Chapter 3: Seer
Kanina pa ako hindi mapirmi sa kinahihigaan ko.
Muli kasing kumirot ang sugat na natamo ng katawan ni Scarlette kaya naman ay minabuti kong magpahinga na lang muna. Humiga ako at pilit na ipinahinga ang katawang kinalalagyan ngayon ngunit hindi ako mapanatag sa mga nalalaman ko.
"Help," mahinang bulalas ko at maingat na bumangon mula sa pagkakahiga. "I need to help them, the Seers. I need help and save them. Those precognition I saw, alam kong lahat ng iyon ay mangyayari sa hinaharap."
I saw how this place was burned. The Seers were screaming, crying and asking for someone's help. And now, I don't think I can ignore this one. If this is my mission, my only key to return to my own world, then, I need to help them. I need to do something to prevent those things to happen.
Maingat akong tumayo at nagdesisyong lumabas na ng silid ni Scarlette. Tahimik akong naglakad palabas ng silid at pinagmasdan ang pasilyong bumungad sa mga mata ko. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang maingat na nakahawak sa tagiliran ko. Ramdam ko ang kirot mula sa sugat ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. I can endure this. I can survive from this pain.
Huminto muna ako sa paglalakad at mariing napapikit. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Damn, Scarlette! Ano ba kasing ginawa mo sa katawan mo?
Naiiling akong napamulat ng mga mata at nagdesisyong maglakad nang muli. Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad sa tahimik ang pasilyong nilalakaran ngayon. Walang ibang tao akong nakikita o nakakasalubong man lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito hanggang sa makarating ako sa isang palikong pasilyo. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at napabuntong-hininga na lamang muli. Tahimik kong pinagmasdang muli ang pasilyo at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi.
"Gaano ba kahaba ang pasilyong ito?" Naiiling na tanong ko noong hindi ko makita ang exit ng pasilyo. Muli akong humakbang at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
I was silently walking and trying my best to stand straight when I felt something weird behind me. Mabilis akong napatigil sa paghakbang at napatingin sa likuran ko. Hindi ako kumibo at napakunot na lamang ng noo. Wala akong nakita roon ngunit ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdamang naramdaman ko kanina. Nanatili akong nakatayo nang ilang minuto at noong masigurong walang ibang tao sa pasilyong kinaroroonan, muli akong tumingin sa daang dinaraanan kanina.
"Fvck!" Bulalas ko dahil sa gulat.
Napaatras ako ngunit agad din namang natigilan dahil sa naramdamang sakit sa tagiliran. Damn it! Masyadong masama talaga ang tama ng katawang ito! This wound is already killing me! Kung hindi ito pagagalingin ng isang healer, natitiyak kong mas lalala ang kalagayan ng katawan ni Scarlette. At madadamay pa ako nito!
"Scarlette," natigilan ako noong magsalita ang lalaking biglang lumitaw sa harapan ko. Masama kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko at umayos nang pagkakatayo.
"You scared the hell out of me. Damn it!" Mahinang bulalas ko habang naiiling sa harapan nito. Kung hindi lang talaga masama ang kondisyon ng katawang ito, nasipa ko na itong lalaking nasa harapan ko! Bigla na lang itong sumusulpot nang hindi ko man lang napansin!
"You cursed," anito habang matamang nakitingin sa akin. Natigilan ako.
"Obviously," ani ko at inirapan ito. "Kung hindi mo ako ginulat, malamang ay hindi ako nagmura dito." Dagdag ko pa at muling inirapan ito.
"You looked lost. Saan ka pupunta?" Tanong nito habang hindi pa rin inaalis sa akin ang mapanuring mga mata nito.
"None of your business," mariing sambit ko at nagsimula nang humakbang muli. Nilagpasan ko ito at pinagpatuloy ang paglalakad sa kung saan.
Hindi ko na muling narinig ang boses ng lalaki ngunit alam at ramdam ko ang pagsunod nito sa akin. Napailing na lamang ako at hinayaan na lamang ito sa nais niyang gawin.
I need to see Isobelle. Kailangan niya akong dalhin sa Head Seer ng lugar na ito. I need to warn them about my precognition. We can't just ignore this. Mas mabuti nang handa sila sa kung anong mangyayari sa lugar na ito. Kailangan nilang malaman ang mga nakita ko bago pa mahuli ang lahat at tuluyang masira ang Oracle and mapahamak ang mga Seers.
