Chapter 28: Tired

"Maniwala ka sa akin, Scarlette. Please, anak. Wala na sa isipan ko ang paghihiganti hari!"

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hindi inalis ang paningin sa ama. Mayamaya ay natigilan ako noong tawagin ako ni Atlas kaya naman ay napabaling ako sa gawi niya.

"He's a knight, Scarlette. Walang rason para magsinungaling siya sa'yo," kalmadong wika nito at hinarap ang ama ni Scarlette. "We're sorry about this, Sir. Nag-aalala lamang si Scarlette sa'yo. Ayaw lang nitong maulit ang nangyari noon. Pinangunahan lamang ito ng emosyon niya." Natigilan ako sa tinuran ni Atlas. What the hell is he talking about?

"It's okay," sambit ng ama ni Scarlette at muling tiningnan ako. "I know my daughter. Alam kong may dahilan kung bakit ito nagduda sa akin. I was not a good father. Sarili at trabaho ang inuna ko kaysa sa kanila, sa pamilya ko. I'm so sorry, Scarlette."

Hindi ako nagsalita pang muli. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at umatras palayo sa kanila. Kita kong naalarma ang ama ngunit hindi ko na ito binigyan pansin. Mabilis akong tumalikod at naglakad palabas sa silid na kinaroroonan.

Mali ba ako? Mali ba lahat ng impormasyong ibinigay sa akin ni Scarlette?

Damn it!

Pagkalabas ko ay agad kong namataan si Alessia at Owen na seryosong nag-uusap 'di kalayuan sa pintuang nilabasan ko. Agad silang umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako. Napabuntonghininga na lamang ako at mabilis na nilapitan ang dalawa.

"What happened? Nagsalita na ba ang ama ni Scarlette tungkol sa mga plano niya?" magkasunod na tanong ni Alessia na siyang ikinailing ko na lamang. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito kaya naman ay wala sa sarili akong napasandal sa konkretong dingding ng pasilyo.

"Wala na itong planong saktan ang hari ng realm na ito," mahinang turan ko sa kanya.

"At naniwala ka naman?"

"Alessia, stop it," mabilis na suway naman ni Owen sa kanya. "Ano na ang plano mo ngayon? Kung wala na itong planong saktan at maghiganti sa hari, mas mapapadali ang pagtapos mo sa misyon sa realm na ito."

"I still don't get it," mariing turan ko at napatitig sa kawalan. "Ipinakita sa akin ni Scarlette ang buong plano ng ama. Alam at sigurado siyang maghihiganti ito sa hari. Pero... ang sinabi ng ama niya na nagkausap na sila noon. He doesn't want revenge anymore. Kaya naman ay nagtataka ako kung bakit pa lumabas si Scarlette sa Oracle sa araw kung saan ito naaksidente at nag-agaw buhay." Hindi nagsalita ang dalawang miyembro ng Tyrants. Mukhang malalim na rin ang iniisip nila tungkol sa mga katagang binitawan ko. "Something is missing here. May kung ano akong nakakaligtaan dito."

"May paraan ba para makausap mo si Scarlette?" tanong ni Owen na siyang marahang ikinailing ko.

"Her multiple visions... iyon lang ang koneksiyon na mayroon kami ngayon. I was talking to her through my mind and the next thing I knew, I was looking at her memories."

"She's really a powerful Seer," komento ni Alessia na siyang ikinatango ko na lamang. Totoo naman kasi iyon. Kahit na wala itong kontrol sa katawan niya, kaya pa rin nitong ipakita sa akin ang iilang vision na mayroon siya.

"So ano na ang plano mo ngayon? Marami na ang oras na nasayang natin. Kailangan na rin nating mahanap ang katawan ni Captain Mary," ani Owen na siyang ikinatigil ko. "We want to help you finish your mission first but we can't wait any longer, Rhianna Dione. Hindi natin alam kung ano ang kondisyon ng katawan ni Captain Mary. We need to find it as soon as possible."

Napabuntonghininga na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. Magsasalita na sana akong muli noong mamataan ko ang paglabas ni Atlas sa silid na pinanggalingan namin kanina. Seryoso itong tumingin sa aming tatlo at tahimik na lumapit sa amin.

"Papakawalan na namin si Sir Willmark," imporma nito sa amin at binalingan ako. "Kakausapin mo pa ba siya, Scarlette. He's waiting for you."

"I'm done talking. Wala na akong dapat na sabihin pa sa kanya," malamig na turan ko na siyang ikinataas ng isang kilay nito sa akin.

"Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad sa ginawa mo? Pinagduduhan mo siya, Scarlette. At least say sorry to him."

