Chapter 20: Destroy

Tahimik at seryoso kong tiningnan ang nangyayari sa labas kung saan naroon ang ilang miyembro ng Phoenix Knights.

Anong ginagawa nila sa lugar na ito? Hindi ba dapat ay nasa Phoenix sila at binabantayan ang kanilang Grand Master? Anong dahilan nang pagpunta nila rito sa Oracle?

"Simula noong pumasok ka sa katawan ni Scarlette, hindi na natigil sa pagpunta sa lugar na ito ang mga Knight mula sa ibang realm ng Azinbar!" bulalas ni Enzo na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Umayos ako nang pagkakatayo at muling hinarap ito. "Hindi na natigil ang gulo rito sa Oracle!"

Hindi ako makapaniwalang napailing sa tinuran nito. "Matagal nang magulo ang lugar na ito, Enzo. Matagal nang tapos ang Oracle. At kung hindi pa gagawa nang paraan si Scarlette, walang kikilos sa inyo. Kung hindi pa ito naaksidente, walang maglalakas loob na lumaban sa inyo," seryosong saad ko at tiningnan si Isobelle. "Hindi ko alam kung ano ang pakay ng Phoenix Knights dito. Hindi ko pa sila nakakausap simula noong mapunta akong muli sa mundo ninyo."

"I have an idea," anito na siyang ikinakunot ng noo ko. "Kilala ni Scarlette ang isa sa kanila." Natigilan ako sa narinig mula sa kapatid. Seryoso? May kakilala si Scarlette sa Phoenix? Bakit hindi ko ito nakita sa mga alaalang nakuha ko sa gubat?

"Sino sa kanila ang kakilala ng kapatid mo?" matamang tanong ko at muling bumaling sa bintana ng silid. "Sino sa tatlong Phoenix Knights ang kakilala ni Scarlette?"

"Malalaman mo ang tinutukoy ko kung haharapin mo sila," sagot ni Isobelle na siyang ikinasingkit ng mga mata ko. "Let's go. Ipagpaliban muna natin ang usapang ito. Kailangan nating malaman ang kung anong pakay ng Phoenix Knights dito sa Oracle."

Napatango na lamang ako habang hindi inaalis ang paningin sa mga bagong dating. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at muling hinarap ang dalawa. Muli akong tumango at nauna nang maglakad palabas ng silid.

Kagaya noong pumunta ang Tyrants dito sa Oracle, ramdam ko ang tensyon sa buong paligid. Hindi talaga sanay ang mga Seers sa ganitong tagpo sa lugar nila. At dahil Phoenix Knights ang bisita ngayon, hindi lang ang Head Seer ang humarap sa kanila.

"Atlas," wika ng Head Seer na siyang ikinatigil ko. She knows him!

Wala sa sarili akong napatingin kay Isobelle at noong mamataan ang seryosong ekspresiyon nito habang nakatingin sa bagong dating, napatango na lamang ako. It was him. Siya ang kakilala ni Scarlette sa Phoenix Knights na tinutukoy kanina sa akin ni Isobelle!

"Anong kailangan niyo sa Oracle, Phoenix Knights?" seryosong tanong ni Miss Leigh sa kanila. "Hindi ba dapat ay nasa palasyo kayo ngayon at hindi rito sa Oracle? Malapit na ang pagtitipon kaya dapat ay nandoon na kayo."

"It was nice seeing you again, Miss Leigh," rinig kong wika ni Atlas at bumaling sa Head Seer ng Oracle. "Miss Matilda." Umayos nang pagkakatayo ang tatlo at nagpatuloy naman si Atlas sa pagsasalita. "We're just paying some visit. Narinig ko rin mula sa Tyrants ang tungkol sa nangyari kay Scarlette. Is she okay?"

"She's okay," mabilis na tugon naman ni Miss Leigh at masamang tinignan ang tatlo. "Talaga bang iyon lang ang pakay niyo sa lugar na ito?"

"May iba pa ba kaming dapat na dahilan sa pagpunta rito, Miss Leigh?" tanong naman ni Tanner na siyang lalong ikinasama nang tingin ni Miss Leigh at iba pang high rank Seers na kaharap nila. Tahimik naman ang Head Seer at matamang nakatingin lamang sa mga bisita ng Oracle.

"Wala," simpleng sagot muli ni Miss Leigh at wala sa sariling napabaling sa puwesto namin ni Enzo at Isobelle. "Nandito na ang pakay niyo sa lugar na ito. Kausapin niyo na siya at umalis na kayo sa Oracle. Masyado ng maraming nangyari sa lugar na ito. Huwag niyo nang dagdagan pa ang takot sa mga Seer."

