Chapter 23: Father

Kung hindi ang hari ng Evraren ang kalaban ng mga Seer ng Oracle, sino? Sino ang sisira at susunog sa lugar na ito? Sino ang magpapahamak sa kanila?

"I'm asking you, Scarlette. Anong ginawa mo? Kinausap mo ba ang hari ng Evraren?" mariing tanong muli ni Miss Leigh sa akin at inihakbang ang mga paa papalapit sa kinatatayuan ko. Naalerto ako.

"Simula noong magkamalay ako, hindi ko pa ito nakikita," simpleng sagot ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. One wrong move from her, hindi ako magdadalawang-isip na labanan at depensahan ang sarili laban sa kanya. Sa uri pa lang kasi nang titig ni Miss Leigh sa akin, tila handa na itong saktan ako! Damn!

"Scarlette, we're just trying to protect Oracle and the Seers. Mas mahalaga sa amin ang lugar na ito kaysa sa ibang mamamayan ng Evraren!"

"Iyon ba talaga ang ginagawa ninyo?" maingat na tanong ko na siyang ikinatango naman ng kausap.

"Lumalaban kami para sa Oracle. Nandito ang mga Seer na kagaya natin para sa Oracle!"

"Hindi ba dapat ay para sa Evraren?" tanong kong muli na siyang ikinatigil nito sa kinatatayuan. "Seer are born to protect this realm-"

"But we can't fight, Scarlette! Hindi natin kayang makipagpatayan para sa realm na ito!"

"Pero kaya niyong pumatay para sa Oracle," mas malamig na turan ko, hindi pa rin inaalis ang matamang titig sa kanya.

"Scarlette-"

"Enough, Miss Leigh. I've heard you enough. Now, release the Head Seer from your magic spell. Mas kailangan natin siya ngayon."

"I can't do that! Ipapahamak niya lang ang sarili niya at ang buong Oracle!" sigaw nito na siyang ikinailing ko na lamang sa harapan niya. Mukhang wala itong balak na pakinggan ako. Sarado na ang isipan nito at ang kung anong nasa isip niyang tama, iyon ang gagawin niya. "Hindi ko gagawin ang ginawa ko noon, Scarlette. Hindi ako mananahimik na lamang at maghihintay na isang Seer na naman ang mawala sa atin. No. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon," dagdag pa ni Miss Leigh at mabilis na tinalikuran ako. Nagmartsa na ito palabas ng opisina ng Head Seer at iniwan ako sa loob.

I sighed. Ipinilig ko ang ulo pakanan at binalingang muli ang walang malay na Head Seer ng Oracle.

Hindi ko pa ito nakakausap tungkol sa mga plano niya. Wala akong ideya sa kung ano ang mga ito kaya naman ay hindi ko magawang magtiwala sa mga salitang binitawan ni Miss Leigh kanina.

Kung talagang mapapahamak ang Head Seer sa mga binabalak niya, marapat lang na huwag nang gawin nito ang mga nasa plano niya. Oracle needs her. Kung mapapahamak ito, mas lalong gugulo ang lugar na ito.

"Now, Rhianna Dione, ano na ang gagawin mo?" mahinang tanong ko sa sarili at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Hindi ako maaaring manatili sa lugar na ito. We're running out of time. Kailangan may isa na sa amin ang kumilos para maprotektahan ang Oracle at ang mga Seer. "Scarlette, alam kong naririnig mo ako. I need you right now. I need your help," mahinang turan ko at ipinikit ang mga mata. Come on, Scarlette. Help me.

Akmang imumulat ko na sana ang mga mata noong may nakita akong mga imahe sa isipan. Natulos ako sa kinatatayuan at matamang pinagmasdan ang mga ito.

"What is this?" mahinang tanong ko noong makita ang ama ni Scarlette. Kung pagbabasehan ang itsura nito, mas bata itong tingnan kaysa sa itsura niya noong nagkita kami sa gubat. A retrocognition! An event from Scarlette's past! Great! Maaaring makatulong ito sa akin!

"Demetria! Kailangan na nating umalis dito!"

"Paano ang mga anak natin? Will, hindi natin puwedeng iwan na lamang ang mga bata!" Napakunot ang noo ko sa mga nakikita. Aalis silang dalawa? "Isama natin sila! We can protect them!"

"Mas makakabuti sa atin ang iwan sila rito sa Oracle! Nandito si Matilda. She can protect our daughters!" matamang sambit ng ama nila
Scarlette at hinawakan ang kamay ng asawa. "We're almost there, Demetria. Malapit na nating makuha ang matagal na nating hinahangad. This is our dream, remember?"

