Chapter 22: Doubt
Wala sa sarili akong nakatingin lang sa kawalan.
Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Everlee. Maghihiganti ang Head Seer dahil sa nangyari sa pamangkin niya. Nag-agaw buhay si Scarlette noon, oo, pero sapat na ba iyon na dahilan para ipahamak ang buong Oracle?
"At talagang naniwala ka sa mga sinabi ng babaeng iyon, Rhianna Dione?" mahinang tanong ko sa sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Sa dami ng atraso sa akin ni Everlee, ngayon pa talaga ako naapektuhan sa mga salita niya. Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. "Pero... paano kung totoo ang mga iyon? Ano na ang gagawin ko?"
Wala ngayon si Eldred. Pagkatapos nang pag-uusap namin kanina ay bigla itong umalis. Hindi na ako nagkaroon pa nang pagkakataong magtanong sa kanya. Alam kong alam ni Eldred ang lahat nang nangyari noon kay Scarlette. Guardian siya nito kaya naman kung may dapat akong malaman, dapat ay siya na mismo ang magsasabi sa akin! Hindi naman siguro niya hahayaang mapahamak ulit ang katawan ni Scarlette habang gamit ko ito. Dahil sa isang maling desisyon ko sa realm na ito, buhay naman ni Scarlette ang mapapahamak.
Muli akong napailing at tahimik na binalingan ang gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer ng Oracle. Pinaguradong naroon pa hanggang ngayon si Isobelle. At kung sinunod nito ang inutos ko kanina, natitiyak kong gumawa na sila nang hakbang para gawin ang mga plano ng Head Seer.
A war.
We will declare a war against the royal family of Evraren.
Napabuntonghininga akong muli.
Kakayanin ba ng mga Seer ang nalalapit na gulong ito? I sighed again.
Napapikit ako at pilit na inalala ang mga imaheng nakita noon bago pa ako napadpad dito sa Oracle. Nasusunog ang buong lugar na ito. Fire. Screaming. Crying. Iyon ang tumambad sa akin noon. And then... someone was screaming.
"Protect the Head Seer!"
Protect? Why? Kahit na isang Seer ito, still, she can fight. Hindi isang ordinaryong Seer ito. Paniguradong kaya nitong protektahan ang sarili. Unless kung masasaktan ito sa araw na iyon.
Napangiwi ako at mabilis na hinawi ang buhok sa may balikat. Muli akong napailing at mabilis na ikinilos ang mga paa.
Wala akong makukuhang sagot kung tatayo lang ako rito. Kung nais kong malinawagan sa mga nangyayari sa lugar na ito, kailangang makausap ko ang Head Seer ng Oracle. Oo, aware ako na may plano na siya pero wala akong ideya kung ano ito! Kailangan kong malaman kung ano ito para naman ay alam ko kung ano ang susunod na gagawin ko. Hindi ako maaring umasa na lamang sa tulong na ibibigay ng Tyrants at ng Phoenix Knights. Hindi sila taga-Evraren. Para sa kanila, may mas mahalaga pa kaysa sa lugar na ito! Damn it!
Dali-dali akong nagtungo sa opisina ng Head Seer. Malalaki ang mga hakbang ko at noong namataan ko si Isobelle na nasa labas at seryosong nakatingin sa pinto ng opisina ng tiyahin, napakunot ang noo ko.
"What are you doing here?" tanong ko noong tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Mabilis namang bumaling sa akin si Isobelle at natigilan na lamang ako noong makita ang seryoso at madilim na ekspresyon nito sa mukha. "What happened? Nasaan ang Head Seer?"
"She's talking to her. Pinalabas ako ni Miss M kaya naman ay wala na akong nagawa pa," seryosong saad nito at muling tiningnan ang nakasarang pinto. "Sigurado akong gagawin niya ang lahat para pigilan ito."
"Si Miss Leigh ba ang nasa loob?" tanong ko kahit na may ideya na ako sa kung sino ang tinutukoy niyang kausap ngayon ng Head Seer. Mayamaya lang ay maingat na tumango si Isobelle sa akin. "Nalaman mo ba ang planong gagawin ng Head Seer sa sitwasyon natin? Dahil kung ikakabuti naman ito ng buong Oracle, natitiyak kong hindi kayang pigilan ito ng kahit sinong high rank Seer." Muling bumaling sa akin si Isobelle at namataan ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Umayos ako nang pagkakatayo at hindi inalis ang paningin sa kapatid. "Tell me, Isobelle, ano ang plano ng Head Seer?"
"I... I don't know. Wala pa siyang nababanggit sa akin."
