Chapter 10: Back

Hindi nagsalita ang Tyrants at matamang nakatingin lamang sa akin.

Umayos ako nang pagkakatayo at binalingan ang Head Seer. Namataan ko ang seryosong titig nito sa akin at mayamaya lang halos sabay kaming napabaling sa may pinto ng silid noong may kumatok doon. Segundo lang ang lumipas at bumukas na ang pinto at bumungad sa amin si Elaine, iyong isa sa High Rank Seer na kasama namin kanina.

"I'm sorry to interrupt your conversation but Miss Leigh is here, Head Seer," imporma sa amin ni Elaine na siyang ikinangiwi ko.

Damn! The evil Seer is here!

Mabilis akong bumaling muli sa Head Seer at noong makitang tumango ito kay Elaine, napabuntong-hininga na lamang ako. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at tiningnang muli ang tatlong miyembro ng Tyrants.

"Babalik na ba kayo sa Northend pagkatapos nang pag-uusap na ito?" tanong ko sa kanila na siyang mabilis na ikina-alma ng Head Seer.

"Scarlette, stop," anito na siyang ikinangiwi ko. "Tyrants, sana'y maintindihan niyo ang sitwasyon natin ngayon. Hindi kayo maaring magtagal dito sa Oracle." Napailing na lamang ako sa naririnig mula sa dito at noong maramdaman ko ang presensiya ni Miss Leigh, napabaling ako sa puwesto nito.

"Anong nangyayari dito?" malamig na tanong ni Miss Leigh sa amin at tiningnan ako at ang mga bisita ng Oracle. "Tyrants. What a surprise. Anong kailangan ng mga knights na kagaya niyo sa lugar na ito?"

"I'm sorry but we can't disclose the details to you, Seer," kaswal na wika ni Alessia na siyang ikinabaling ko sa gawi niya. "Scarlette, let's continue this conversation somewhere else."

"Sure," agarang tugon ko dito.

"Scarlette, no. Hindi ka lalabas sa Oracle," mariing wika naman ng Head Seer na siyang ikinaling ko at tiningnan itong muli.

"How about in my room? Doon ko na lang sila kakausapin."

"You're a Seer, young lady," ani Miss Leigh na siyang ikinataas ko ng isang kilay ko. "Hindi magandang halimbawa sa ibang Seer ang gagawin mo. Talking to a group Northend Knights? Ano na lamang ang iisipin ng ibang Seer sa lugar na ito?"

"Miss Leigh, hindi ko alam na bilang isang Seer ay kailangan ko pa lang piliin ang dapat kung kausapin," wika ko na siyang ikinatigil nito sa kinatatayuan niya. "As long as they won't harm me or the rest of the Seers here, kakausapin ko po sila."

"Unbelievable!"

"Scarlette, isang High Rank Seer ang kausap mo," mariing sambit ni Elaine na siyang ikinabaling ko naman sa kanya. "Ayusin mo ang pakikipag-usap sa kanya."

"Too many rules," bulong ko at palihim na inirapan ito. Napabuntong-hininga na lamang muli ako at tiningnan ang Head Seer. "Kakausapin ko lang sila, Head Seer. Don't worry about me. At isa pa, walang masamang gagawin ang Tyrants sa akin. Ako lang naman ang kailangan nila dito sa Oracle."

"Kailangan? Bakit kailangan ng Tyrants ang isang pasaway na Seer na kagaya mo?" rinig kong tanong muli ni Miss Leigh na siyang ikinairap kong muli dito. Hindi na lamang ako nagsalita pang muli at tiningnan na lamang si Alessia. Namataan ko ang pagtango nito sa akin at nagsimula na silang maglakad palabas sa opisina ng Head Seer. Tahimik namang sumunod si Jaycee at Owen sa kanya.

Noong kami na lamang ang natira sa loob ng opisina, umayos ako nang pagkakatayo at hinarap muli si Miss Leigh at ang dalawang Seer sa likuran nito.

