Chapter 12: Tension
Hindi maganda ang dulot ng dark spell dito sa Azinbar.
Noong nasa Northend pa ako at nasa katawan ni Captain Mary, alam ko kung gaano ka-delikado ang spell na ito. It's dangerous and it will definitely ruin its user. Kahit gaano ka pa kalakas kung matatalo ka mismo ng itim na kapangyarihan, masisira at masisira ka pa rin.
"Isobelle." Marahan akong naglakad papalapit sa kapatid ni Scarlette at tiningnan ang Tyrants na prenteng nakatayo 'di kalayuan sa puwesto nito. "Kanina pa ba nakarating dito sa Oracle ang mga Knights na iyan?"
"Halos kakarating lang ng mga Evraren Knights dito," sagot ni Isobelle sa akin at binalingan ako. "What's happening here, Scarlette? Hindi pa ba aalis ang mga Knight ng Northend? Baka magkagulo pa rito sa Oracle."
"Paalis na sila," tipid na sagot ko sa kanya at itinuon ang paningin sa Tyrants at Evraren Knights. Akmang kikilos na sana ako para lapitan sila noong mabilis akong pinigilan ni Isobelle. Hinawakan nito ang braso ko at matamang tiningnan ako.
"Huwag ka nang makisali sa kanila, Scarlette. You've done enough for today. Baka kung ano na ang isipin ng ibang Seer dito kung lalapitan mo pa sila. Let them be. Hayaan mong sila ang mag-usap sa kung anong pakay nila dito sa Oracle."
Wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi ko at palihim na tiningnan ang paligid. Halos lahat ng Seer ng Oracle ay nasa kanila ang buong atensiyon. Tila naghihintay lang din ang mga ito sa mga susunod na mangyayari sa pagitan ng Tyrants at ng mga Knight ng realm na ito.
"Hindi ba dapat ay wala ang mga Seer dito?" tanong ko at kinunutan ng noo si Isobelle. "Hindi ba takot ang mga Seer sa ganitong tagpo? Bakit nasa labas kayo?"
"Pinalabas kami kanina," ani Isobelle na siyang lalong ikinakunot ng noo ko. "Dapat ay ipagpapatuloy na kanina ang mga klase dito sa Oracle ngunit-"
"Ngunit pinalabas kami ng iilang High rank Seers." Napalingon ako kay Enzo noong magsalita ito sa likuran namin. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin ni Isobelle at noong nasa tabi ko na ito, namataan ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Mas lalong gugulo ang sitwasyon natin dahil sa pagdating ng mga Evraren Knight dito sa Oracle."
"Paalis na rin naman ang Tyrants, hindi ba?" tanong muli ni Isobelle sa akin na siyang marahang ikinatango ko.
"Evraren Knights. The enemies called them," mahinang turan ko at muling itinuon sa mga Knight ang buong atensiyon. "They wanted to see if the Tyrants are a threat or not to this place."
"Enemies... The one who will burn this place," halos bulong na wika ni Isobelle. "Anong gagawin natin ngayon, Scarlette?"
"Nakausap ko na ang Tyrants. They will help us," sagot ko at humugot ng isang hininga. "They will help me to finish this mission," dagdag ko pa at inalis na ang pagkakahawak ni Isobelle sa akin. "They already moved, Isobelle. It's time for us to do the same."
"What?" tila naguguluhang tanong nito sa akin.
"Don't worry about me. I can protect your sister's body. Walang masamang mangyayari sa katawang ito," mariing sambit ko dito at inihakbang muli ang mga paa. Narinig ko ang mariing pagtawag ni Isobelle sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako nang tuluyan sa Tyrants at sa limang Evraren Knights na nandito ngayon sa Oracle.
"Umalis na kayo sa realm na ito." Napataas ang isang kilay ko noong marinig iyon sa isa sa Evraren Knights. "Hindi kailangan ng Oracle ang presensiya niyo, Tyrants. Lisanin niyo na ang lugar na ito."
"Relax, Knight. Wala kaming masamang pakay sa lugar na ito o sa buong Evraren," ani Alessia at pasimpleng binalingan ako noong maramdaman nito ang presensiya ko. Tinanguhan ko ito at binalingan ang limang Knights na kaharap nila. Mayamaya lang ay bahagya akong natigilan sa puwesto ko noong mamataan ang bahagyang pagyukod nila sa akin. Napakunot ang noo ko sa inasal nila at muling inihakbang ang mga paa hanggang sa tuluyang nasa harapan na nila ako.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanila at pasimpleng pinag-aralan ang mga kilos nito. "Sino ang nag-utos sa inyong pumunta rito sa Oracle?"