Nanatili ang tingin ko sa kanya. I don't like this feeling. Sa lahat ng impormasyong mayroon ako ngayon, kahit ang mga malalapit na tao kay Scarlette ay pinagdududahan ko na! Damn it!
"Iyong totoong plano ni Scarlette bago pa man siya maaksidente, alam mo ba?" makahulugang tanong ko na siyang ikinatigil nito sa puwesto niya. "May alam ka ba? Dahil kung may alam ka, kahit ideya man lang, sabihin mo sa akin. I'm here to help Scarlette and the rest of the Seers of Oracle. This place will be destroyed soon, Isobelle. Wala na tayong sapat na oras pa. Kung may alam ka, sabihin mo na sa akin."
"Rhianna-"
Mabilis kaming natigilan ni Isobelle noong biglang bumukas ang pinto sa harapan namin. Sabay kaming napaayos nang pagkakatayo at seryosong tiningnan si Miss Leigh. Tahimik at seryosong nakatingin lang din ito sa amin. At noong humakbang ito ng isang beses, mabilis na kumilos si Isobelle at tahimik na tumabi sa akin.
"Nakaalis na ba ang mga bisita mo?" malamig na tanong ni Miss Leigh na siyang maingat na ikinatango ko. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbuntonghininga nito at bumaling sa loob ng opisina ng Head Seer. "Hindi maganda ang kondisyon ngayon ni Matilda. Huwag muna kayo tumanggap na kahit sinong bisita mula sa labas ng Oracle." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Lalo na ang Tyrants at Phoenix Knights. She's stress. Hindi ko alam kung anong dahilan pero mukhang dahil iyon sa'yo Scarlette. Let her rest. Bumalik na rin muna kayo sa mga silid ninyo."
"Anong nangyari kay Miss M?" malamig na tanong ni Isobelle na siyang ikinabaling naman ni Miss Leigh sa kanya. "Maayos pa ang pakiramdaman niya kanina noong nag-usap kami. Anong ginawa mo sa kanya?" dagdag pa nito at humakbang ng isang beses papalapit sa pinto ng opisina ng Head Seer. Agad din naman itong natigil sa pagkilos noong pinigilan ito ni Miss Leigh. Namataan ko ang mabilis na paghawak nito sa braso ng kapatid. "Let me go."
"Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko kanina, Isobelle?" mariing tanong nito sa kapatid. "Masama ang pakiramdam ng-"
"Narinig ko iyon ngunit hindi ako naniniwala sa mga katagang binitawan mo," malamig na sambit ni Isobelle at muling ikinilos ang mga paa. Mabilis nitong hinawi sa may pintuan si Miss Leigh at dere-deretsong pumasok sa loob ng opisina ng tiyahin. Hindi ako kumibo. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan at mayamaya lang inihakbang na rin ang mga paa. Sumunod ako kay Isobelle at noong mamataan ko ang Head Seer ng Oracle, napakunot ang noo ko.
What is this?
Maingat kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid at hindi pinagsawalang bahala ang kakaibang enerhiyang nararamdaman ngayon. Mayamaya lang ay napabaling muli ako sa puwesto ng Head Seer. Nakaupo ito ngayon sa swivel chair niya habang hinihilot ang sintido. Nakapikit ito at noong maramdaman ang presensiya namin, mabilis itong umayos nang pagkakaupo at matamang tiningnan kami.
"Bumalik na kayo sa mga silid niyo, Isobelle," anito at tiningnan si Miss Leigh sa likuran ko. "Hindi ba sinabi ko ng ikaw na ang bahala sa kanilang dalawa?"
"Hindi sila nakikinig sa akin, Head Seer," sambit ni Miss Leigh na siyang ikinabuntonghininga ng Head Seer. Umiling ito at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito noong mabilis itong natigilan at napahawak sa gilid ng mesa nito. Naalarma kami ni Isobelle kaya naman ay mabilis naming dinaluhan ito. "I'm fine," aniya at matamang tiningnan kami. "Ayos lang ako kaya naman ay bumalik na kayo sa mga silid ninyo."
"You definitely don't look fine, Head Seer," malamig na turan ko at tiningnan si Miss Leigh. Tahimik lang itong nakamasid sa amin. "What happened to her? Anong ginawa mo sa kanya?"
"Scarlette, ayos lang-"
"Maayos pa ang kalagayan niya kanina," si Isobelle. "What is this? Anong ginawa mo sa kanya?"