"Gagawin ko ang kung anong gusto kong gawin," marahang sambit ko sa kanila na siyang lalong ikinasama nang tingin ng dalawang Seer sa likuran ni Miss Leigh sa akin. "At least ako, may ginagawa para protektahan ang lugar na ito," dagdag ko pa at inihakbang ang mga paa palapit sa kanila. Narinig ko ang pagtawag ng Head Seer sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. "Don't you ever underestimate me. Alam ko kung ano ang ginagawa ko."

"Stop fooling around, Scarlette," ani Miss Leigh at nilabanan ang titig ko sa kanya. "Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo. Dahil kung alam mo talaga, hindi ka babalik ng halos walang buhay sa lugar na ito. You are reckless, Scarlette. You never listened to us. You will suffer more and eventually die if you continue doing this."

"I'm not scared of dying, Miss Leigh," seryosong sambit kong muli dito. "Don't forget that I'm a Seer, too. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin dito. And... I can see you, Miss Leigh. I can see you clearly."

"Scarlette!" sigaw ni Elaine sa pangalan ko at mabilis na humakbang palapit sa akin. Akmang hahawakan na sana niya ako noong mabilis ko itong binalingan. Masama ko itong tiningnan kaya naman ay natigilan ito sa pagkilos.

"Huwag kang magkakamaling hawakan ako, Elaine."

"Scarlette, tama na iyan," rinig kong sambit ng Head Seer at mayamaya lang ay nasa tabi ko na ito. "Sundan mo na ang mga panauhin natin," dagda pa nito sa akin. "Elaine, Mellie, pumunta kayo sa ibang Seer. Sabihin niyong maari na silang umalis sa building 3. Continue the classes and the trainings."

"Pero-"

"Sundin niyo na ang pinag-uutos ko," mariing dagdag pa nito na siyang mabilis na tinugon ng dalawa. At bago pa man umalis ang mga ito at sundin ang nais ng Head Seer, masama muna silang tumingin sa akin na siyang ikinataas ng isang kilay ko.

"Move now, Elaine."

"Yes, Head Seer." Sabay na tugon ng dalawang Seer at tuluyan nang umalis sa opisina.

"Umalis ka na rin, Scarlette. Ikaw na ang bahala sa mga panauhin natin."

Hindi na ako nagsalita pang muli at tumango na lamang sa Head Seer. Muli kong binalingan si Miss Leigh at noong mamataan ang seryosong mga titig nito, marahan akong nailing na lamang at inihakbang na ang mga paa palabas ng silid.

Noong tuluyan na akong makalabas sa opisina, napangiwi ako at napabuntong-hininga na lamang. Mataman kong tinitigan ang nakasarang pinto ng opisina ng Head Seer ng Oracle at noong maramdaman ko ang presensya ng Tyrants sa gawing kanan ko, mabilis ko silang binalingan. Muli akong napabuntong-hininga at nagsimula nang maglakad patungo sa puwesto nila.

"Let's go," anyaya ko sa tatlo noong tuluyang makalapit na ako sa kanila. "Hindi ako basta-bastang makakalabas sa Oracle kaya naman ay sa silid ko na lamang tayo mag-usap," dagdag ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad. Tahimik na sumunod naman sila Alessia sa akin at noong tuluyan na kaming makalabas sa gusali kung nasaan ang opisina ng Head Seer, mabilis akong napangiwi noong mamataan ang iilang Seer sa malawak na field ng Oracle.

Oo nga pala! Pinaalis na sila sa building 3 at ngayon ay nagkalat na naman sila sa buong Oracle!

"This place is a mess," rinig kong sambit ni Jaycee na siyang ikinangisi ko. "Hindi ba sanay ang mga Seer sa mga kagaya natin? We don't bite, you know."

"They're Seers, Jaycee, not knights. They don't go berserk like us," wika naman ni Owen na siyang ikinailing ko.

"Hayaan niyo na sila," marahang sambit ko at binalingan ang tatlo. "You're here for me. Focus on that."

"Hindi namin inaasahan ito," ani Alessia na siyang ikinakunot ng noo ko. "Noong sinabi sa amin ng Seer na naninilbihan sa hari ng Northend ang tungkol sa iyo, ang buong akala namin ay mahihirapan kaming kausapin ka tungkol sa bagay na ito."