"Hindi ko gagawin iyon," mas malamig na wika ko. I'm just doing what I know here. Kung sinadyang hindi ipinakita ni Scarlette sa akin ang tungkol sa pag-uusap nila ng kanyang ama noon, alam kong may dahilan ito. At kung totoo mang wala na itong planong saktan ang hari ng Evraren, hindi na dapat ako magsayang pa ng oras sa kanya. Mas kailangan kong pagtuonan nang pansin ngayon ang Oracle. Kahit na wala na itong balak na masama, nasa panganib pa rin ang tahanan ng mga Seer!

Namataan ko ang pag-iling ni Atlas sa akin at binalingan ang dalawang miyembro ng Tyrants. Tahimik lang sila Alessia at noong magsalitang muli si Atlas, napaarko ang mga kilay nila.

"Ako na ang bahalang maghatid kay Scarlette pabalik sa Oracle. Makakabalik na kayo sa Northend."

Bahagyang natawa si Alessia sa narinig. Umiling naman si Owen at umayos nang pagkakatayo sa harapan ni Atlas.

"We don't take orders from you, Phoenix Knight," ani Owen at binalingan ako. "Am I right, Scarlette?"

Wala sa sarili naman akong napatango sa kaibigan. Tiningnan ko si Atlas at natigilan na lamang noong mamataan ang mapanganib na titig nito sa akin. Tumikhim ako at palihim na ngumiwi.

"Babalik na kami sa Oracle. Sa Tyrants ako sasama. Kayo na ang bahala rito sa palasyo ng hari. Mas kailangan kayo rito kaysa sa Oracle," matamang sambit ko habang sinasalubong ang mga titig ni Atlas sa akin. "And... thank you. Thanks for the help," dagdag ko pa at tinalikuran na ito.

Naglakad na ako palayo sa kanila. Tahimik kong tinahak ang mahabang pasilyo at mayamaya lang ay naramdaman ko ang presensiya nila Alessia sa likuran ko. I sighed and continue walking.

Noong nasa labas na kami ng palasyo, mabilis kong namataan si Jaycee. Nakaupo ito at noong nakita niya kami, mabilis itong tumayo at sinalubong kami.

"Nauna na sila Zahra at Amell. They escorted our king back to Northend," imporma nito na siyang ikinatango na lamang namin. "What happened? Nakausap niyo na ba iyong ama nitong si Scarlette?"

"Nakausap, yes, pero hindi pa rin tapos ang gulo sa realm na ito at sa Oracle. Rhianna Dione still need to finish her mission before helping us," ani Alessia at naglakad muli. Nagkatinginan kami nila Owen at namataan ko ang pagkibit-balikat nito sa akin. Umiling naman si Jaycee at sinundan na si Alessia.

Humugot naman ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Nasa tabi ko si Owen samantalang nasa unahan na namin ang dalawa pang miyembro ng Tyrants.

"She's tired," ani Owen na siyang ikinabaling ko sa kanya. Namataan ko ang mariing pagtitig nito sa gawi nila Alessia kaya naman ay napatingin akong muli sa harapan namin. "Simula noong nawala ang katawan ni Captain Mary sa secret chamber nito, halos hindi na nakatulog pa si Alessia. Alam nitong makapangyarihan ang vessel na iyon at kung mapupunta ito sa maling tao, paniguradong mapapahamak hindi lang ang Northend. Pati na rin ang buong Azinbar."

Napatango ako at hindi alam kung ano ba ang dapat na sabihin sa kaibigan.

Alam ko ang tungkol dito. Bago pa man ako mapuntang muli sa mundong ito, nasabi na sa akin ni Treyton ang tungkol sa krisis na kinakaharap ng Northend. I wanted to help them before but I don't know what to do. Wala akong kakayahang maglakbay sa dimensiyon nila. Si Treyton lamang.

Si...

Mabilis akong natigilan sa mga iniisip noong may napagtanto ako. Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na napaawang ang mga labi. Napansin naman ni Owen ang pagtigil ko kaya naman ay tumigil na rin ito sa paghakbang at binalingan ako. Taka itong tumitig sa akin samantalang tila gulat pa rin ako sa mga impormasyong maaaring tama at makatulong sa amin sa paghahanap sa katawan ni Captain Mary!

"May problema ba, Rhianna Dione?" tanong ni Owen sa akin habang pinagmamasdan ako.

"Si Treyton," wala sa sariling sambit ko.

"Treyton? Your dimension traveler husband? What about him?" takang tanong pa rin nito.

"He knew about what happened to Captain Mary. Alam niya ring nag-aalala ako sa sitwasyon niyo roon sa Northend at mukhang bumalik itong muli rito para tulungan kayong hanapin ito!" mabilis na wika ko at binalingan sila Alessia at Jaycee. Tumigil na rin ang mga ito sa paglalakad at matamang nakatingin sa puwesto ko. Mukhang narinig naman iyon nila Alessia kaya naman ay agad itong naglakad pabalik sa amin.