"It was the Head Knight order," sagot ng isa at umayos nang pagkakatayo. "Someone reported to our headquarters about the Northend Knights presence."
"And that someone is?" tanong ko pa habang hindi inaalis ang paningin dito.
"That's confidential, Scarlette," sagot ng isa pang Knight na siyang ikinagulat ko. He knew me! Oh, damn me! Who the hell is this Evraren Knight? Kaya ba sila yumukod kanina sa akin dahil kilala nila ako? Great!
Now what? Think, Rhianna Dione! Kailangang malaman ko kung sino ang mga Knight ito!
Palihim ko silang pinagmasdan habang iniisip ang maaaring susunod na sasabihin sa kanila. Marahan kong kinuyom ang mga kamao at hindi inalis ang mga mapanuring mga titig. Kung nandito sila dahil sa utos ng Head Knight ng realm na ito, dapat ay... wait a minute!
Head Knight...
Evraren Head Knight...
"You're here because of my father's order," kaswal na wika ko at umayos nang pagkakatayo. Right! Isobelle and Scarlette's father is the Head Knight of this realm! Damn! Bakit ko ba nakalimutan ang bagay na iyon? Napailing na lamang ako at seryosong tiningnan ang mga Evraren Knight. "Walang masamang ginagawa ang Tyrants. Tell my father that we're fine here. Wala siyang dapat ipag-alala sa mga Seer dito sa Oracle."
"Pero-"
"Derek, that's enough." Napabaling ako sa nagsalita na Knight. Tahimik lang ito kaya naman ay hindi ko naramdaman ang presensiya nito kanina. Tumigil sa pagsasalita iyong Knight na kausap ko at binalingan na rin ang kasamahan na ito. "You heard her. Maayos lang ang mga Seer dito sa Oracle," dagdag pa nito at noong makapansin ako ng kakaiba sa kanya, naging alerto ko.
Maging ang Tyrants ay naging alerto noong tuluyang nasa harapan na namin iyong isang Evraren Knight.
"Pero Preston-"
Preston?
"Kung sinabi ni Scarlette na ayos ang lahat dito sa Oracle, iyon ang irereport natin sa Head Knight," seryosong wika pa nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "Right, Scarlette?"
"Tell him that," mabilis na sagot ko at mariing ikinuyom muli ang mga kamao.
"I guess we're done here, Knights," muling turan ni Preston at tinalikuran ako. Hinarap niya ang apat na kasamahan at walang imik na nagsimulang maglakad palayo sa amin.
Hindi na rin umimik pa ang apat na Evraren Knights. Tahimik silang umatras at tuluyang na umalis sa harapan namin ng Tyrants. Hindi ko inalis ang paningin sa kanilang lima, lalong-lalo na sa Knight na nag-ngangalang Preston.
It was him. The one I felt earlier. The dark spell user!
"That was intense," rinig kong sambit ni Jaycee na siyang ikinatango ko dito. "Dark spell user, huh? Ang buong akala ko ay sa Helienne lang nag-e-exist ang ganoong klaseng magic user. Pati na rin pala dito sa Evraren ay may nagtangkang aralin ang spell na iyan."
"This place is doom, Rhianna Dione," ani Alessia na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. "Sigurado ka bang nais mong tulungan muna ang mga Seer dito sa Oracle bago ang Northend? Dahil kung may mga dark spell user ang realm na ito, mas mahalagang unahin natin ang misyon sa Northend. Having the Captain's body will be an advantage to us."
"We can handle them, Alessia. Kaya nating tapatan at makipagsabayan sa kanila. I can clearly see their abilities. Kumpara sa Tyrants, mas mababa ang lebel nila sa pakikipaglaban."
"We can't be sure about that, Rhianna-"
"Scarlette!"
Halos sabay-sabay kaming lumingon sa gawing kanan namin noong marinig ang malakas na pagsigaw ng pangalan ko. Napa-arko ang isang kilay ko noong mamataan ang tila galit na si Miss Leigh. Malalaki ang mga hakbang nito at noong tuluyang makalapit ito sa akin, mabilis niya akong hinawakan sa braso ko at hinila palayo sa Tyrants.
Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakaalma sa ginawa niya. Akmang magsasalita na sana ako noong maramdaman ko naman sa kabilang braso ko ang paghawak ni Alessia sa akin at sa isang kurap lang ng mga mata ko ay nasa magkabilang gilid na ni Miss Leigh sina Jaycee at Owen.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Miss Leigh sa mabilis na pagkilos ng Tyrants. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko kaya naman ay maingat kong inangat ang isang kamay ko at inilapat ito sa kamay niyang nasa braso ko.
