Chapter 15: Information

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Eldred sa akin kanina.

The Seers were the one who built this realm. Scarlette's ancestors were the first Seers of Evraren. Pero... bakit may royal family na ang realm na ito at nasa Oracle na ang mga Seers?

What happened to this realm? Nagpaubaya ba ang mga Seer sa pangangalaga sa realm na ito?

"We're here." Natigilan ako sa pag-iisip noong marinig ang boses ni Eldred. Napakurap ako at napaayos sa pagkakatayo. Mabilis kong tiningnan ang paligid at napakunot na lamang ng noo noong mapansin kung nasaan kami.

"Dito nangyari ang pag-atake kay Scarlette?" tanong ko at tahimik na pinagmasdan ang masukal na gubat na kinaroroonan namin ngayon. Napatingala ako at noong mapagtanto ko kung gaano kataas ang gubat na inakyat namin ni Eldred, napakunot ang noo ko. "Anong mayroon sa lugar na ito at bakit palaging pumupunta si Scarlette sa gubat na ito?"

"Look here," ani Eldred at may itinuro sa akin. Naningkit ang mata ko at naglakad patungo sa itinuro niya. Mayamaya lang ay naapawang ang labi ko noong makita ko ang palasyo ng Evraren mula sa kinatatayuan ko.

"Scarlette is an extraordinary Seer. Kahit hindi pa niya nakikita ang hinaharap, malakas ang pakiramdam nito na may kung anong mangyayari sa palasyo kung saan naroon ang ama niya."

"So, pumupunta siya sa lugar na ito para sa ama niya?" tanong kong muli kay Eldred habang hindi inaalis ang paningin sa malaking palasyo ng Evraren.

"Oo," simpleng sagot ni Eldred sa akin. "At para na rin mag-imbestiga," dagdag pa niya na siyang ikinatigil ko sa kinatatayuan ko.

"Mag-imbestiga?" Napatingin akong muli sa palasyo ng royal family ng Evraren. "Mag-imbestiga saan? Sa royal family?"

"Yumuko ka," utos ni Eldred sa akin na siyang lalong nagpakunot ang noo ko. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at sinunod ang tinuran nito. "Alisin mo ang mga tuyong dahong inaapakan mo ngayon, Rhianna Dione."

"What? Para saan naman?" litong tanong kong muli sa kanya at dahan-dahang inalis ang tuyong dahon sa may paanan ko. "Ano bang-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong makakita ako ng bakal sa may paanan ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Eldred at noong tumango ito sa akin, muli kong ibinalik ang paningin sa bakal na nakita.

"Open it, Rhianna Dione." Hindi muna ako kumilos sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang ito at noong mapagdesisyunan ko nang kumilos muli, dahan-dahan akong yumukod at hinawakan ang bakal sa may paanan ko. "Concentrate and open it," muling utos ni Eldred sa akin na siyang sinunod ko.

Sa unang subok ko sa paghila sa bakal ay napangiwi ako.

It's locked!

"Concentrate and try again, Rhianna Dione. Tanging si Scarlette lang ang may kakayahang mabuksan ang bagay na iyan. Use her power."

Power? Come on! This is just an ordinary metal! Hind na kailangan pa ng kung anong kapangyarihan para mabuksan ko ito! Napailing na lamang ako at muling sinubukan ang paghila.

Damn it!

"Hindi ko ito mabuksan, Eldred!" inis na wika ko sa kasama at noong akmang bibitawan ko na sana iyong bakal, nanlaki ang mga mata ko noong makaramdaman ako ng kakaibang enerhiya sa kamay ko. Mayamaya lang ay napakurap ako ng ilang beses noong magkaroon ng magic circle sa puwesto ko.

What the hell?

Kusang umawang ang labi ko at mabilis na umalis sa puwesto ko noong may kung anong umangat sa kinatatayuan ko. Napatingin akong muli kay Eldred at noong makitang tumango ito sa akin, napalunok ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Mas lalong lumaki ang magic circle sa puwesto ko at noong mariin kong hinawakang muli ang bakal, tuluyan ko na itong naiangat.

I froze where I'm standing. Unti-unti na ring nawawala iyong magic circle na lumabas kanina at noong makita ko kung ano ang mayroon sa binuksan ko, napakunot ang noo ko.

"What is this?" takang tanong ko habang nakatingin sa tila hagdan pababa sa harapan ko.

"This is Scarlette's secret haven," sagot ni Eldred. Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ito sa puwesto niya. "She used all the magic spell she knew to seal this place. If you want some answers, you better check this place."

"Ayos lang bang pumasok ako sa lugar na ito?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"If you want to finish your mission in this realm, you need to know more about your vessel. Si Scarlette lang ang makakatulong sa'yo, Rhianna Dione. And this place... this place is a part of her."

Wala sa sarili akong napatango kay Eldred at nagsimula nang kumilos. Maingat kong inihakbang ang mga paa at bumaba na sa hagdang natagpuan sa masukal na gubat na ito. Tahimik namang sumunod sa akin si Eldred at noong nasa huling baitang ng ako ng hagdan, napatingin ako sa likuran ko kung nasaan si Eldred. Namataan ko ang pagsara nito sa binuksan ko kanina at binalingan ako. Inangat nito ang isang kamay at hindi na ako nagulat pa noong umilaw ito.

Napatango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"What the hell is this place?" mahinang tanong ko at tiningnan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. Naglakad ako sa mesa kung saan maraming mga papel ang nakakalat. "The royal family," basa ko at kumuha pa ng ilang papel.

