Chapter 13: Remember

Blanko at walang ekspresiyon akong nakatayo sa harapan ng Head Seer ng Oracle. Hindi ko alintana ang masama at mapanganib na titig nito sa akin at noong tumayo ito sa kinauupuan niya, marahan kong ikinuyom ang mga kamao at inihanda ang sarili sa mga sasabihin nito sa akin.

"Alam mo ba ang magiging resulta nang ginawa mo, ha, Scarlette?" mariing tanong nito sa akin na siyang palihim na ikinangiwi ko. "Mas lalo mo lang pinalala ang sitwasiyong ito!"

"Walang masama sa ginawa ko," walang emosyong saad ko rito at marahang humugot ng isang hininga.

"Dapat noong lumabas kayo rito sa opisina ko ay pinaalis mo na sila sa Oracle! Pero ano ba ang ginawa mo? Imbes na paalisin mo ang Tyrants dito, kinausap mo sila tungkol sa kung anong mangyayari sa Oracle at talagang hinarap niyo pa ang mga Evraren Knights!"

"We need them, Head Seer! Mas may tiwala ako sa Tyrants kaysa sa mga Knights ng realm na ito! Matutulungan nila tayong protektahan ang Oracle," mariing saad ko pa rin sa kanya.

"Scarlette," Head Seer sighed. "Rhianna Dione, hindi natin kilala kung sino ang kalaban-"

"Kilala ko kung sino ang kalaban natin dito, Head Seer." Kita ko ang mabilis na pagkunot ng noo nito habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "Nakita ko sila."

"Sa hinaharap?"

"No," mabilisang sagot ko dito na siyang lalong nagpakunot ng noo nito. "Scarlette can also see someone's past, Head Seer."

"She... No, Rhianna Dione. My niece... Scarlette can't do that!"

"Well, I..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mas seryosong tumitig dito. "She can and I saw it already too," matamang saad kong muli. "Head Seer, trust me. Trust Scarlette's ability. We can save Oracle with her ability."

"Scarlette is just a kid, Rhianna Dione. She can't fully control her gift! Hindi ako maaring magtiwala sa kakayahan niya!"

"Head Seer-"

"Itigil muna natin ang usapang ito, Rhianna Dione. Huwag ka munang gumawa ng kahit ano hangga't hindi pa natin nasisiguro ang lahat."

"We're running out of time, Head Seer!"

"No, we're not!" giit nito sa akin. "Mas lalong gugulo ang sitwasiyon natin kung gagawa tayo nang hakbang na ikapapahamak ng lahat ng Seer na nandito sa Oracle!"

"We're doing this to save them!"

"No!" sigaw nito na siyang ikinatigil ko. "You are doing this for yourself. Para makaalis ka na sa katawan ng pamangkin ko, para makabalik ka na sa totoong mundo mo! You are doing this for yourself and not for us, not for the Oracle!"

Unbelievable!

"Drop this topic now, Rhianna Dione! Kung nais mo talagang tulungan ang mga Seer at ang Oracle, wala ka munang gagawin na kahit ano. Hindi mo ulit kakausapin ang Tyrants ng Northend at didistansiya ka muna sa ibang high rank Seer dito, lalo na kay Leigh. Naiintindihan mo ba?"

Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at walang ingay na tinalikuran ang Head Seer ng Oracle. Lumabas na ako sa opisina nito at noong maisara ko na nang tuluyan ang pinto, mabilis akong napasandal dito at mariing ipinikit ang mga mata.

May mali ba sa ginawa ko?

Mali bang naising tulungan at iligtas sila?

Mali ba ang naging desisyon ko sa misyong ito?

Mali ba ang lahat nang ginawa ko para sa kanila at sa Oracle?

Damn!

"Having a hard a time?"

Mabilis akong napamulat ng mga mata at napabaling sa gawing kanan ko. Napakunot ang noo ko noong mamataan ang isang pamilyar na mukha at mabilis na napatayo nang maayos noong mapagtanto ko kung sino ito.

"You-"

"Hello, Scarlette," bati nito habang matamang nakatingin sa akin. "You remember me now?"

Hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ko at palihim na pinakiramdaman ang paligid. Marahan akong tumingin sa likuran ko, pabalik sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko.

"Ako lang ang nakakita sa'yo, tama ba?" maingat na tanong ko dito.

"So, you still don't remember me," anito at isinandal ang likod sa may pader. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo pero kailangan mong makaalala, Scarlette." Napakunot ang noo ko at hindi inalis ang paningin sa kanya. "Kung maaalala mo ako, tiyak kong maaalala mo rin ang nangyari sa'yo noong araw na iyon."

"Nangyari sa araw na... iyon?" taka at gulong tanong ko sa kanya. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "Hindi mo ba maaaring sabihin na lang sa akin ang kung anong nangyari noong araw na iyon?" kalmadong tanong ko sa kanya at noong makitang ang pag-iling nito, napangiwi ako.

