa lakas ng enerhiyang pumapalibot sa kanya, maaaring ikapahamak niya ito nang tuluyan! We need to dispel this as soon as possible!

"Scarlette's power is her eyes, Rhianna Dione. Wala itong magagawa para matulungan ang Head Seer," ani Eldred na siyang ikinangiwi ko. Damn it! "Pero magagawa mong hanapin ang maaaring makatulong sa kanya. Hindi lang si Captain Mary ang puwedeng makatulong sa kanya, Rhianna Dione. Mayroon pang ibang nilalang sa mundong ito na siyang makakatulong sa problemang ito."

"The one who created the spell, tama ba?" malamig na tanong ko at binalingan si Eldred. "Siya ang gumawa nito kaya naman ay natitiyak kong kaya nitong ipasawalang-bisa ang itim na kapangyarihang ginawa niya."

"That's right," wika nito sa akin at umayos nang pagkakatayo. "At alam ko kung nasaan ito."

"Let me guess," I paused and tried to calm my nerves down. "The Triad."

Tumango si Eldred na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao. "For the past years, some of their members practiced dark magic. Nagpunta pa sila sa Helienne para pag-aralan ang paggamit nito."

Natigilan ako. Realm of the South. Helienne. Iyong realm na gustong sumakop noon sa Northend.

Napabuntonghininga ako at muling napatingin sa Head Seer ng Oracle. Sa mga nangyayari ngayon, may kung anong bumabagabag sa akin. 'Tell me, Eldred. Am I missing something here? Pakiramdam ko kasi, lahat ng desisyong ginawa at gagawin ko sa mundong ito ay mali. I... I wanted to protect them pero...
sila-sila na lang din ang pumapahamak sa kapwa Seer nila." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at binalingan muli si Eldred. "Tama ba itong misyon ko? Tama ba na ang mga Seer at Oracle ang kailangang iligtas ko?"

"You are inside Scarlette's body because of a sole mission, Rhianna Dione. And that's to protect. Wala ng iba pa."

"And the precognition?" tila walang tinig na tanong kong muli sa kanya.

"It was accurate, Rhianna Dione. Mangyayari ang mga nakita mo noon," matamang sambit nito na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang muli. This is exhausting! Hindi ko na alam kug ano ba dapat ang gawin ko! "Ni minsan ba, sinubukan mong alalahanin ang mga nakita mo noon sa precognition mo?" tanong pa nito sa akin na siyang ikinatigil kong muli. "I'm sorry, Rhianna Dione. I'm just here to guide you, not give you details about the mission. I'm just your guardian. You and Scarlette."

Hindi ko inalis kay Eldred ang paningin. Seryoso ito at segundo lang ay nag-iwas ito nang tingin sa akin. Damn! Malakas ang pakiramdam ko na may alam ito na hindi ko pa nalalaman sa mga nangyayari ngayon!

"I still remember what I saw," mahinang turan ko habang hindi pa rin inaalis sa kanya ang mapanuring titig. "Fire. Nasusunog ang buong Oracle. Seers are crying and asking for help. The Head Seer was hurt. They need healers. Iyon ang mga nakita ko."

"Sa uri ng seguridad na mayroon ang lugar na ito ngayon, sa tingin mo ba may kalaban pang makakapasok dito sa Oracle? Alam kong may iilang Northend Knights pa sa labas kaya naman, paanong masusunog ang buong Oracle?" makahulugang tanong niya na siyang ikinatigil ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at mayanaya lang ay bigla akong nanlamig at wala sa sariling napatingin sa higaan ng Head Seer. "Try to remember everything, Rhianna Dione. Balikan mo ang precognition na nakita mo noon."

"Kaya ko bang gawin ang bagay na iyan?"

"Try it," utos nito na siyang ikinabuntonghininga kong muli. Mayamaya lang ay ipinikit ko ang mga mata at pilit na binabalikan ang precogniton na nakita ko na noon.

