Chapter 24: Body

Mabilis ang bawat hakbang ng mga paa ko. Dali-dali akong nagtungo sa trangkahan kung saan ako dumaan noong huling labas ko rito sa Oracle at kagaya nang inaasahan ko, may namataan akong taga-bantay na naka-puwesto roon. Damn it. Mukhang alam na alam na ni Miss Leigh ang sunod na gagawin ko pagkatapos nang usapan namin kanina!

"Saan ka pupunta, Scarlette?" tanong ng isang bantay noong mamataan ako. Hinawi ko ang buhok sa balikat at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kanila.

"Huwag ang trangkahang ito ang bantayan niyo," sambit ko at pinagmasdan ang dalawang Seer na nagbabantay sa dapat dadaanan ko palabas ng Oracle. "Sa main gate kayo."

"At ikaw? Lalabas ka na naman?"

"Oo," mabilis na sambit ko at hinawakan ang kamay noong Seer na nakatayo malapit sa akin. Agad kong hinampas ito sa may leeg niya, tama lang na mawalan ito ng malay. Mabilis na bumagsak sa lupa ang katawan ng Seer na hinampas ko at binalingan ang isa pa. "Take him with you. Huwag mo nang tangkain pang pigilan ako."

"Pero mahigpit na pinagbilin sa amin ni Miss Leigh na-"

"I don't care about her orders. Now open the gate and let me leave this place peacefully," mariing sambit ko at pinagtaasan ito ng isang kilay. Hindi kumibo iyong Seer kaya naman ay napailing na lamang ako. Nagsasayang lang ako ng oras sa kanya! Dapat ay pinatulog ko na rin ito kagaya ng kasama niya! "Kung hindi mo ako papalabisin, I'm sorry pero hindi ako magdadalawang-isip na gawin din sa iyo ang ginawa ko sa kasama mo."

"Fine," malamig na turan nito at tinalikuran ako. Tahimik ko itong pinagmasdang naglakad patungo sa bukasan ng trangkahan at noong makita kong may kung ano itong kinuha sa may bulsa ng suot niya, agad kong ikinilos ang mga paa. Dali-dali akong tumakbo palapit sa puwesto nito at kinuha ang patalim sa may bewang ko. Natigilan ang Seer sa binabalak at mabilis na itinaas ang dalawang kamay.

Inilapat ko ang patalim na hawak-hawak sa leeg niya. "Stop wasting my time and just
fvcking open the gate. Nasa panganib na ang buong Oracle, Seer."

"Bu... bubuksan ko na ang trangkahan, Scarlette," anito at pigil hiningang inihakbang ang isang paa. Gumalaw na rin ako at inilayo ang patalim sa leeg niya. "Hind ko alam kung bakit mo ito ginagawa pero mali itong ginagawa mo, Scarlette. Mapapahamak ka lang ulit sa paglabas mo ng Oracle."

"Hindi lang ako ang mapapahamak kong mananatili ako sa lugar na ito," wika ko at lumayo na sa kanya. Hindi ko inalis ang paningin sa Seer hanggang sa tuluyan na nitong mabuksan ang trangkahan sa harapan namin. "I'm doing this to save Oracle."

"Huwag kang tumulad sa iyong ina, Scarlette. Hindi mo kayang lumaban mag-isa," makahulugang turan nito na siyang ikinatigil ko. "Lumabang mag-isa ang dating Head Seer kaya naman ay nasawi ito. Kung iyon ang binabalak mo sa paglabas dito sa Oracle, ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Ang iyong katawang walang buhay na lamang ang makakabalik sa lugar na ito."

"Hindi ako nag-iisa," turan ko at tiningnan ang masukal na gubat kung saan ako tutungo ngayon. "May mga kasama ako, mga kaibigan, at hindi ako babalik dito nang walang ng buhay. Sisiguraduhin ko iyan," dagdag ko pa at mabilis na ikinilos na ang mga paa.

