Chapter 25: Palace
Palihim ko tinitingnan si Atlas habang mabilis naming tinatahak ang daan patungo sa palasyo ng Evraren.
Simula kasi noong umalis na kami sa masukal na gubat kanina ay hindi na ito muling kumibo. Tanging si Tanner na lamang ang nakikipag-usap sa amin ng Tyrants. Napabuntonghininha na lamang ako at itinuon na lamang sa daan ang buong atensiyon.
Bahala na si Scarlette sa lalaking ito. Hindi ko na problema ang problema nilang dalawa!
"We're almost there," ani Owen kaya naman ay napatingin ako sa unahan ng daang tinatahak namin. And there... I saw it. The palace of this realm.
"Si Zahra ang magpapapasok sa atin. Dala rin nito ang damit na gagamitin mo para sa pagtitipon sa palasyo," wika naman ni Alessia na siyang ikinabaling ko sa kanya. Namataan ko ang mabilisang pagbaling din nito sa akin at muling itinuon sa daan ang paningin. "You need to blend with the crowd. Kung ganyan ang itsura mo, baka masita na naman tayo ng mga kawal ng palasyo."
"Puwede namang isang kawal din ako ng Northend," sambit ko na siyang mabilis na ikinailing nito sa akin.
"Bilang lang ang bisita mula sa ibang realm. Magtataka sila sa presensiya mo kung magpapanggap kang isa sa knight ng Northend."
Napatango na lamang ako sa tinuran nito at hindi na nagsalita la. Fine! Bahala na! Mamaya
ko na proproblemahan ang bagay na ito! Ang mahalaga ngayon ay makapasok ako sa palasyo!
Kagaya nang tinuran kanina ni Alessia, nakaabang nga si Zahra sa amin sa isa trangkahan sa pinakalikod na bahagi ng palasyo. Agad niya akong nilapitan at inabot sa akin ang damit na inihanda nito para na siyang gagamitin ko sa pagtitipon.
"Itali mo ang buhok mo," utos ni Zahra na siyang ikinatigil ko. "Masyadong agaw pansin ang pulang buhok mo, Scarlette. Kaunti lang ang may ganyang klaseng buhok sa realm na ito. Baka makilala ka ng ilang taga-Evraren."
Hindi na lamang ako umimik at sinunod ang sinabi nito. Gamit ang ginawang pangharang ni Zahra kanina, hinubad ko na ang suot na jacket. Tahimik kong pinagmasdan ang ginawang barrier ni Zahra habang unti-unti kong naisuot ang mahaba at magarbong kasuotan. Hindi na ako nag-abalang hubarin ang pantalon ko. Hindi naman ito kita dahil
sa mahaba nga itong gown na suot ko.
Noong matapos na ako sa pagbibihis, palihim kong kinapa ang ilang patalim na nakaipit sa suot kong pantalon. Tiyak kong magagamit ko
ito mamaya kung magkagulo man sa pagtitipong ito. Mas mabuti nang handa kaysa naman mamaya pa ako maghahanap ng sandatang pandepensa sa sarili.
"Let's go," yaya ko sa mga kasama at dinispell
na ni Zahra ang barrier na ginawa kanina. Mayamaya lang ay natigilan ako noong makita ang mga reaksiyon nila. Napayuko ako at tiningnan ang kasuotang saktong-sakto lang sa hubog ng katawan ni Scarlette.
It was a sleeveless gown. Sakto lang ito sa akin kaya naman ay mabilis ko lang itong nasuot kanina.
"Bakit nga ba puti itong pinasuot mo sa kanya? Mas lalong itong mapapansin sa pagtitipong ito, Zahra!" bulalas ni Alessia at masamang tiningnan ang kaibigan. "Dapat ay iyong itim
na lang."
"Mas mahahalata siya kapag naka-itim. Wala tayo sa lamay, Alessia! Nasa isang pagtitipon tayo, may kasiyahan!" Napairap si Alessia sa sinabi ni Zahra at naiiling na bumaling sa akin. "Ayos lang ba sa'yo iyang suot mo? Hindi ka ba nahihirapang kumilos?"