"You can't run away from this, Scarlette. This is your fate. You can't just hide and forget everything about what happened that day."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Marahas akong napalunok at noong ikinurap ko ang mga mata ko, biglang nawala sa harapan ko iyong lalaking kausap ko. Mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid at noong hindi ko na ito makita, wala sa sarili akong napahawak sa tagiliran ko kung saan naroon ang sugat na natamo ng katawan ni Scarlette.

Halos wala na akong maramdaman na sakit o kirot man lang sa sugat ng katawang ito ngunit dahil sa naging pag-uusap namin ng estranghero na iyon, biglang sumakit ang naghihilom na sugat ko. Tila alam ng katawang ito ang tinutukoy ng lalaking iyon. Tila naalala ng katawang ito ang nangyari sa araw na iyon.

"Running away," mahinang turan ko sa sarili. "You're running away from what, Scarlette? Anong nangyari sa'yo sa araw na iyon at talagang pinili mong umalis sa katawang ito?"

Kagaya nang nais ng Head Seer, tumigil na muna ako sa misyon ko. Mukhang napansin iyon ni Isobelle kaya naman ay kinukulit niya akong magsalita tungkol sa napag-usapan namin ng Head Seer ng Oracle.

"Scarlette, you can't just stay here in your room. Please, kahit ako na lang, pagkatiwalaan mo ako."

"I trust you, Isobelle. Kapatid ka ni Scarlette at alam kong nag-aalala ka lang sa akin at sa kapatid mo pero sa pagkakataong ito, wala akong magagawa. The Head Seer don't trust me, your sister Scarlette and her abilities."

"Then let me talk to her! Kilala ko si Miss M. Hindi niya tayo matitiis!" anito na siyang ikinailing ko.

"Let's not pressure her, Isobelle," wika ko na siyang ikinatigil nito sa harapan ko. "Kagaya mo, alam kong nag-aalala lang ito sa kung anong mangyayari sa buong Oracle."

"But she can't shut you down! Ikaw lang ang makakatulong sa amin!"

"Isobelle-"

"No. I'm going to talk to her. Kakausapin ko ito at sasabihin ikaw lang ang may kakayahan para mapigilan ang pagkasira ng Oracle!"

"Isobelle, stop it already," mariing sambit ko na siyang masamang ikinatingin sa akin ng kapatid. "Let's give her some time. Mas makakabuting huwag na muna natin itong kausapin. If she can't trust me or your sister, then let's trust her at least."

"Pero-"

"Sa ngayon, iba ang nais kong gawin," wika kong muli na siyang ikinakunot ng noo ni Isobelle. "I saw him again."

"Him? Sino, Scarlette?"

"The man I saw the other day. Iyong sinasabi mong ako lang ang nakakakita. Nakita ko itong muli at may sinabi ito sa akin." Hindi nagsalita si Isobelle sa harapan ko at hinintay lamang ang susunod na sasabihin ko sa kanya. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "He told me to stop running away."

"Running away-"

"He told me to remember what happened that day. The day Scarlette got shot and almost died."

"Hindi mo ba magagawa iyon?" mahinang tanong ni Isobelle sa akin na siyang ikinangiwi ko. Umiling ako sa kanya bilang tugon at muling humugot ng isang malalim na hininga.

"I tried to remember what really happened that day but all I've got was headache." I sighed again. "Pakiramdam ko ay may koneksiyon lahat ng ito. Hindi lang basta-bastang masusunog ang buong Oracle. At mukhang alam na ng kapatid mo ang tungkol dito bago pa ako mapunta sa katawan niya."

"And they attacked her," mahinang wika ni Isobelle na siyang ikinatango ko. "She knew and that was the reason why they almost killed her! Oh my God! Ano na ang gagawin natin ngayon?"

"I need to remember what happened that day, Isobelle. Kailangan kong puntahan ang lugar kung saan nila inatake si Scarlette."

"Aalis ka ng Oracle? Rhianna Dione, you can't do that!"

"I need to do this, Isobelle. Kailangan kong malaman ang kung ano ang nalaman ni Scarlette bago pa man ako mapunta sa katawan niya."

Noong mapag-isa akong muli sa silid ko, marahan akong tumayo mula sa gilid ng kama at naglakad patungo sa may salamin. Hindi ko inalis ang paningin sa repleksiyon ko at marahang hinawi pulang buhok. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hinaplos ang markang nasa leeg.

"I promised to help you and the rest of the Seer, Scarlette, but please, help me too. Kailangan kong malaman ang nangyari noong araw na iyon. Kailangan kong malaman kung sino ang gumawa nito sa'yo. To save your home, I need your help too. Hindi ko ito kaya ng mag-isa. Mas mapapadali ang lahat kung tutulungan mo rin ako."

I sighed.

I just really hope that Scarlette can hear me now. I can feel it. She's still here, inside this body. She's not totally gone and all I need to do is wake her up.

"Wake up, Scarlette, and remember everything."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top