"Wala akong-"
"Liar!" sigaw muli ni Isobelle at noong akmang susugurin na nito si Miss Leigh, mabilis ko siyang pinigilan at binalingan. Inilingan ko ito at mariing ikinuyom ang isang kamao.
"That's enough, Isobelle," suway ng Head Seer sa kapatid at tiningnan ako. "Umalis na kayo ng kapatid mo, Scarlette. Ayos lang talaga ako."
"No," malamig na turan ko sa kanya. "Isobelle, samahan mo ang Head Seer sa kuwarto niya. Masama ang pakiramdaman nito kaya naman ay dapat ay nagpapahinga na ito ngayon."
"Pero Scarlette-"
"Go. Ako na ang bahala rito," dagdag ko pa at matamang tiningnan muli si Miss Leigh.
Hindi na muling nagsalita pa si Isobelle at sinunod na lamang ang nais ko. Hindi na rin umalma ang Head Seer sa naging pasya ko. Mukhang masama talaga ang pakiramdaman nito!
Noong tuluyang nakaalis na ang dalawa at tanging ako na lamang at Miss Leigh ang natira sa opisina, maingat akong naglakad patungo sa harapan ng mesa ng Head Seer at maingat na naupo sa gilid nito. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at pinag-krus ang dalawang braso sa harapan.
"What kind of magic did you used against her?" seryosong tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Kita ko ang pagbago ng ekspresyon nito ngunit segundo lang iyon. Mabilis nawala ang gulat na ekspresyon nito at matamang tiningnan na rin ako.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Scarlette. Wala akong-"
"Hindi ako kagaya ng kapatid ko, Miss Leigh. Kung siya walang alam sa ganitong bagay, puwes, ibahin mo ako," turan ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa. Umayos ako nang pagkakatayo habang hindi pa rin inaalis ang matamang titig sa kanya. "I'm not just a Seer."
"Oh, I've heard that phrase a couple times before, Scarlette. Iyan din ang bukang-bibig ng ina mo noon. But look... tingnan mo ang nangyari sa kanya. Where is she? Hindi ba napahamak ito." Hindi ako nakapagsalita at hinayaan na lamang si Miss Leigh. Mukhang may makukuha akong mga impormasyon mula sa Seer na ito. "I never doubted your mother," pagpapatuloy nito. "I acknowledged her abilities, but not her decision making! Sarili niya lang ang inisip nito! Hindi niya inisip ang kapakanan ng buong Oracle! And now, Matilda will do the same mistake, and that's because of you!"
"Kaya ba ginamitan mo ito ng kakaibang mahika? Para mapigilan ito sa paggawa ng maling desisyon kagaya nang ginawa ng aking ina noon?" maingat na tanong ko sa kaharap.
Now I'm more curious about what happened to Scarlette's mother. She was the former Head Seer of Oracle. Kung paano at saan ito namatay ay isang palaisipan pa rin sa akin. Sa tingin ko kasi ay konektado ang lahat ng ito sa pagmatay ng dating namumuno ng lugar na ito. I need to gather more details. Kailangan ko nang sapat na impormasyon bago kumilos muli. Sooner or later, mangyayari na ang premonition ko sa lugar na ito. Nauubusan na ako ng oras kaya naman ay dapat matapos ko na ito!
I need to finish this mission and find my husband! Damn me! Sa dami ng nangyayari sa lugar na ito, talagang nakalimutan ko na ang tungkol sa paghahanap ko kay Treyton Duke!
"Hindi ko hahayaang mangyari kay Matilda ang nangyari sa kapatid niya."
"So, hahayaan mo ang hari ng Evraren na sirain at saktan ang mga Seer ng Oracle?" malamig na tanong ko na siyang ikinakunot ng noo nito.
"What do you mean by that?" takang tanong niya na siyang ikinataas ng isang kilay. "The king won't do that, Scarlette! Alam nito ang kahalagaan ng mga Seer at Oracle sa realm na ito!"
"Sigurado ka?" I asked her again. Trying to get more information from her. "Dahil sa pagkakatanda ko, Seer used to rule this realm. Hindi ba sagabal tayo sa kung anong plano ng hari sa realm na ito?"
"Hindi niya iyon magagawa, Scarlette! Kahit na nagtaksil ang ina mo sa kanila noon, nanatili pa rin ang kasunduang mayroon tayo at ang miyembro ng royal family!"
Kasunduan?
Hindi ako nagsalitang muli at pinagmasdan na lamang ang takot na ekspresyon sa mukha ni Miss Leigh. Mayamaya lang ay muling nagbago ang ekspresyon nito at masamang tiningnan ako.
"Scarlette, what... what's the meaning of this? What have you done?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top