Noong nasa dulo na ako ng pasilyo, natigilan ako sa paghakbang. Napabuntong-hininga na lamang ako at wala sa sariling napailing.
Dead end. Mukhang maling pasilyo ang napuntahan ko.
"So, saan ka nga ulit pupunta?" Tanong ng lalaking kanina pa tahimik na nakasunod lang sa akin.
"None of your business," ulit kong saad dito at hinarap ito. Hindi na ako muling nagsalita pa at inihakbang na muli ang mga paa. Muli kong tinahak ang daang dinaanan kanina at noong may nakita akong mga tao sa kabilang dulo ng pasilyo, napatigil ako sa paghakbang.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napangiwi. My situation is getting worst. I have a fragile body, an unknown man following me and now, mukhang mapapaaway na naman ako. Unbelievable! Mukhang ubos na ang suwerte ko sa lugar na ito.
"Hindi ko talaga gusto ang mga babaeng ito," mahinang bulong ko sa sarili at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Bahala na nga!
Seryoso lang akong nakatingin sa dinaraanan at noong tuluyang magkasalubong na kami ng mga babaeng nakita kanina, napairap ako. Hindi ako kumibo at nilagpasan ang mga ito.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko palayo sa grupo nila noong magsalita ang isa sa mga babae.
"You're just a lucky bitch, Scarlette," rinig kong sambit ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay Everlee ang pangalan nito. "Kung hindi lang dumating ang Head Seer, tiyak na nadagdagan na ang injury mo sa katawan."
Napataas ang isang kilay ko sa narinig at hinarap ang mga ito. Bumangad sa akin ang seryoso at mapanganib na mga titig nila sa akin at noong humukbang ng isang beses si Everlee palapit sa akin, napangisi ako.
This bitches really want some fight here. So childish but hell no, I won't let them touch this body again!
"Kung nagagawa niyong saktan noon si Scarlette, well ngayon," wika ko at humakbang na rin palapit sa puwesto nito. Kita kong natigilan ang grupo nila, pati na rin si Everlee, na siyang lalong nagpangisi sa akin. "... you better be careful, ladies. I'm not the same Scarlette you knew before. Hindi na ako papayag na dumapo ang mga kamay ninyo sa katawang ito. I'm good at kicking asses, you know. I can beat you without even trying."
Kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga babae. Hindi na rin nakapagsalita s Everlee sa harapan ko kaya naman ay nakibit-balikat na lamang ako sa kanila. Pasimple ko na lang tiningnan ang puwesto nong lalaking kausap at nakasunod sa akin kanina ngunit napakunot na lamang ang noo ko noong makitang wala na ito roon. Pinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at tinalikuran na ang grupo nila Everlee. Nagsimula na akong maglakad muli at nakahinga na lamang nang maayos noong hindi ko na narinig pang muli ang matitinis na boses nila.
Well, that was lie. I can't beat them now. With this body? I doubt if I can even do a single punch.
Tipid na lamang akong napangiti sa nangyari at tahimik na hinanap ang dulo at labasan ng pasilyong kinaroroonan. At noong makita ko ito, maingat kong hinakbang ang mga paa hanggang sa tuluyang makalabas na ako ng building.
Finally!
Napatingala ako at tinanaw ang kulay asul na kalangitan. Muli akong napangiti at mabilis na bumaling sa gawing kanan ko noong maramdaman na naman ang presensiyang naramdaman ko kanina. Nawala ang ngiti ko sa labi at noong mamataang nakasandal sa may pader iyong lalaking kausap kanina, napataas ang isang kilay ko.
So, it was him? Sa kanya nanggagaling ang kapangyarihang naramdaman ko kanina at ngayon-ngayon lang?
"Who are you?" Tanong ko noong magsimula na itong maglakad papalapit sa akin. "At paanong nawala ka bigla kanina? Did you hide somewhere?"
"Hindi ko alam kung ano ang naging epekto sa'yo nang aksidenteng kinasangkutan mo pero hindi maganda ang kutob ko, Scarlette," aniya at tumigil na sa paglalakad noong nasa tapat ko na ito. "Narinig ko lahat nang mga katagang binitawan mo, iyong mga pinagsasabi mo kay Everlee. Tell me, anong ibig sabihin ng mga iyon, Scarlette?"
Muli akong nagtaas ng kilay dito at marahang umiling.
"Ako ang unang nagtanong sa'yo. Who are you?"
"You know me, Scarlette. Stop acting like you forgot about me." Seryosong saad nito sa akin.