"Totoo ba iyang sinasabi mo?" tanong ni Alessia na siyang mabilis na ikinatango ko.

"Gusto ko ring tumulong noon pero wala akong ibang paraan para makabalik dito. Hindi ko naman kayang saktan ang sarili ko at mag-agaw buhay ulit para makabalik ako sa mundo ninyo. It was risk for me, a gamble, at tiyak kong alam na alam ni Treyton ang kagustuhan kong makatulong sa inyo!"

"But... your husband is missing too, Rhianna Dione," ani Jaycee na siyang ikinangisi ko. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito at binalingan ang katabing si Alessia. Nakatitig lang si Alessia sa akin at hindi pinansin ang pagbaling ni Jaycee sa kanya. "Now what? May hindi ba ako alam dito?"

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at tiningnang mabuti ang tatlo.

"Alam kong hindi pa kumpirmado ito pero malakas ang kutob ko. Kilala ko ang asawa ko. Alam ko ang halos lahat tungkol sa kanya, maging ang boses nito."

"So narinig mo ito? Saan naman?" takang tanong muli ni Jaycee sa akin.

"Isa siya sa mga rebelding nandito kanina sa palasyo. Isa siya sa nakatakas," imporma ko na siyang ikinatahimik ni Jaycee. "Hindi ko man nakita ang mukha nito, sa boses pa lang ay alam kong siya iyon."

"And your point is?" it was Alessia again. Napatitig ako sa kanya at sinalubong ang matamang titig nito sa akin.

"My point is, Treyton can help us too. Maaaring mas malaki ang maitulong nito kaysa sa ability ni Scarlette. He can travel dimensions. Mas mapapabilis ang paghahanap natin sa katawan ni Captain Mary kung kasama natin ito sa paghahanap."

"Hindi pa rin natin sigurado na ang asawa mo talaga ang nakausap mo kanina, Rhianna Dione."

"I know it was him," sambit ko, siguradong-sigurado na si Treyton talaga ang nakausap kanina.

Namataan ko ang pagbuntonghininga ni Alessia at muling matamang tiningnan ako.

"Saan natin mahahanap ang asawa mo?" tanong niya na siyang mabilis kong ikinaayos nang pagkakatayo sa harapan niya.

"Triad," wika ko na siyang ikinatigil nito. "They mentioned about the Triad earlier. Paniguradong naroon ito ngayon."

"Triad? Isa sa rebelde ng realm na ito?" tanong ni Jaycee na siyang ikinatango ko sa kanya. "Paano siya napunta roon?"

It was still a mystery to me. Kung paano ito napunta sa Triad ay siyang palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. But now that I know where he is, mas mapapabilis marahil ang pagbabalik ko sa totoong mundo ko. With his ability, we can leave this world easily.

"Paano ang misyon mo sa Oracle?" tanong ni Alessia na siyang ikinatigil ko. "You can't abandon them. You can't just leave Oracle like that, Rhianna Dione."

A sting feeling inside my chest woke me up. Napaawang ang labi ko at mabilis na kinagat ang pang-ibabang labi.

"Babalik na tayo sa Oracle," imporma ni Alessia na siyang ikinaayos naman nang tayo ng dalawa pang miyembro ng Tyrants. "We have a deal, Rhianna Dione. Kapag tapos na natin ang problema sa Oracle, tsaka lang tayo kikilos para hanapin ang katawan ni Captain Mary. We're true to our words. Hindi natin maaaring hayaan na lamang ang Oracle at unahin ang paghahanap. Yes, we're out of time here. Ganoon din ang Oracle. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin ako kung sino ang totoong kalaban ng mga Seer. Kaya naman we'll stick to our original plan. Help and protect the Seers. And after that, we'll start searching for the Captain's body. Isama na rin natin sa paghahanap ang dimension traveler mong asawa."

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Alessia at hindi na nagsalita pa. Tumalikod itong muli sa amin at nagpatuloy na sa paglalakad.

"She's tired but still, she's a knight, a proud member of Tyrants. Alam nito ang priorities niya at kagaya ng palaging sinasabi nito, knights are true to their words. Sa kahit anong pagkakataon, gagawin nito ang kung anong napagkasunduan natin noon," sambit ni Owen at nagpatuloy na rin sa paglalakad.

Napailing ako at mahinang tinampal ang noo.

I was disappointed. To myself, to my decisions, everthing. Mukhang hindi ko na kayang magdesisyon pa nang tama ngayon. And maybe... just like Alessia, maybe I'm tired.

Tired and lost. Again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top