Lumipas ng ilang minuto ay wala akong nakitang kahit ano. Napakunot ang noo ko at noong wala talagang nangyayari, mabilis akong napailing at muling iminulat ang mga mata. Segundo lang ay napaawang ang mga labi ko at mabilis na inilibot ang paningin sa paligid.

Wala na ako sa silid ng Head Seer! Wala na rin si Eldred sa harapan ko at ngayon ay nasa labas na ako ng Oracle! What the hell?

Isang malakas na pagsabog ang nagpapitlag sa akin kaya naman ay naging alerto ako. Tiningnan ko ang nakasarang trangkahan ng Oracle at walang pag-alinlangang inihakbang ang mga paa. Dere-deretso akong tumakbo hanggang sa kusang tumagos ang katawan ko sa konkretong pader ng Oracle.

Nagkakagulong mga Evraren Knight at Seers ang naabutan ko sa loob ng Oracle. Napabaling naman ako sa gawing kanan ko noong may panibagong pagsabog na naman ang namayani sa paligid. Ikinuyom ko ang mga kamao at tumakbo na sa direksiyon kung saan nanggagaling ang mga pagsabog. At noong nasa tapat na ako ng gusali kung saan naroon ang Head Seer, napaawang ang labi ko.

Fire.

Nababalot na ngayon ng apoy ang gusali kung saan naroon ang chamber ng Head Seer.

This is part of my precognition! It worked!

"Nasa loob pa si Matilda! Ano ba! Bitawan niyo ako!" Napabaling ako sa gawing kaliwa ko at namataan si Miss Leigh. Pinipigilan ito ng iilang Seer habang pilit na nagpupumiglas para makapasok sa nasusunog na gusali sa harapan niya. "Let me go! We need to save her!"

"Nasa loob na sila Enzo, Miss Leigh! Maghintay na lamang tayo rito sa labas! Delikado kung magpupumilit tayong pumasok diyan!"

"Let me go! I need to go and save her!"

Isang pagsabog na naman ang narinig ko at sa pagkakataong ito ay nanggaling ito sa pinakalikod na bahagi ng Oracle. Natigilan sila Miss Leigh at napatingin na rin doon.

"They're here," anito na siyang ikinatigil ko. Napakunot ang noo ko sa tinuran niya habang pinagmamasdan ang ekspresiyon nito sa mukha.

"Sino ang nandito, Miss Leigh?" tanong sa kanya ng katabing Seer.

"Nandito na sila para maningil..."

Maningil? Para saan? Sa dark spell na ibinigay nila sa kanya?

"Go and find Scarlette. Ilayo niyo siya sa Oracle ngayon din! Hindi dapat nila ito makuha! Tell her to leave this place!"

What?

Isang panibagong pagsabog na naman ang napapitlag muli sa akin. Sa lakas nito ay mabilis kong ipinikit ang mga mata at inilagay ang mga kamay sa magkabilang tenga. Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang hininga. At noong iminulat kong muli ang mga mata, nabungaran ko si Eldred sa harapan, seryoso at matamang nakatingin lang sa akin.

"You saw it?" tanong nito habang pilit na ikinakalma ko naman ang sarili. Humugot ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo. Tinanguhan ko si Eldred at mariing ikinuyom ang mga kamao.

"Someone will burn this place. At kung tama lahat ng hinala natin, isa sa mga Seer ang gagawa nito. Hindi si Miss Leigh... may iba pang nais sirain ang lugar na ito."

Sirain... mukhang mali ang salitang ginamit ko. Mas tama yatang sabihin na gusto nilang itago sa lahat ang pagkakamaling ginawa nila sa Head Seer. It was a crime after all. They used a forbidden magic. Hindi ito papalagpasin ng Phoenix Grand Master. Natitiyak kong mapaparusahan ang mga High Rank Seer sa ginawa nila.

"Ano pang nakita mo?" Natigilan akong muli sa naging tanong ni Eldred sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Napatingala na lamang ako at pilit na inaalisa ang mga nakita sa precognition kanina.

