Chapter 7: Plan

Tahimik akong nakaupo sa gawing kanan ni mommy samantalang seryoso at tila problemado naman si daddy sa puwesto niya.

Nasa may maliit na sofa na kami ngayon dito sa study room ni mommy. Nasa may pang-isahang upuan si mommy, seryoso at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya ngayon! Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at akmang magsasalita na sana ako noong mabilis akong natigil sa binabalak. Bumaling sa gawi ko si mommy pinagtaasan ako ng isang kilay.

Damn it! She's scaring me right now! Kahit na wala naman akong atraso sa kanya, her expression is killing me! The intimidating Rhianna Dione Ferrer-Sulivan is back at wala ni isa sa amin ni daddy ang nais bumangga sa mood nito ngayon!

"Who's Lilith?" She coldly asked me.

Napaayos naman ako nang pagkakaupo at palihim na tumingin sa ama. Namataan kong nakatitig lang ito kay mommy kaya naman ay muli kong itinuon ang atensiyon sa kanya. "Okay... First, before I say something about that woman, I would like to tell you that some of my memories are back," saad ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Mabilis na napabaling din sa gawi ko si daddy at gulat na napatitig sa akin.  I sighed. "I know about Azinbar... I know that dad is a dimension traveler and you... you went to that world and stay inside Captain Mary's body, mom."

"Raina... H-How-"

"I also remember about Athena," imporma kong muli sa mga magulang ko. "At may ilang memorya rin ako tungkol kay Cordelia." Mabilis na nagkatinginan ang dalawa at walang imik na bumiling muli sa akin. Malungkot akong ngumiti sa mga magulang ko. "Hindi ko alam kung ano ang rason niyo kung bakit pinabura niyo ang mga alaala ko... but I do trust both of you. Alam kong hindi niyo ako papahirapan nang ganito ng walang sapat na dahilan."

"Raina, anak-"

"Mom," mabilis na saad ko na siyang ikinatigil ni mommy sa pagsasalita. "For years, isa lamang ang nais ko. At iyon ang makita kang masaya. Kaya nga kahit hindi ako sigurado noon, pinili kong paniwalaan ang mga salitang nakasulat sa diary mo. I wanted to see you smile again at alam kong si daddy lamang ang magpapabalik ng ngiti at kasiyahan mo. At kahit may pag-aalinlangan, nagawa kong makarating sa mundong akala ko'y kathang-isip lamang. I was there, mom. Napunta ako sa Azinbar kung saan naroon si daddy. And... And I managed to send him back to you. Nakauwi ito sa'yo."

Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan si daddy. He's still serious, but this time, mas kalmado na ang ekspresyon nito. "One dimension traveler per generation. At dahil ipinanganak ako at wala kang ideya sa existence ko, hindi mo nagawang gamiting muli ang ability mo at hindi ka nakabalik sa mundong ito upang makasama si mommy. I'm sorry, dad."

"Raina, it was not your fault," mabilis na saad ni daddy at tumayo sa kinauupuan niya. Lumapit ito sa akin at lumuhod sa gawing kanan ko. Hinawakan nito ang kamay ko at malungkot na tiningnan ako. Napatitig naman ako sa ama. "Ako dapat ang humingi nang tawad sa'yo." He took a deep breath before speaking again. "For twenty-five years, wala ako sa tabi mo. Wala ako noong ipinanganak ka, noong unang beses mong ihakbang ang mga paa mo... noong unang beses mong makabuo ng salita at sinambit ito... wala ako, Raina. And I'm really sorry for being not around those moments. I'm sorry for being weak, anak. Kung sana'y mas pinagbutihan ko pa ang kakayahang mayroon ako, kung sana'y hindi lang ako umasa sa pagiging dimension traveler, sana'y nakasama mo ako. Sana'y nakasama ko kayo ng mommy mo."

Marahan naman akong umiling dito at humugot ng isang malalim na hininga. "You're not weak, dad," matamang saad ko na siyang ikinatigil nito. "Walang Sulivan na mahina." I smiled at him. "We're not weak. We're just... imperfect," dagdag ko pa at binalingan si mommy. Mabilis naman akong natigilan noong mamataang umiiyak na ito! Maging si daddy ay napasinghap noong magsimulang humikbi si mommy. Nagkatinginan kami ni daddy at mabilis na itinuon sa ina ang buong atensiyon.

"Yanna," alo ni daddy noong nasa tabi na itong muli ni mommy. Hinawakan nito ang kamay ng ina at marahang hinila upang mayakap ito. He gently caressed her back and whispered something to her.

Napatitig lang ako sa dalawa.

