Chapter 21: Secrets

Mataman at tahimik kong tinitigan ang Phoenix Knights sa harapan ko. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at humugot na lamang ng isang malalim na hininga.

"Anong gagawin mo ngayon, Scarlette?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Eldred sa likuran ko. Damn it! Bakit ngayon pa ito sumulpot? Ngayong kaharap ko pa talaga ang mga Phoenix Knight! Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at muling itinuon sa Phoenix Knights ang atensiyon. Bahala na siya riyan! Mamaya ko na ito kakausapin kapag tapos na ako sa tatlong Knight na ito! "You will ask them to help you, too? Kagaya nang ginawa mo sa Tyrants ng Northend?" muling sambit ni Eldred na siyang ikinangiwi ko.

"Stop," mahinang turan ko na siyang ikinakunot ng noo ni Altas sa harapan ko. Napaayos ako nang pagkakatayo at mariing ikinuyom ang mga kamao. Hindi ko na binigyan pansin pa si Eldred at nagpatuloy na sa pagsasalita. "Phoenix Knights, I need you to help us, the Seers of Oracle."

"Stop being too formal, Scarlette," ani Winter na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Tell us, anong maitutulong namin sa inyo?"

"Sa araw nang pagtitipon sa palasyo ng hari ng realm na ito, I want you to stay there and protect the people of Evraren," wika ko na siyang lalong ikinakunot ng noo ni Atlas. "Nandoon din ang hari ng Northend at dahil sa naging kasunduan namin ng Tyrants, natitiyak kong pupunta sila rito para tulungan ang mga Seers."

"Anong kasunduan ang napag-usapan niyo ng Tyrants, Scarlette?" malamig na tanong ni Atlas na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. Umayos ako nang pagkakatayo at sinalubong ang mapanuring titig nito. "Kung ikakapahamak mo ito, ngayon pa lang ay itinigil mo na ito, Scarlette. We can help you. Magpapadala ako ng iba pang Phoenix Knights para protektahan kayo rito sa Oracle. Kaya naman ay itigil mo na ang kung anong kasunduan mo sa Tyrants."

Maingat akong umiling kay Atlas at wala sa sariling napatingin kay Eldred na ngayon ay tahimik na nakatayo sa tabi ko.

"He never changed," anito na siyang ikinataka ko naman. "Kahit na umalis na ito rito sa Oracle, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa'yo," dagdag pa ni Eldred na siyang gulat na ikinabaling kong muli kay Atlas. He was originally from Evraren? From Oracle?

"You're a Seer," wala sa sariling sambit ko na siyang ikinataka naman ng tatlong Phoenix Knight sa harapan ko. Namataan ko ang pagkilos ni Winter at noong lumapit ito sa akin, mabilis niyang inilapat ang likod ng palad sa noo ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at hinayaan na lamang ito sa ginagawa.

"Ayos ka lang ba talaga, Scarlette?" tanong ni Winter at inilayo na ang sarili sa akin. "Wala ka namang sakit kaya naman bakit ganyan ang tanong mo sa amin? Nakalimutan mo na bang nanggaling kami ni Altas sa Oracle bago pa maging miyembro ng Phoenix Knights?"

"Ikaw rin, Winter?" Napaawang ang labi ko at wala sa sariling napahawak na lamang sa ulo ko. Damn it! Bakit wala sa mga impormasyong nakuha ko ang detalyeng ito? Sa lahat na dapat hindi ko alam, itong impormasyon pa talaga! But wait... sinadya ba ito ni Scarlette? Sinadya ba niyang kalimutan ang mga ito?

"May mga bagay talaga na dapat ay manatiling sekreto, Rhianna Dione," ani Eldred na siyang ikinatigil kong muli. "Forget about them being a Seer or whatever they were before. Hindi na mahalaga iyon. Now, focus on your mission. Mas gugustuhin din ni Scarlette na ituon ang atensiyon nito sa pagligtas sa buong Oracle."

"Scarlette-"

"I'm fine," turan ko na siyang ikinatigil naman ni Winter. "N-na... na-aksidente ako kaya naman ay may ilang alaalang nawala sa akin. But fine... physically, yes, I'm fine."

Nagkatinginan ang tatlo at segundo lang ay muli nilang itinuon sa akin ang atensiyon.

"About your plan, tell us now, Scarlette. Titingnan namin kung ano ang magagawa namin para matulungan kayo," ani Tanner na siyang mabilis na ikinatango ko sa kanya.