Tumakbo na ako patungo sa masukal na kagubatan at mabilis na tinahak ang daan patungo sa tagpuang napagkasunduan namin ng Tyrants. Paniguradong naroon na ang mga iyon!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Mas binilisan ko ang pagtakbo at noong ilang hakbang na lamang ang layo ko sa lugar na napag-usapan namin ng Tyrants, mabilis akong natigilan at agad na nagtago sa isa sa malaking puno sa tabi ko.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Mayamaya lang ay maingat akong kumilos at sumilip sa may unahan. Kunot-noo kung pinagmasdan ang limang taong naroon at pilit na pinapakinggan ang mga salitang binibitawan ng bawat isa.

"Huwag na kayong magsinungaling. Anong ginagawa ng mga taga-Northend sa parte ng gubat na ito?" tanong ng isang kawal na siyang tiyak kong kawal ng Evraren. Hindi naman nagsalita si Alessia samantalang nagkibit-balikat lang sa kaharap si Owen. "Sumagot kayo!"

Si Alessia at Owen lamang ang nandito. Mukhang nasa palasyo na sila Jaycee, kasama ng hari ng Northend.

Akmang kikilos na sana ako para tulungan ang dalawa noong makaramdam ako ng ibang presensiya sa paligid. Agad akong naging alerto at hinanap ang pinanggagalingan ng pamilyar na presensiya. At noong ibinalik ko sa puwesto nila Alessia ang paningin, natigilan na lamang ako noong halos sabay-sabay na bumagsak ang tatlong kawal ng Evraren kahit na wala namang ginagawa ang dalawang miyembro ng Tyrants.

"Huwag kang mag-alala, pinatulog lamang namin sila." Mabilis akong napaayos nang pagkakatayo at agad na bumaling sa likuran ko. Hindi na ako nagulat pa noong mamataan ko si Atlas doon. It was him! Iyong pamilyar na presensiyang naramdaman ko kanina, sa kanya nanggagaling iyon!

Napatango na lamang ako sa kanya at muling tiningnan ang puwesto ng Tyrants. Nasa tabi na nila si Tanner na siyang nagpatulog sa tatlong kawal ng Evraren gamit ang dark magic nito.

"Kahit kailan talaga ay hindi ko gusto ang kapangyarihang iyan," ani Alessia at bumaling na rin sa kinatatayuan namin ni Atlas. "You invited them?" tanong niya sa akin na siyang ikinangiwi ko. Ikinilos ko na ang mga paa at naglakad papalapit sa puwesto nila.

"Mas marami, mas mapapadali ang lahat," wika ko at  tiningnan ang tatlong kawal ng Evraren. "Hindi ko alam na nagtutungo sa gubat na ito ang mga kawal ng palasyo."

"May hinahabol sila kanina," ani Owen na siyang ikinatigil ko. "Nagkataon lang na nandito kami kaya tumigil sila."

"Nakita niyo ba kung sino iyong hinahabol nila?" tanong ko na siyang ikinailing naman ni Alessia. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang mga kasama. "Alright. We're running out of time. Kailangan ko nang makarating sa palasyo sa lalong madaling panahon."

"Alam na ng hari namin ang tungkol sa binabalak mo-"

"Change of plans," mabilis kong turan na siyang ikinatigil ng apat. "I'm sorry pero may nalaman akong tiyak na magsasalba sa Oracle at sa buong Evraren sa nalalapit na gulo."

"What do you mean, Scarlette? Anong nalaman mo?" tanong ni Atlas at hinarap ako nang maayos.

Hindi ako nakasagot at pasimpleng tiningnan si Alessia. Mataman lang itong nakatingin sa akin, ganoon din si Owen at si Tanner. I sighed. "Willmar, my... dad. Siya ang target natin ngayon."

"Why?" tanong ni Owen habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "Hindi ba dapat ay tutulong ito sa nalalapit na gulo ninyo sa Oracle?"