Halos sabay-sabay namang bumaling sa puwesto namin ang tatlong Phoenix Knight. Napaayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan sila. Mayamaya lang ay nagpaalam na ang Head Seer at ang mga kasama nitong mga high rank Seers. Tahimik na tumango naman ang tatlo at nagsimula nang kumilos sa kinatatayuan nila. Ramdam ko ang tensiyon sa dalawang kasama ko at noong nasa harapan na namin sila Atlas, tipid akong tumango sa kanila.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Scarlette?" matamang tanong ni Atlas at binalingan ang kapatid. "Isobelle," bati nito. Hindi nagsalita si Isobelle kaya naman ay napakunot ang noo ko. Binalingan ko ito at noong makita ang tila galit na ekspresiyon nito, napabuntonghininga na lamang ako. Muli kong binalingan sila Altas at ang dalawang kasama nito.

"Maayos na ako. Thanks for asking," sambit ko at noong makitang nagtaas ng isang kilay ang dalawang kasama nito, lalong akong nagtaka sa mga reaksiyon ng mga kasama ko. What is this? Hindi ba close ang mga ito? Sa itsura pa lang ni Isobelle ay natitiyak kong may kung ano sa relasyon ni Scarlette sa mga Phoenix Knight na narito. "Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ko at hindi inalis ang paningin sa tatlo.

"We're just here to see you," ani Tanner na siyang ikinatingin ko sa kanya.

"And we're here to ask you about the Tyrants," ani naman ni Winter na siyang ikinatigil ko. Tyrants. May kung ano na naman ba ang dalawang grupong ito?

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at hinintay ang susunod na sasabihin ni Winter. Lumipas ang ilang segundo ay hindi ito umimik at noong makita kong palihim nitong tiningnan ang dalawang kasama ko, napabuntonghininga na lamang ako.

"Isobelle, iwan niyo na muna kami," seryosong saad ko sa kapatid na siyang mabilis na ikinaalma nito.

"Hindi ko gagawin iyon," mariing wika nito na siyang ikinabaling ko sa kanya. "I will stay here."

"Isobelle-"

"Hindi kita iiwan sa presensya nila, Scarlette," muling sambit nito na siyang ikinangiwi ko.

"Wala akong interes sa pag-uusapan ninyo kaya naman ay aalis na ako," sambit naman ni Enzo at mabilis na tinalikuran kami. Hindi na ako nakapagsalita pa at tiningnan na lamang ang papalayong bulto ni Enzo.

Enzo... Sana talaga ay magbago pa ang isip nito tungkol sa kung anong panig ang dapat sundin nito. He's not a bad guy. I can feel it... Scarlette knew it. May tiwala ito sa kaibigan niya. Pero kahit gaano pa kalinis ang hangarin mo kung ang panig na prinoprotektahan mo ay mali, masasayang lang lahat nang pinaglalaban mo. Sana nga lang ay makapagdesisyon na ito bago pa mahuli ang lahat. Bago pa mawala sa kanya ang lahat ng mahahalagang tao sa buhay niya.

Muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago bumaling muli sa Phoenix Knights. Namataan ko ang mapanuring titig ng tatlo sa akin at noong muling magsalita si Atlas, napaarko ang isang kilay ko.

"May problema ba ang Northend, Scarlette? Bakit nagtungo sa Evraren ang Tyrants at kinausap ka rito sa Oracle?" seryosong tanong niya na siyang lalong nagpataka sa akin.

Tahimik kong pinakiramdaman ang sitwasyong mayroon kami ngayon.

Kahit noong nasa Northend pa ako, hindi maganda ang estado ng relasyon ng Tyrants at ng Phoenix Knights. Halos magpatayan na nga ang mga ito noon. Kung hindi lang talaga dahil sa nangyari sa Grand Master ng Phoenix, malamang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

"Hindi ba dapat kayo ang unang nakakaalam sa kung may problema ang isang realm dito sa Azinbar? You are the Phoenix Knights, Atlas. Dapat ay mas may alam kayo kaysa sa amin," saad ko at umayos nang pagkakatayo.

"You are the Seer here, Scarlette. Mas marami kayong alam kaysa sa amin," sagot naman nito sa akin na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. "Kung may problema man ang Northend, dapat ay hindi nila ito ilihim sa amin. Nag-aalala lang ang Grand Master sa kanila."

