Chapter 11: Plan

"Paano ka nakabalik dito sa Azinbar, Rhianna Dione?"

Napabaling ako sa puwesto ni Alessia noong magtanong itong muli sa akin. Napaayos ako nang pagkakatayo at sinalubong ang mapanuring mga titig nito.

"Remember Treyton Duke? The dimension traveler who brought me back to my own world?" tanong ko sa kanya na siyang marahang ikinatango nito. "I married him. He's my husband now and... and suddenly, he's gone."

"Gone?" takang tanong ni Jaycee sa tabi ko.

"Yes," I sighed at looked at him. "At wala akong ibang maisip na dahilan nang pagkawala nito-"

"He's here. Your husband is here in Azinbar," marahang wika ni Owen na siyang ikinatango ko na lamang.

"Kaya ka bumalik dito sa Azibar? Para hanapin ang dimension traveler na iyon?" tanong muli ni Alessia na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko.

"Not really," sagot ko at muling humugot ng isang malalim na hininga. "Wala akong kakayahang pumunta dito Azinbar mag-isa. Hindi ko ito magagawa nang basta-basta."

"So, paano ka nakabalik sa mundong ito?" rinig kong tanong muli ni Owen sa akin.

"I saw a precognition... about this place, about Oracle. And the next thing I knew, nasa katawan na ako ni Scarlette. Just like before, hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa katawang ito. After that precognition, I... I was here again, in this world."

"What kind of precognition, Rhianna Dione?" muling tanong naman ni Owen na siyang ikinabaling ko na sa puwesto niya.

"Fire. Screaming. Seers asking for help," seryosong sagot ko dito na siyang ikinatigil nito.

"And that's why you're here. To help them. A mission to fulfill." Umayos nang pagkakatayo si Alessia at humakbang ng ilang beses hanggang sa nasa harapan ko na ito. "And you're not here for the Captain's body."

"Alessia-"

"Nasa katawan ka ngayon ng Seer na kailangan namin, Rhianna Dione. At alam mo rin kung gaano kahalaga sa Northend si Captain Mary. Kailangan naming mahanap ang katawan nito sa lalong madaling panahon. And for us to do that, we need your help. We need Scarlette's help."

"Alessia, alam mong tutulungan ko kayo kahit anong mangyari sa akin dito. Treyton once told me about Captain Mary's body. Hindi ko lang ito pinansin dahil ang buong akala ko'y tapos na ako sa mundong ito. But now that I'm here again, I don't think that I can ignore it again. But... I can't do that now, Alessia. Nasa panganib ang buong Oracle ngayon. Sooner, mangyayari ang mga nakita ko. At kapag mangyari iyon, mauubos ang Seers sa realm na ito."

Natigilan ang Tyrants sa sinabi ko. Hindi kumibo si Owen at Jaycee samantalang matamang nakatingin pa rin sa akin si Alessia.

"Hahanapin natin ang katawan ni Captain Mary pero kailangan kong unahin ang misyong ito, Tyrants. Walang ibang tutulong sa mga Seer kung hindi ako. They don't know how to fight and protect themselves, Alessia. And Scarlette, the owner of this body, is powerful Seer. Ramdam kong hindi lang ito isang normal na Seer kagaya ng ibang naninirahan dito. She can do more than just to see a glimpse from the future!"

"Kaya siya ang pinahanap sa amin ng hari," ani Jaycee na siyang ikinatango ko.

"I will you help you, Tyrants, but I need your words, an assurance, that you will help me too." Mataman kong pinagmasdan ang tatlo. "We will protect and save them. We will save the Seers and their home."

"Rhianna Dione, hindi kami nagpunta rito para-"

"Let's do that," putol ni Alessia sa dapat na sasabihin ni Owen. Napakagat akong muli ng labi at napatango kay Alessia. "We will send some Northend Knights to guard this place."

"Alessia, nasa Evraren tayo. Hindi tayo maaring maglagay ng Northend Knights sa teritoryo nila," mabilis na saad ni Owen at binalingan muli ako. "How about the Knights from this realm? Siguro naman ay papayag silang bantayan ang lugar na ito."

"Something's wrong with the royal family of this realm, Owen. Hindi ko sila mapagkakatiwalaan. I can risk it."

"Rhianna Dione-"

"Owen, we will help Rhianna Dione," mariing sambit muli ni Alessia na siyang marahas na ikinabuntong-hininga ni Owen. "What's your plan now, Rhianne Dione? At bakit hindi mo kayang magtiwala sa royal family ng realm na ito."

"Scarlette is a talented Seer, Alessia. Past and future, she can see that," wika ko na siyang ikinatigil muli ng tatlo. "And someone tried to kill her. Noong pumasok ako sa katawan ng Seer na ito, sugatan at halos hindi makakilos ito nang maayos. She almost died before I enter here, or worse, she actually died during that ambushed."

"Someone's after her," ani Jaycee na siyang ikinatango ko sa kanya.