"This is your dream, Willmar, not mine. At lalong hindi sa mga anak natin."

"Demetria, napag-usapan na natin ang bagay na ito. We're doing this for our children!" mariing wika nito sa asawa at hinila na ito palabas sa silid kung saan sila nag-uusap. "We're going to kill the current king of this realm. At pagkatapos non, ibabalik natin sa mga Seer ang pamamahala sa buong Evraren. That's our dream, Demetria."

Napahawak ako sa ulo ko at mabilis na napailing. Kusang umawang ang labi ko at pilit na hinahabol ang sariling hininga.

What the hell was that?

So, that was their plan? To kill the current king? At noong hindi sila nagtagumpay, namatay ang ina nila Scarlette. But... how about their father? Paanong nagtratrabaho pa rin ito para sa hari hanggang ngayon? Anong ginawa nito para makaligtas sa kamatayan at nanatiling taga-silbi ng hari?

"This is getting worse," mahinang turan ko at tiningnan muli ang Head Seer ng Oracle. "I think you knew what happened years ago," dagdag ko pa at nilapitan na ito. "Come on, Head Seer. Wake up." Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at inilapat ang kamay sa balikat nito.

Agad din naman akong natigilan noong may mga panibagong imahe na naman sa isipan ko. This time, it was Scarlette's father and the Head Seer of the Oracle! Kusang umawang naman ang mga labi ko at mariing ikinuyom ang mga kamao sa mga tagpong nakikita sa isipan.

I knew it! She knew about her sister's plan! At hinayaan niya lang ito hanggang sa mapahamak ito at mamatay! Damn it!

Hindi na ako nagsalita pa. Mabilis kong nilisan ang opisina ng Head Seer at nagmamadaling bumalik sa silid ko. Marahas kong binuksan ang pinto ng silid at noong mabungaran kong nasa loob si Isobelle, mabilis ko itong nilapitan at tumayo sa harapan niya.

"Anong relasyon ng Head Seer sa ama ninyo ni Scarlette?" agarang tanong ko na siyang ikinagulat ni Isobelle. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at matamang tiningnan ako. "Answer me, Isobelle. Anong klaseng relasyong mayroon sila?"

"I... Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo-"

"Stop fooling me, Isobelle. If you want to save this place, cooperate. Now tell me, anong nalalaman mo?" mariing tanong ko, trying to control my emotion. Damn me! Paano ba ako naipit sa gulong ito? Sa gulo ng pamilyang ito?

"Scarlette-"

"Anong ginawa ng ama mo? Ano ang totoong nangyari sa dating Head Seer ng Oracle?" magkasunod na tanong ko sa kaharap.

"Bakit ko pa sasagutin ang mga katanungan mo? Alam mo na naman ang totoong nangyari,  hindi ba?" mahinang sambit ni Isobelle na siyang ikinakuyom ng mga kamao ko. "My sister... she dearly loved our mother. Alam nitong may mali sa pagkamatay niya kaya naman ay palagi itong lumalabas sa Oracle. To investigate."

"At noong malaman niya ang totoo? Wala siyang ginawa?" malamig na tanong ko kay Isobelle.

"Wala siyang magawa! We're powerless, Rhianna Dione! Isang hamak na Seer lamang kami!"

"But not her. Not Scarlette, not your sister! She's more than a Seer at alam mo iyan! Dapat ay tinulungan niyo na lang ito!"

"We did, okay! Maging ang tiyahin namin, ang kapatid ng aming namayapang ina, ay ginawa ang lahat para tulungan si Scarlette! But in the end, she got hurt! Umuwi itong duguan at halos mag-agaw buhay! It was a mistake. Maling hinayaan namin ito sa mga ginawa niya noon! We almost lost her, Rhianna Dione. At kagaya sa nangyari sa ina, wala kaming nagawa para sa kapatid ko!"

"And what about your father? Nagkikita sila ni Scarlette sa gubat. Anong ginawa niya sa kanya?"

"Hindi ko alam. Wala namang sinasabi si Scarlette tungkol sa kanya," sagot nito na siyang ikinatango ko na lamang. "We just really want to save Oracle and the Seers. Wala na kaming pakialam pa sa iba. We need this place. Iyon din naman ang nais ng aming ina. To save our home."

"Pero sa maling paraan," mariing turan ko na siyang ikinatigil ni Isobelle sa harapan. "Killing the current king can't save this place."

"Killing? The king of Evraren?" naguguluhang tanong nito sa akin. "Sinong nagsabi niyan sa'yo?"