Looking at them right now, sa tingin ko'y hindi na mahalaga pa ang dahilan kung bakit nila inalis ang mga alaala ko tungkol sa Azinbar. Just by looking at them, alam kong para sa kapakanan ko ang ginawa nila. I will always forgive them sa kung anong ginawa nila sa akin. I'm old enough to understand our situation. Hindi ako magtatanim nang sama ng loob sa mga magulang ko. After all, I already learned my lesson. Sa lahat ng mga pinagdaanan ko noon, alam ko na kung ano ang tama at mali sa mga desisyong dapat na gawin ko.

"Raina." Napakurap ako noong marinig ang pagtawag ni mommy sa akin. Napaayos ako nang pagkakaupo at napatingin sa kanya. "Do you want us to dispel the magic we used to erase your memories?"

Napaawang ang labi ko sa narinig. Wala sa sarili naman akong napabaling kay daddy. Namataan ko ang malungkot na ekspresyon nito kaya naman ay napatingin muli ako sa ina. "Anong mangyayari sa akin kapag bumalik na ang mga alaala ko?" wala sa sariling tanong ko sa dalawa.

"It's your choice, anak. Ikaw ang magdedesisyon sa kung anong mangyayari sa'yo kapag maibalik na ang mga nawalang alaala mo," maingat na saad ni mommy habang hindi inaalis ang paningin sa akin. "But I want you to know na hindi naging madali para sa amin ng daddy mo ang magdesisyong alisin lahat ng mga alaala mo tungkol sa Azinbar. It was against our will, but we have no choice, Raina. They already warned us about what will happened if you go and visit Helienne. It was a horrible precognition, and no parent will ever agree to let their child suffer and die. Kaya naman napagdesisyunan naming alisin na lamang ang alaala mo tungkol sa mundong pinanggalingan natin. But I guess... We can't stop something that is bound to happen," malungkot na saad ng ina at bumaling kay daddy. Tumingin din si daddy sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay. Namataan ko ang paglunok ni mommy at muling tiningnan ako. "You're a Sulivan... Descendant of the former king of Helienne, King Sulivan. And... I know that you knew already about Athena, right?"

Napatango ako sa ina. Nanatili naman ang titig ko sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin nito. "You're a Sulivan and you're also Athena's descendant." She smiled weakly while looking at me. "Athena was the great warrior of Helienne... No. Not just Helienne, but in the entire Azinbar. She was the greatest and Captain Mary acknowledged that. And Athena... She was our ancestor." Napaawang ang labi ko sa narinig. What?

"Mom... W-What do you mean?" gulong tanong ko sa kanya. Alam kong ancestor nila daddy si King Sulivan ng Helienna, but Athena? Paanong naging ancestor ng mga Ferrer si Athena?

"Athena, the protectress of Helienne, had a child... And before she died, she let her child lived a normal life. She sealed her child's inborn power and hide it to the rest of the world. No one knew about her son's existence except for the Guardians of Azinbar." She paused and took a deep breathe again. "Alfonso. That was the name of Athena's child."

Alfonso...

Alfonso... Wait... Divine Alfonso.

Rhianna Dione Alfonso Ferrer...

Nanlaki ang mga mata ko noong mapagtanto ang lahat-lahat! So, simula pa lang ay konektado na ako sa Azinbar? Both my parent's ancestors were from Azinbar! Oh my God! "Kaya sinabi sa akin ni Athena noon na I'm her descendant... So, iyon ang dahilan at hindi dahil isa akong Sulivan," wala sa sariling saad ko na siyang ikinatango naman ni mommy sa akin. "But... You don't have some kind of abilities, right?"

"Because Athena sealed Alfonso's inborn magic, Raina. At sa hindi malamang dahilan, pati ang mga descendant mismo ni Alfonso ay hindi nagkaroon ng kakayahang gumamit ng mahika. Not until you were born," muling wika ni mommy na siyang ikinatigil kong muli sa puwesto ko. Napatitig ako sa dalawa at mayamaya lang ay napakurap noong may imaheng biglang lumitaw sa isipan ko!

It was Athena! Nasa isang bulwagan ito... Maraming tao at abala ang lahat sa kanya-kanyang usapan at kasiyahan. A party, I guess. She was alone and just looking at someone. Someone that has the same facial features of my father! Wait... Was that King Sulivan?

"You can't have him, Athena."

"Leave me alone, Zagan."

"Sulivan is not the right person for you."

"I don't care."

"Athena!"

"Raina!" Mabilis akong napasinghap at napahawak sa may dibdib ko. My heart is beating so damn fast! Sa bilis nito ay halos hindi na ako makahinga pa! "Raina, ayos ka lang ba?"

Napapikit ako at mabilis na ikinalma ang sarili. Wala sa sarili akong napailing at unti-unting iminulat ang mga mata. Nasa tabi ko ng muli si daddy! "Raina... Tell me, what happened?" He carefully asked me.

