Chapter 16: Poison

Malalaki ang hakbang ko palabas sa sekretong lugar na pinuntahan namin ni Eldred. At noong tuluyang nakalabas na ako, mabilis kong isinara ito. Napabutonghininga na lamang ako at walang emosyong tiningnan ang daang tinahak kanina.

Scarlette really did a good job here. Hindi ito halata mula rito sa kinatatayuan ko. Kung hindi ko kasama ngayon si Eldred, paniguradong hindi ko rin ito matatagpuan sa masukal na gubat na ito.

"Ayos ka lang ba?" Natigilan ako noong marining ang boses ni Eldred sa likuran ko. Tahimik akong tumango sa kanya at umayos na nang pagkakatayo.

"My head is still aching,  but I think I can handle this," wika ko at hinarap na ito. "So, ano na ang susunod na mangyayari? Paano ko malalaman ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ni Scarlette?" Sa dami ng impormasyong mayroon ako ngayon, wala rito ang tungkol sa aksidente ni Scarlette. Tanging mga impormasyon lamang na nakalap ni Scarlette sa palasyo ng realm na ito!

Hindi nagsalita si Eldred at matamang tiningnan lang ako. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbabago ng ekspresyon nito sa mukha.

"They're coming," anito na siya ikinakunot ng noo ko. "Just like before, they're coming again for her."

"Sino?" tanong ko sa kay Eldred at mabilis na tiningnan ang paligid. Pinakiramdaman ko ito at noong wala akong maramdaman na kakaiba, lalong kumunot ang noo ko. "Sino ang tinutukoy mo, Eldred? Sila rin ba ang nanakit noon kay Scarlette?"

"Ten seconds," muling sambit nito na siyang ikina-alerto ko na sa kintatayuan. "Be ready. They're here."

What?

Akmang magtatanong na sana akong muli kay Eldred noong mabilis itong nawala sa paningin ko. Napaawang na lamang ang labi ko sa ginawa niya at mabilis na inihanda ang sarili. Damn it!

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? He's a soul! Kung may aatake man sa akin ngayon ay wala rin itong maitutulong! He can't fight! Kahit na magkagulo ngayon, ako pa rin ang haharap sa kalaban!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at mabilis na tumakbo palayo sa kinatatayuan. Malalaki ang mga hakbang ko at mayamaya lang ay napakunot ang noo ko dahil sa pamilyar na pakiramdam.

Wait a minute.

Ito rin ba ang ginawa noon ni Scarlette? Noong may nakahanap sa lugar na ito, umalis din ba ito agad sa gubat? Tumakbo rin ba ito sa dereksyong ito?

Napailing na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa dinaraanan. Mayamaya lang ay napatingin ako sa may unahan ko. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at noong mamataan ang isang pamilyar na malaking puno, dahan-dahang tumigil ako sa paghakbang ng mga paa. At noong ilang pulgada na lamang ang layo sa malaking puno, napakunot muli ang noo ko.

"Gunshots," mahinang bulalas ko at tuluyan nang nakalapit sa malaking puno. Maingat kong inangat ang kanang kamay at hinawakan ang mga butas na naroon. I'm a hundred percent sure na ang mga butas na ito ay galing mismo sa bala ng baril!

This is it! Ito ang lugar kung saan binaril noon si Scarlette!

"So, you're here again." Natigilan ako sa kinatatayuan dahil sa narinig na boses. Dahan-dahan kong inilayo ang kamay sa katawan ng puno at umaayos nang pagkakatayo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at hinarap ang bagong dating.

Napaarko ang isang kilay ko noong makita kung sino ang nagsalita. Dahil sa ginawa sa akin kanina ni Eldred, iyong paglagay ng lahat ng impormasyong nakalap ni Scarlette noon sa isipan ko, agad kong nakilala ang kaharap.

"Alam mong mapanganib ang pagpunta sa lugar na ito mag-isa Scarlette," aniya at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Naging alerto ako at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Bakit bumalik ka pa?"

"You don't have to know... dad," wika ko sa ama ni Scarlette. Yes, it's her father! Siya ang bagong dating at matamang nakatingin sa akin ngayon!

"Scarlette-"

"Babalik na ako sa Oracle," mabilis na turan ko at noong akmang ikikilos kong muli ang mga paa, mabilis niya akong pinigilan.

"Nagkalat ang mga kawal ng palasyo sa lugar na ito. Masyadong mapanganib sa'yo ang bumalik mag-isa."

"Hindi ako nag-iisa," makahulugang sambit ko noong mamataan si Eldred 'di kalayuan sa kinatatayuan. Finally, he's back! Paniguradong nakasunod lang ito kanina sa akin! "I was never alone."