"I saw it, Isobelle. I saw it inside my head. It was Scarlette's retrocognition. Alam niya ang plano ng mga magulang niyo."

"Paano mo nagawa iyon? Imposible iyang mga pinagsasabi mo. Hindi iyon gagawin ng mga magulang ko!"

"Ang iyong ina, oo, hindi niya magagawa iyon. But your father, Willmar, one of the King's Knight, can do that. At base na rin sa retrocognition na nakita ko, it was all his plan. Tutol ang ina mo sa mga plano nito pero dahil sa kagustuhan ng ama ninyong pamunuan ang buong Evraren, ginamit niya ang impluwensiya ng dating Head Seer at tinangkang patayin ang hari ng realm na ito!"

"And now... with your help, magagawa na niya sa wakas ito. Ang patayin ang hari ng realm na ito," mahinang turan ni Isobelle at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Hindi niya maaaring gawin ito, Rhianna Dione. Mapapahamak ito!"

"We can't stop him now, Isobelle," matamang sambit ko na siyang ikinailing nito sa akin. "Noong nakausap ko ito noon sa gubat, ang sabi niya ay handa na ang lahat. They're just waiting for the right time to attack."

"Iyong pagtitipon sa palasyo!" bulalas nito at kinagat ang pang-ibabang labi. "Kailangan nating makadalo roon! We need to stop him!"

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at kalmadong tiningnan si Isobelle. "Hindi maganda ang kalagayan ng Head Seer ngayon," turan ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Isobelle. "I want you to stay with her."

"At ikaw?"

"Lalabas ako kagaya nang napag-usapan natin. I'll meet the Tyrants and some of the Phoenix Knights. May magbabantay sa buong Oracle habang wala ako rito. And you, you only have a single task. Protect the Head Seer. Hindi ito sasaktan nila Miss Leigh. Nakausap ko rin ito kanina. They want to protect the Oracle and the Seers too. At kapag magkamalay na ang Head Seer, make sure na hindi ito lalabas ng Oracle. Let her stay inside this place and wait for my return."

"Paano kung-"

"Isobelle," pigil ko sa dapat na sasabihin nito. "Nawala na ang ina ninyo, hindi maaaring maging ganoon din ang kapalaran ng kasalukuyang Head Seer. You need to promise me. Hindi mo hahayaang makaalis sa Oracle
si Miss M. The Phoenix Knights will guard this place, so please, gawin mo na lamang ang pinag-uutos ko."

"Alright," ani Isobelle at humugot ng isang malalim na hininga. Tumango ito sa akin at humakbang ng isang beses palayo sa akin. "You need to promise too, Rhianna Dione. Promise me that you will stay alive. Pagkatapos mong pigilan ang aming ama, kailangan mong makabalik dito sa Oracle ng buhay. Mangako ka sa akin."

"Kapag matapos ko na ang misyong ito, hindi na ako ang babalik sa lugar na ito, Isobelle." Namataan kong natigilan ito sa sinabi ko. "Scarlette will surely return to her body. After this mess, I will leave this body and return to
mine."

"Rhianna-"

"Go, lumabas ka na. Puntahan mo na ang Head Seer at siguraduhin mong magiging ligtas ito habang wala ako," mariing sambit ko na siyang mabilis na sinunod nito.

Noong tuluyan na akong naiwang mag-isa sa silid, napabuntonghininga na lamang ako. Tamad kong inihakbang ang mga paa at humarap sa may salamin. Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa harapan at maingat na hinawakan ang kulay pulang buhok ni Scarlette.

"Kung hindi mo ito nagawang pigilan noon, puwes, let me do it, Scarlette. I will stop him. He's not my father anyway. Kaya ko itong saktan kung kinakailangan." Napailing na lamang ako at muling napabuntonghininga. "I felt it, Scarlette. Naramdaman ko ang pag-aalinlangan mo kanina bago mo ipakita sa akin ang retrocognition na iyon. I'm sorry pero kailangan nang matapos ang gulong ito. I will use your power to stop him. I will use everything you have to save this place. Afterall, it was your dream, right? To have peace between the people of Evraren and the Seers of Oracle. So please, lend me your strength, your magic power. I need it right now."

Napatingala na lamang ako at binitawan na ang buhok ni Scarlette. Mayamaya lang ay napahawak ako sa marka ko sa may leeg, iyong markang kapareho sa katawan ni Captain Mary.

"I need your strength too, Captain. Kahit ngayon lang," mahinang turan ko at naglakad na patungo sa closet ni Scarlette. Mabilis akong nagbihis ng damit at naghanda na sa pag-alis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top