"Kilala niyo naman ang ama ko, hindi ba?" tanong ko na siyang marahang ikinatango ng tatlo sa akin. "He's one of the King's knights. Nasa palasyo ito sa gabi nang pagtitipon. Talk to him. I'm afraid he will do something dangerous. Take him with you. Kami na ang bahala rito sa Oracle. I will stop the enemies. No matter what happen, I will protect Oracle."

"You can't even fight, Scarlette. Paano mo gagawin ang binabalak mong pagprotekta sa lugar na ito?" malamig na tanong ni Atlas na siyang ikinatigil nito. "You're not a warrior. You're a Seer."

"Kaya kong pumatay," sambit ko na siyang ikinatigil nito sa puwesto niya. "Kung iyon lang ang paraan para maprotektahan ko ang lugar, then fine, I will fight and kill."

"Scarlette, please don't. Hindi mo gagawin-"

"Matagal na kayong wala rito sa Oracle. Marami na ang nagbago sa lugar na ito. We're not just a normal Seers, Atlas. We don't just use our abilities to see a glimpse from the future. We can also use our fists to protect the present," turan ko at humugot ng isang malalim na hininga. "I will protect the Oracle, and you, members of the Phoenix Knights, protector of Azinbar, will help and protect the people of Evraren. Iyon lang ang hihilingin ko sa inyo. Dahil sa gulong ito, natitiyak kong hindi lang ang mga Seer ang mapapahamak. So please, stop questioning me and let's just do our best to protect the people around us. They can't fight to protect, but we... we can fight to protect them."

Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na inaalala ang naging pag-uusap namin ng Phoenix Knights. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero wala na akong ibang pagpipilian pa. Sila ang nandito kanina at natitiyak kong tutulungan nila ang mga taong nasa palasyo kung sakaling magkagulo man doon! Sana lang talaga ay walang ibang mapahamak sa gagawin ng ama ni Scarlette sa palasyo ng hari ng Evraren!

Wala sa sarili akong napailing at napatingala na lamang. Iminulat ko ang mga mata at matamang tiningnan ang malawak na kalangitan.

"Kung nandito ka ngayon sa katawan mo, ito rin ba ang gagawin mo, huh, Scarlette? Hihingi ka rin ba ng tulong sa mga taong sinaktan ka nang lubos noon?" Kahit na wala akong alam sa kung anong koneksiyon ni Scarlette at Altas, ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kanina. Higit pa sa kakilala o kababata ang koneksiyon ng dalawa. Sa uri pa lang nang titig nito sa akin, alam kong may hindi magandang nangyari noon sa pagitan ng dalawa. Kaya naman siguro ay minabuti ni Scarlette na kalimutan na lamang ito.

I sighed. Stop, Rhianna Dione, and just focus on your mission! Hindi ko na kailangan pang makialam sa bagay na ito. Si Scarlette na lamang ang mag-aayos nito kapag makabalik na siya sa katawan niya!

Muli akong napabuntonghininga at napatingin na sa gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer ng Oracle.

"Sana ay nakausap na ito ni Isobelle," mahinang turan ko at inihakbang na ang mga paa. Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa main entrance ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Head Seer ngunit bago pa man ako makapasok doon, agad akong natigilan noong marinig ko ang pagtawag ni Everlee sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko at binalingan ito.

Ano na naman kaya ang pakay ng babaeng ito sa akin?

"Saan ka pupunta?" tanong niya na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. "Pupuntahan mo ang Head Seer?"

"Bakit? Hindi ba puwedeng puntahan ito?" balik tanong ko sa kanya. Kita ko ang pag-iba ng ekspresiyon ni Everlee at matamang tinitigan ako. "Kung wala kang matinong sasabihin sa akin, leave me alone. Hindi mo kailangang malaman kung saan ako pupunta o sino ang kakausapin ko."

Segundo lang ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Everlee sa puwesto niya. Ipinilig ko ang uli pakanan at tiningnan itong umayos nang pagkakatayo. "Noong una, ang Tyrants ang naghanap sa'yo. At ngayon, miyembro naman ng Phoenix Knights. Iyong totoo, Scarlette? May balak ka bang ipahamak ang buong Oracle? What is this? Are you planning to ruin this place? Kagaya nang ginawa ng namatay mong ina?"

Hindi ako nagsalita at masamang tiningnan lamang si Everlee. Anong pinagsasabi ng isang ito?

"This place suffered enough, Scarlette. Huwag mo nang palalain pa ang sitwasyong mayroon tayo ngayon!" sigaw nito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.

