Chapter 18: Punishment

"Totoo bang darating mamaya ang hari ng Northend dito sa Evraren?" tanong ko kay Alessia noong tuluyang umalis na ang ama ni Scarlette. Tahimik namang tumango ang kaibigan ko habang matamang nakatingin sa akin.

"Tell me, anong klaseng Seer iyang bagong vessel mo, Rhianna Dione? Anak ng Knight ng hari ng Evraren? Isa iyon sa pinakamataas na ranggo sa realm na ito!" bulalas ni Jaycee na siyang ikinabaling ko sa gawi niya.

"Hindi isang ordinaryong Seer si Scarlette, ito ang sigurado ako. I can feel it within me. At isa pa, may isa itong kakayahan na hindi kayang gawin ng mga Seer sa Oracle. She's different from them."

"And what about her father?" tanong ni Alessia sa akin.

"Ngayon ko lang nakita at nakausap ang ama ni Scarlette. Hindi ko rin alam kung ano ang estado ng relasyon ng mag-ama."

"I think the two are close. Sa uri pa lang nang tingin nito kanina ay talagang nag-aalala ito sa naging desisyon mo," ani Alessia na siyang ikinatango ko na lamang. "Anyway, ibabalik ka na lang muna namin sa Oracle, Rhianna Dione. Kapag dumating na si King Louis IV dito sa Evraren, pupuntahan ka namin at ipagpapaalam sa Head Seer."

Napaayos ako nang pagkakatayo at napangiwi na lamang. Paniguradong alam na ng Head Seer na umalis ako sa Oracle. At kung makikita nilang kasama ko ang Tyrants, paniguradong mapapagalitan na naman ako!

"Ako na ang bahala sa sarili ko," wika ko na siyang ikinakunot ng noo ni Alessia. "Mag-isa lang akong babalik sa Oracle."

"We can't do that. We promised your father," ani Jaycee na siyang muling ikinangiwi ko. "Well technically, he's not your father but still, nangako kaming sasamahan ka naming makabalik sa Oracle. We can't break something like that. We're Knights, Rhianna Dione, alam mong hindi naman kayang sirain ang isang pangakong tulad ng tinuran namin sa ama ni Scarlette."

"Fine." Napailing na lamang ako sa dalawa. "Pero hanggang sa bukana lamang kayo ng gubat na malapit sa Oracle. Ako na ang bahalang gumawa nang paraan para makapasok nang matiwasay sa Oracle."

"Talaga bang tumakas ka lang sa Oracle, Rhianna Dione?" seryosong tanong ni Alessia na siyang ikinatango ko na lamang. "Dapat ay nagpasama ka man lang sa kapatid ni Scarlette na isa ring Seer. Hindi mo alam ang pasikot-sikot sa realm na ito. Bakit mo naman ginawa iyon? Talaga bang wala kang kinatatakutan?"

"Hindi ako mag-isang lumabas sa Oracle," saad ko na siyang ikinakunot ng noo nito. "Kagaya nang sinabi ko kanina, may kakahayan si Scarlette na wala ang ibang Seer ng Oracle. I used that ability to escape from that place. And with the help of Eldred, matiwasay akong nakarating sa lugar na ito."

"Eldred? Sinong Eldred naman itong tinutukoy mo? Is he Seer too from Oracle?" muling tanong ni Alessia na siyang ikinatigil ko.

"Don't tell them." Mabilis akong napatingin sa gawing kanan ko noong marinig ang boses ni Eldred. Nakatayo lang ito at matamang nakatingin sa puwesto namin. "Kahit na kaibigan mo sila, hindi tayo maaaring magtiwala. Don't tell them about me."

"Rhianna-"

"He... he was a nobody," mahinang sagot ko na siyang lalong ikinakunot ng noo ni Alessia. "Kakilala ito ni Scarlette kaya naman ay sinamahan na niya ako kanina."

Hindi umimik si Alessia at matamang tiningnan lang ako. Mayamaya lang ay mabilis itong bumaling sa gawing kanan ko kung saan nakatayo si Eldred. I froze. Wait. She can feel his presence. Really?

"I'm a member of the Tyrants, Rhianna Dione. Alam at ramdam ko kung may kakaiba sa paligid. Now tell me the truth, sino si Eldred at kung tama ang hinala ko, mukhang nasa paligid lang natin itong kaibigan ni Scarlette na tinutukoy mo."

Napaawang ang labi ko. No way! Nararamdaman nga niya ang presensya ni Eldred! She's really a powerful Knight!

"She's really a member of Captain Mary's elite Knights." Rinig kong wika ni Eldred at nagsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan namin. "Let them be, Scarlette. Hayaan mo silang magtaka tungkol sa akin. Huwag mo nang ipaalam sa kanila ang tungkol sa totoong katauhan ko."

Hindi ako nagsalita at napabuntonghininga na lamang. Nagtaas ng isang kilay si Alessia sa akin at noong hindi ako nagsalita, namataan ko ang pag-iling nito.

"Fine," aniya at umayos nang pagkakatayo. "I won't force you, Rhianna Dione, but please, always remember that you can trust us. Kilala mo kami at lahat gagawin namin para matulungan ka."

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at marahang tumayo kay Alessia.

"They only want to find Captain Mary's body, Scarlette. Iyon lang ang pakay nila sa'yo," bulong naman ni Eldred na siyang ikinasama nang tingin ko sa kanya. "What?" tanong pa niya at mabilis na napailing. "Totoo naman ang sinabi ko. Kung hindi lang nila nalaman ang tungkol sa kakayahan ni Scarlette, hindi sila mapapadpad dito sa Evraren."