Inihakbang ko ang paa papalapit sa kanila at pinakiramdaman ang sariling katawan. "Kung sakaling magkagulo mamaya, makakakilos naman ako."
"Alright," anito at binalingan naman sila Atlas. "Siguro naman ay walang magiging problema sa inyong dalawa. Kilala kayo ng hari bilang miyembro ng Phoenix Knight."
"Kami na ang bahala. We will just wait for your signal bago kumilos," sambit ni Tanner at binalingan ako. "Kami na ang bahala sa ama mo. Kilala namin ito at siya ang unang hahanapin namin pagkapasok natin sa loob."
Tumango na lamang ako kay Tanner at wala sa sariling napatingin sa tahimik na si Atlas. Nakatingin lang ito sa akin at hindi man lang nagsalita. Wala rin akong emosiyong nakikita sa kanya kaya naman ay nag-iwas na ako nang tingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga.
"Let's move. See you inside the grand hall," mariing turan ko at nauna nang kumilos. Segundo lang ay naramdaman ko na rin ang pagkilos ng Tyrants at ng dalawang Phoenix Knights na kasama ko. Tahimik ang bawat hakbang nila kaya naman ay hindi ko na rin namalayang wala na sila sa likuran ko. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sanay ako sa ganitong klaseng pagtitipon sa
mundo ko. Bilang isang heir ng The Great Ferrer Empire, ang makihalubilo sa ibang tao ay isa sa pinakamadaling trabaho sa akin. Pero dahil hindi naman ako si Rhianna Dione sa mundong ito, kailangan kong mag-ingat at pag-aralan ang bawat kilos ng mga taong nasa pagtitipong ito.
Nasa bungad pa lamang ako ng grand hall ng palasyo ay namataan ko na ang mga abalang bisita ng hari. Maingat kong inihakbang muli ang mga paa hanggang sa tuluyan na akong nasa loob ng grand hall.
Be natural, Rhianna Dione, and calm the freak down! Damn it!
Ngayon ay alam ko na kung bakit nasabi ni Alessia kanina na dapat ay ibang kulay na lamang ng damit ang pinasuot sa akin ni Zahra. Makukulay ang kasuotan ng ibang bisita! Maliban siguro sa pulang buhok ni Scarlette, wala ng ibang kulay sa akin kundi puti! Great! Just freaking great!
Napailing na lamang ako at ikinalma ang sarili. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa isang mesa kung saan walang panauhing nakaupo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at maingat na naupo sa isa sa bakanteng upuan.
Palihim kong tiningnan ang kabuuan ng bulwagan at mayamaya lang ay namataan ko sila Atlas. Kasama nito si Tanner at may kausap na iilang bisita. Napakunot ang noo ko at napaayos na lamang nang pagkakaupo noong bumaling sa gawi ko si Atlas. Napatikhim ako at nag-iwas nang tingin nito.
Damn, Scarlette! Ikaw ngayon ang kumalma! We need to focus here! May misyon tayong dalawa ngayon!
Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at nagpatuloy sa pagmamasid sa kabuuan ng bulwagan.
Wala pa ang hari sa kasiyahang ito. Mukhang nasa chamber pa niya at naghihintay na pormal na magsimula ang kasiyahan sa palasyo niya. Wala rin ang ama ni Scarlette. He's a royal knight. Paniguradong siya ang kasama ng hari ngayon.
I sighed at continue what I'm doing. Wala akong ibang kilala sa pagtitipong ito. Kung wala lang sila Atlas at ang Tyrants dito, paniguradong para akong naliligaw na tuta sa lugar na ito! Wala man lang akong kakilala kahit isa!
"Scarlette." Nanlaki ang mga mata ko noong marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis akong napatingin sa gawing kanan ko at noong mamataan ko na ang hari ng Northend ito at kasama ang Tyrants, agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at yumukod sa harapan niya.
