Chapter 14: Escape

Maaga pa lang ay handa na ako sa paglabas ko ng Oracle. Madilim pa ang paligid at natitiyak kong tulog pa ang karamihan ng Seer sa lugar na ito. Maingat akong lumabas sa silid ko at dali-daling nagtungo sa daang sinabi ni Isobelle sa akin kagabi.

"Iyon ang daang palaging ginagamit ni Scarlette tuwing lalabas ito ng Oracle," wika ni Isobelle sa akin. "Nasa likod lang itong ng gusaling ito. Hindi na mahigpit ang pagbabantay doon kaya naman ay hindi ka na mahihirapan pa sa paglabas."

"Thank you, Isobelle," sambit ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang niya sa akin.

"Just make sure na hindi masasaktan muli ang kapatid ko sa paglabas ng Oracle. Siguraduhin mong hindi na mauulit ang aksidenteng kinasangkutan nito noon, Rhianna Dione."

"Trust me with this one, Isobelle. Hindi ko hahayaang masaktan ang katawan ni Scarlette."

"Thank you, Rhianna Dione. Mag-iingat ka sa gagawin mo."

Tahimik kong pinagmasdan ang nakasarang trangkahan sa harapan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling tiningnan ang tahimik at madilim na paligid.

"Now what to do? Paano ako makakalabas sa gate na ito?" wala sa sariling tanong ko pa at nag-isip ng maaring gawin ko para makalabas nang matiwasay dito sa Oracle.

"You can always use your ability, Scarlette." Nanlaki ang mga mata ko noong may nagsalita sa likuran ko. Mabilis akong napabaling dito at natigilan noong makita kung sino ito.

"It's you," mahinang sambit ko at umayos nang pagkakatayo. "Anong ginagawa mo rito?"

"Cause you're here," sagot niya at naglakad palapit sa puwesto ko. Tumayo ito sa tabi ko tiningnan na rin ang gate sa harapan. "Go. Use your ability. Wala lang sa'yo ang makalabas sa gate na iyan."

"Ability?" Napakunot ang noo ko at napailing na lamang dito. "Maliban sa pagiging Seer ko, wala akong ibang maalalang kaya kong gawin."

"You really lost your memories, huh?"

"Even your name," saad ko at hinarap itong muli. "I don't have any memory of you, stranger."

"Stranger?" Rinig ko ang mahinang pagtawa nito at inilingan ako. "Paniniwalaan sana kita kung hindi ko lang nakausap si Captain Mary sa Afterworld."

I froze.

"Nakausap mo ito?" gulat na tanong ko sa kanya. Ngumisi sa akin ang lalaki at tiningnan muli ang gate sa harapan namin.

"My name is Eldred. I'm Scarlette's guardian," aniya na siyang ikinagulat kong muli. "And yes, nakausap ko si Captain Mary."

Hindi ko inalis ang paningin sa kausap at pinakiramdaman na lamang ito.

Alam niyang hindi ako sa Scarlette at base sa sinabi nito, kung totoo ngang nakausap niya si Captain Mary, malamang ay alam na rin nito kung sino ang nasa loob ng katawang ito.

"I have mission, Eldred," wika ko na siyang seryosong ikinatitig niya sa akin. "I need to save this place. And for me to do that, I need this body. Hindi mo naman siguro ako papaalisin sa katawang ito?"

"Kung puwede ko lang gawin iyon ay matagal na kitang inalis sa katawan na iyan," aniya at marahang umiling sa akin. "It looks like Captain Mary knows you. Tell me, what's your name."

"Do I need to answer that now?" Naiiling na tanong ko at umayos nang pagkakatayo. "Kailangan ko munang makalabas dito sa Oracle. Mamaya mo na ako tanungin ng kung anu-ano."

"Fine," saad nito at naglakad papalapit sa may gate. "This is not an ordinary gate. Kung bubuksan mo ito ng walang pahintulot mula sa isang high rank Seer, hindi mo ito mabubuksan."

"Paano nakakalabas noon si Scarlette sa lugar na ito?" takang tanong ko at naglakad na rin palapit sa kinatatayuan niya. "Ang sabi sa akin ng kapatid nito ay palaging lumalabas si Scarlette kahit walang pahintulot ng kahit sinong Seer."

"Scarlette is not just a normal Seer," ani Eldred na siyang hindi ko na ikinagulat pa. She can see and talk someone like him, of course, she's not just a normal Seer! I already know that but how can she managed to escape from this place before? "She also possesses an incredible amount of magic just like the people from Northend."

Natigilan ako sa narinig.

"Really?" wala sa sariling tanong ko at tiningnan ang kanang kamay. "Tell me, maliban sa pagiging isang Seer, anong ability pa ang mayroon siya?"

"She can pass through this wall. Easily," sagot muli ni Eldred sa tanong ko. Napaawang ang labi ko at napatingin sa nakasarang trangkahan sa harapan. "I trained her to use that ability, and now, she mastered it perfectly."

"So, I can do that too?" Napangisi ako sa nalaman ko.

"Technically, yes. Nasa katawan ka niya kaya naman kaya mong gawin ang kung anong nagagawa nito noon."

"Cool," wika kong muli at mabilis na inilapat ang kanang kamay sa malamig na bakal ng trangkahan. "Paano ko gagawin ito?" pahabol na tanong ko pa at binalingan ito.

"You used to be a warrior of Northend. Alam kong alam mo kung ano ang dapat mong gawin," aniya at humakbang ng isang beses palayo sa akin. "I'll meet you at the other side. Make it fast. Ilang minuto na lamang ay may mag-iikot na kawal sa parteng ito ng Oracle. I bet you don't want to be caught," wikang muli ni Eldred at biglang nawala sa harapan ko.