"It was him, Owen. Siya ang may pakana ng lahat ng ito. Siya lang ang may gusto sa gulong ito. To rule Oracle and to rule the whole realm of Evraren."

"Hindi magagawa ng iyong ama ang bagay na iyan, Scarlette," matamang sambit ni Atlas na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Kilala ko ang ama mo. He's a honorable man. Ilang taon na itong naninilbihan sa palasyo ng hari ng realm na ito. Imposibleng magtaksil ito para lamang sa dahilang iyan!"

"Maybe we both don't really know him, Atlas," malamig na turan ko at pinantayan ang intensidad ng titig nito sa akin. "He was the reason why the former Head Seer died. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang asawa nito, ang ina ni Scarlette."

"Scarlette, don't." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Alessia. Damn it! "So, ano na ang-"

"Wait," mariing pigil ni Atlas kay Alessia na siyang nagpamura sa akin sa isipan. "Anong sinabi mo kanina?"

"Atlas, we're running out of time-"

"Say it again!" bulalas niya na siyang bahagyang nagpapatilag sa akin. "Ina ni Scarlette? Bakit? Hindi ba ikaw si Scarlette?"

Hindi ako nakapagsalita at napabuntonghininga na lamang. Walang buhay kong tiningnan si Atlas at noong walang mga salitang lumabas sa bibig ko, mabilis itong kumilos at itinutok sa akin ang hawak-hawak na espada. Naging alerto naman sila Alessia at Owen at agad na tumabi sa akin. Inihanda na rin nila ang mga espada nila samantalang nakatitig lamang ako sa galit at litong ekspresiyon ni Atlas.

"Who are you?" malamig na tanong niya at mas itinutok sa akin ang hawak na espada. "And you, Tyrants, what the hell are you doing with her?"

"That's none of your business, Phoenix Knight," saad naman ni Owen sa tabi ko.

I sighed and tried to compose myself. This is my fault! Kung nag-ingat lamang ako sa mga salitang binitawan, hindi magiging ganito ang reaksiyon ni Atlas! Hindi maaaring umalis ito at si Tanner! We need help from them! Paniguradong nasa Oracle na rin ang ibang Phoenix Knight! They can't withdraw from their posts!

"It's okay," mahinang turan ni Alessia na siyang ikinatigil ko. "We will protect you from him," dagdag pa nito na siyang ikinatingin kong muli kay Atlas.

"Atlas, listen to me-"

"Who are you?" muling tanong nito na siyang ikinailing ko sa kanya.

"Scarlette," sagot ko na siyang mas lalong ikinadilim ng ekspresiyon nito sa mukha. "That was my name the moment I woke up inside this body."

"Please don't," pigil ni Alessia at hinarap ako. "You can't tell him."

"Tell me what?" tanong muli ni Atlas na siyang ikinairap ni Alessia. Hindi namin ito pinansin at napangiwi na lamang.

"May kasunduan tayo, Scarlette. Mas magiging komplikado ang lahat kung sasabihin mo sa kanya ang bagay na ito," mahinang turan ni Alessia at umayos na nang pagkakatayo. Hinarap muli nito sila Atlas at inayos ang pagkakahawak ng espada. "Kung hindi niyo tutulungan ang Seer na ito, makakaalis na kayo. Magbantay na lamang kayo sa Oracle. Mukhang nalalapit na ring maganap ang precognition ni Scarlette sa lugar na iyon."

"Alessia!" bulalas ko at napabuntonghininga na lamang muli. What the hell is happening? Bakit ba kasi nangyari pa ito? We're running out of time, for Pete's sake! Habang nagsasayang kami ng oras dito dahil sa diskusiyong ito, paniguradong may ginagawa na ang ama ni Scarlette para maisagawa ang mga plano niya! Damn me! I need to decide now! Hindi ko maaaring hayaan na lamang umalis itong sila Atlas! They're the Phoenix Knights! Malaking maitutulong nila sa amin sa labang ito!