"Your majesty," marahang bati ko at umayos na nang pagkakatayo. Mataman kong tiningnan ang hari at napangiti na lamang noong makitang ngumiti ito sa akin. "It's been a while now. How are you?"
"I'm doing good, Scarlette... or should I call you Rhianna Dione?" Mabilis akong umiling sa tinuran nito. Kita kong tumango ito sa akin at tiningnan ang mga bisita ng pagtitipon.
"Nasabi sa akin nila Alessia ang tungkol sa bagong misyon mo sa mundo namin. Ayos ka lang ba? Maayos ba ang trato ng mga Seer sa'yo sa Oracle?" tanong nito sa akin na siyang tipid na ikinatango ko. "Hindi naging madali sa'yo ang misyon mo sa Northend. Sana lang ay matapos mo agad itong misyon mo rito sa Evraren para makabalik ka na sa mundo mo."
"Kahit matapos ko itong misyon ko rito sa Evraren, hindi pa rin ako makakabalik agad sa mundo ko, your majesty. We still need to find Captain Mary's body. Tutulungan ko kayo para mahanap ito. This girl... Scarlette is a powerful Seer. Paniguradong mahahanap natin ang katawan ni Captain Mary sa tulong ng kapangyarihan nito." Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "And I'm here for my husband too."
"Husband?" tanong hari at binalingan akong muli.
"The dimension traveler you met years ago, asawa ko na ito sa mundo namin," imporma ko sa hari na siyang ikinakunot ng noo nito. "Bago ako mapadpad muli rito sa Azinbar, hindi umuwi sa bagay namin si Treyton. Malakas ang kutob kong nandito ito ngayon."
"Posible iyong tinuran mo pero wala akong naramdamang kakaiba sa mga nagdaang araw. Malalaman ko sana kung may isang dimension traveler ang papasok o nakapasok dito sa Azinbar," anito na siyang ikinatigil ko. "At kung nandito nga ang asawa mo, dapat ay pinuntahan na niya ako. Alam nito ang panganib sa pagpasok sa ibang dimensiyon."
"He will be fine, your majesty. Kilala ko si Treyton. Kahit saang dimensyon ito mapadpad, natitiyak kong magiging ligtas ito. All I need to do is look for him. Hahanapin ko ito at sabay kaming babalik sa mundo namin." Namataan ko ang pagtango ng hari sa akin at binalingan ang tahimik na miyembro ng Tyrants. Napatingin na rin ako sa kanila at natigilan na lamang noong makita ang kakaibang ekspresiyon sa mga mukha nila. Ngumiti ako sa kanila at tinanguhan ang mga ito. "We will find her body. Huwag kayong mag-alala. The Captain's body will be fine."
Tumango na lamang ang Tyrants sa akin at mayamaya lang ay umayos na nang pagkakatayo. Nawala ang ingay sa buong bulwagan kaya naman ay napakunot ang noo.
"The king of Evraren is here," wika ni King Louis VI sa tabi ko na siyang ikinatingin ko sa may entablado 'di kalayuan sa puwesto namin. Tahimik na ang lahat at noong inanunsiyo ng taga-pagsalita ng hari ang presensiya nito, napuno nang palakpakan ang buong bulwagan.
King Arnold of Evraren. Ruler of this realm. The one who ordered to kill the former Head Seer of Oracle, Demetria, Scarlette's mother.
Hindi ko inalis ang paningin sa hari ng Evraren. Pinagmasdan ko ito nang mabuti at noong dumako ang paningin ko sa gawing kanan nito, namataan ko ang ama ni Scarlette. Willmar, the royal knight. Tahimik itong nakatayo sa may likuran ng hari habang pinapasadahan nang tingin ang kabuuan ng bulwagan.
Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong dumako sa puwesto ko ang paningin nito, namataan ko ang pagkagulat na ekspresiyon niya. Segundo lang ay nakabawi ito at mabilis na naging seryoso. Pinagtaasan ko ito ng isang kilay at mayamaya lang ay narinig ko ang mahinang boses ng hari ng Northend.