"You want something from me, and I want something from you. Give and take, Tyrants. Pareho tayong makikinabang dito," kaswal na sambit ko sa tatlo at tinalikuran silang muli. "Let's go. Doon tayo mag-usap sa walang Seer na nakamasid sa atin."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, ganoon din ang Tyrants. At noong makarating na kami sa silid ko, napangiwi ako noong mamataang prenteng nakaupo sa gilid ng kama ko si Isobelle.

"Scarlette!"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at mabilis niya akong nilapitan.

"Ayos ka lang ba?"

"I'm fine, Isobelle," sagot ko dito at binalingan ang tatlo. Napabuntong-hininga ako at muling hinarap ang kapatid ni Scarlette. "May pag-uusapan lang kami dito sa silid ko, Isobelle. Dumating kasi si Miss Leigh sa opisina ng Head Seer kaya naman ay hindi natapos ang pinag-uusapan namin kanina."

"Tungkol ba ito sa hinaharap na nakita mo noon?" tanong ni Isobelle at palihim na sinilip ang tatlong kasama ko na tahimik na nakatayo sa likuran ko. "Tutulungan ba nila tayo?"

"They will help us as long as I agree to help them too."

"What?" mahinang tanong ni Isobelle at hinawakan ang kamay ko. "Kung ikapapahamak mo ito, huwag ka nang pumayag sa nais nilang mangyari. Mas mahalaga ang kaligtasan mo dito, Scarlette."

"Don't worry about me, Isobelle. I can handle them."

"Pero-"

"Sa labas ka na lang muna. Ako na ang bahala sa kanila," marahang sambit ko dito at tipid na tinanguhan. Hindi na nagsalita pa si Isobelle. Tahimik nitong binatawan ang kamay ko at nagsimula nang maglakad palabas ng silid ko. At noong tuluyang maiwan na kami ng Tyrants sa loob ng silid ko, mabilis ko silang binalingan at tahimik na pinagmasdan isa-isa. "It's really good to see you again, Tyrants."

Hindi nagsalita ang tatlo. Kunot-noo nila akong tiningnan kaya naman ay mahina akong natawa. Napailing na lamang ako at dahan-dahan hinawi ang mahaba at pulang buhok ko. Inilagay ko ito sa kaliwang balikat ko at ipinakita sa kanila ang markang alam kong alam na alam nila kung ano ito.

"What the... Paanong-"

"What's the meaning of this, Scarlette?" seryosong tanong ni Owen habang hindi inaalis sa akin ang mapanuring mga titig. Umayos ako nang pagkakatayo at hinawi muli ang buhok ko. "Bakit may marka ka rin sa leeg mo? Paano at kailan ka nagkaroon niyan?"

"Hindi ko rin alam, Owen," sagot ko at tiningnan nang mabuti ang tatlo. "Simula noong napunta ako sa katawan ni Scarlette, lumabas rin ang markang ito."

Katahimikan.

Hindi kumibo ang tatlo sa harapan ko. Napailing na lamang ako at nginitian sila.

"It's me, Tyrants. Rhianna Dione and I'm here again. I'm back with another mission to accomplish in this world."

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alessia habang gulat na nakatingin sa akin. "You are Rhianna Dione? The Rhianna Dione of Northend?"

"I'm the Rhianna Dione of Evraren now, Alessia," nakangiting sambit ko pa rin dito.

"Ikaw ba talaga iyan, Captain?" Natigilan ako sa naging tanong ni Jaycee sa akin. Captain. God, I missed being called like that. Captain. "Y-you're back."

"Jaycee-"

"Captain, you're back!" bulalas muli nito at mabilis na nilapitan ako. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at noong niyakap ako ni Jaycee, napaawang ang mga labi ko. "It's really you, Rhianna Dione! It's really you and you're back!"

Wala sa sarili akong napatango kay Jaycee at napabaling sa puwesto nila Alessia at Owen. Hindi kumibo ang dalawa habang pinagmamasdan kami. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at gumanti na lamang sa yakap ni Jaycee sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top