Chapter 19: Betray

Masama kong tiningnan ang daang tinahak ng dalawa at nagsimula nang ihakbang muli ang mga paa. Noong nasa tapat na ako ng pinto ng silid, napabutonghininga na lamang ako at noong binuksan ko ito, napaarko ang kilay ko noong mamataang may nakahiga sa kama ko.

What the hell?

"What are you doing here?" takang tanong ko noong makitang si Isobelle iyon. Mabilis namang bumangon mula sa pagkakahiga ang kapatid at masamang tiningnan ako.

"I'm covering you and your crazy plan!" bulalas ni Isobelle sa akin habang masamang nakatingin pa rin sa akin. "Bakit ngayon ka lang bumalik? Kanina pa ako halos mabaliw sa pag-aalala sa'yo!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses nito at napailing na lamang. "May nangyari lang sa gubat," sagot ko at mabilis na inalis ang suot na jacket sa katawan. "Kanina ka pa ba rito sa silid ko?"

"Simula noong pinag-uusapan ka ng ibang Seer dito sa Oracle." Umiling ito sa akin at tumayo na. "Ano? May napala ka ba sa paglabas sa Oracle? May nakita kang maaaring makatulong sa atin sa gubat?"

"I've gathered enough information about our enemies," simpleng sagot ko at naupo sa gilid ng kama ko. "Pero wala roon ang impormasyong makakatulong sa atin para pigilan ang pagkasunog ng buong Oracle."

"What?" bulalas ni si Isobelle at napatampal na lamang sa noo. "Paano na ito?"

"Don't worry. Nakabalik na ang Tyrants dito sa Evraren. Kasama nila ang hari nila at dadalo ang mga ito sa pagtitipon sa palasyo. Kakausapin ko silang muli tungkol sa napagkasunduan namin noon."

"Tyrants... Scarlette, sigurado ka ba talagang tutulungan tayo ng mga Northend Knights? Come on, this is our home. Paniguradong hindi sila makikialam sa problema ng mga Seer."

"They need me. They need Scarlette. Tutulungan nila tayo, Isobelle," matamang sambit ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang ito. "Kilala ko na kung sino ang mga kalaban natin dito sa loob at labas ng Oracle. Now all we need is to plan ahead of them. We need to do something before they plan to hurt the current Head Seer."

"Plan to what? Totoo ba iyang mga pinagsasabi mo? Scarlette, walang maglalakas loob na saktan ang Head Seer ng Oracle. Protektado ito ng hari ng Evraren!"

Hindi ko na sinagot pa si Isobelle. Tumayo ako sa kinauupuan at naglakad patungo sa bintana ng silid. Hinawi ko ang kurtinang naroon at tiningnan ang tahimik at payapang Oracle.

Protektado ng hari ang Head Seer ng Oracle? No. That was a lie. Dahil kung talagang protektado nito ang isang Seer mula sa Oracle, hinding-hindi mamamatay ang ina nila Scarlette at Isobelle. Hindi ito mapapahamak habang nasa palasyo ng hari.

The enemies. They're both inside the palace and here in Oracle. Kung hindi kami mag-iingat, matutulad kami sa kinahinatnan ng dating Head Seer. Kung hindi kami kikilos ngayon, tuluyang masisira na ang lugar na ito.

It's now or never.

"This peaceful place is going to be the battleground. We need to prepare ourselves for the worst, Isobelle. Kung nais nating mailigtas ang lahat ng Seer na naninirahan dito, kailangan na nating kumilos. Tayo na lamang ang hinihintay nila. Once we give him our signal, the war will begin."

"War... Scarlette, we can't do that. We can't declare something like that! Kaya ba talaga nating makipaglaban? No. We're just a Seer from Oracle! Hindi kasama sa trabaho natin ang makipagpatayan!"

Napatingin ako kay Isobelle at napailing na lamang.