"Ikaw na ang nagsabi, hindi maganda ang naging epekto ng aksidenteng kinasangkutan ko. I forgot everything. Even Isobelle, I don't remember her as my sister. Now, can you tell me who the hell are you?" Dere-deretso kong sambit na siyang lalong ikina-seryoso ng lalaki sa harapan ko.
Hindi ito kumibo at noong magsasalita na sanang muli ako, bigla akong natigilan noong narinig ang pagtawag ni Isobelle sa akin. Mabilis akong napabaling sa gawi nito at noong makita ko ito, kasama iyong si Enzo, wala sa sarili akong napabuntong-hininga. Muli kong binalingan iyong lalaki at laking gulat ko na lamang noong biglang nawala na naman ito sa harapan ko.
What the hell?
"Scarlette! Anong ginagawa mo dito? Bakit lumabas ka na naman sa silid mo?" Sunod-sunod na tanong ni Isobelle na siyang hindi ko binigyan ng pansin. Mabilis kong inilibot ang paningin sa paligid at hinanap ang lalaking kausap kanina. Magsasalita na sanang muli si Isobelle noong mabilis ko itong pinigilan. Pinatahimik ko muna ito at hinanap ang enerhiyang naramdaman kanina.
Come on! Bakit biglang nawala ito? Damn! Hindi pa ako tapos sa lalaking iyon! Kailangan kong malaman kung sino ito at kung bakit ganoon na lamang ang enerhiyang nararamdaman ko mula sa kanya!
"What's wrong, Scarlette?" Mayamaya lang ay nagtanong na si Isobelle na siyang ikinaharap ko sa gawi nito.
"The man I was talking earlier, biglang nawala ito!" Bulalas ko na siyang ikinatigil nilang dalawa. Bumaling si Isobelle kay Enzo at noong umiling ito, napakunot ang noo ko.
"Scarlette, mag-isa ka lang dito noong makita ka namin," wika ni Isobelle na siyang ikinatigil ko naman. "But... wait a minute," anito at tumingin na rin sa paligid. "Don't... don't tell me he's back? Oh, boy. This is not good."
"He's back? Who?" Tanong ko sa kanya.
"I really can't explain this to you. Pero... ikaw lang ang nakakakita dito, Scarlette," aniya na siyang ikinatigil kong muli. What? "One of your ability as a Seer is to see someone that we, a normal Seer, can't even see." Dagdag pa nito at tiningnan ako nang mabuti. "Pero ilang taon na ang lumipas simula noong hindi na ito nagpakita o nagparamdam man lang sa'yo. Damn it! Bakit ngayon pa siya nagpakitang muli? Ngayon pa talagang hindi maganda ang lagay mo!"
"Okay, slow down, Isobelle." Pigil ko dito at pilit na inintindi ang mga katagang sinabi nito sa akin. "Breathe and tell me everything about that man."
"Wala akong ibang impormasiyon tungkol sa kanya. Basta ang alam ko lang, nakikita at nakakausap mo ito noong mga bata pa tayo. Ni hindi mo nga nabanggit sa akin ang pangalan ng lalaking iyon!"
"Really?" Tanong ko at muling napabaling sa paligid. So, hindi isang ordinaryong Seer lang itong si Scarlette. She has an ability to see someone that a normal Seer can't even see with their own eyes.
"Well, I'm glad to know about that, Isobelle," ani ko at umayos nang pagkakatayo. Kung may kakayahan nga ang katawang itong makakita ng kakaiba sa mundong ito, maari ko itong magamit para makita at makausap ang totoong Captain Mary. This is an advantage for me! Magagamit ko ang ability na ito ni Scarlette!
Ngayon, ang kailangan ko lang gawin sa realm na ito ay ang makausap ang Head Seer ng Oracle at balaan sa maaring mangyari sa hinaharap. And after that, I'll go and visit Northend. I need to talk to King Louis IV and ask him about my husband. Alam kong ilang beses na silang nag-usap ni Treyton Duke noon. Kahit hindi sinabi ng asawa ko ang tungkol dito, alam kung paminsan-minsan ay pumupunta ito sa Azinbar. He's a dimension traveller. Hindi niya kayang pigilan ang sariling hindi pumunta sa mundong ito.
And if he's here, if he's really here in Azinbar, ang hari ng Northend ang dapat unang tanungin ko kung nasaan ang magaling kong asawa!
"I want to talk to the Head Seer," sambit ko at binalingang muli si Isobelle. "I need to tell her about the future of this place."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top