Mabilis akong napakurap at hinanap ito sa palagid. Nagpalinga-linga ako at noong hindi ko na ito nakita, muli kong itinuon sa gate ang buong atensiyon.

"Concentrate, Rhianna Dione. You need to pull this off if you want to go to the other side of this gate," mahinang bulong ko sa sarili at inilapat na ang dalawang kamay sa gate. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman ang enerhiyang dumadaloy ngayon sa katawan ni Scarlette. "You can do this, Rhianna Dione. You can-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong maramdaman ang pagtagos ng mga kamay ko sa malamig at konkretong gate sa harapan. Napamulat ako ng mga mata at namangha na lamang sa nangyayari. Napangiti na lamang ako at nagpatuloy na sa pagkilos. Inihakbang ko ang mga paa at noong tuluyang tumagos na ang katawan ko gate ng Oracle, napangisi na lamang muli ako.

This is amazing!

"You did it," rinig kong sambit ni Eldred na siyang ikinabaling ko sa puwesto niya.

"That was cool. Scarlette's ability is good!" bulalas ko at tiningnan ang mga kamay ko. "Tell me, ano pa ang ibang kayang gawin ni Scarlette?"

"It's not my job to tell you. I'm just here to guide and protect that body."

"Fine." Napanguso ako at tiningnan muli ito. "Rhianna Dione. That's my name."

"Rhianna Dione... too long," aniya at nilapitan ako. "I'll just stick with Scarlette. Mas gusto ko pa rin ang pangalan nito."

"Whatever you say." Umiling ako rito at tiningnan ang daan sa harapan. "Siguro naman ay alam mo kung saan nangyari iyong aksidenteng kinasangkutan ni Scarlette noon. I need to get there. I need to know what exactly happened to her."

"Wala ka nang mapapala sa lugar na iyon," anito na siyang ikinabaling kong muli sa kanya. "Pero dahil nandito ka na, tutulungan kita. Come on. Malapit na ring lumiwanag. Mas makakabuting nakalayo ka na rito sa Oracle bago pa man malaman ng Head Seer ang pagtakas mo ngayon."

Nagkibit-balikat na lamang ako kay Eldred at hinayaan na itong maglakad patungo sa kung saan. Tahimik kong inihakbang ang mga paa at sinundan na ito. At pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, tumigil si Eldred na siyang ikinakunot ng noo ko.

"What?" mahinang tanong ko sa kanya at nilapitan ito. "May problema ba?"

"Someone's following you," sagot nito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Mabilis akong tumingin sa likuran ko at noong may nahagip akong bulto ng tao na mabilis na nagtago sa isa sa malaking punong dinaanan ko kanina, naging alerto ako. "Be careful. Hindi kita matutulungan kung sakaling kalaban ito. I don't have a physical body to protect you and Scarlette's body."

"I don't need your help with this one, Eldred. I can handle myself," mahinang sambit ko rito at inihanda ang sarili. Matamang tiningnan ko ang puno ng kahoy kung saan nagtago iyong nakita ko kanina at noong mapansin ko ang paggalaw nitong muli sa pinagtataguan niya, mabilis kong kinuha ang patalim na nakalagay sa likuran ko at walang pag-aalinlangang inihagis ito sa puwesto niya.

"Damn it!" rinig kong bulalas ng kung sino mang nasa natamaan ng patilim ko. Agad kong ikinilos ang mga paa at tumakbo papalapit sa gawi nito. At noong tuluyan na akong makalapit sa may puno ng kahoy, napakunot ang noo ko at kinuha ang patalim na nakatarak sa katawan ng puno.

"He's gone," ani Eldred na siyang ikinatango ko na lamang. "He's not from Oracle. Look," dagdag pa nito at itinuro ang patalim na hawak ko. "That's not a normal blood from a normal person."

"May ideya ka ba sa kung ano iyong natamaan ng patalim na ito?" tanong ko at tiningnan ang paligid. "Sa tingin ko ay isa lang itong normal na mamamayan ng Evraren. And I swear, I heard him curse. He was hurt." Napailing ako at napabuntonghininga na lamang. "Let's go. Let's not waste our time here."

"Hahayaan mo lang itong makatakas sa'yo?" takang tanong ni Eldred sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at itinuon na lamang sa daan ang buong atensiyon.

"Kung nais akong saktan ng taong iyon, dapat ay hindi ito tumakbo noong nasugatan ito," sambit ko sa kasama. "Maybe he was curious about me kaya naman ay sinundan niya ako."

"You're a Seer. Of course, everyone is curious about you."

"Now I don't like the idea about that," wika ko at napailing na lamang. "Ganoon na lang ba ang epekto ng mga Seer sa realm na ito?"

"Yes, Rhianna Dione," simpleng sagot ni Eldred sa akin.

"Why? Hindi ba dapat mas magtuon ang mga taga-Evraren sa ibang bagay? Like how to become a powerful Evraren Knights?"

"Evraren is a realm of the Seers, Rhianna Dione. Well, it was the land of the Seers before," saad nito na siyang ikinatigil ko sa paglalakad. Wala sa sarili akong napatingin kay Eldred at hindi inalis ang mga mata sa kanya. "Before the present royal family rule this realm, Seers are the one who managed and led the people of Evraren."

What?

"At ang pamilya nila Scarlette ang pinakaunang Seer na namuno sa Evraren. Her ancestors built this realm. Without the help of other realms of Azinbar, the Seers protected Evraren with their visions."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top