"Eldred, enough," mariing turan ko at napatingin muli kay Alessia. "Let's go. Ihatid niyo na ako sa Oracle," mabilis na saad ko sa kaibigan at tinalikuran na ito.

"Nangyari na ito noon sa ina ni Scarlette." Pagpapatuloy ni Eldred sa pagsasalita habang naglalakad kami. Nasa likuran ko si Alessia at Jaycee habang panay ang daldal ni Eldred sa akin. "She trusted the wrong person."

Napailing na lamang ako at hindi na binigyan pansin pa si Eldred. No. Hindi kayang sirain ng Tyrants ang tiwala ko. I knew them. Kung may pagkakatiwalaan man ako sa mundong ito, sila ang una sa listahan ko!

Noong makabalik na ako sa Oracle ay mabilis akong pumasok sa gate kung saan ako dumaan kanina. Muli kong binalingan sila Alessia at noong tumango ito sa akin, mabilis kong isinara ang gate sa likuran.

Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa building kung saan naroon ang silid ni Scarlette. Bahagya pa akong natigilan sa pagkilos noong may nakasalubong akong iilang Seer. Mabilis akong umayos nang pagkakatayo at lumakad ng normal habang deretso ang tingin sa unahan. Hinawi ko naman ang pulang buhok ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi na ako binigyan pansin pa ng mga Seer na nakasalubong at noong nalagpasan na nila ako, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napakagat ng pang-ibabang labi. Tahimik kong tiningnan ang paligid at nagpatuloy na sa paglalakad. At noong nasa bukana na ako ng pasilyo kung saan naroon ang silid ni Scarlette, mabilis na tumigil ako sa paghakbang. Napaatras ako at nagtago para hindi makita ng taong nakatayo ngayon sa tapat ng silid ni Scarlette.

"Anong ginagawa ng Seer na iyon sa tapat ng silid ni Scarlette?" mahinang tanong ko sa sarili at sinilip ito. Wala itong ginagawa sa kinatatayuan niya. Nakatayo lang ito at masamang nakatitig sa nakasarang pinto. Seriously? Hindi pa ba tapos ito sa pambubully kay Scarlette? Hindi ba siya napapagod sa pinaggagagawa niya?

Napailing na lamang muli ako at noong may tumawag sa pangalan niya, mabilis itong napaayos nang pagkakatayo. Napaayos din ako nang pagkakatayo sa pinagtataguan at matamang tiningnan sila. Napakunot naman ang noo ko noong makita kung sino ang bagong dating.

"Anong ginawa mo rito, Everlee?" rinig kong tanong nito sa kanya.

"Miss Leigh!" bulalas ni Everlee at hinarap ito. "Uhm... napag-utusan lang po ako." Napag-utusan? Na ano? Bantayan ang pinto ng silid ko? Unbelievable! Iba talaga ang takbo ng isip ng isang ito! "May nakapagsabi kasi sa akin na lumabas na naman daw po si Scarlette sa Oracle na walang paalam. Nandito ako para kumpirmahin iyon."

Napaarko ang isang kilay ko sa narinig. Seriously? Talagang nag-aksaya pa talaga itong si Everlee na puntahan ang silid ko para kumpirmahin ang bagay na iyon! She's too desperate to ruin Scarlette's name! Talagang may galit ang isang ito sa akin!

"At kung makumpira mong lumabas nga si Scarlette ng Oracle, ano ang gagawin mo, Everlee?" rinig kong tanong ni Miss Leigh na siyang ikinatigil ko sa puwesto.

"I will report her to the Head Seer, Miss Leigh," simpleng sagot ni Everlee.

"Walang magagawa ang Head Seer sa bagay na ito, Everlee. Dapat ay alam mo na ang tungkol dito. She's one of the Head Seer's nieces. Hindi ito mapaparusahan tulad nang ninanais mong mangyari."

"Pero-"

"Pero," putol ni Miss Leigh sa sinasabi nito. "May puwede kang gawin para tuluyang maparusahan ang pasaway na Seer na iyon," anito na siyang ikinakuyom ng kamao ko. Ano na naman kaya ang binabalak nito? Punishment... Paparusahan nila ako sa paglabas ng Oracle. As if!

"Ano po iyon?" mabilis na tanong ni Everlee sa kaharap. Napairap ako sa tonong ginamit nito. Desperate, bitch!

"Come to my office this afternoon. I'll tell you about it later," wika ni Miss Leigh at tinalikuran na si Everlee. Napakagat ako nang pang-ibabang labi at tiningnan lang ang dalawa. Nagsimula nang maglakad ang dalawa palayo sa silid ni Scarlette at noong tuluyan na itong nawala sa paningin ko ay mabilis akong umalis sa pinagtataguan.

"Punishment," mahinang turan ko at napailing na lamang. "Wala akong pakialam sa kung anong binabalak niyo laban sa akin. A punishment, huh? No hell way. Hindi ko kayo hahayaan na masaktan muli si Scarlette. Ngayong alam ko na ang lahat, hinding-hindi na muling dadapo pa sa katawang ito ang kahit dulo ng mga daliri niyo."

I will protect her. No matter what happened, I will save this girl. She suffered enough. Tama na ang paghihirap na naranasan nito noon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top