Think, Rhianna Dione! Damn, just think!

"Noong naaksidente ako, may nangyaring kakaiba sa katawan ko," wika ko na siyang ikinatigil nilang apat. Namataan ko ang pagbaling nila Owen at Alessia sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Umayos ako nang pagkakatayo at hindi inalis ang paningin kay Atlas. "Hindi lang ako ang may-ari sa katawang ito," dagdag ko pa at inilagay ang kanang kamay sa may dibdib ko. "Someone's sharing this body with me."

"I... I don't understand-"

"Kaya nga dapat ay hindi ka na lang nagtanong, Phoenix Knight," mariing turan ni Alessia at hinawakan ang kamay ko. "Tama na. Huwag mo nang dagdagan pa ang mga salitang binitawan mo. That was enough."

Tumango na lamang ako sa kaibigan at tiningnang muli ang litong-lito na si Atlas. Nilapitan ito ni Tanner at marahang tinapik ang balikat nito.

"Kung nais niyo pang tulungan si Scarlette, you can stay with us," ani Owen na siyang ikinabaling ng dalawa sa puwesto namin. Ibinaba na nila ang pagkakatutok ng kanya-kanyang mga espada at umayos na lamang sa pagkakatayo. "Pero kung nagdududa pa rin kayo sa katauhan ng Seer na ito, hindi namin kayo pipiliting magtiwala. Nagbitiw na ng pangako ang Tyrants. We will help her no matter what. With or without your help."

"Sasama pa rin kami sa inyo," ani Tanner na siyang ikinatigil ko. "Kilala namin si Scarlette at may tiwala kami sa kanya," dagdag pa nito at matamang tiningnan ako. "I'm sorry about earlier. Hindi sinasadya ni Atlas ang itutok sa'yo ang espada nito."

"Tanner-"

"May isang salita rin ang Phoenix Knights." Pagpapatuloy nito sa pagsasalita at hindi pinansin ang pagtawag ni Atlas sa pangalan niya. "We promised to help you. We're your friends. Maaasahan mo kami." Tumango na lamang ako sa tinuran nito at muling tiningnan si Atlas. Namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga at sinalubong ang mga titig ko.

"So what's your plan now? Tell us and will do everything to help you and the rest of Seers," seryosong tanong nito sa akin na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko. "Sabihin mo na sa amin para matapos na ito, Scarlette... bago pa muli akong magduda sa katauhan mo."

Pain. All I can feel right now is pain. And I'm sharing it with her.... Scarlette! Damn it! Kahit na wala talaga ang diwa nito sa katawan niya, kilala pa rin nito ang emosiyong naramdaman niya sa lalaking kaharap! And now, I'm the one who's suffering from it! This is too much! Kailan ba ako aalis sa katawang ito? Hindi ko na yata kaya ang halo-halong emosiyong mayroon si Scarlette! Parang bibigay na rin ako sa katawang ito!

"Kagaya nang tinuran ko sa inyo kanina, ang primary target na natin ngayon ay ang aking ama," wika ko at hindi na binigyan pansin pa ang emosiyong nararamdaman ngayon. "We need to capture and stop him, pati na rin ang mga kasamahan nito."

"At kapag mahuli na natin siya? Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Owen na siyang ikinatigil ko. "Ibibigay ba natin ito sa hari ng Evraren para maparusahan?"

Napakurap ako at hindi nakapagsalita. Panibagong emosiyon na naman ang maramdaman ko sa katawan kaya naman ay mabilis akong natigilan. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay at natigilan na lamang noong makita ang panginginig nito.

Hatred. Revenge. And the thrist to kill someone. All of it... I felt it. Iyon ang nararamdaman ngayon ni Scarlette at sa pagkakataong ito, hindi ko na talaga alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa kanya.

No. I won't kill anyone from this realm. No. Hindi ko gagawin ang nais ng katawang ito!

No!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top