"You're hurting me, Miss Leigh," marahang sambit ko at inalis ang kamay nitong nakahawak sa akin. Umayos ako nang pagkakatayo at binalingan si Jaycee at Owen. Tinanguhan ko ang dalawa kaya naman ay walang imik silang umalis sa kinatatayuan nila. Naglakad sila patungo sa tabi ni Alessia at tahimik na tiningnan namin si Miss Leigh. "May problema ba, Miss Leigh?"
"Bakit mo pinaalis ang Evraren Knight?" mariing tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Ikaw ba ang nagpapunta sa kanila rito sa Oracle?" balik na tanong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito. "Miss Leigh, Oracle is a safe place for the Seers. Hindi natin kailangan ang presensiya ng Evraren Knights. Kung natatakot ka dahil sa nandito ang Tyrants ng Northend, well then, aalis na sila. But..." ani ko at humakbang ng isang beses papalapit sa kanya. "I have my business with them. Kung hindi ako makakalabas dito sa Oracle, sila mismo ang pupunta sa akin."
"You can't do that, Scarlette!" anito na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan. "They're dangerous! Hindi ka dapat nakikipag-usap sa kanila!"
"The way you act right now, mas mukhang mapanganib ka sa amin, Miss Leigh," anito Alessia na siyang muling ikinatigil ni Miss Leigh sa harapan namin. "We are Knights of Northend, members of Tyrants, Miss Leigh. We oath to protect the people of Northend and the rest of the realm of Azinbar. Hindi namin ipapahamak ang kahit sino sa inyo."
"Liar!"
"Leigh, that's enough!"
Napangiwi na lamang ako noong marinig ang boses ng Head Seer. Mabilis namang bumaling si Miss Leigh sa bagong dating at masamang tiningnan ito. Mayamaya lang ay nasa tabi na nito ang Head Seer. Tahimik lang akong nagmasid sa dalawa at noong magharap na ang mga ito, agad na napa-arkong muli ang isang kilay ko.
"Kausapin mo itong pamangkin mo, Miss M!" ani Miss Leigh at masamang tiningnan ang kaharap. "She's messing with us!"
"Messing with us? Leigh, walang ginagawang masama si Scarlette," kalmadong wika ng Head Seer at binalingan kami. "Aalis na ba kayo, Tyrants?"
"Yes, Head Seer," halos sabay-sabay na sagot ng Tyrants dito.
"Alright. Mag-iingat kayo pabalik sa Northend," sambit muli ng Head Seer at pasimpleng tiningnan ako. Nagkibit-balikat ako dito at hinarap sila Alessia.
"Mag-iingat kayo."
"Ikaw rin, Scarlette," maingat na wika ni Alessia at nagpaalam na akin. Umaayos ako nang pagkakatayo at noong tuluyang makalabas na sa main gate ng Oracle ang Tyrants, muli kong binalingan ang Head Seer at si Miss Leigh na tahimik lang na nagmamasid sa akin.
"Gusto kong isipin na maganda ang intensiyon mo at nagpatawag ka ng Evraren Knights dito sa Oracle, Miss Leigh-"
"I did that for us! For our safety!"
"You did that for yourself," seryosong saad ko na siyang lalong nagpagalit sa kaharap ko. "Hindi ang Tyrants ang kalaban ng mga Seer. Hindi sila ang magpapahamak sa Oracle. I saw it, Miss Leigh. I'm a Seer, too! I know what I've saw."
Mas lalong nag-alab ang tingin sa akin ni Miss Leigh dahil sa mga tinuran ko. I can feel the tension between us getting hyped up. Ngunit wala na akong pakialam pa sa kung anong mangyayari. Siya ang nagreport sa Head Knight ng Evraren at dahil sa ginawa niya, mukhang malalagay pa sa alanganin ang Tyrants. They just wanted to find Captain Mary's body and now, because of what she did, paniguradong babantayan ng mga taga-Evraren ang muling pagbabalik nila sa realm na ito!
"Scarlette, that's enough. Bumalik ka na sa silid mo," singit ng Head Seer at marahang tinanguhan ako.
Napabuntong-hininga na lamang ako at akmang tatalikuran ko na sana sila noong mabilis akong natigilan sa pagkilos at hinarap muli nang maayos ang dalawa.
"Look around, Miss Leigh. Tumingin ka sa buong Oracle at nang makita mo ang kung anong nakita ko," I paused and slightly smiled at her. "O 'di kaya... look at the mirror and ask yourself who's the real deal here." Bahagya akong yumukod sa dalawa at tuluyan nang tinalikuran ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top