Napalunok ako at humugot ng isang malalim na hininga. "I saw some Athena's memory," imporma ko sa ama at umayos nang pagkakaupo. Bumaling ako kay mommy at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. "I want to follow what you want for me, mom, but I don't think na magkakaroon ako ng isang tahimik na buhay kagaya sa naging buhay niyo at ng anak ni Athena noon." Malungkot na tumitig sa akin ang ina. "Is it too much if I ask you to dispel the magic, and let me remember everything I know about Azinbar?" I took a deep breath and looked at my father. Nasa tabi ko pa rin ito at tahimik na nakatitig sa akin. "Helienne is our realm, dad. Ang mga Sulivan dapat ang namamahala sa buong realm na iyon. At sa mga ipinapakita sa akin ni Athena, malakas ang kutob ko na may magbabalik na muling magpapagulo sa realm na iyon."

"Raina, matagal nang kinalimutan ng pamilya ang tungkol sa pamamahala sa buong Helienne. We already accepted the fact that King Sulivan's reign ended when he died and no one from his bloodline will ever accept the throne and will end up dying, facing the same fate as him." Natigilan ako sa tinuran ng ama. "We don't need the throne, Raina. We don't need power and authority. We just want to live peacefully. Yes, Azinbar is our world, but that world already gave up on us. Matagal na nilang kinalimutan ang tungkol sa pamilyang kinabibilangan mo ngayon, Raina."

"Kaya ba ninais niyo ring kalimutan ko ang tungkol dito?"

"Anak-"

"Yes, they abandoned us. They abandoned our families, but... I can't do the same thing, dad." Napalunok ako at napabaling kay mommy. Seryoso na itong nakatingin sa gawi namin. "Athena's showing me something... It was part of her memories at mukhang konektado ito sa precognition na alam niyo."

"Raina-"

"Treyton Duke, stop," mariing wika ni mommy na siyang mabilis na ikinatigil ni daddy sa pagsasalita. Narinig ko ang pagbuntonghiniga nito sa tabi ko at mayamaya lang ay tumayo na ito. Walang ingay itong bumalik sa tabi ni mommy at matamang tiningnan na lang din ako. "Looks like you already made up your mind, Raina." Pagpapatuloy ni mommy sa pagsasalita. "You're my child, so, I know exactly what you'll do if we stop and disagree with you."

"Mommy-"

"So, tell me, Raina Louise... Ano ang nais mong gawin ngayon?" seryosong tanong ni mommy sa akin. Namataan ko ang pag-alma ni daddy ngunit hindi na ito nagsalita pa at nanatiling tahimik sa puwesto niya.

Napalunok akong muli at seryosong sinalubong ang matamang titig ng ina. "Dispel the spell and let me travel dimension again."

"And after that? Ano na ang gagawin mo? You'll save Helienne? Save from what exactly, Raina Louise?" Mas lumamig ang tono nang pananalita ni mommy. Natigilan naman ako at hindi agad nakasagot sa naging tanong niya.

She's right. Ano nga ba ang susunod na gagawin ko? Babalik ako sa Azinbar at magtutungo sa Helienne. And after that... wala na akong ibang ideya sa kung anong gagawin ko sa realm na iyon!

"Kung hindi ako nagkakamali, you told us something about Zagan before. Do you even know who it was? May ideya ka ba kung sino si Zagan at kung bakit ito ipinapakita ni Athena sa'yo?" My mother asked me again. Nakatanga lang ako sa harapan nito at hindi alam ang kung anong dapat na sabihin sa kanya! Damn, I'm speechless! Hindi ko man lang magawang sagutin ang mga katanungan ng ina sa akin! "Zagan will return and annihilate everything. Hell will rise, and the Guardians and the Phoenix of Azinbar will fall. Tama ba ako, Raina? Iyon ang mga katagang binitawan mo noon sa amin."

Napalunok akong muli at mariing kinagat ang pang-ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang sariling dugo. Damn it!

"Saving a realm is not easy, Raina Louise. Saving someone from her own dark self is harder than you could ever imagine. Been there, done that. At alam kong nagawa mo na rin ito noong nasa katawan ka ni Cordelia. Kaya nga nais mong maalala ngayon ang lahat, hindi ba? But saving Helienne is a different story, Raina. Hindi kagaya ng Northend at ng iba pang realm ng Azinbar ang lugar na iyon. Captain Mary and Meredith warned me about that realm and Scarlette, the Seer from Evraren, saw something that concerns you." She sighed and looked at me intently.

"You're brave, smart, and extraordinary, Raina Louise, but it's not enough. Not enough for me to let you enter a dimension and go to that realm." She sighed again. "You need a plan, and I want to hear it from you. I want to know exactly what you want to do before I agree dispelling the magic that erased your memories."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top