Chapter 2: Evraren

"If you're not my sister, then, who the hell are you?"

Napangiwi ako sa naging tanong ni Isobelle. Tapos na nitong linisan at tahiin ang sugat ko at ngayon ay maingat niyang nilalagyan ng bandage ito. Noong matapos na ito sa paglalagay ng bandage, tumayo na ito mula sa pagkakaupo at itinabi na ang mga ginamit sa paglilinis ng sugat ko.

Hindi ko ito sinagot at pinakiramdaman lang ang sugat sa tagiliran. I sighed. Kung hindi naalis ang bala, paniguradong mauubusan ng dugo ang katawang ito. And God knows what will happened to me. Baka mapunta na naman ako sa ibang katawan.

I sighed again.

"I'm asking you. Kung hindi ikaw si Scarlette, sino ka? Bakit nasa katawan ka ng kapatid ko?"

"Hindi ko rin alam, Isobelle. Earlier, I was just inside our condo unit, waiting for my husband, and now, I'm here inside this body with a freaking gun shot on it."

"You've been here before, right? In this world? You... you mentioned earlier about Northend. So, nanggaling ka na dito noon?"

"I was," I sighed then looked at her. "Nasa anong realm ako ngayon?" I carefully asked her.

"Evraren," anito na siyang ikinatigil ko. Evraren, the western realm of Azinbar. "And this place is called Oracle. The house of the Seers."

Napakunot ang noo ko at hindi inalis ang paningin nito.

"Oracle? House of the Seers? I never heard that before." Matamang sambit ko dito. "I know about the Phoenix but not this one."

"W-wait!" Natatarantang sambit ni Isobelle at nilapitang muli ako. "You've been to Pheonix before?"

"Yes," simpleng sagot ko sa kanya. "And I fight alongside with them, the Phoenix Knight and the Tyrants."

"The Tyrants!" Sigaw ni Isobelle na siyang ikinagulat ko. Akmang magsasalita na sana itong muli noong biglang may kumatok sa pinto ng silid. Mabilis na natigilan si Isobelle at napabaling sa may pinto. "Damn! Puro dugo dito. Magbihis ka muna, Scar... Uhm, what's your name again?" Tanong niya at noong hindi ako nagsalita, mabilis itong umiling sa akin. "Never mind, mamaya na natin ipagpatuloy ang usapang ito. Ako na bahala sa kung sino ang nasa labas."

Nagkibit-balikat lang ako dito at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pasimple kong tiningnan si Isobelle na nagpapahid ng dugo sa kamay at noong nawala na ang bakas ng dugo dito, itinuro niya ang pinto. Tahimik akong tumango dito at naglakad patungo sa kabinet kung saan natitiyak kong nandoon ang mga damit ni Scarlette.

"Isobelle."

Natigilan ako noong makarinig ako ng boses ng lalaki.

"E-Enzo!" Gulat na bulalas ni Isobelle. Napatingin ako dito at namataang pasimple itong bumaling sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Isobelle sa kausap. Hindi ko na lang sila pinansin pumili na ng damit na masusuot.

Napabuntong-hininga na lamang ako noong wala akong makitang damit na nais masuot. Lahat ng damit na narito ay mga mahahabang dress! This is worst than Captain Mary's closet! Panay ang hawi ko sa mga dress habang pinapakingnan ang usapan ni Isobelle at iyong lalaking pinagbuksan nito ng pinto.

"Miss M told me to check on you and your sister's condition. Is she okay?" Tanong noong lalaki sa labas ng silid.

"Of course! Scarlette is fine, Enzo. We, uhm, don't need your help here. We can manage." Natatarantang sambit ni Isobelle.

Napailing na lamang ako dito at noong may nakita akong damit, mga pantalon at blouse, na maayos na nakatupi sa pinakababa ng closet, mabilis ko itong dinampot at hindi na nag-atubili pang isuot ito. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. May maganda at komportable rin pa lang damit sa closet na ito.

Saktong naisuot ko na ang damit na nakita noong biglang napaatras si Isobelle. Natigilan ako sa pagkilos at napabaling sa gawi nito.

"Enzo, ang sabi ko ay ayos lang ang kapatid ko!"

"Isobelle, ang sabi ko, titingnan ko lang ito. I need to see her para naman ay may sasabihin ako kay Miss M kapag pumunta ako sa opisina nito mamaya."

"Is everything okay, Isobelle?" Tanong ko dito habang matamang pinagmamasdan ang dalawa.

"Scarlette," tawag ng lalaki sa akin at napakunot ang noo habang pinagmamasdan ako. "What's with that outfit?" Tanong nito at inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik lang kami ni Isobelle at noong mamataan nito mga ginamit namin kanina para linisin ang sugat ko, marahas itong napabaling muli sa akin. "Are you really okay, Scarlette? Bakit maraming dugo dito?"