"Mag-isa ka noong sinugod ka ng mga kawal ng palasyo sa lugar na ito, Scarlette," mariing turan nito na siyang ikinatigil ko. What? "Gustong-gusto mong lumabas sa Oracle mag-isa kaya naman ay napapahamak ka!"

"Ang mga kawal ng palasyo ang sumugod sa akin noon?" seryosong tanong ko sa ama ni Scarlette at hindi na binigyan pansin pa ang ibang sinabi nito. "They were the one who hurt me before? The one who shot this body?"

"Bakit mo tinatanong iyan? Hindi mo ba maalala ang nangyari sa'yo noong araw na iyon?" takang tanong ng ama ni Scarlette at noong akmang magsasalita na sana itong muli, mabilis itong natigilan at napatingin sa likuran niya. "Damn it! They're already here. Come on! Let's move!"

Hindi na ako nakaalma pa. Mabilis na hinawakan ng ama ni Scarlette ang kamay ko at agad na hinila palayo sa kinatatayuan ko. Palihim naman akong bumaling sa puwesto ni Eldred at noong mamataan kong tumango ito sa akin, napangiwi na lamang ako.

Nanahimik na lamang ako at tumakbo na rin. At noon tumigil na kami sa pagtakbo ng ama ni Scarlette, mabilis akong tumingin sa paligid. Nasa may paanan na kami ng bundok. Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid at noong marinig ko ang mahinang pagmumura ng ama ni Scarlette, napatingin ako sa puwesto nito.

"Damn it!" mura niyang muli at mabilis na hinawakan ang tigiliran nito. Napakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ito at noong makitang tila nahihirapan ito, hindi ko na napigilan pa ang sariling magtanong sa kanya.

"What happened to you? Why are you bleeding?" Magkasunod na tanong ko noong makitang may dugo na ang kamay nitong nakahawak sa tagiliran niya.

"It's nothing," matamang sagot nito at umayos nang pagkakatayo. "Umalis ka na sa lugar na ito, Scarlette. Bumalik ka na sa Oracle at huwag ka na lang muna lalabas doon. Malapit na ang pagtitipon sa palasyo ng Evraren. Kaunting tiis na lamang, anak."

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko. Mataman ko lang na pinagmasdan ang ama ni Scarlette at noong makaramdaman ako nang kakaiba sa paligid, mabilis akong lumapit sa kanya at tumingin sa gawing kanan namin.

Damn it! An enemy!

"Look who's here." Mataman kong tiningnan ang nagsalita. "A Seer from Oracle and a King's Knight."

"Who are you?" malamig na tanong ko na siyang ikinigisi ng babae sa harapan namin. Palihim akong napangiwi noong marinig ko ang mahinang pagdaing ng ama ni Scarlette. Looks like he's in a lot of pain right now! Damn it!

"You're a Seer, young lady. Hindi mo ba matukoy kung ano at sino ako?" makahulugang tanong nito na siyang ikinaarko ng isang kilay.

"Wala akong panahon para makipaghulaan sa'yo," malamig na tugon ko na siyang ikinatawa naman ng babae. Napabuntonghininga na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. Mukhang harmless naman ang babaeng ito. Sa tindig pa lang niya ay nakikita kong hindi kakayanin ng katawan nito ang makipaglaban sa akin at sa ama ni Scarlette. She looks normal to me! Hindi naman siguro ako matatalo ng kagaya niya!

"Be careful, Scarlette." Natigilan ako noong marinig ang mahinang boses ng ama ni Scarlette sa likuran. "She's not an ordinary woman. I know her. She's a witch, one of the member of the Crescent Moon Coven." Napaawang ang labi ko sa narinig. A what? A witch? "Viper Alatar, poison witch of the west."

Damn it!

So, hindi lang mga Seer ang mayroon sa realm
na ito? May witches din? Great! Bakit hindi ko ito alam noong nasa Northend pa ako?

"You know me too well, King's Knight." Ngumising muli ang kaharap at inangat ang isang kamay. Na-alerto ako sa ginawa niya. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at noong biglang bumagsak sa tabi ko ang ama ni Scarlette, mabilis akong napabaling sa kanya. "You're badly wounded, King's Knight. Dapat ay alam mo nang mangyayari ito noong makita mo ako kanina. You're too reckless for someone who protects the king of this realm."

Napabutonghininga na lamang ako at masamang tiningnan ito. "Anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ko sa babae at mabilis na dinaluhan ang ama ni Scarlette. "Hey! What's wrong? Anong-"

Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin. Mabilis na dumako ang paningin sa sugat nito at noong makitang naging kulay itim na ang dugong naroon, naikuyom ko ang mga kamao.

Poison.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top