"Hindi lang kayo basta-bastang Seer ng realm na ito, Isobelle. Your ancestors were the first ruler of this realm," wika ko na siyang ikinatigil ni Isobelle sa puwesto niya. "Iyon ang nalaman ko noong lumabas ako rito sa Oracle. And Scarlette, your sister, knew this all along. She gathered enough information to save this place, to save the Seers from the enemies!"

"Oh my God! She did all of that?" gulat na tanong niya.

"Yes, Isobelle, ginawa iyon ni Scarlette. And yes, kung tayo lang ang lalaban sa mga kalaban natin, hindi natin sila kakayanin. Pero kung kasama natin sila, ang mga taong pinagkakatiwalaan ng dating Head Seer ng Oracle, ang ina ninyo ni Scarlette, natitiyak kong mananalo tayo."

Natigilan si Isobelle sa tinuran ko at matamang tiningnan ako. "Did you already saw it? Na mananalo tayo sa labang ito? Kaya ba pilit mong ginagawa ang nasimulan ng kapatid ko?" tanong nito at napabuntonghininga na lamang. "Dahil kung hindi pa, ayaw kong sumugal, Rhianna Dione. This is our home, yes, pero kung mapapahamak tayo sa binabalak mo, walang silbi ang pinaglalaban natin dito."

Hindi ako nakapagsalita at muling napabaling sa labas. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.

No. Hindi ko pa nakikita ang pagkapanalo namin sa magiging labang ito pero malakas ang pakiramdam ko.

We will definitely win!

Akmang magsasalita na sanang muli ako noong biglang may kumatok sa nakasarang pinto ng silid ko. Nagkatinginan kami ni Isobelle at noong muling marinig namin ang pagkatok, mabilis na inihakbang ni Isobelle ang mga paa palapit sa pinto.

"Enzo!" bulalas ni Isobelle noong binuksan niya ang pinto. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang kaibigan ng kapatid.

Enzo, a childhood friend of Scarlette's younger sister. Son of a Evraren's knight. A knight and gifted Seer.

"Pinapapunta kayo ng Head Seer sa opisina niya," ani Enzo at binalingan ako sa puwesto ko. Hindi ako kumibo at hindi inalis ang paningin sa bagong dating. "May mahalagang sasabihin daw ito sa inyo."

Namataan ko ang pagtango ni Isobelle sa kaibigan at binalingan ako sa likuran niya. "Let's go, Scarlette."

"No. Hindi tayo aalis sa silid na ito," walang emosyong turan ko na siyang ikinakunot ng noo ng dalawa. "Close the door," utos ko pa at naglakad patungo sa kama ko. Naupo ako malapit sa may unan ko at muling tiningnan ang dalawa. Nagkibit-balikat lang si Isobelle sa kaibigan at noong isinara nito ang pinto ng silid, mabilis kong kinuha ang patalim na nakatago sa ilalim ng unan ko at mabilis na inihagis ito sa gawi ni Enzo.

"Scarlette!" sigaw ni Isobelle sa pangalan ng kapatid at mabilis na tiningnan ang gulat na si Enzo. Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya at noong daluhan ito ni Isobelle, mabilis itong tumingin sa patalim na nakatarak na ngayon sa pader sa may likuran niya. "What's wrong with you? Bakit mo ginawa iyon? That was dangerous, Scarlette!"

"He's more dangerous, Isobelle," malamig na turan ko at muling tumayo. Hindi ko inalis ang paningin kay Enzo. Walang emosyong lang itong nakatingin sa akin habang nasa tabi niya ang katapid. "I know everything now, Enzo. Alam ko na ngayon ang kung anong mga nalaman noon ni Scarlette. Stop the act."

"Rhianna Dione, ano bang-"

"Enough, Isobelle," ani Enzo na siyang ikinatigil ng kapatid ni Scarlette sa pagsasalita. Umayos ito nang pagkakatayo at muling tiningnan ako. "Kung alam mo na pala, bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring ginagawa?"