"Scarlette knew something at iyon ang pilit na inaalam ko. Maaring makatulong ito sa atin. Kung mapapabilis ang trabaho ko sa realm na ito, mas mapapaaga ang paghahanap natin sa katawan ni Captain Mary."

"So, you want to finish first your mission before helping us?" Owen asked me again. "Rhianna Dione, nasa panganib din ang Northend. We can't waste our time here!"

"Owen, tapos na ang misyon ko sa Northend. Nasa Evraren na ako ngayon! At kung may kailangan kayo sa Seer na ito," wika ko at itinuro ang sarili. "Hindi ba dapat ay pagbigyan niyo muna ang hiling nito?" Napabuntonghininga na lamang akong muli. "Owen, listen to me. Captain Mary's body is fine. Kahit saan ito mapunta, alam nating protektado ito sa lahat ng spells na inilagay ni Captain Mary doon. It's fine, Owen. Hindi ito mapapahamak. Pero... pero ang lugar na ito, Owen, kung hindi ko ito maproprotektahan, natitiyak kong hindi na ako makakabalik sa totoong mundo ko. And my husband, I doubt if I can find and see him again."

Hindi na muling nagsalita pa si Owen. Nag-iwas na lamang ito nang tingin sa akin at dumistansya na. Napabaling ako kay Jaycee at noong mamataan ang pagtango nito sa akin ay bahagyang gumaan ang loob ko.

"I lead the Tyrants now, Rhianna Dione. Habang hindi pa namin nahahanap ang katawan ni Captain Mary, ako ang itinalaga ng hari na mamuno sa grupo," ani Alessia na siyang hindi ko na ikinagulat pa. Alessia is a great Knight. Alam kong kaya nitong pamunuan ang Tyrants. "Sa ngayon, babalik na lang muna kami sa Northend. I'll report this to the King."

Tumango ako dito at marahang inabot ang kamay nito.

"Mahahanap din natin ang katawan ni Captain Mary. Scarlette can find her. Trust me," sambit ko na siyang ikinatango na lamang ni Alessia sa akin.

Mayamaya lang ay nagpaalam na ang Tyrants sa akin. Muli akong niyakap ni Jaycee at nagpasalamat sa pagbabalik ko.

"Owen," tawag ko dito noong hindi na itong muling kumibo pa. "We will find her body. Kahit anong mangyari, hahanapin natin ito."

"I know... and thank you, Rhianna Dione," ani Owen at nilapitan na rin ako. Bahagya pa akong nagulat noong niyakap din ako nito. Napatango na lamang ako at marahang tinapik ang likuran nito. "Welcome back."

"Let's go, Tyrants," yaya ni Alessia sa mga kasama nito at tinanguhan na ako. Humiwalay na sa yakap ko si Owen at nagpaalam na ang mga ito sa akin. Dahan-dahan silang naglakad patungo sa pintuan ng silid ko ngunit bago pa man sila tuluyang makalabas, mabilis ko silang pinigilan.

"Don't move," mabilis na wika ko habang pinagmamasdan ang mga imaheng biglang nakita ko sa isipan.

Precognition!

"What is it, Rhianna Dione?" takang tanong ni Alessia sa akin.

"We have some more visitors," sambit ko habang pinagmamasdan ang mga imahe sa isipan. "Evraren Knights."

"Evraren Knights?"

"Someone called them. They're here for you, Tyrants," dagdag ko pa at umayos nang pagkakatayo. Nawala na ang mga imahe sa isipan ko at seryosong tiningnan ang tatlo. "The enemies live here in Oracle. Paniguradong sila ang may kagagawan nito. They called the Evraren Knights to warn us. Damn it!"

"Seriously?" bulalas ni Jaycee at tiningnan ang mga kasama niya. "I think we need to leave now."

"Nandito na ba sa Oracle ang mga Knights na nakita mo, Rhianna-"

"Call me Scarlette. Wala dapat ibang makarinig ng pangalan na iyan sa lugar na ito," sambit ko kay Alessia at hinawi ang pulang buhok sa balikat. "They're almost here. At kapag tuluyang makalabas na tayo sa building na ito, natitiyak kong nasa main gate na ang mga Evraren Knights na ipinatawag nila."

"Wala pa nga tayong ginagawa tapos ganito na sila umasta," ani Owen na siyang ikinatango ko sa kanya. "So, what's the plan? Haharapin ba natin sila?"

"Let's play along with them. Let's face the Evraren Knights. Tingnan natin kung ano ang gagawin nila sa atin," seryosong saad ko at tiningnan ang Tyrants. "You're with me, right?"

"Of course, Scarlette. Let's go. Let's see what an Evraren Knights can do," ani Alessia at muling kumilos sa kinatatayuan nito. Nagsimula nang lumabas ang tatlo sa silid ko samantalang nanatili ako sa kinatatayuan ko noong biglang may imaheng nakita na naman ako sa isipan ko.

Napakunot ang noo ko sa mga nakikita.

"A dark spell user?" Napaawang ang labi ko.

Someone is using a dark spell here in Evraren!

Oh boy. This is not good!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top