"Bakit hindi sila ang kausapin niyo, Atlas?" singit naman ni Isobelle sa usapan. "Bakit nag-aksaya pa kayo ng panahon para pumunta rito sa Oracle at kausapin ang kapatid ko?"

"Cause we know that the Tyrants are full of pride. Alam yan ng lahat," ani Winter na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Hindi sila basta-basta hihingi ng tulong kung hindi malala ang sitwasyong mayroon sila. Yes, they're powerful. Mas malakas sila sa aming mga Phoenix Knight pero may kahinaan din sila. At iyon ang wala sa realm nila."

"They need a Seer. At ikaw iyon Scarlette," wika naman ni Tanner. Napabuntonghininga na lamang ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Tahimik kong tiningnan ang tatlo at noong walang ni isa sa amin ang nagsalita, mariin kong ikinuyom ang mga kamao.

What now?

Ano na ang gagawin ko ngayon?

I can't tell them about Captain Mary's body. Walang nakakalam tungkol sa bagay na ito maliban sa akin, sa hari ng Northend at ang Tyrants. Maaring maging mas komplikado ang lahat kung malalaman nila ang tungkol sa nangyayari sa Northend!

"Walang problema ang Northend," mariing wika ko at tiningnan sa mata si Atlas. "Ako ang nagpatawag sa kanila para magpunta rito sa Oracle." Pagsisinungaling ko sa kaharap. Bahala na! Kahit anong mangyari, I can't disclose the information about Captain Mary's body.

"What?" gulat na tanong ni Atlas sa akin. "Para saan, Scarlette? Sa anong dahilan?"

"To save Oracle," saad naman ni Isobelle na siyang ikinagulat ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kapatid at natigilan na lamang noong makita ang pagtango nito sa akin. Umayos ito nang pagkakatayo at humakbang ng isang beses palapit sa puwesto ko. "Nasa panganib ang buong Oracle ngayon, Atlas. Scarlette already saw the future of this place. At dahil hindi kaya ng mga Seer ang makipaglaban, humingi nang tulong ang kapatid ko sa kanila."

"Totoo ba ito, Scarlette?" mahina ngunit mariing tanong ni Atlas sa akin. "Seers don't lie, Scarlette, alam mo iyan. Tell me, totoo ba ang mga sinambit ng kapatid mo?"

"Yes," mabilis na sagot ko na siyang lalong ikinagulat ni Atlas. "I already saw it, Atlas. Mawawasak ang lugar na ito. M-maraming mamamatay kaya naman ay gumawa na ako nang paraan para mapigilan iyon." Namataan ko ang pagpikit ni Atlas at ang mabilis na pagtingala nito. I don't know what is this but I can feel it... he's mad. Napakurap naman ako at humugot muli ng isang malalim na hininga.

Totoo naman ang mga sinabi namin ni Isobelle. Totoong nasa panganib ang buong Oracle.

"Malapit na ang pagtitipon sa palasyo ng hari ng Evraren," ani Winter na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. "Hindi kaya tama ang lahat ng hinala ng Grand Master? Atlas, hindi natin maaaring ipagsawalang bahala ito. Maraming Seer ang mapapahamak kung totoo ang sinasambit ng magkapatid na ito."

"A-anong hinala ng Grand Master ang tinutukoy mo, Winter?" tanong ni Isobelle sa kanya.

Hindi agad nakapagsalita si Winter. Tumingin muna ito sa mga kasamahan bago bumaling muli sa amin.

"Kung totoo ang mga sinabi niyo kanina, na nakita niyo na ang hinaharap ng lugar na ito, natitiyak naming may kinalaman ang hari ng Evraren sa mangyayari. The king, the current ruler of Evraren, is planning to end whatever the Seer holds in this realm."

"And to do that... they will destroy our home," mahinang turan ko at napatingin sa building kung saan naroon ang opisina ng Head Seer. "They will destroy Oracle to achieve that plan."

Destroy... No. Hindi ko hahayaang masayang ang kung anong sakripisyong ginawa ni Scarlette para sa lugar na ito! We will definitely destroy them before they can even try destroying us!

"Scarlette-"

"We're running out of time, Isobelle. We need to do something now," mabilis na bulalas ko at binalingan ang kapatid. "Ito na ang matagal na hinihintay natin para kumilos at isagawa ang mga plano natin. Go and talk to our Head Seer. Warn her about this. Alam kong may plano na rin ito para sa nalalapit na gulo rito sa Oracle. Go and talk to her. Ikaw na ang bahala sa bagay na ito. And Phoenix Knights," seryosong tawag ko sa kanina at binalingang muli ang tatlo. "I have a favor to ask."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top