"Ako ang magiging kabayaran sa ginawa nila. Someone will come and take me," mahinang sambit ko at napangiwi na lamang. "Hindi ko nakumpirma kung sino ang mga ito pero may ideya na ako."

"Triad," sambit naman ni Eldred na siyang ikinangiwi ko. Sa kahit anong sitwasyon, mukhang sa kanila pa rin talaga ang bagsak ko! "Inaasahan ko nang mangyayari ito. With your knowledge about this realm, ikaw lang ang makakatulong sa kanila para tuluyang mapabagsak ang kasalukuyang hari ng Evraren."

"What do you mean by that? Wala akong masyadong alam sa realm na ito o sa hari!"

"Not you, Rhianna Dione. Scarlette," aniya na siyang ikinatigil kong muli. "Dahil sa galit at sa paghihiganti nito, nag-imbestiga ito, mag-isa. Lahat ng maling gawain ng hari noon ay inalam niya. She knows everything, Rhianna Dione. Alam niya lahat ng impormasyong magpapabagsak nang tuluyan sa kasalukuyang hari ng Evraren."

"Wait a minute," mahinang sambit at takang tiningnan si Eldred. "The day that Scarlette got shot, ang Triad ba ang may gawa no'n? They want her, right? Sila ba ang may kagagawan kung bakit nag-agaw buhay ito noon?"

"Yes, Rhianna Dione," matamang sambit ni Eldred na siyang ikinaawang ng mga labi ko.

I get it now. Lahat ng impormasyong mayroon ako ngayon ay kusang nagtutugma-tugma na.

Si Scarlette talaga ang tunay na may balak na masama sa hari ng Evraren. Sa tulong ng ama nito, nangalap ng impormasyon si Scarlette para makapaghiganti sa nangyaring pagkamatay ng dating Head Seer. Ganoon din naman ang nais ng ama nitong si Willmark noon ngunit nagbago ang pananaw nito tungkol sa plano nilang paghihiganti. Scarlette hated her own father because of that and continue hew own investigation. Kaya ito palaging lumalabas sa Oracle noon kahit na pinagbabawalan na ito ng Head Seer.

Medyo nahirapan pa akong kumbinsehin ang sarili ko tungkol sa bagay na ito. Scarlette can't do that. Ramdam ko ang kabutihan nito ngunit naiintindihan ko ang galit niya. Ngunit kagaya nga nang palagi kong sinasabi, revenge is evil. Oo, nasaktan tayo, nawala ang isa sa mahalagang tao sa buhay natin pero sapat na ba iyon na rason para maging miserable tayo? Para sirain ang kinabukasan natin at ang mga taong nakapalibot sa atin? I don't think so.

I have my own share of mistakes in my past. Nagalit din ako sa mga magulang ko at sa mga taong nakapalibot sa akin ngunit kailanman ay hindi ko hinangad na mapahamak sila para lamang sa pansariling interes. I was mad, but I'm not that evil to think ill of them.

At ito ang hindi alam ni Scarlette.

Wala ring nakaalam sa sakit na naramdaman nito noong nawala ang ina nila. Kahit si Isobelle, walang ideya sa poot na mayroon sa puso ng kapatid niya. Her pain, her suffering. Walang ibang may alam nito kung hindi siya lamang. Idagdag pa rito ang responsibilidad niya bilang susunod na Head Seer ng Oracle!

I froze and stopped for a second. Napakurap ako at biglang nanlamig sa kinatatayuan.

"Kailangan kong iligtas si Scarlette," mahinang turan ko na siyang ikinatigil ni Eldred. Napahugot na lamang ako ng isang malalim hininga at wala sa sariling napatampal sa noo. "She was my mission. Siya at hindi ang ibang Seer dito sa Oracle." Napasinghap na lamang ako at mabilis na napaayos nang pagkakatayo. "The precognition I saw... Head Seer... she will become the Head Seer after Matilda. Siya ang dapat kung iligtas at wala ng iba pa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top