"Isa lang ang dahilan kung bakit may pagtitipon sa palasyong ito ngayon," anito habang nasa may entablado pa rin ang buong atensiyon. "Para ipakita sa lahat na hindi ito
naaapektuhan sa mga banta sa buhay niya."
What?
Napakurap ako at muling napatingin sa hari ng Evraren.
"He wanted to show his enemies that he will not hide from them. Na kahit ilang grupo pa ng mga rebelde ang magsisulputan sa harapan ng palasyo niya, handa ito para protektahan ang sarili at ang buong realm ng Evraren."
"So hindi lang ang ama ni Scarlette ang may motibo kung sakaling magkakagulo ngayon dito?" mahinang tanong ko at palihim na tiningnan ang mga bisita ng hari. "Maaaring kagaya ko, nakikihalubilo rin sa mga taong narito ang kalaban niya."
"Posibleng tama ka pero huwag mong kakalimutan na iyong pinagkakatiwalaang royal knight ng hari ay may balak din sa kanya. Hindi lahat ng kaaway ay nagtatago, Rhianna Dione. Ang iba'y nasa harapan mo na, hindi mo pa ito makita," makahulugang wika nito at nagpaalam na sa akin. Hindi ako nakakibo sa kinatatayuan at tiningnan lamang ang palayong bulto ng hari ng Northend. Kasama nito ang tatlong miyembro ng Tyrants at naiwan sa likuran ko sila Alessia at Owen.
"Sasamahan ka namin hanggang sa matapos ang gabing ito," ani Alessia na siyang ikinatango ko na lamang. Muli kaming tumingin sa entablado at tahimik na nakinig sa speech ng hari. "May mga napansin kaming kakaiba ngayon dito. Mukhang napansin na rin iyon ng dalawang Phoenix Knight kaya naman ay naging alerto na rin ang mga ito."
Mariing kong ikinuyom ang mga kamao sa mga narinig. Palihim kong inilibot muli ang paningin at noong makita ko ang tinutukoy ni Alessia, napatango na lamang ako.
"What is that? A tattoo?" mahinang tanong ko noong makita ang magkakaparehong marka sa may banda leeg ng tatlong bisita. Magkakahiwalay ang mga ito pero dahil sa maingat na mga kilos nito, agad naming napansin ang presensiya nila.
"I assume that they're the other rebels on this realm," ani Owen at tumabi na sa akin. "Hindi magtatagal, paniguradong kikilos ang mga ito at magsisimula nang gulo sa pagtitipon."
"Magiging maayos lang ba ang hari ng Northend?" mahinang tanong ko at tiningnan ang daang tinahak nito kanina.
"Sila Jaycee na ang bahala sa kanya. Nakahanda na rin ang sasakyan nito. Don't worry about him. The king will be fine," sagot naman ni Alessia na siyang ikinahugot ko ng isang malalim na hininga. "Kapag magsimula na sila, tutulungan namin ang ibang royal knight at proprotektahan ang hari. Atlas and his fellow Phoenix Knight will deal with your father and you... that body can fight, right?"
"Of course," sagot ko at hinawakan ang magkabilang bahagi ng suot na gown. "Kailangan ko lang alisin itong sagabal kong gown. I will be fine. Scarlette can fight."
"Don't act reckless, Rhianna Dione. We still need that body," muling sambit ni Alessia na siyang ikinatango ko na lamang.
Hindi na ako nagsalitang muli at noong matapos na sa speech niya ang hari ng Evraren, isang sigaw ang namayani sa grand hall ng palasyo. Naging alerto ako at napatingin sa gawin kanan namin. Mabilis na nahawi ang kumpulan ng mga bisitang naroon kaya naman ay namataan namin ang kung anong nangyayari.
It was one of the guests. Nakahandusay na ito ngayon sa sahig at hindi na gumagalaw.
"Let's move," mariing wika ni Owen at hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Mabilis na nawala sa tabi ko ang dalawa at bago ko pa naihakbang ang mga paa, namatay ang ilang sa bulwagang kinaroroonan namin.
Damn it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top