"We cleaned her wound, Enzo," ani Isobelle at nilapitan ang mga kalat namin kanina. "Alam mo, lumabas ka na. Tell Miss M that my sister is okay. And she will be okay soon. Huwag na kayong mag-alala sa kanya. She's not a kid anymore. Hindi na niya responsibilidad ito."

"Miss M," turan ko na siyang ikinatigil ng dalawa. "She's the Head Seer right? The one who manage this place."

"Scarlette, please," turan ni Isobelle at binalingan ako. "Stop it." Mariing sambit nito at inilingan ako.

"I'm just asking, Isobelle. Siya iyong nakausap ko kanina, hindi ba?"

"You can't remember her, Scarlette?" Tanong ni Enzo na siyang ikinakibit-balikat ko lang sa kanya. Hindi ko ito sinagot at matamang tiningnan lang ito. "Ayos ka lang ba talaga? Nauntog ba iyang ulo mo sa aksidente kaya pati kung sino si Miss M ay hindi mo kilala?"

"Maliban sa sugat ko sa tagiliran, wala naman ibang masakit sa akin, so, no, hindi marahil nautog itong ulo ko." Wika ko at naglakad pabalik sa kama ko. Naupo ako sa gilid nito habang hindi inaalis ang paningin dito.

"Isobelle, hindi talaga maayos ang kalagayan ng kapatid mo. Look at her eyes! It's different!" Bulalas nito habang tinuturo ako.

"Walang problema sa kapatid ko, Enzo," mariing sambit ni Isobelle at hinawakan na ito sa braso. "Now, leave this room and let her rest."

"Pero..."

"Come on. Aalis na rin ako para makapagpahinga na ito." Turan muli nito at tuluyan nang hinila si Enzo. Mayamaya lang ay pabagsak na isinara nito ang pinto ng silid at tuluyang naiwan akong mag-isa.

Napataas na lamang ang isang kilay ko at muling tumayo mula sa pagkakaupo. Marahan ang bawat kilos at nagtungong muli sa may salamin. Mariin kong tiningnan ang repleksiyon ko dito at napabuntong-hininga na lamang. Inangat ko ang kamay at inilapat ito sa may salamin.

"Scarlette," mahinang sambit ko at natigilan noong mapansin ang parehong markang mayroon ako noong nasa totoong katawan ko pa ako. Mabilis kong hinawakan ang emblem sa leeg at kinagat ang pang-ibabang labi. "Paanong mayroon din ang katawang ito nang ganitong marka?" I sighed. Kung tama ang pagkakatanda ko, lahat ng miyembro ng Tyrants ay mayroon nito. So, bakit mayroon si Scarlette nito? Imposible naman na nagkaroon ng marka ang katawang ito ng dahil sa akin.

Ipinilig ko ang ulo pakanan at muling napabuntong-hininga. Unang araw ko pa lang sa katawang ito, napakarami na agad ang katanungan sa isipan ko! Muli akong napatitig sa repleksiyon ko sa salamin at noong may naalala ko, napahawi ako sa pulang buhok na mayroon ako ngayon.

"Seer," sambit ko at mabilis na napatingin sa pintong nilabasan ni Isobelle at Enzo. Mayamaya lang ay mabilis kong inilibot ang paningin at naghanap nang maaaring magbigay sa akin ng impormasyon tungkol sa Seer. Kung tama ang pagkakaalala ko, nabanggit ni Isobelle na ang lugar na ito ay tinatawag nilang Oracle, the house of the Seers.

Now, I need to know about this place and the people who lives here. Kahit kaunting impormasyon lang, ayos na iyon sa akin. If I want to survive again in this world, I need to start gathering information about this body, about Scarlette, and the people around her.

"Evraren. Realm of the West. Seers." Mahinang turan ko noong may maalala na naman ako. During our quest to find the Great Guardian Phoenix, may kasama kaming isang taga-Evraren noon.

"Seer... A... Aviana..."

Right! She was a Seer! That woman was a Seer from this realm. Siya ang tumulong kay Rupert sa mga plano nito at siya rin ang nagturo sa amin noon kung nasaan ang Great Guardian Phoenix noon!

"Seers, the one who can tell a glimpse from the future." Muli kong wika at mabilis na natigilan sa mga iniisip.

"Precognition." Turan ko. The one I saw before was a precognition. And this place was the place I saw before. The peaceful place turns to a disaster one.

Evraren. Oracle. Seers.

Fire. Screams. Help.

I froze.

Don't tell me I already saw the future of this place?

Oh, no. This is not good.

"Reason," wala sa sarili kong sambit at napatingin sa bintana ng silid. Maingat akong naglakad patungo roon at marahang hinawi ang kurtinang naroon. Mataman kong tiningnan ang payapang tanawin sa labas ng silid at ipinilig ang ulo pakanan. "Save this place. Save Oracle and the Seers. That's the reason why I'm here." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga.

"Now what, Rhianna Dione? Ano na ang plano mo ngayon?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top