"Enzo-"

"Dahil alam kong napipilitan ka lang. Dahil kagaya ni Scarlette, naiipit ka lang din sa sitwasyong mayroon kayo ngayon," sambit ko at naglakad palapit sa dalawa. "You were not born to be Seer of Oracle, Enzo. You were born to be a Knight, and you swore to protect this realm. Gagawin mo ang lahat para sa realm na ito. Whatever it takes."

"A-anong ibig sabihin nito? Enzo, anong pinagsasabi ni Scarlette?"

"She's not Scarlette, Isobelle," ani Enzo at hinarap ito. "Huwag ka nang magpaloko sa babaeng iyan. Hindi iyan ang kapatid mo!"

"Enzo-"

"Isobelle trusted you, Enzo. Kahit noon pa man, buo ang tiwala nito sa'yo. Kaya nga ay walang ginawa noon si Scarlette sa'yo," wika ko na siyang ikinabaling muli nito sa akin.

"Wala siyang ginawa noon dahil mahina siya. That's the fact, Rhianna Dione. At wala ka ring gagawin ngayon dahil alam mong wala kang mapapala kung ililigtas mo ang lugar na ito. This place is already doomed. Bago ka pa man mapunta sa katawan ni Scarlette, matagal nang tapos ang lugar na ito!"

"Enzo!" sigaw ni Isobelle at mabilis na hinawakan ang magkabilang balikat ng kaibigan. "Bawiin mo iyang sinabi mo!" Naiiyak na sigaw muli ni Isobelle. "Hindi totoo iyang mga tinuran mo. No-"

"Isobelle-"

"This place is far from being doomed, Enzo," muling wika ko na siyang ikinatigil ng dalawa. "Huwag kayong masyadong magsaya. Hindi pa nagsisimula ang totoong laban."

"What? You're going to fight them? Come on! Dayo ka lang sa lugar na ito!" mariing turan nito sa akin.

"Dayo lang din ako noon nong napunta ako sa Northend. And guess what? I managed to save that realm. Iyon din ang gagawin ko sa realm na ito. Evraren was once a peaceful realm before, ruled by the Seers."

"Nonsense," ani Enzo na siyang ikinailing ko.

"Mali ang mga pinaniniwalaan mo, Enzo. Maling panig ang ipinaglalaban mo," matamang saad kong muli at hindi inalis ang paningin sa kanya. "You're not just a Knight now, Enzo. Alam kong alam mo iyan. You're a Seer, too. Kaya naman bago pa mahuli ang lahat, magdesisyon ka na. Dahil kung nanaisin lang talaga ni Scarlette na tapusin ang buhay mo noon, matagal na niyang ginawa iyon. But no, hindi niya ginawa iyon sa'yo. Cause you're a friend. Kahit papaano ay naging mabuting kaibigan ka sa kanya at sa kapatid niya. Kaya naman ay huwag mong sayangin ang pagkakataong ibinigay niya noon sa'yo."

"I won't betray this realm," wika ni Enzo na siyang ikinataas ng isang kilay ko. He's tough! Damn it!

"That's why you choose to betray the Seers and Oracle?" mahinang tanong ni Isobelle sa kaibigan at umatras palayo sa kinatatayuan ni Enzo. "I can't believe you."

"Isobelle, it's not like that."

"Then what? Bakit mo sinasabi ang mga iyan ngayon sa amin?" sigaw na tanong muli ni Isobelle. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang ang dalawa at noong akmang magsasalita na sanang muli si Isobelle noong mabilis kaming natigilan sa mga puwesto namin. Namataan ko ang paglaki ng mga mata ni Isobelle at mabilis na binalingan ako. "W-what is this, Scarlette?" tila takot na tanong nito sa akin.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at matamang pinakiramdaman ang paligid. Ipinikit ko ang mga mata at noong maalala ko kung sino ang may-ari nang matinding kapangyarihang nararamdaman namin ngayon ay mabilis akong tumakbo pabalik sa may bintana ng silid.

"Phoenix," mahinang wika ko at hindi inalis ang paningin sa main gate ng Oracle. Napaawang ang labi ko at mabilis na inilapat ang kamay sa salamin ng bintana. "They're here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top