"Sitwasyon?" matamang tanong ko na siyang ikinatigil ni Everlee sa kinatatayuan niya. "Tell me, Everlee. May alam ka ba sa nangyayari?"

"I-"

"Alam mo ba kung anong mangyayari sa lugar na ito?" pahabol na tanong ko sa kaharap. Hindi ko inalis ang paningin kay Everlee at noong kumilos ito at tinalikuran ako, mabilis akong napailing at inihakbang ang mga paa. Dali-dali ko itong nilapitan at hinawakan ito sa braso para pigilan sa pag-alis. At noong lumapat ang kamay ko sa braso ni Everlee, ilang mga imahe ang namataan ko sa isipan.

I froze where I'm standing.

It's a retrocognition! An image from Everlee's past!

"Scarlette! Itigil mo na ito. Mapapahamak ka sa ginagawa mo!"

"Kung mananatili lang ako sa loob ng Oracle, masasayang lang lahat ng sakripisyo ng aking ina!" bulalas ko at binawi kay Everlee ang kamay. "I can't stop now, Everlee. Ito na lang ang magagawa ko para sa namayapa kong ina."

"Fine!" sigaw ni Everlee sa akin. "Kung talagang desidido ka na sa binabalak mo, go. Do it, Scarlette. Pero binalaan na kita. This will harm you and the rest of the Seers. At kung talagang gagawin mo na naman ang paglabag sa utos ng Head Seer, I'm sorry pero sa pagkakataong ito ay isusumbong na kita. This is wrong, Scarlette. You need to stop before you lose everyone."

"At kasama ka na roon?" mahinang tanong ko sa kaibigan.

"You already lost Atlas. You lost the man you loved because of your selfish act. Siguro naman ay hindi ako kawalan sa buhay mo, Scarlette."

"You were Scarlette's friend?" wala sa sariling tanong ko at binitawan na ang braso ni Everlee. Marahas naman itong bumaling sa akin at masamang tiningnan ako.

"Binalaan na kita noon, Scarlette. Mas lalong gumulo lamang ang lugar na ito dahil sa'yo!" mariing sambit nito sa akin at humugot ng isang malalim na hininga. "Kung nakinig ka na lang sana sa akin noon, sana'y hindi ka na-aksidente. Sana'y hindi mag-iisip nang paghihiganti ang Head Seer sa may kagagawan nang aksidenteng kinasangkutan mo!"

"What?" gulat na tanong ko sa kaharap.

"Stop acting like you never knew about this, Scarlette!" sigaw ni Everlee na siyang ikinapako ko sa kinatatayuan. "Lahat ng ito, lahat nang nangyayari, this is all about your revenge!"

"No," mabilis na turan ko at umiling sa kanya. "This is not revenge, Everlee! I'm doing this to protect this place! To protect this place and the Seers!"

"Protect? Naririnig mo ba ang sarili mo, hah, Scarlette? No. You're not doing this to protect Oracle. You're doing this for yourself, you selfish Seer! Noon pa man ay sarili mo lang ang inaalala mo. You lost your mom, yes, and we're sorry about that. We knew you suffered but for us to suffer the same pain you experienced before... Scarlette, we don't deserve this."

"Everlee... hindi kita maintindihan-"

"Miss Leigh and the rest of the High Rank Seers are planning to stop Miss Matilda. Sa kung anong planong mayroon ito, they need to stop her. Hindi natin kailangang makipaglaban sa royal family ng Evraren. Hindi natin kailangang makipagmatigasan sa kanila. Mauubos tayong mga Seer, Scarlette. Mas mahalaga pa ba ang lugar na ito kaysa sa mga buhay natin?"

"But this is our home. Paano naman tayo kung pati ito ay sasakupin nila?"

"With or without Oracle, we're still Seers. Kahit saan tayo mapadpad, kahit sa ibang realm tayo manirahan, isang Seer pa rin tayo. Hindi na magbabago iyon, Scarlette," turan ni Everlee at tinalikuran na ako. Hindi na ako nakakibo sa kinatatayuan at pinagmasdan na lamang ang papalayong bulto ng dating kaibigan ni Scarlette.

Mali ba ang naging desisyon ko?

Mali ba ang naging paraan ko para matulungan ang mga Seer sa realm na ito?

"I told you. Lahat ng nandito ay may sekreto." Hindi na ako nagulat pa noong marinig ang boses ni Eldred sa likuran ko. "Ngayon... sino na ang paniniwalaan mo, Rhianna Dione? Ano na ang susunod na gagawin mo para matapos ang misyong ito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top