"Lahat ng impormasyong nakalap nito sa loob ng ilang taong pag-iimbestiga ay nasa lugar na ito," rinig kong sambit ni Eldred sa likuran ko. "You need to secure all of this, Rhianna Dione. Sooner, may makakahanap na sa lugar na ito."

"What do you mean?" tanong ko pa rin habang binabasa ang papel na dinampot sa mesa.

"The king is looking for this place too."

"Why?" muling tanong ko kay Eldred at binalingan na ito. "Because Scarlette found out all of this?" bulalas ko ipinakita sa kanya ang papel na hawak. "This was her late mother's journal! Paano niya ito nahanap?"

"I told you, she's an extraordinary Seer."

"She used her abilities to find all this information," mahinang turan ko at muling tiningnan ang kabuuan ng silid. "Anong gagawin ko sa mga ito? Kukunin ko ba ito at dadalhin sa Oracle?"

"You can't do that, Rhianna Dione. Hindi maaring lumabas ang mga impormasyong ito sa lugar na to."

"What? So, ano ang gagawin ko sa mga papel at impormasyong nakasulat dito?"

"Read and memorize it," wika niya na siyang ikinaawang ng labi ko.

"You're kidding right?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Eldred. "I don't have time to read all of this! Baka nakakalimutan mong tumakas lang ako sa Oracle! I can't read and memorize here all day!"

"Then let's do this," wika ni Eldred at mabilis na itinaas ang dalawang kamay. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdana ang ginagawa nito. At noong makaramdaman ako ng kakaiba sa buong silid, naging alerto ako.

"Eldred, what are you doing?" mariing tanong ko sa kasama. Mabilis kong tiningnan ang kabuuan ng silid at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong mamataang halos lahat ng gamit na narito sa silid ay may kung anong enerhiyang bumabalot sa kanila.

"I'm doing you a favor here, Rhianna Dione. Stay where you are and don't move," utos nitong muli sa akin at noong mamataan kong isa-isang nagsilutangan ang mga papel na kanina ay nakakalat sa mesa, nanlaki ang mga mata ko. "I'll cast a spell on you."

"Para saan naman iyang spell na iyan?" tanong kong muli habang pinagmamasdan ang nangyayari sa silid na kinaroroonan.

"It will transfer to you all the information written in every paper that Scarlette stored here."

What?

"Wait, Eldred! Hindi ba-"

"Ikaw na rin ang nagsabi kanina, Rhianna Dione, na wala kang sapat na oras para basahin ang lahat ng impormasyong nandito sa lugar na ito. You need to secure all of this information before the enemy find this place!"

"Pero-"

Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin noong biglang sumakit ang ulo ko. Napasigaw ako at mabilis na napahawak sa ulo ko. "Eldred... stop it!"

"Endure it, Rhianna Dione."

"I... I can't... Ah!" sigaw kong muli at noong may mga nakita akong imahe sa isipan ko, mas lalong lumakas ang sigaw ko. "Tama na!"

"We're almost done."

Napaluhod na ako dahil sa matinding sakit na nararamdaman at noong bumagsak ang katawan ko sa may sahig, mabilis akong napamulat at napahawak sa dibdib ko.

"Ano... ano iyong mga nakita ko?" nanghihinang tanong ko at hinawakan muli ang ulo ko. "Anong ginawa nila sa ina ni Scarlette at Isobelle? Bakit... bakit nila ginawa iyon sa kanya?"

"Rhianna Dione, kaya mo bang tumayo?" rinig kong tanong ni Eldred. Mabilis akong umiling dito at hinayaang ang katawan sa may sahig.

"They're cruel. They're evil," halos ibulong ko na lamang ang mga katagang iyon.

"Come on, Rhianna Dione. Pull yourself together. Kailangan mo nang umalis sa lugar na ito."

"They killed them. They murdered the Seers who serve them. They killed my mother. I... I will k-kill them too."

"Scarlette! Tama na!"

Napakurap ako at mabilis na napaupo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Taka akong napatingin kay Eldred at wala sa sariling napahawak sa mukha ko.

Tears. Wait... bakit ako umiiyak?

"What happened?" litong tanong ko at maingat na tumayo.

"She's awake," sambit ni Eldred at bumaling sa daang tinahak namin kanina. "They're coming, Rhianna Dione. Paniguradong naramdaman nila ang kapangyarihan ni Scarlette kanina," dagdag pa niya at naglakad patungo sa mesa kung saan naroon pa rin ang mga papel na binasa ko kanina. "You need to destroy all of this. Burn it."

Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi nito kaya naman ay mabilis akong binalingang muli ni Elderd.

"You have all the information now, Rhianna Dione. Kahit na sirain o sunugin mo ang mga papel na ito, walang mawawala sa'yo o kay Scarlette. Now, do it before the enemy find us."

Napatango na lamang ako kay Eldred at naglakad patungo sa kinatatayuan nito.

"Fine," I said then heavily sighed. "Let's destroy this. All of this."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa lahat ng impormasyong bumubuhos ngayon sa isipan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ba ng utak ko ang mga nalalaman ngayon. This is too much, and I don't think I can handle this!

Scarlette... you can hear me, right? I felt you earlier. It was you. The one who remembered the pain. The one who shed the tears. Please, I can't do this alone. I need you to help me. Help me save your family. Help me save your home, your realm. Please.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top